LOGIN“Aling Tasing, pabili nga po ng tig-iisang bawang, sibuyas, kamatis at sardinas,” sabi ni George sa matandang tindera nang makarating siya sa harap ng maliit nitong tindahan.
“Bili ba ’yan o utang na naman? Ang haba na ng listahan mo rito. Kailan mo ba babayaran?” tanong nito na nakasalubong na ang kilay sa kanya. “Bukas po,” mahinahon niyang sagot. “Hindi na natapos ang bukas mo. Kinabukasan, uutang ka ulit, tapos bukas na naman ang sagot mo,” nakasimangot pang sabi nito. “Aling Tasing, habang may bukas… may pag-asa kayong mabayaran.” Nilawakan pa niya ang pagkakangiti sa matanda na para bang nang-aasar. Sanay na naman ito sa kanya kaya sa halip na magalit ay napailing na lamang habang iniaabot ang mga inutang niya. Kinuha naman niya ang mga iyon bago muling nagsalita. “Padagdag pa nga po pala ng isang kilong bigas.” Napakamot na lamang ng ulo si Aling Tasing bago sumalok ng bigas at iniabot iyon sa kanya. “Basta bayaran mo ’yan bukas, a. Lugi na negosyo ko sa kakautang mo.” “Opo, Aling Tasing. Salamat!” Masayang naglakad si George sa makipot na eskinita patungo sa kanilang bahay. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit, napansin niya ang ilang pamilyar na mukha sa hindi kalayuan. Bigla siyang napahinto. “Patay na!” Mabilis niyang binalikan ng tingin ang hawak na supot. “Mukhang hindi ko yata maluluto itong pagkain ko. Gutom na gutom pa naman ako. Pucha naman, o! Wrong timing kayo.” Akmang tatalikod na siya nang marinig ang malakas na sigaw ng isa sa mga iyon. “Ayon ang bruhang si George!” “Habulin ninyo bago makatakbo!” sigaw naman ng lider ng grupo na si Celso. “Sabi ko na nga ba! Kung minamalas ka nga naman!” Mabilis siyang tumakbo bago pa man siya maabutan ng mga humahabol sa kanya. Sa tagal niya sa lugar na iyon, kabisado na niya ang mga pasikot-sikot. Kung saan-saan siya lumusot, dumaan sa makikitid na eskinita at sumingit sa pagitan ng mga bahay para lang makaiwas. Mula sa eskinita ay nakalabas siya patungo sa palengke. Alam na niya ang lulusutan pagkatapos niyon. Kailangan niyang makarating sa simbahan kung saan maraming tao at wala nang makakapansin sa kanya kapag doon siya nakihalubilo. Ngunit hindi pa man siya nakalalayo ay may narinig na naman siyang sigaw. “Hoy, George! Iyong isdang inutang mo!” Napalingon siya kay Mang Domeng habang patuloy sa pagtakbo. “Bukas ko na po bayaran!” “George! Iyong gulay mo noong nakaraang linggo! Nakalimutan mong iabot ang bayad!” sigaw naman ni Aling Nida nang makalampas siya sa puwesto nito. “Bukas din po!” Ang dami pang pinagkakautangan niya ang nagsisigaw sa kanyang likuran, ngunit wala na siyang panahon para pansinin ang mga ito. Abala siya sa pagtakbo at hindi siya puwedeng huminto kahit isang segundo. Tanaw na niya ang simbahan kaya mabilis siyang tumawid. Ngunit bago pa siya makarating sa kabilang bahagi ng kalsada, isang kotse ang biglang huminto sa kanyang harapan. Napaatras siya at napahawak sa dibdib. “Hoy!” Sandali niyang tiningnan ang sasakyan. Tinted ang mga salamin nito kaya hindi niya makita kung sino ang nasa loob. Kokomprontahin pa sana niya ang driver nang marinig niyang papalapit na naman ang mga humahabol sa kanya. “Letse! Pasalamat ka!” Itinuro niya ang kotse bago muling tumakbo. Marahil ay alam na rin ng mga humahabol sa kanya kung saan siya pupunta dahil mabilis siyang nasusundan ng mga ito. Mabuti na lang at daig pa niya ang kasali sa national team ng marathon. Walang nakakaabot sa kanya. Pagdating sa simbahan, mabilis siyang pumasok at lumapit sa isang matandang babaeng nagdarasal. “’Nay, tabi tayo a saka pahiram po nito.” Bago pa makapagtanong ang matanda, mabilis na niyang nailagay ang belo nito at itinakip sa kanyang ulo. Yumuko siya at nagkunwaring taimtim na nagdarasal. Isang mata lamang ang nakapikit. Ang isa naman ay bahagyang nakadilat. Gising ang lahat ng kanyang pandama habang pinakikiramdaman kung may sumusunod pa sa kanya. Pasimple siyang luminga. Wala. Wala siyang nakitang kahina-hinalang tao sa paligid. “Takot naman pala sa simbahan ang mga demonyong iyon,” bulong niya. “Siguro ayaw masunog.” Nakakunot pa rin ang noo ng matandang hiniraman niya ng belo habang nakatingin sa kanya. Ngumiti si George nang magtama ang mga mata nila. “Salamat sa belo ninyo, ’Nay.” Hinubad niya iyon at maingat na ibinalik sa matanda. “Matupad nawa lahat ng pangarap ninyo sa buhay at mabuhay kayo nang matagal.” Tumayo siya at pasimpleng lumabas sa gilid ng simbahan. Nakahinga siya nang maluwag nang makumpirmang wala na ang mga taong humahabol sa kanya. Ngunit nang tingnan niya ang hawak na supot, napasimangot siya. Halos wala nang natira kundi iilang butil ng bigas. Ang sardinas na lamang ang buo at ligtas dahil hindi ito nahulog nang mabutas ang supot. “Nadoble na ang pagod ko sa pagtakbo, nawala pa ang kakainin ko.” Lumingon siya sa simbahang pinanggalingan niya bago sarkastikong itinaas ang hawak na supot. “Ang bait mo talaga sa akin, Lord! Thank you sa natirang sardinas! Hindi na ako magluluto. Easy-open can naman ito, e!” Sumalampak siya sa hagdan. Ngunit bago pa niya mabuksan ang sardinas, napansin niya ang batang babae sa labas ng simbahan na nagtitinda ng sampaguita. Panay ang lunok ng bata habang pinagmamasdan siya hawak ang sardinas na dapat sana ay hapunan niya. “Gutom ka ba?” tanong niya rito. Tumango ang bata. Hindi na nagdalawang-isip si George. Iniabot niya rito ang sardinas. “Sige, sa’yo na ’yan. Busog pa naman ako.” Tumayo siya bago pa siya matukso na bawiin iyon. Kaunting butil na lamang ng bigas ang natira sa kanyang supot, kaya isinilid na lang niya iyon sa bulsa. Ilang minuto rin siyang naglakad bago tuluyang makarating sa kanyang apartment. Pagdating niya roon, agad na kumunot ang kanyang noo. Bahagyang nakaawang ang p***o. Hindi naman niya iyon iniwang ganoon. Dahan-dahan niyang kinuha ang walis-tingting na nakasandal sa gilid ng pintuan. Pandepensa, sakaling may ibang taong pumasok sa loob. Maingat siyang lumapit at biglang itinulak ang p***o habang nakataas ang hawak na walis. Ngunit bago pa niya maihampas iyon, mabilis na napigilan ng isang lalaki ang kanyang braso. Napatigil siya. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Pareho silang tila may sinusubukang alalahanin. At bago pa man siya makapagsalita, naunang nagsalita ang lalaki. “Akala ko ba, aalis ka at magiging mayaman ka?” Naningkit ang mga mata ni George. Hindi niya kilala ang lalaki. O hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. “Pakialam mo ba?” matapang niyang tanong. “Sino ka ba? Isa ka ba sa kanila?”“Halika! Maupo ka dito at pag-usapan natin ang kontrata.” Itinuro ni George ang foam na inilatag niya sa sahig.Bahagyang nagulat si Wave sa sinabi nito. Napatingin siya sa foam bago muling tumingin sa babae. “Diyan ako uupo?”“Oo. Ano bang problema? Malinis naman ’yan. Nilalabhan ko ’yan linggo-linggo.” Napatingin si George sa paligid. “Saka may nakikita ka bang ibang upuan? Wala naman, ’di ba? Maliban dito sa isang ito.” Kinuha nito ang maliit na bangkito na ginagamit sa paglalaba at doon naupo.Wala nang nagawa si Wave kundi mapailing. Naupo na rin siya sa foam at humarap sa babae. Inilabas niya mula sa attaché case ang dokumento at iniabot dito.“Here’s the contract.”“Mukhang handang-handa ka, a!” komento ni George habang tinatanggap ang kontrata.Binuksan niya iyon at nagsimulang magbasa. Unti-unting naningkit ang kanyang mga mata habang sinusundan ang mga nakasulat sa bawat pahina. Binuklat pa niya ang mga kasunod bago mul
“Sigurado ka bang dito nakatira ngayon ang babaeng pinapahanap ko?” tanong ni Wave sa assistant niyang si Tom matapos basahin ang papel na hawak nito. Nakasulat doon ang impormasyon tungkol sa babaeng matagal na niyang hinahanap.Tumango si Tom. “Siya lang po ang tumutugma sa sinabi ninyo—dating nakatira sa tabing-dagat at Manalo ang apelyido.”Manalo lang ang natandaan niya sa pangalan ng babaeng nakasama niya sa tabing-dagat nang gabing iyon. Pero hindi niya malilimutan ang sinabi nito tungkol sa apelyido niya.“Manalo ang apelyido ko pero hindi pa ako nananalo sa buong buhay ko. Pero kahit kailan, hinding-hindi ako magpapatalo. Papatunayan ko sa’yo na balang araw, kaya ko ring manalo.”Napangiti siya nang bahagya nang maalala iyon.Muli niyang tiningnan ang hawak na papel. Malinaw na nakasulat doon ang buong pangalan—Georgina “George” Manalo. Mas matagal niyang tinitigan ang larawan nito. Pamilyar ang mukha. Habang pinagmamasdan niya i
“Aling Tasing, pabili nga po ng tig-iisang bawang, sibuyas, kamatis at sardinas,” sabi ni George sa matandang tindera nang makarating siya sa harap ng maliit nitong tindahan.“Bili ba ’yan o utang na naman? Ang haba na ng listahan mo rito. Kailan mo ba babayaran?” tanong nito na nakasalubong na ang kilay sa kanya.“Bukas po,” mahinahon niyang sagot.“Hindi na natapos ang bukas mo. Kinabukasan, uutang ka ulit, tapos bukas na naman ang sagot mo,” nakasimangot pang sabi nito. “Aling Tasing, habang may bukas… may pag-asa kayong mabayaran.”Nilawakan pa niya ang pagkakangiti sa matanda na para bang nang-aasar. Sanay na naman ito sa kanya kaya sa halip na magalit ay napailing na lamang habang iniaabot ang mga inutang niya. Kinuha naman niya ang mga iyon bago muling nagsalita.“Padagdag pa nga po pala ng isang kilong bigas.”Napakamot na lamang ng ulo si Aling Tasing bago sumalok ng bigas at iniabot iyon sa kanya.“Ba
Matapos ang mahabang paliwanagan tungkol sa kontrata ay tuluyan na rin silang nagkasundo.“O, ayan! Pirmado na,” masayang wika ni George matapos niyang pirmahan ang pansamantalang kontrata nila ni Wave. Kailangan pa iyong i-revise ayon sa kondisyon na inilagay niya. Sandali niyang tiningnan ang papel bago biglang napatingin kay Wave.“May cash ka ba diyan?”Napakunot-noo si Wave. “Ha? Bakit kailangan mo ng cash?”“Hindi ba sabi mo babayaran mo lahat ng utang ko? So, magbabayad na ako ngayon. Ang tagal na ng pangako kong bukas kay Aling Tasing para sa bayad ko. Nakakahiya na.”Napangiwi si Wave.Napakasigurista naman ng babaeng ito.“Wala akong cash,” sagot niya.“Ano? Pucha naman, o!” Biglang napahawak si George sa noo. “Dapat pala sinigurado ko munang may pera ka bago ako pumirma sa kontrata. Na-scam mo ako, a!”Hindi makapaniwala si Wave sa mga lumalabas sa bibig nito. Gusto niyang mainis, pero pinigilan niya ang sarili.“I am not a scammer. Wala lang akong dalang cash, pero may tse
Nakamasid si George sa buhangin habang pinagmamasdan ang mga paa niyang bahagyang lumulubog sa bawat paghakbang. Ninanamnam niya ang malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat at nililipad ang mahaba niyang buhok na nakapusod.Huminga siya nang malalim bago tumingala sa langit na unti-unting nagiging kulay indigo habang papalubog ang araw. Namangha siya sa tanawin. Para bang nananalamin ang araw sa ibabaw ng dagat bago tuluyang magpaalam.Sa wakas, isa na namang maghapong pakikipagbaka ang natapos.Ngunit ilang sandali pa lamang ay biglang kumunot ang kanyang noo. May nakita siyang tila isang tao sa mas malalim na bahagi ng dagat. Mabilis niyang hinubad ang suot na tsinelas at tumakbo patungo roon.Samantala, tahimik namang naglalakad si Wave palayo sa dalampasigan. Punong-puno ang kanyang isip ng mga problemang sunod-sunod na nagdatingan na para bang mga alon na walang tigil sa paghampas sa dalampasigan.Problema sa pera. Problema sa







