All of me... loves all of you

All of me... loves all of you

last updateTerakhir Diperbarui : 2023-06-02
Oleh:  VRINDATamat
Bahasa: English
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
46Bab
2.6KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

Gordon has fallen in love with Sharon since the first day he met her, even before knowing she is his chosen mate. But a lycan and a human mating has never been heard of and is forbidden, because human are fragile species and he could kill her in mating process but not being with her and loving her is already killing him. ****** Maxwell stay back and look at his son’s dishevel hair and resentful look, he questioned him. “Is she your mate?” “I don’t know” he sigh “I just have the fearful feeling whenever I see her, as if I might lose her.” He slowly places his hand on his shoulder, “Son, don’t take me wrong, but if she is not your mate you have to let her be. Sometime we feel attracted to things that are not meant to be.” He look at his father with painful eyes “What will happen to her when you find your mate, you know we have no control over us at that time. She is so young; you might end up breaking her.” “I have no control over my emotion when it concerns her, dad. I know you are right and I will distant myself from her once she is ok.”

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1 - The Future Emperor

"Hayop ka! Bakit mo nagawa sa akin ito?" Umiiyak na ipinalo ni Shaina ang isang kamao sa dibdib ni Rex.

"I'm sorry, babe, pero siya ang pumupuno ng pagkukulang mo bilang kasintahan ko."

Awang ang mga labi at hindi makapaniwalang pinakatitigan ni Shaina ang nobyo. Gusto niya itong sampalin ngunit parang binalot ng yello maging ang mga kamay niya, at naging paralisado katulad ng kaniyang pusong sugatan. Dahil lang sa hindi niya maibigay ang katawan dito ay naghanap na ito ng ibang maparausan? Pero bakit sa pinsan niya pa na alam nitong kaagaw niya sa lahat ng bagay? Alam din nito kung bakit gusto niyang kasal muna bago isuko ang sarili dito.

"Kailan mo pa ako niloloko?" mahinahon ang tono ngunit nag-aalab sa galit ang mga titig niya sa binata.

Mabilis na nag-iwas ng tingin si Rex sa dalaga. Bigla siyang nakunsensya ngunit hindi na siya makawala kay Lovely. Nahahati ang kaniyang puso ngayon, hindi niya akalaing maagang malaman ng nobya ang tungkol sa lihim nilang relasyon ng pinsan nito.

"C'mon, Rex, tell her the truth at nang makaalis na siya dahil nabibingi na ako sa kadramahan niyan!"

Nanlilisik ang mga matang ibinaling ni Shaina ang tingin sa kaniyang pinsan. Tangkang sugurin niya ito upang saktan ngunit humarang si Rex sa kaniyang daanan. Gusto niyang maiyak hindi dahil nasaktan siyang muli ng isang lalaki. Kundi dahil sa labis na galit sa kaniyang pinsan. Lahat talaga ng nagustohan niyang lalaki ay inaakit nito. Ang akala niya ay iba si Rex. Nang maalala ang pagnanais ng binata na humawak ng mas malaking kompanya ay mapait na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi.

"Dahil ba mas malaki ang share ng pamilya nila Lovely sa kompanya kaya ginagawa mo ito?"

Mabilis at galit na dinambahan ni Lovely si Shaina habang kipkip sa dibdib ang puting towel na tanging tabing sa katawan. Ngunit nakaiwas ito sa kaniyang kamay, nainsulto siya sa sinabi nito at hindi niya matanggap iyon. "How dare you! Mahal ako ni Rex at sa akin niya nahanap ang bagay na hindi mo naibigay sa kaniya!"

Tumawa ng nakakainsulto si Shaina at naaawa ang tinging ipinukol kay Lovely. "Huwag na tayong maglokohan dito, Lovely. Pera lang mayroon ka at kung wala ka niyon ay never kang papatulan ni Rex!"

"Shaina, enough!"

Iwinaksi ni Shaina ang kamay ng binata nang hawakan siya nito sa braso. "Totoo naman 'di ba? Gusto mong maging CEO ng isang malaking kompanya at naisip mong ang babaeng iyan ang maging sagot sa ambisyon mo kung sa kaniya ka maikasal!"

Napipilan si Rex dahil kalahati sa sinabi ng dalaga ay may katotohanan. Pero hindi niya gusto ang tabas ng dila nito at nainsulto siya. Parang ang liit bigla ng tingin nito sa kaniya. "Alam mong hindi ako ganoon, Shaina!" galit niyang depensa nang makabawi.

"I told you, honey, mababa ang tingin sa iyo ng babaeng iyan kaya hindi niya maibigay ang pangangailangan mo bilang isang lalaki.

Biglang huminahon si Shaina nang makitang nasaktan ang binata. Gusto niya sanang bawiin ang sinabi ngunit tinalikuran siya nito.

"Maganda na rin na nangyari ito at nalaman kong minamaliit mo ang pagkalalaki ko."

Ramdam ni Shaina ang lamig sa tinig ni Rex, bigla siyang nalito. Bakit parang siya pa ang may kasalanan ngayon kung bakit nagkaganito ang relasyon nila? Bakit siya ang dapat na humingi ng tawad dito? Nang ngumiti ang pinsan niya ay biglang nanumbalik ang galit sa kaniyang puso.

"Patawad kung naging marupok ako sa tukso. Pero totoong minahal kita at ayaw kitang saktan kaya inilihim ko ang tungkol dito sa loob ng limang buwan."

Kusang pumatak ang mga luha ni Shaina at labis na nasaktan. Kung ganoon ay matagal na pala siyang niloloko ng nobyo. At mukhang may balak pa itong itago iyon hanggang sa maikasal silang dalawa. Ngunit tuso ang kaniyang pinsan at sinadyang matuklasan niya ang kataksilan ng nobyo nang hindi nito alam. Pareho silang napaikot ng babae para lang maagaw sa kaniya si Rex.

Luhaang nilisan ni Shaina ang pad ng binata. Durog ang kaniyang puso at nawala ang dignidad ng pagkababae sa harap ng kaniyang ipokritang pinsan. Wala talagang matinong lalaki na. Tulad ng kaniyang ama, hindi rin makuntinto sa isang babae si Rex. Kaya nagkanda malas ang buhay nila dahil babaero ang kaniyang ama. Maging ang kompanya na ito sana ang CEO ay naagaw ng kapatid nito.

"Mabuti na lang at naging lalaki ka, hindi mo namana ang pagiging babaero ng iyong ama."

Natawa si Shaina pagkaalala sa sinabi ng kaniyang kaibigan noon. Oo nga at babae siya, pero dahil sa background ng kaniyang ama ay wala siyang ligtas sa titulong pagiging babaero nito. Ang tingin ng mga taong mapanghusga ay mahilig din siya makipaglaro ng damdamin. Nakailang boyfriend na ba siya at walang tumatagal? Ang akala ng lahat ay nakipaghiwalay siya dahil may nagustohan na namang iba. Tanging si Rex ang matagal niyang karelasyon kaya sobra siyang nasaktan ngayon.

Pagkapasok ni Shaina sa kaniyang kotse ay agad na tinawagan ang kaibigang bakla. Ito lang ang nakaintindi sa kaniya kapag may problema, tulad ngayon ay dito siya lumalapit.

Kahit maraming customer sa kaniyang salon ay iniwanan ni Daisy, iyon sa tauhan nang marinig ang namamaos na tinig ng kaibigan. Kapag nag-aya itong uminum ay alam niyang miserable ito ngayon.

Dahil malayo ang lugar na tagpuan ay madilim na nang marating ni Daisy ang isang sikat na hotel. Sa second floor niyon ay may social gathering. Hindi niya alam kung bakit doon naisip pumunta ng kaibigan at hindi pa nanghinayang sa pera. Halos VIP na mga tao ang pumupunta sa lugar na ito at sa isang alak pa lang ay libohin na ang presyo.

"Nasaan na ang babaeng iyon?" Luminga sa paligid si Daisy at hinanap si Shaina. Nag-aalala siya at baka nakarami na ito ng inum.

"Beshy..."

"Darn, sinasabi ko na nga ba!" bulong ni Daisy nang marinig ang tinig ng kaibigan mula sa kaniyang likuran. Agad niya itong nilapitan at nanlaki ang mga nata nang makita kung ilang bote na ang nainum ng kaibigan.

"Finally, you're here!" Namumungay ang mga matang tumitig sa kaibigan at ngumiti si Shaina.

"Gurl, ano ba ang problema at naisip mong magwaldas ng pera?" Mabilis niyang inagaw ang hawak na kopita ng dalaga.

Sandaling napatitig si Shaina sa kaibigan. Napatanong sa sarili kung bakit nga ba siya narito sa mamahaling lugar? Kalauna'y napaiyak siya habang sapo ng kanang kamay ang dibdib.

Agad na dinaluhan ni Daisy ang kaibigan at niyakap ito. Hinayaan niya itong maglabas ng saloobin. Nang marinig ang kuwento, maging siya ay naiyak dahil sa galit at awa sa kaibigan.

"Tama lang na iwaldas mo ngayon ang laman ng account ninyo para wala siyang magamit sa babaeng iyon!" Sa halip na turuan ng tama ang kaibigan ay ginatungan pa ni Daisy ang naumpisahan ni Shaina.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Shaina. Napangisi siya at itinaas ang hawak na kopita. Nakipag cheers siya sa kaibigan. Tama, wawaldasin niya ang naipon nilang pera ni Rex sa bangko. Joint account sila at plano nilang gamitin sana iyon sa kanilang kasal. Isa pa ay sa lalaki iyon nakapangalan pero siya ang may hawak sa card na maaring magamit ano mang oras. Hindi siya makakapayag na si Lovely makinabang sa ipon ni Rex. Kaya bago pa maisip ng binata na e-close ang credit card na hawak ay uunahan na niya ito.

"Kailangan ba talagang isuko sa karelasyon ang pagkababae upang hindi ipagpalit?"

Napabuntonghininga si Daisy habang pinagmamasdan ang kaibigan.

"Kasalanan ko ba kung bakit naakit siya ng malandi kong pinsan?"

Hinayaan lang ni Daisy sa paghihimutok ang kaibigan. Halatang lasing na ito at hindi rin namam ito makikinig sa sasabihin niya kapag ganito na ang dalaga.

"Bakit sa pinsan ko pa? Parang hindi ko kayang mawala siya, besh!"

"Gurl, tama na at pinagtitinginan na tayo ng ibang tao dito." Saway ni Daisy sa kaibigan nang lumakas na ang iyak nito. Mukha tuloy itong batang inagawan ng lollipop.

"Tulungan mo ako, besh, ka-kailangan kong mabawi si Rex!"

Inis na inagaw ni Daisy ang hawak na baso ng kaibigan at siya ang uminum ng laman niyon. "Huwag kang tanga, besh, maraming lalaki diyan na pumipila sa beauty mo! Hayaan mo na ang gago mong ex-boyfriend sa malanding iyon dahil bagay silang dalawa. Parehong malandi at mapaghangad!"

Napasinok si Shaina at umiling, " ayaw ko na sa mga lalaki! Lahat sila ay manloloko at habol lang sex katulad ng aking ama!"

"Tama, kaya huwag mo nang iyakan ang Rex na iyan!" Hinawakan niya ng mahigpit sa kamay ang dalaga.

Naintindihan niya ang kaibigan, namatay ng maaga ang ina nito dahil inatake sa puso. Dala ng sama ng loob sa paulit-ulit na pambabae ng ama nito ay maagang naulila sa ina si Shaina.

"Ipamumukha ko sa kaniya na kaya kong ibigay ang pagkababae ko sa isang lalaki!"

Naibuga ni Daisy ang ininum dahil sa huling sinambit ng kaibigan. Parang napanood na niya ito sa isang teleserye sa television. Bigla siyang nag-alala na baka totohanin ng kaibigan ang kahibangang naisip nito. Sa takot na mawala na sa sarili ito ay siya ang umubos sa natira pang alak.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Tidak ada komentar
46 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status