"Magluto ka nga ng spaghetti at pakihatid na lang sa library."
Napatigil ako sa paglalaba ng marinig ko si Jared. Kaagad akong tumayo at dumiretso sa Kusina. Sumunod naman si Jared."Lagyan mo ng maraming cheese." Utos ulit nito bago umalis.Sinimulan ko ng magluto ng spaghetti. Ngayon lang sya bumaba simula kaninang umaga, busy kasi sya sa trabaho nya na inuwi nya sa bahay. Sasarapan ko na lang ang lulutuin ko.Kaagad akong umakyat para ibigay sa kanya ang pinaluto nya. Kumatok ako and I was shock ng babae ang nagbukas ng pinto."Great! Honey! Nandito na ang pinaluto mo!" Kinikilig na sabi ng babae. Maganda sya. Nahiya ako bigla aa sarili ko."Pakisabi kay yaya ibaba na lang sa lamesa." Narinig kong utos nya.And yes, katulong ang pakilala nya sa akin sa mga bumibisita sa bahay. Masakit, oo, pero wala akong magagawa."Yaya pakilagay na lang sa table ni Jared." Masiglang utos sa akin ng babae. Nginitian ko sya.Sinunod ko naman sya. Nakita ko si Jared na nakatutok sa laptop nya."Hon, tuloy ba tayo next week sa Canada?" Hindi ko maiwasang makinig sa usapan nila."Yeah. We will stay in Canada for three days." Sagot nya naman. Napahinga na lang ako ng malalim."Really? I'm so excited!" She giggled.Dapat pala inalatan ko ang spaghetti. "May ipag uutos pa po ba kayo Sir?"Napatigil si Jared at gulat na nilingon ako. First time kong tawagin sya na 'Sir', madalas kasi ay Jared lang kapag may bisita sya.Nakabawi naman sya kaagad. "Wala na. Lumabas ka na."Pagkalabas ko ay kaagad akong tumakbo sa kwarto. Hindi lang isang beses nangyari ito, minsan pa nga ay magigising ako sa kalagitnaan ng gabi at makakarinig ng halinghingan sa kabilang kwarto, alam kong may ginagawa silang milagro. Wag ko lang silang makikita sa akto, hindi ko lang alam kung anong magagawa ko.Iyak lang ako ng iyak. Hindi na ako nasanay, asawa nya lang naman ako sa papel. Kaya kahit anong gusto nya ay pwede nyang gawin, hindi ko sya pwedeng pakialaman dahil sasaktan nya lang ako.Tiniis ko ang lahat, para makabayad sa kanya. Malaking halaga ang inutang ng pamilya ko sa kanya, kapalit noon ay ang maging alila at asawa nya ako hanggang sa makabayad kami.Tinigil ko na ang pag-iyak dahil wala namang magbabago kahit lumuha pa ako ng dugo. Tinapos ko na ang paglalaba, wala kaming washing machine, dryer lang. Mayaman sya, pero dahil gusto nyang masulit ang pag aalila sa akin ay hindi sya bumili.8:30pm na ng magising ako, dalawang oras lang ang tulog ko. Wala sya sa tabi ko. Nagtatrabaho ako sa gabi bilang cashier sa isang convenient store, night shift.Nang paalis na ako ay naabutan ko sya sa sala at nanunuod."Saang bar ka ngayon? Marami ka na naman bang customer na naghihintay?" Mapanglait at parang diring diri na sabi nito.Dahil ba sa pang gabi ang trabaho ko ay iisipan nya na ako ng masama?"Mauuna na ako." Yun na lang ang sinabi ko. Lalagpasan ko na sana sya ng bigla nyang hilain ko braso ko na may pasa kaya napasigaw ako sa sakit."May ipagmamayabang ka na ba ha?!" Pinisil nya ang mukha ko at ramdam ko ang kuko nya na bumabaon sa pisngi ko.Tumulo na naman ang luha ko. "Aray ko Jared! Tama na." Pagmamakaawa ko."You bitch! Sinong pinagmamayabang mo? Ang dirty old man mo? Ha?" Halos madurog na ang panga ko sa diin ng pagkakahawak nya.Hindi nya alam ang trabaho ko, kaya kung husgahan nya ako ay ganya. Paano ko ba naman masasabi sa kanya, tuwing lalapit ako at magpapaliwanag ay lalayo sya. Sarado na ang isip nya."Sige, umalis ka na!" Tinulak nya ako kaya napaupo ako sa sofa.Nilingon nya ako bago umakyat sa kwarto namin. Huminga ako ng malalim at pilit na pinipigilan ang umiyak. Lumabas na ako ng bahay para makaalis na.----5:00am na ng makauwi ako sa bahay, hindi naman kasi 8hrs ang pasok ko. P80 per hour pati ang bayad sa amin. Kailangan kong magtiis para may pangdagdag ako pangbayad sa utang namin.Nagluto na ako ng breakfast namin, malakas syang kumain tuwing umaga kaya nagluto ako ng tinola.6:30am na ng bumaba sya, nakabihis na at ready ng umalis."Kumain ka muna." Pag aaya ko sa kanya. Hindi nya ako pinansin pero dumiretso sya sa kusina. Nakaready na ang pagkain nya.Hindi ako sumasabay kumain sa kanya dahil nawawalan daw sya ng gana kapag ako ang kaharap. Itinuloy ko na lang ang pagpalit ng punda ng unan sa sala."Elaisa, pupunta dito mamaya ang mga kaibigan ko. Magluto ka ng mga pagkain." Narinig kong sabi nya mula sa kusina."Ilan sila?" Tanong ko."Five? Not sure." Sagot nya. Hindi na ulit sya nagsalita.Maya-maya lang ay palabas na sya ng bahay. Hinabol ko pa sya. "Jared! Ingat ka." Nginitian ko sya.Ang sagot nya? Isang reaction ng pandidiri. Tanggap ko. Mahal ko kasi sya.Mahal ko sya kaya nagpapakatanga ako sa kanya, na kahit sobrang sakit na ay kumakapit pa rin ako. Hindi kasi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw ay mahalin nya rin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.Sorry.--"Hindi na maganda ang lagay ni Elaisa, I hate to say this but any minute ay maaari na syang bumigay." Sabi ni Doc Felix.Napatingin ako sa pamilya ko at halos matumba si Mama sa narinig na balita. Puno na ng iyakan ang kwarto ko kaya pati na rin ako kay nadamay na. Nilingon ko si Jared na nasa tabi ko habang hawak ang kamay ko, nakatulala sya."Felix, how about the surgery?" Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Doc Felix."Elaisa refused it. There's only 10% chance of survival Tita, at kapag hindi kinaya ng katawan nya ay maaari syang mawala." "A-Anak ko!" Kaagad lumapit sa akin si Mama at Papa, panabay nila akong niyakap."T-T-Tahan na p-po." Nagagawa ko ng magsalita pero hindi na maayos. Ang sabi ni Doc Felix ay magiging permanente na ang ganitong pananalita ko."Patawarin mo kami. H-Hindi kami naging mabuting magulang sayo." Sabi ni Mama. Lumapit din si Mommy para daluhan sina Mama.Ang dami kong gustong sabihin sa kanila pero tanging iling na lang ang nagawa ko. Walang may gu
Naging masaya ang mga lumipas na araw maliban na nga lang sa pagdalas ng sakit ng ulo ko at Oo, hindi ako gumaling. Ngayon ay hindi ko na masabi kung naging successful ba ang operation, walang naging problema pagkatapos pero kagaya nang paliwanag sa akin ay ginaya ng mga cancer cell ang healthy cell kaya hindi tuluyang nawala ang lahat. Pinaliwanag din sa akin ni Doc Felix na 10% lang ang chance ko na mabuhay kung itutuloy pa namin ang operation at maaaring mamatay ako habang isinasagawa 'yun. Noong una ay sinabi nya sa akin na ituloy ang pangalawang operasyon, pumayag kaagad ako kahit na napakalabo noong 10% chance of survival pero noong nalaman ko na I only have two days to prepare for operation ay tumanggi ako. Napaisip ako, paano kung bumigay ang katawan ko? That's why I come to this decision na sulitin ang nalalabing araw ko. Unti-unti ko nang nararamdaman ang panghihina ng katawan ko, kung hindi ako maglalagay ng make up sa mukha ay talagang mahahalata na may sakit ako kaya s
Pagpasok sa building ay sinalubong kami ng titig nang mga tao. Medyo nailang ako dahil sa itsura ko, gusto ko na sanang umatras pero umangkla si Jewel sa braso ko at hinila para makasabay sila sa paglalakad."Good day, Madam." Nginingitian ni Mommy ang mga empleyado na bumabati at sumasalubong.Pagdating sa dulong floor ay nawala na ang kaba ko dahil sa wala nang tao. Tumayo ang secretary ni Jared na nasa labas noong nakita kami."Nandito ba ang anak ko?" Tanong ni Mommy."Yes Madam, pero he's with a client Madam." Sabi nito na parang nataranta."Sino? Tumawag ako kanina sayo, diba? Ang sabi mo wala naman syang meeting ngayon." Sumingit na si Jewel."Busy po ata sya." Hindi ko na rin napigilan ang magsalita."Did you inform him that we'll be in here?" Tanong ulit ni Mommy."Yes, Madam. Tatawagan ko lang po si Sir." Akma nitong ilalagay sa tainga ang telepono nang pigilan sya ni Jewel."No need." Dire-diresto lang 'tong pumasok sa loob ng opisina. "Brother!" Naiwan sa ere ang kamay ni
Pag-uwi namin sa Pilipinas ay sinalubong kaagad si Jared ng trabaho kaya kahit na ayaw nya akong iwan ay wala na syang nagawa. Nakausap ko ang kapatid ni Jared kanina at ang sabi nito ay papasyal sya dito, and that make me happy. Bukas ay kailangan ko rin bisitahin ang boutique na napabayan, ang sabi sa akin ni Jessa ay sya ang pangsamantala na namahala habang wala ako.Nagluto ako ng ilang pagkain para may makakain si Jessa pagpunta dito, ang sabi nya nga kanina ay sa bar na lang daw magkita, nakalimutan ata nito ang sinabi sa kanya ng kuya nya na kagagaling ko lang sa operasyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin akalain na nandito na ako sa Pilipinas, kasama ang mahal ko na kahit sinaktan ko sya ay nandyan pa rin sya sa tabi ko.Ilang saglit lang ay nakarating na si Jessa sa bahay, kaagad itong sumalubong ng yakap sa akin."Sister in law! Namiss kita!" Si Jessa habang umiiyak.Hindi ko alam kung bakit sya umiiyak pero pati ako ay naiiyak na rin. "Namiss din kita."Kwinento ko sa ka
Elaisa's POVIsang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakalabas ng hospital. Nakausap ko sila Doc Felix kahapon and they need to check just to make sure na magaling na ako. May chance daw kasi na gayahin ng cancer cell ang healthy cell, yun ang iniiwasan nila.Sa loob ng isang linggo na yun ay hindi umalis sa tabi ko si Jared. Ramdam ko ang paghihirap nya, hindi nakakatulog ng maayos, hindi nakakakain sa tamang oras. Minsan ay nagigising ako ng madaling araw at makikita ko sya na nagtatrabaho sa harap ng laptop nya. Sinabihan ko na sya na nandito naman sina Doc Felix at maaalalayan ako pero ngumiti lang sya at hinalikan ako sa noo. Pabalik-balik din ang mga nurse para tulungan akong mag exercise para makalakad ng maayos.Minabuti ko na mag-isa habang kausap si Doc. Felix, sya kasi ang magpapaliwanag ng tungkol sa operasyon. Habang kausap sya ay hindi ko mapigilang humagulgol, napakalaki ng pasasalamat ko sa kanilang dalawa ni Venice, kung hindi dahil sa t
Jared's POVMatagal natapos ang operation, normal lang daw yun sabi ni gagong Felix. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin sya. Mas pinili ko na mag-isa sa labas para manalangin.Panginoon, tulungan Nyo po ang mahal kong asawa. I'll do anything just to save her, so please. She's the only reason why I'm still breathing right now. The day she left me, hindi ako kaagad naniwala. Alam ko na hindi nya ako iiwan ng dahil lang sa isang lalaki. Nagpapasalamat ako dahil nagpapakatatag pa rin sya hanggang sa ngayon. So please, God help her.Nagkausap kami kanina ni gagong Felix at humingi sya ng tawad sa lahat ng kalokohan nya. Oo, marami syang kasalanan sa akin. Magkaklase kami noong college, we're close that I even introduced him sa babaeng nililigawan ko, that's Venice. And then one day, nakita ko na lang na magkasama na sila at naghahalikan. Sinapak ko sya malamang, pagkatapos noon ay hindi na kami nag-usap.Ngayon ay hindi ko magawang magalit ng matagal sa kanya dahil sya ang tumulong at nas