Share

Chapter 5

Author: Diyosa Mamita
last update publish date: 2026-09-21 10:21:05

Matapos ang mahabang paliwanagan tungkol sa kontrata ay tuluyan na rin silang nagkasundo.

“O, ayan! Pirmado na,” masayang wika ni George matapos niyang pirmahan ang pansamantalang kontrata nila ni Wave. Kailangan pa iyong i-revise ayon sa kondisyon na inilagay niya. Sandali niyang tiningnan ang papel bago biglang napatingin kay Wave.

“May cash ka ba diyan?”

Napakunot-noo si Wave. “Ha? Bakit kailangan mo ng cash?”

“Hindi ba sabi mo babayaran mo lahat ng utang ko? So, magbabayad na ako ngayon. Ang tagal na ng pangako kong bukas kay Aling Tasing para sa bayad ko. Nakakahiya na.”

Napangiwi si Wave.

Napakasigurista naman ng babaeng ito.

“Wala akong cash,” sagot niya.

“Ano? Pucha naman, o!” Biglang napahawak si George sa noo. “Dapat pala sinigurado ko munang may pera ka bago ako pumirma sa kontrata. Na-scam mo ako, a!”

Hindi makapaniwala si Wave sa mga lumalabas sa bibig nito. Gusto niyang mainis, pero pinigilan niya ang sarili.

“I am not a scammer. Wala lang akong dalang cash, pero may tseke ako.”

Agad na nanlaki ang mga mata ni George. “Talaga?”

Tumango siya saka kinuha ang tseke mula sa dala niyang case.

“Wow! Ibang klase ka. Ganyan nga pala ngayon ang mga mayayaman. Hindi gumagamit ng cash.” Tuwang-tuwa nitong inilahad ang palad. “Bakit ba hindi ko naisip iyon? Nasaan na? Akin na.”

Napailing na lamang si Wave bago iniabot dito ang tseke.

Lalong nangislap ang mga mata ni George. Para bang ngayon lamang ito nakakita ng tunay na tseke.

“Hanep talaga. Ganito kakapal pala ’yan?” Tiningnan pa nito ang tseke mula sa magkabilang gilid. “Ang dami kong mababayaran nito.”

“Balak mo bang bayaran lahat ng utang mo ngayon?”

“S’yempre naman!” mabilis nitong sagot. “Hindi puwedeng umalis ako rito na hindi ako nakakabayad. Gusto mo bang hunting-in pa ako ng mga iyon hanggang sa inyo?”

Umiling naman siya.

“I want a peaceful life,” dagdag nito. “Tama naman ang English ko, ’di ba?” Tinaas-taas pa nito ang kilay na para bang naghihintay ng marka.

Napabuntong-hininga siya bago tumango.

“Ha! Marunong din pala ako,” may pagmamayabang pang sambit nito. “So, ano pang hinihintay mo? Tumayo ka na riyan at umpisahan na natin ang Operation Pagbabayad ng Utang!”

Napailing siya bago tumayo mula sa foam. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o susuko na lamang?

Napangiti siya nang mapansing hindi nawala ang excitement sa mukha nito habang hawak ang tseke. Parang hindi lang pera ang hawak nito. Parang hawak nito ang unang pagkakataon na makakatulog ito nang walang iniisip na hinahabol na bayarin. At sa kung anong dahilan, nakaramdam siya ng kakaibang saya nang makita iyon. Wala siyang nagawa kundi samahan ito.

Nang makarating sila sa tindahan ay tuwang-tuwang iwinagayway ni George ang hawak na tseke.

“Aling Tasing! Magbabayad na ako!”

“Ano iyang hawak mo?” nagtatakang tanong ng matandang tindera.

Inilapag ni George ang tseke sa harapan ng tindahan bago sumagot na para bang kailangan niyang ipaliwanag iyon. “Hindi ninyo po ba alam kung ano ito, Aling Tasing? Tseke ito! Tseke! Ginagamit ito ng mga mayayaman pangbayad ng bills. Kaya ’yung bills ko sa inyo, babayaran ko na po.”

“Talaga? Sige, compute-in ko lang kung magkano,” sabi ng matanda saka kinuha ang listahan at calculator.

“’Di ba two thousand pesos iyon?” tanong pa ni George na para bang mabilis niyang na-compute ang sarili niyang utang nang hindi nagbibilang.

Tumango na lang si Aling Tasing matapos makita na sapat ang sinabing halaga ni George.

“Gagawin ko na pong two thousand five hundred para may interest. Nakakahiya naman po kasi sa inyo dahil ang dami kong naging bukas sa inyo.”

Napangiti ang matanda. “Hay, salamat naman. Tumubo rin ako sa’yo.”

Napangiti rin si George habang sinusulat ang halaga sa tseke. “Akin na ang ID ninyo, Aling Tasing, kasi kailangan ninyo ito sa bangko para ma-withdraw ang pera.”

Agad namang inabot ng matanda ang ID. Tiningnan iyon ni George bago ibinalik sa may-ari kasabay ng pag-abot ng tseke.

“O, ayan! Aling Tasing, bayad na po ako at may interest pa.”

“Naku! Maraming salamat talaga at sa wakas ay nakabayad ka na.” Tiningnan ng matanda ang tseke na para bang ayaw pa ring maniwala. “Saan mo pala nakuha ang tseke na ito?”

Ngiting-ngiti si George habang tinitingnan ang lalaking tahimik lamang na nakatayo sa tabi niya. Itinuro niya ito.

“Sa kanya po.”

Kunot-noo namang tiningnan ito ng matanda. “Sino siya?”

“Asawa niya po,” mabilis namang tugon ni Wave.

“Correction!” madiing sambit ni George kasabay ang panlalaki ng mata. “Magiging asawa pa lang. Hindi mo pa naayos ang tamang kontrata, ’di ba?”

“Ganoon na rin iyon, magiging asawa pa rin kita.” nakangiting pang-aasar ni Wave. Bahagya siyang yumuko para bumulong. “Tandaan mo, isa pa lang ang nababayaran mo.”

Biglang nagbago ang mukha ni George. Napilitan itong ngumiti. “Oo nga po. Asawa ko po siya…”

Saglit na tumingin si George kay Wave bago muling bumaling kay Aling Tasing. “…pero ngayon ko lang din po siya nakilala.”

Napakunot-noo ang matanda. “Ngayon lang?”

“Opo.”

Hindi na nakapagsalita si Wave.

May kung anong nakakatawa sa sitwasyon, pero sa totoo lang, hindi rin niya alam kung paano ipapaliwanag ang relasyon nila. Kontrata pa lang at malayo pa sa totoong kasal.

Muling tumingin si George sa kanya. “Ano nga ulit ang pangalan mo?”

“Wave,” tipid niyang sagot.

“Ah, iyon! Siya si Wave.” Kumunot ang noo nito. “Teka, hindi naman iyon ang sinabi mong pangalan kanina, a.”

“Yes, my name is Alonzo Valmoria, but you can call me Wave.”

“Alonzo tapos Wave? Ang layo, a!”

Napangiti siya dahil iyon rin mismo ang unang sinabi nito nang magpakilala siya noon pero nakakatawa na hindi nito naalala.

“Pero sige na nga. Kahit ano pang pangalan mo, basta ikaw ang magbabayad ng lahat ng utang ko.” Wala talaga itong preno. Napailing na lang siya.

Muling binalingan ni George si Aling Tasing.

“Basta, Aling Tasing, agahan ninyo ang punta sa bangko bukas, ha. Dalhin ninyo ang ID ninyo at i-double-check ninyo.”

“Oo, George. Salamat talaga dito.” Ngiting-ngiti ang matanda habang ipinapakita ang hawak na tseke.

“Walang anuman po. Sige, aalis po muna kami. Magbabayad pa po ako ng utang ko sa palengke.”

Pagkasabi niyon ay agad nang sumunod si George kay Wave hanggang sa nakaparada nitong sasakyan. Kita pa ang pagkamangha sa mukha nito nang makita ang sasakyan.

“Sa’yo ba ito?”

Tumango naman siya saka binuksan ang p***o sa front seat para kay George. Nag-alangan pa si George bago sumakay.

“May problema ba?” tanong pa ni Wave.

“Pamilyar itong sasakyan na ito. Parang…” tila malalim ang iniisip nito bago naniningkit ang mga matang nagsalita. “parang ito ang sasakyang muntik ng bumangga sa akin.”

Napalunok naman si Wave. Hindi niya masabing siya nga iyon.

“Ah, baka kamukha lang,” bawi naman ni George sa paratang saka naupo na sa upuan na nasa unahan. Dinama pa nitong maigi ang lambot niyon saka malapad na ngumiti. “Astig! Pati upuan, ang lambot!”

Tahimik namang nakatingin si Wave habang pinagmamasdan si George na ngayon naman ay abala sa pagtingin sa tseke. Kitang-kita sa mga mata nito ang saya na makahawak ng iba’t ibang bagay na hindi pamilyar para sa kanya.

“George,” tawag niya.

“Hm?”

“Sigurado ka ba sa sinulat mo sa tseke?”

“Oo naman!” Napatingin ito sa kanya na parang hindi maintindihan kung bakit niya iyon itinatanong. “Hindi mo ba nakita? Tuwang-tuwa si Aling Tasing habang pinipirmahan ko ang tseke.”

Natigilan siya. “Pinirmahan mo?”

“S’yempre!” buong pagmamalaki nitong sagot. “Ang ganda kaya ng pirma ko!”

Napapikit siya sandali.

Oh George! Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.

“But you don’t have to do that. I already signed it. It will be forfeited.”

Napatingin sa kanya si George. Maya-maya ay kumurap ito. “Ha?”

Napabuntong-hininga siya. Hindi na niya kailangang hulaan kung naiintindihan nito ang sinabi niya.

“Never mind,” sabi na lamang niya.

Hindi na rin ito nagtanong. Sa halip, muli nitong tiningnan ang tseke at ngumiti. Bukod sa English, wala rin naman itong pakialam sa kung anuman ang sinasabi niya.

Ang mahalaga kay George, may una nang nabayarang utang at may iba pang kailangang mabayaran. Parang sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, pakiramdam niya ay may katapusan din pala ang walang katapusang paghabol ng mga utang sa kanya.

Ngumiti siya habang mahigpit na hawak ang tseke. “Operation Pagbabayad ng Utang,” bulong niya sa sarili.

Napailing si Wave pero hindi nito napigilang mapangiti rin. Mukhang mahaba-habang pasensya ang kakailanganin niya sa babaeng ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • All of My Debt   Chapter 4

    “Halika! Maupo ka dito at pag-usapan natin ang kontrata.” Itinuro ni George ang foam na inilatag niya sa sahig.Bahagyang nagulat si Wave sa sinabi nito. Napatingin siya sa foam bago muling tumingin sa babae. “Diyan ako uupo?”“Oo. Ano bang problema? Malinis naman ’yan. Nilalabhan ko ’yan linggo-linggo.” Napatingin si George sa paligid. “Saka may nakikita ka bang ibang upuan? Wala naman, ’di ba? Maliban dito sa isang ito.” Kinuha nito ang maliit na bangkito na ginagamit sa paglalaba at doon naupo.Wala nang nagawa si Wave kundi mapailing. Naupo na rin siya sa foam at humarap sa babae. Inilabas niya mula sa attaché case ang dokumento at iniabot dito.“Here’s the contract.”“Mukhang handang-handa ka, a!” komento ni George habang tinatanggap ang kontrata.Binuksan niya iyon at nagsimulang magbasa. Unti-unting naningkit ang kanyang mga mata habang sinusundan ang mga nakasulat sa bawat pahina. Binuklat pa niya ang mga kasunod bago mul

  • All of My Debt   Chapter 3

    “Sigurado ka bang dito nakatira ngayon ang babaeng pinapahanap ko?” tanong ni Wave sa assistant niyang si Tom matapos basahin ang papel na hawak nito. Nakasulat doon ang impormasyon tungkol sa babaeng matagal na niyang hinahanap.Tumango si Tom. “Siya lang po ang tumutugma sa sinabi ninyo—dating nakatira sa tabing-dagat at Manalo ang apelyido.”Manalo lang ang natandaan niya sa pangalan ng babaeng nakasama niya sa tabing-dagat nang gabing iyon. Pero hindi niya malilimutan ang sinabi nito tungkol sa apelyido niya.“Manalo ang apelyido ko pero hindi pa ako nananalo sa buong buhay ko. Pero kahit kailan, hinding-hindi ako magpapatalo. Papatunayan ko sa’yo na balang araw, kaya ko ring manalo.”Napangiti siya nang bahagya nang maalala iyon.Muli niyang tiningnan ang hawak na papel. Malinaw na nakasulat doon ang buong pangalan—Georgina “George” Manalo. Mas matagal niyang tinitigan ang larawan nito. Pamilyar ang mukha. Habang pinagmamasdan niya i

  • All of My Debt   Chapter 2

    “Aling Tasing, pabili nga po ng tig-iisang bawang, sibuyas, kamatis at sardinas,” sabi ni George sa matandang tindera nang makarating siya sa harap ng maliit nitong tindahan.“Bili ba ’yan o utang na naman? Ang haba na ng listahan mo rito. Kailan mo ba babayaran?” tanong nito na nakasalubong na ang kilay sa kanya.“Bukas po,” mahinahon niyang sagot.“Hindi na natapos ang bukas mo. Kinabukasan, uutang ka ulit, tapos bukas na naman ang sagot mo,” nakasimangot pang sabi nito. “Aling Tasing, habang may bukas… may pag-asa kayong mabayaran.”Nilawakan pa niya ang pagkakangiti sa matanda na para bang nang-aasar. Sanay na naman ito sa kanya kaya sa halip na magalit ay napailing na lamang habang iniaabot ang mga inutang niya. Kinuha naman niya ang mga iyon bago muling nagsalita.“Padagdag pa nga po pala ng isang kilong bigas.”Napakamot na lamang ng ulo si Aling Tasing bago sumalok ng bigas at iniabot iyon sa kanya.“Ba

  • All of My Debt   Chapter 5

    Matapos ang mahabang paliwanagan tungkol sa kontrata ay tuluyan na rin silang nagkasundo.“O, ayan! Pirmado na,” masayang wika ni George matapos niyang pirmahan ang pansamantalang kontrata nila ni Wave. Kailangan pa iyong i-revise ayon sa kondisyon na inilagay niya. Sandali niyang tiningnan ang papel bago biglang napatingin kay Wave.“May cash ka ba diyan?”Napakunot-noo si Wave. “Ha? Bakit kailangan mo ng cash?”“Hindi ba sabi mo babayaran mo lahat ng utang ko? So, magbabayad na ako ngayon. Ang tagal na ng pangako kong bukas kay Aling Tasing para sa bayad ko. Nakakahiya na.”Napangiwi si Wave.Napakasigurista naman ng babaeng ito.“Wala akong cash,” sagot niya.“Ano? Pucha naman, o!” Biglang napahawak si George sa noo. “Dapat pala sinigurado ko munang may pera ka bago ako pumirma sa kontrata. Na-scam mo ako, a!”Hindi makapaniwala si Wave sa mga lumalabas sa bibig nito. Gusto niyang mainis, pero pinigilan niya ang sarili.“I am not a scammer. Wala lang akong dalang cash, pero may tse

  • All of My Debt   Chapter 1

    Nakamasid si George sa buhangin habang pinagmamasdan ang mga paa niyang bahagyang lumulubog sa bawat paghakbang. Ninanamnam niya ang malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat at nililipad ang mahaba niyang buhok na nakapusod.Huminga siya nang malalim bago tumingala sa langit na unti-unting nagiging kulay indigo habang papalubog ang araw. Namangha siya sa tanawin. Para bang nananalamin ang araw sa ibabaw ng dagat bago tuluyang magpaalam.Sa wakas, isa na namang maghapong pakikipagbaka ang natapos.Ngunit ilang sandali pa lamang ay biglang kumunot ang kanyang noo. May nakita siyang tila isang tao sa mas malalim na bahagi ng dagat. Mabilis niyang hinubad ang suot na tsinelas at tumakbo patungo roon.Samantala, tahimik namang naglalakad si Wave palayo sa dalampasigan. Punong-puno ang kanyang isip ng mga problemang sunod-sunod na nagdatingan na para bang mga alon na walang tigil sa paghampas sa dalampasigan.Problema sa pera. Problema sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status