Share

Chapter 24

        Nagising si Athena na parang may pumupukpok sa kanyang ulo. Pakiramdam niya'y hilong hilo siya. Masakit din maging ang kanyang lalamunan. Maging ang buong katawan niya ay sumasakit. Pinilit niyang imulat ang mata.

        Napasinghap siya nang magisnan ang katabing si Martin.  Paano silang nakarating doon? Agad niyang sinilip ang sarili sa ilalim ng kumot. Naitakip niya ang mga palad sa kanyang mukha. Sa hitsura pa lamang nila at nararamdaman ng katawan niya parang alam na niya kung ano ang nangyari. 

        'Oh no.. Oh no.. ' paulit ulit na sigaw ng isip niya. 'Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga magulang at kuya ko?'

        Tinignan nya sa wall clock kung anong oras na. Alas diyes trenta na ng gabi. Kumilos siya upang umalis sa kama na kipkip ng comforter sa dibdib. Dali - dali niyang pinulot ang mga damit at agad na nagbihis. Walan

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status