Share

Chapter 3

Author: Diyosa Mamita
last update publish date: 2026-09-21 10:22:44

“Sigurado ka bang dito nakatira ngayon ang babaeng pinapahanap ko?” tanong ni Wave sa assistant niyang si Tom matapos basahin ang papel na hawak nito. Nakasulat doon ang impormasyon tungkol sa babaeng matagal na niyang hinahanap.

Tumango si Tom. “Siya lang po ang tumutugma sa sinabi ninyo—dating nakatira sa tabing-dagat at Manalo ang apelyido.”

Manalo lang ang natandaan niya sa pangalan ng babaeng nakasama niya sa tabing-dagat nang gabing iyon. Pero hindi niya malilimutan ang sinabi nito tungkol sa apelyido niya.

“Manalo ang apelyido ko pero hindi pa ako nananalo sa buong buhay ko. Pero kahit kailan, hinding-hindi ako magpapatalo. Papatunayan ko sa’yo na balang araw, kaya ko ring manalo.”

Napangiti siya nang bahagya nang maalala iyon.

Muli niyang tiningnan ang hawak na papel. Malinaw na nakasulat doon ang buong pangalan—Georgina “George” Manalo. Mas matagal niyang tinitigan ang larawan nito. Pamilyar ang mukha. Habang pinagmamasdan niya iyon, mas malinaw na bumabalik sa kanyang alaala ang babaeng nakilala niya noon.

“Ihanda mo ang sasakyan,” utos niya. Mabilis naman siyang sinunod ni Tom.

Mag-isa siyang nagtungo sa sinasabing lugar na tinitirhan ngayon ni George. Halos walang madaanan ang sasakyan sa sobrang kipot ng daan. Iisang sasakyan lang ang maaaring pumasok sa loob, pero marami namang nagtitinda sa magkabilang gilid kaya lalo itong sumikip. Ngunit nagpumilit pa rin siyang magpatuloy.

Matagal-tagal din niyang hinanap ang babaeng iyon. Ngayon na alam na niya kung saan ito nakatira, ayaw na niyang palampasin ang pagkakataong makita ito.

Mabilis niyang tinapakan ang preno nang may biglang sumulpot na babae sa kanyang harapan. Halatang nainis ito sa muntik nang pagkakabangga. Itinuro pa nito ang kanyang sasakyan tila nagbabala bago mabilis na tumakbo palayo.

Napakunot-noo si Wave. Nakita niya ang mga taong humahabol dito. Mas lalo siyang nagtaka nang mapagtantong pamilyar ang babae. Muli niyang tiningnan ang hawak na bio sheet.

Siya nga iyon.

Ititigil pa sana niya ang sasakyan para habulin ito nang makita niyang pumasok sa loob ng isang simbahan, ngunit sunod-sunod na bumusina ang mga sasakyang nasa likuran niya. Halatang naiinip na ang mga ito.

Napabuntong-hininga siya. Dumiretso na lang siya sa lugar na sinasabing tinitirhan nito. Tiyak naman siyang uuwi rin doon si George.

Bago pa man siya makapasok sa isang kanto na tila dead end na, may pumara sa kanyang sasakyan.

“Hanggang dito na lang po puwedeng pumasok ang sasakyan,” paliwanag ng isang lalaki. “Sobrang kipot na po sa loob. Hanapan na lang kita ng mapaparadahan.”

Napilitan siyang bumaba at maglakad. Pagdating niya sa isang tindahan, nagtanong siya sa matandang babaeng nakabantay roon.

“Dito po ba nakatira si Georgina Manalo?” magalang niyang tanong.

“Georgina?” Nag-isip muna ang matanda bago biglang nagbago ang ekspresyon nito. “Ah, si George ba?”

Tumango siya.

“Doon siya nakatira sa may eskinitang iyon.” Itinuro nito ang makipot na daan sa kaliwang bahagi.

“Salamat po.”

“Basta pagpasok mo diyan, ipagtanong mo lang kung saan ang apartment na tinutuluyan ni George,” pahabol pa ng matanda.

Tumango siya saka nagpatuloy sa itinurong eskinita.

Sumalubong sa kanya ang amoy ng burak mula sa kanal na tila matagal nang hindi nalilinis. Hindi niya iyon alintana. Minsan na rin naman siyang nanirahan sa ganoong klaseng lugar, kaya hindi siya gaanong nabigla sa paligid.

Ilang bahay lang ang layo ng apartment mula sa tindahan ng matanda kaya agad niya iyong natunton. Agad siyang pinatuloy ng landlady matapos niyang magpakilala bilang kaibigan ni George.

“Maghintay ka na lang diyan sa loob. Mamaya lang ay tiyak na darating na iyon,” sabi nito bago siya iniwan.

Dahan-dahang nilibot ni Wave ang mga mata sa paligid. Napakaliit ng lugar. Parang isang kuwarto na nagsilbing imbakan ng kung anu-ano dahil sa dami ng mga nakakalat at nakasabit sa paligid. May maliit pang foam na nakasandal sa pader.

Napailing siya. Hindi niya akalaing ganito ang kalagayan ni George ngayon. Umupo siya sa nag-iisang maliit na bangko roon.

Habang naghihintay, iniisip niya kung ano ang sasabihin kapag nagkita na sila. Hindi rin niya maiwasang isipin kung papayag ba ito sa gusto niyang mangyari. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito.

Pero kailangan niyang subukan.

Hindi pa man siya nagtatagal sa paghihintay ay nakarinig na siya ng kaluskos mula sa labas. Agad siyang tumayo. Sasalubungin sana niya si George nang bigla nitong iamba sa kanya ang isang walis-tingting. Mabuti na lamang at mabilis niya iyong napigilan.

Saglit silang nagkatitigan. Parang walang nagbago. Ang unang beses na nagkita sila ay ganoon din—magulo, biglaan, at hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari.

“Akala ko ba, aalis ka at magiging mayaman ka?” tanong niya.

Naningkit ang mga mata ni George.

“Pakialam mo ba? Sino ka ba? Isa ka ba sa kanila?”

Kumunot ang noo niya. Hindi siya nakilala nito.

“Mukha ba akong sangganong nanghahabol sa’yo?” balik niyang tanong.

Napatingin si George sa kanya mula ulo hanggang paa. Maya-maya ay napag-isip-isip nitong hindi nga siya kasama ng mga taong kanina pa humahabol sa kanya. Dahan-dahan nitong ibinaba ang hawak na walis bago muling humarap sa kanya.

“Kung ganoon, sino ka? Bakit ka nandito?”

“Nandito ako para tuparin ang pangako ko sa’yo.”

“Pangako?”

“Oo.” Tumitig siya rito. “Hindi ba’t nangako tayo sa isa’t isa na kapag yumaman ang isa sa atin ay iaahon natin sa hirap ang isa?”

Saglit siyang huminto.

“Kaya heto, nandito ako.”

Matagal siyang tinitigan ni George. Halatang hindi ito kumbinsido sa sinasabi niya. Napakaraming taong dumating sa buhay nito at nawala. Sa paraan ng pagtitig nito sa kanya, malinaw na hindi ito basta naniniwala sa mga sinasabi niya.

“Niloloko mo ba ako?” tanong nito. “Hindi nga kita kilala tapos sasabihin mo na nangako ako sa’yo?”

Napakunot ang noo niya. “Hindi mo talaga ako naaalala?”

“Dapat ba?”

Hindi siya agad nakasagot. Muli niyang tiningnan ang babaeng kaharap. Sa isip niya, malinaw pa rin ang gabing iyon sa tabing-dagat. Ang usapan nila. Ang pangako nito. Pero para rito, tila isang estranghero pa rin siya.

“Hindi mahalaga kung naaalala mo ako o hindi,” sabi niya sa huli. “Ang mahalaga, nandito ako para tuparin ang pangako.”

Napahawak si George sa baywang.

“Ano kamo? Tutuparin mo ang pangakong iaahon mo ako sa hirap? Ibig sabihin, gusto mong bayaran ang lahat ng utang ko?”

Nakangiti siyang tumango.

“E ano namang kapalit?”

Diretso niyang tiningnan ang mga mata nito. “Pakasalan mo ako at maging asawa ko.”

Literal na napanganga si George. “Ha? Ano? Asawa? Kasal?”

Napailing pa ito na para bang sinusubukang intindihin ang narinig.

“Naligaw ka ba sa lugar na ito o may sira ang tuktok mo? Bakit naman ako papayag na magpakasal sa isang estranghero?”

“Hindi mo ba gustong bayaran ko ang lahat ng utang mo?”

Biglang natigilan si George.

Naisip nito ang lahat ng utang—pati ang mga interes na patuloy na nadaragdagan habang hindi niya nababayaran. Naisip din nito ang mga sangganong walang tigil na tumutugis sa kanya. Pagod na siyang tumakbo nang tumakbo. Hindi dahil tinatakbuhan niya ang obligasyon niya, kundi dahil wala talaga siyang sapat na pera para mabayaran ang mga ito.

Kahit sampung trabaho pa ang magkaroon siya sa isang araw, hindi niya alam kung kailan niya matatapos ang lahat. Paulit-ulit lang ang naging ikot ng buhay niya.

Utang.

Bayad.

Tapos mangungutang ulit.

Napatingin siyang muli sa lalaki. “Ano ulit ang kapalit ng pagpapakasal ko sa’yo?”

“Marry me and I will pay all of your debt,” kumpiyansang tugon nito.

“All?” Nanlaki ang mga mata niya. “As in lahat-lahat? Pati interes na nanganak ng interes?”

Tumango ulit ito.

Wala nang mahabang pag-iisip.

“Okay, deal.” Agad niyang kinuha ang kamay nito at nakipagkamay. Ngunit mabilis din niya iyong binitiwan. Parang bigla niyang naalala kung gaano karaming bagay ang kailangan nilang pag-usapan.

“Halika!” Pinulot niya ang ilang gamit na nakakalat sa sahig bago inilatag ang foam na nakasandal sa pader. “Maupo ka dito at pag-usapan natin ang kontrata.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • All of My Debt   Chapter 4

    “Halika! Maupo ka dito at pag-usapan natin ang kontrata.” Itinuro ni George ang foam na inilatag niya sa sahig.Bahagyang nagulat si Wave sa sinabi nito. Napatingin siya sa foam bago muling tumingin sa babae. “Diyan ako uupo?”“Oo. Ano bang problema? Malinis naman ’yan. Nilalabhan ko ’yan linggo-linggo.” Napatingin si George sa paligid. “Saka may nakikita ka bang ibang upuan? Wala naman, ’di ba? Maliban dito sa isang ito.” Kinuha nito ang maliit na bangkito na ginagamit sa paglalaba at doon naupo.Wala nang nagawa si Wave kundi mapailing. Naupo na rin siya sa foam at humarap sa babae. Inilabas niya mula sa attaché case ang dokumento at iniabot dito.“Here’s the contract.”“Mukhang handang-handa ka, a!” komento ni George habang tinatanggap ang kontrata.Binuksan niya iyon at nagsimulang magbasa. Unti-unting naningkit ang kanyang mga mata habang sinusundan ang mga nakasulat sa bawat pahina. Binuklat pa niya ang mga kasunod bago mul

  • All of My Debt   Chapter 3

    “Sigurado ka bang dito nakatira ngayon ang babaeng pinapahanap ko?” tanong ni Wave sa assistant niyang si Tom matapos basahin ang papel na hawak nito. Nakasulat doon ang impormasyon tungkol sa babaeng matagal na niyang hinahanap.Tumango si Tom. “Siya lang po ang tumutugma sa sinabi ninyo—dating nakatira sa tabing-dagat at Manalo ang apelyido.”Manalo lang ang natandaan niya sa pangalan ng babaeng nakasama niya sa tabing-dagat nang gabing iyon. Pero hindi niya malilimutan ang sinabi nito tungkol sa apelyido niya.“Manalo ang apelyido ko pero hindi pa ako nananalo sa buong buhay ko. Pero kahit kailan, hinding-hindi ako magpapatalo. Papatunayan ko sa’yo na balang araw, kaya ko ring manalo.”Napangiti siya nang bahagya nang maalala iyon.Muli niyang tiningnan ang hawak na papel. Malinaw na nakasulat doon ang buong pangalan—Georgina “George” Manalo. Mas matagal niyang tinitigan ang larawan nito. Pamilyar ang mukha. Habang pinagmamasdan niya i

  • All of My Debt   Chapter 2

    “Aling Tasing, pabili nga po ng tig-iisang bawang, sibuyas, kamatis at sardinas,” sabi ni George sa matandang tindera nang makarating siya sa harap ng maliit nitong tindahan.“Bili ba ’yan o utang na naman? Ang haba na ng listahan mo rito. Kailan mo ba babayaran?” tanong nito na nakasalubong na ang kilay sa kanya.“Bukas po,” mahinahon niyang sagot.“Hindi na natapos ang bukas mo. Kinabukasan, uutang ka ulit, tapos bukas na naman ang sagot mo,” nakasimangot pang sabi nito. “Aling Tasing, habang may bukas… may pag-asa kayong mabayaran.”Nilawakan pa niya ang pagkakangiti sa matanda na para bang nang-aasar. Sanay na naman ito sa kanya kaya sa halip na magalit ay napailing na lamang habang iniaabot ang mga inutang niya. Kinuha naman niya ang mga iyon bago muling nagsalita.“Padagdag pa nga po pala ng isang kilong bigas.”Napakamot na lamang ng ulo si Aling Tasing bago sumalok ng bigas at iniabot iyon sa kanya.“Ba

  • All of My Debt   Chapter 5

    Matapos ang mahabang paliwanagan tungkol sa kontrata ay tuluyan na rin silang nagkasundo.“O, ayan! Pirmado na,” masayang wika ni George matapos niyang pirmahan ang pansamantalang kontrata nila ni Wave. Kailangan pa iyong i-revise ayon sa kondisyon na inilagay niya. Sandali niyang tiningnan ang papel bago biglang napatingin kay Wave.“May cash ka ba diyan?”Napakunot-noo si Wave. “Ha? Bakit kailangan mo ng cash?”“Hindi ba sabi mo babayaran mo lahat ng utang ko? So, magbabayad na ako ngayon. Ang tagal na ng pangako kong bukas kay Aling Tasing para sa bayad ko. Nakakahiya na.”Napangiwi si Wave.Napakasigurista naman ng babaeng ito.“Wala akong cash,” sagot niya.“Ano? Pucha naman, o!” Biglang napahawak si George sa noo. “Dapat pala sinigurado ko munang may pera ka bago ako pumirma sa kontrata. Na-scam mo ako, a!”Hindi makapaniwala si Wave sa mga lumalabas sa bibig nito. Gusto niyang mainis, pero pinigilan niya ang sarili.“I am not a scammer. Wala lang akong dalang cash, pero may tse

  • All of My Debt   Chapter 1

    Nakamasid si George sa buhangin habang pinagmamasdan ang mga paa niyang bahagyang lumulubog sa bawat paghakbang. Ninanamnam niya ang malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat at nililipad ang mahaba niyang buhok na nakapusod.Huminga siya nang malalim bago tumingala sa langit na unti-unting nagiging kulay indigo habang papalubog ang araw. Namangha siya sa tanawin. Para bang nananalamin ang araw sa ibabaw ng dagat bago tuluyang magpaalam.Sa wakas, isa na namang maghapong pakikipagbaka ang natapos.Ngunit ilang sandali pa lamang ay biglang kumunot ang kanyang noo. May nakita siyang tila isang tao sa mas malalim na bahagi ng dagat. Mabilis niyang hinubad ang suot na tsinelas at tumakbo patungo roon.Samantala, tahimik namang naglalakad si Wave palayo sa dalampasigan. Punong-puno ang kanyang isip ng mga problemang sunod-sunod na nagdatingan na para bang mga alon na walang tigil sa paghampas sa dalampasigan.Problema sa pera. Problema sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status