Share

Chapter 26

Napabuntong hinunga si Ruth, pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha ng binata.

"Nasisiraan na ata talaga ako ng ulo," wika niya. Magsasalita sana ito subalit naunahan na siya ng dalaga.

"Bakit ba... hindi parin kita makalimutan?" tanong ni Ruth sa sarili habang pinagmamasdan ang imahe ng binata.

Kumunot ang noo si Austin, para bang nagtatanong lamang siya sa sarili niya. Mabilis na umalis sa lugar na iyon si Ruth, hindi na niya naisabay si Tina sa pag-uwi.

Madalas siyang maloko ng isipa, hindi na niya minsan alam kung ano pa ang totoo sa hindi. Pumasok siya ng bahay at hindi inabalang makiusyoso sa pakikipagsagutan ni Ester sa kapitbahay nila. Umakyat siya ng kuwarto at pagbukas pa lamang niya ng pinto ay bumungad sa kanya roon si Austin.

"Ang sabi ko miss na kita," anito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status