Hindi hinayaan ni Athena na maging pessimistic at inisip na lamang ang iba't ibang possibilities. Ngumiti at bumati siya sa mga nakakasalubong na Professor maging sa mga kapwa estudyante ng BISU. Nang buksan niya ang backdoor ng silid - aralan ay natanaw na niya si Miles sa puwesto nito.
"Beshy!.. " tawag pa nito nang makita rin siya.
Nakangiti siyang gumanti ng pagabti rito. "Hi Beshy."
"Bakit ngayon ka lang? Tinanghali ka yata ngayon?"
"Nasiraan kasi yung sinasakyan kong dyip. Nahiya naman akong bumaba upang sumakay sa iba." aniya.
"Nagpaalam ka sana." ani Miles habang nagswa swipe sa screen ng cellphone nito. "Athena, look!"
"Ano na naman yan?" aniyang naglalabas ng yellow paper at Socio - linguistic book. Plano niyang mag notes para maging reviewer sa finals nila.
"Tignan mo kasi."
Nakita nya mula sa I*******m post ni Martin ang isang arrow and torch symbol na may caption na 'Because love wounds and inflames the heart'.
"Now what?" maang na tanong niya sa kaibigan. "Masyado ka na yatang stalker ng I* posts ni Martin.."
"Hindi naman Best. Nakita ko lang. And I, therefore conclude na ang dahilan ng love wounds love wounds na yan ay ikaw." OA na pag eemote nito. May pagturo pa sa kanya. "Nakita niya tayo sa parking area last time di ba?"
Hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin. Ipinaalala na lamang niya sa sarili na kukumustahin niya si Martin after class. After all kaibigan niya si Martin. Maybe he needs a company.
*************************************
Nagpatawag ng biglaang meeting ang SSG President na si Martin. Dahil doon ay kinailangan pang dumaan ni Athena sa Guidance Office upang magprint ng attendance. Pinauna na rin niya sa pag - uwi si Miles dahil nasisiguro niyang magtatagal ang pagpupulong. Umayon naman ito sapagkat kailangan pa nitong maghanda ng powerpoint presentation para sa report nito bukas.
Pagpasok niya sa SSG Office ay halos naroon na ang lahat.Binati niya ang mga kasamahan at iniabot ang attendance before she reached for her table.
"While we're still waiting for others, I would like to ask our Treasurer Faith and Auditor Teth to kindly prepare the financial report. Kailangan nating iupdate ang mga kasama ng ating naging expenses noong Foundation Week at magkano ang mga pumasok na funds. Kasama iyan sa agenda." seryosong sabi ni Martin. He seems to be aloof and cold.
"Yes Pres.!" magiliw at halos sabay na sagot ng dalawa.
"Updated na po as of today." sagot ni Faith. Kinuha nito mula sa bag ang manila paper kung saan nakasulat ang mga detalye ng pinagkagastusan at income sa ginanap na Foundation Week.
"Jewel, okay na ba ang attendance?" baling naman nito sa kanya nang hindi ngumingiti.
"Umiikot na Pres." sabi ni Athena habang nililingon kung sino na ang may hawak ng attendance sheet.
Nang makumpleto na ang mga officers ng SSG ay nagsimula na ang meeting proper. Ayon kay Martin ay may isasagawa silang Fund Raising Project na gagamitin naman nila sa Adopt a School Feeding Program kung saan pipili sila ng ilang recipient public schools. Projects and Programs in one shot. Layunin ng programa na malunasan ang lumalalang problema sa malnutrisyon ng mag - aaral sa ilang pampublikong paaralan.
Pinagpresent nito sina Faith at Teth ng Financial Report. Ayon sa knila ay gumastos sila ng P5, 111.75 centavos. May balanse pang P 3, 224.25 at nadagdagan naman ng P 9, 750.00 mula sa kita ng Dedication Booth at Freedom Wall.
"Thanks Faith and Teth." tumangong wika ni Martin. "Any questions regarding the report?"
"Wala po Pres."
Tumaas ang kamay ni Ezequiel. "How are we going to raise funds?"
"I'm suggesting na kung mayroon tayong mga pre-love materials na pwede nating idonate sa org kung willing lang naman kayo, i-auction online, ang proceeds nito ay ang magiging pondo natin para sa ating program. We can also invite our friends and colleagues to support our program and project. "
"Wow.. that's a good idea. Actually, I have lots of stuff toys at home. Mukhang bago pa dahil usually ay pag nalaro ko na ng isa,dalawang beses ay parang ayoko na. Sige po Pres. I'll bring them tomorrow." excited na wika ni Teth.
Isa isa nang nagsabi ng kanilang mga items na dadalhin kinabukasan na kanilang ilalagak muna sa stock room.
Nagsuhestiyon naman si Faith na magpost sila sa school ng tarpaulin sa kung papaano makatutulong ang mga estudyante ng BISU sa proyekto.
Nang mabigyan ni Martin ng kanya - kanyang assignment ang bawat isa mula sa receiving ng donations na magbibigay din sa donor ng acknowledgement receipt, sa posting ng product for auction, sa funds control hanggang sa coordination sa recipient schools ay tinapos na niya ang meeting.
"Thanks sa inyong positive response. I'm confident enough na with all your efforts magagawa natin ito nang maayos. Meeting dismiss. Keepsafe." anitong nauna nang lumabas sa kanila.
Pandalas namang humabol dito si Ezequiel.
"Athena, parang may iba kay Pres. Masyadong seryoso ngayon."ani Faith habang nagtatanggal ng nakakapit na manila papers sa bulletin board.
"Oo nga Faith. Pansin ko din" segunda naman ni Teth na kasalukuyang katulong niya sa pagsasarado ng bintana.
"Hayaan nyo na baka wala lang sa mood yung tao. Kayo naman." aniya.
"Baka magmemenopause na." biro ni Ryan.
"Gago.. marinig ka non." pananakot ni Faith.
Matapos maisecure ang SSG Office ay lumabas na rin sila.
"O pano, Athena.. una na kami. See you tomorrow." pagpapaalam sa kaniya ni Faith.
"Bye Athena!" halos sabay na wika nina Teth at Ryan.
Dahil nagsimula nang pumatak ang ulan, ipinasya niyang magpatila muna bago umuwi. Nagbrowse na lang siya sa kanyang I*******m Account. Sakto namang may kapo post lang si Martin.
It was a blurred photo pero nahulaan niyang silang dalawa iyon sa Marriage Booth. May nakalagay pang qoute na “In a world full of temporary things, you are a perpetual feeling.” ― Sanober Khan.
"I wish I could forget what the heart remembers." - Martin.
**************
Basa pa ang gilid ng windshield ng kotse. Kahit nakasakay na siya sa sasakyan, hindi pa rin siya umaalis. Nakapatay ang makina, pero bukas ang stereo, mahina lang ang tugtog—isang lumang kantang acoustic na parang sumasabay sa tibok ng dibdib niya.
Nakapatong ang cellphone sa palad niya, bukas ang I*******m. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang litrato—isang blurred shot sa Marriage Booth. Hindi malinaw ang mukha nilang dalawa ni Athena, pero kahit sino siguro sa BISU ay makakakilala sa kanila.
"Funny," bulong niya habang napapailing. "Naging blurry na rin talaga tayong dalawa, no?"
Tila may sariling utak ang daliri niya habang tina-type ang caption:
“In a world full of temporary things, you are a perpetual feeling.”
Sandaling tinitigan lang niya iyon.
“Too poetic,” bulong niya, pero pinost pa rin.
Tumingin siya sa rearview mirror. Ang sarili niyang mga mata—pula na, halatang pagod. Pero higit pa sa pagod, may kirot.
Hinilot niya ang sentido. Hindi niya alam kung bakit siya biglang nagpost. Para ba ipaalala sa sarili niya kung gaano kahalaga si Athena sa buhay niya kahit hindi na niya ito kapiling?
O baka... para sana mabasa ito ng dalaga. Baka sakaling tumigil siya kahit sandali at maisip na… "Hey, baka mahalaga pa rin ako kahit konti."
Tumahimik ang paligid. Ulan na lang ulit ang naririnig. Tila sinasampal ng malamig na patak ng ulan ang kanyang konsensya.
Binuksan ulit niya ang app. Tumipa ng isa pang caption. Ito na 'yung mas diretso, mas totoo. Mas masakit.
“I wish I could forget what the heart remembers.”
Napapikit siya. At bago pa siya mabago ang isip, pinindot niya ang Post.
Hindi niya alam kung sino ang unang makakakita. Hindi na rin mahalaga.
Tiningnan niya ulit ang screen. Walang notip. Walang reply. Walang kahit ano mula kay Athena. Wala ring “seen” sa huling message niya.
Tumagilid siya sa pagkakaupo. Inabot ang jacket sa likod at ipinatong sa mukha niya, pilit tinatago ang bigat ng emosyon.
Hindi siya umiiyak, pero ramdam niyang malapit na. Hindi dahil sa talo siya—pero dahil sa huling sandali na sana'y kaya pa niyang manindigan, siya mismo ang umatras.
Sa sarili lang niya, mahina niyang sinabi:
“Bakit ngayon mo lang siya minahal nang buo, Martin?”
At muling nanahimik ang gabi, habang sa labas ay patuloy ang ambon—parang sinasalamin ang pag-ulan ng damdaming pilit niyang itinatago.
Napakunot ang noo ni Martin habang nakaupo sa gilid ng sofa. Marahang ibinaba niya ang kanyang eyeglass at hindi makapaniwalang tiningnan ang suot ng anak nilang si Martheena. Darna costume. At hindi lang basta Darna—Darna na may two-piece at kapa!There goes his overprotective side again.“Why is she wearing those things?” madiing tanong nito sabay lingon sa kanyang asawa.Napailing si Athena at muntik nang mapatawa. “Why? Isn’t she lovely in that costume?” sagot nito habang pinipigil ang sariling humalakhak sa reaksyon ng asawa.“Nandoon na ako, pero hindi ba parang... kitang-kita naman katawan niya diyan? Kulang sa tela. Wala na bang iba?” balik-tanong niya, halos pabulong ngunit punong-puno ng pag-aalala.“Ha? What do you want her to wear, Bananas in Pajamas?” kantiyaw ni Athena habang tinutulungan si Martheena mag-ayos ng headband.“Athena…” napahilot sa sentido si Martin. Hindi na bago ang ganitong usapan sa kanila, lalo na’t pagdating sa mga anak, lalo na sa kanilang unica hija.
🎵 So as long as I live I’ll love you...Will have and hold you...You look so beautiful in white... 🎵You look so beautiful in white tonight.Sa mismong pagbugso ng musika, bumukas ang pintuan ng simbahan. Mula sa altar ay hindi mapigilan ni Martin ang mapalunok, habang nanatili siyang nakatayo sa gitna ng dambana. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Parang huminto ang mundo sa kanyang paligid. Ang bawat nota ng awitin ay tila ba inukit para sa sandaling ito—para sa kanila ni Athena.Humugot siya ng malalim na hininga, ngunit para bang nabawasan pa ang hangin sa kanyang dibdib nang sa wakas ay lumitaw ang kanyang bride. Nakaputi. Mala-anghel. Ang kanyang pinakamamahal. His dream walking toward him.Athena looked ethereal—serene and luminous. Her veil cascaded like silk water behind her, while her white gown hugged her form in graceful elegance. Pero higit pa sa kagandahan ng suot nito ang kinang ng mga mata ng dalaga—mata na punong-puno ng pag-ibig, pang-unawa, at tiwala. Para bang si
"Love, okay ka na ba? Let's go. Tayo na lang ang naririto. Besides, Martheena is waiting for us," mahinang wika ni Martin habang hinahaplos ang likod ni Athena. Sa likod ng kanyang tinig ay ang pagkabahala at labis na pag-unawa sa bigat na nararamdaman ng kanyang asawa.Hindi agad nakasagot si Athena. Nakatitig lamang siya sa marmol na lapida sa harapan nila, tila binabasa ang bawat letra ng pangalan ni Enzo na nakaukit doon. Kumirot ang puso niya sa alaala ng mga ngiti, tawa, at mga matang minsang naging mundo niya. Bago pa siya tuluyang lamunin ng damdamin, marahan siyang tumango.“Martheena... oo nga pala. Naghihintay ang anak natin,” mahinang bulong niya.Pero bago pa sila tuluyang tumalikod, hinawakan ni Martin ang mga palad ni Athena, saka lumapit sa mismong puntod ni Enzo. Tumigil ito sa harapan ng lapida at huminga nang malalim."Enzo," panimula ni Martin, bahagyang nanginginig ang tinig, "words are not enough para masabi ko ang pasasalamat ko. You saved my wife. You saved the
I guess I'm down, I guess I'm down, I guess I'm down… To my last cry…Tahimik ang paligid ngunit dagundong ang bawat pintig ng puso ng mga nagdadalamhati. Wala mang salita, ramdam sa hangin ang bigat ng pagkawala. Ang mga pag-iyak, mga buntong-hininga, at ang mga matang punô ng luha ay tila musika ng kapighatian sa sementeryong iyon.Hindi mo kayang patahimikin ang puso ng mga nagmamahal. Hindi mo basta-basta malilimutan ang isang taong gaya ni Enzo.You cannot put a good man down—even after his death.His memory lived on in the corners of every heart he had touched. Sa bawat ngiti ng kaibigan, sa bawat abot ng tulong, sa bawat salitang puno ng pag-unawa—Enzo had always been there.Sa loob ng buhay niya, hindi siya naging makasarili. Lagi niyang inuuna ang iba, ang kapakanan ng mga mahal niya. Kahit pa kapalit nito ay sariling ligaya. He loved selflessly. He lived sincerely.But fate, cruel and unrelenting, had its own plans. At sa gitna ng gulo, siya ang naging biktima. Hindi ng
“Aj!”Napapitlag si Athena sa narinig na tinig. Dahan-dahang umikot ang kanyang katawan at nanlaki ang mga mata sa pagkagulat—naroon si Natalie, nakatayo ilang hakbang lamang mula sa kanya, nanginginig ang mga kamay, at may baril na nakaumang sa kanya.Ang lamig ng hangin ng dapit-hapon ay biglaang napalitan ng malamig na pawis sa kanyang batok. Ang paghihintay niya sana sa jeep papuntang San Diego ay nauwi sa isang bangungot na hindi niya kailanman inasahan."N-Natalie... a-anong ibig sabihin nito?" pautal niyang tanong, nanginginig ang boses, habol ang hininga. Hindi niya maigalaw ang katawan sa takot. Parang may humigpit na gapos sa kanyang mga binti.Kaibigan niya si Natalie. Matagal na silang magkaibigan. Siya nga ang ninang ni Sabina. Noon, magka-kamay pa silang umaalalay kay Enzo sa kanyang darkest days. Pero ngayon, ang parehong mga mata ng kaibigan ay puno ng luha—at galit."Inagaw mo siya!" sigaw ni Natalie, basang-basa ng luha ang mga pisngi. "Inagaw mo siya! Homewrecker! An
All her life, she was craving for love and attention.Bata pa lang siya, ramdam na niya na hindi siya katulad ng iba. Habang ang ibang bata ay sabik sa yakap ng ina o hirit ng halik ng ama, siya—wala. Walang Mommy. Walang Daddy. Wala ring yakap. Walang halik. Ang mayroon lang ay malamig na hapunan, tahimik na gabi, at ang paulit-ulit na tanong sa sarili: "Bakit ako iniwan?"Nang mapansin ng kanyang lola ang kakaibang ikinikilos niya—biglaang lungkot, panaka-nakang pagkabaliw sa saya, matinding iyak pagkatapos ng halakhak—dinala siya sa doktor. Diagnosis: Bipolar disorder. May mood swings. May depressive episodes. May hallucinations. May impulse control issues. Pinayuhan sila ng gamot, pero sa huli, iniwan din siya ng mga magulang niya. May sarili na silang pamilya. May sarili na silang mga anak—at hindi siya kasali roon.Naulila siya nang tuluyan nang bawian ng buhay ang kanyang lola. Naiwan siya sa piling ng isang kasambahay na binabayaran lamang para "alagaan" siya. Wala siyang tot