Share

TWO

TWO

ELLYA

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya ngumiti ako.Nagpanggap na hindi nabigla sa pagdating niya ngayon. Na tila wala siyang ganung epekto sa sistema ko. 

“Yes boss.” Sagot ko at pasimpleng humawak sa tumbler na nakapatong sa lamesa para may pagkuhanan ng lakas.

“Kamusta ka?” tanong mo. Alintana ang nasa paligid natin nagawa mong itanong kung kamusta ako.

Mukha naman akong okay diba? Sana.

“Sir, bakit si Ellya ang kinakamusta mo? Di mo kami namiss?” sangat ni Jean dahil nararamdaman nila yung ibang aura nang office.

“Jean, sabi ko ako lang tatawag ng Ellya. Anyways.” Sabi mo at tumingin.

"Magkakaroon tayo ng event next week and like Jessica said you need to be prepared.”

Then here you again. Explaining everything like the way you used to. Yung authority sa boses mo walang kupas. Walang nagbago.

Ikaw o ako ata?

Nagpanggap akong nakikinig at nag lagay pa sa pad ko nang notes na kakailanganin.Sa ngayon hindi ko alam ang gagawin ko.Masyadong malalim  yung nangyari. Marami ka pang sinasabi pero ang utak ko ay  lumilipad sa kung saan saan.

Tila naninibago sa nangyayari.

“Any question?” you asked.

“Bakit ka nagbalik?” mahinang tanong ko sapat na ako lang ang nakakarinig.

“Okay that’s it. Go back to your station. And we will have an early out. Sa susunod sabay sabay na tayo mag lunch.”  Sabi mo at ngumiti sa mga kasamahan ko.

Masaya sila dahil nagbalik ka pero ang bigat sa akin.Mukhang marami ang natuwa sa sinabi mo kaya nagmamadali akong tumayo.

“Elli, saglit.” Tawag ni jean saktong harap ko ay saktong napatingin ka kaya nagkatinginan tayo.

May kung ano akong nakitang emosyon sa mata mo pero isinantabi ko ito. Ayoko nang mag linlang. Tama na yung noon.

“Sasama ka ba mamaya?”

“No. Busy.” I waived my hand at bumalik sa station ko at nagtrabaho.

Kailangan kong pagurin ang sarili ko ngayon kasi  mukha ng mamamayang pag uwi ay di ako makatulog dahil sa nangyari.

---

LIMMUEL

PINAGMASDAN ko ang paglakad mo hanggang mawala ka sa paningin ko.Hindi ako magtataka kung hanggang ngayon ay hindi mo ko kakausapin. Di kita naisip nang gawin ko ang desisyon na iyon.

“Sir after nang event shot ha.” Sabi ni Bill na nagbabalik sa malalim kong pagkakaisip.

“Pwede rin Sir sa Team Building.”

“Yes. Makakaasa kayo.” Sabi ko.

Nagpaalam na yung dalawa at pumunta sa station nila.Nakakamiss din pala itong trabaho ko. Bumaba muna ako at kinausap ang iba pang manager regarding sa mangyayari. Nasasabi na ni Jessica na may Team Building kaso ipinagpaliban ko yung lugar dahil may isang tututol.

Si Ellya

Hinayaan kong lumipas ang oras sa pakikipag usap ko sa mga tao sa opisina.  Kahit papaano ay nalibang ako sa mga taong to. Mahigit apat na buwan ako wala sa trabaho ko dahil kailangan kong umuwi ng probinsya para mag asikaso nang resort. Nakakamiss din ang syudad  pero mas miss ko yung babaeng minahal ko.

2:00 am lunch na nila.

Nagpaalam na muna ako sa mga kinausap at tumungo sa pantry para bumili nang sandwich at kape at pumunta sa rooftop.Isa sa lugar na madalas kong puntahan.

“Tita bakit niyo ko ginawa ng gaguhin sa panahon ng walang wala ako?!” pag apak ko sa rooftop ay narinig ko ang boses nang isang babae.

Dahan dahan akong pumasok at di gumawa ng kahit anong ingay. Pamilyar ang boses. At tama ako ng hinala.Isang tao lang naman ang gustong tumatambay sa rooftop pag napapagod o nasasaktan.Hindi ka pa rin nagbabago.Nabahala ako nang marinig ko ang paghikbi mo kaya tumikhim ako para malaman mo na may tao.

Tila nagulat ka nang makita ako pero binawi mo to at tumingin sa kalangitan.

"Bakit?” tanong ko at pasimpleng lumakad palapit sayo.

Isang dangkal lang ang layo natin pero bakit nararamdaman ko na ang layo layo ko sa iyo.Anong nangyari nang nawala ako?

“Bakit ka nandito?” tanong mo nang hindi inalis ang tingin kung saan.

“Wala. Magpahangin.” Sagot ko at ininom ang kape ko.

“Malamig sa baba. May aircon doon ka.” Pilosopong sabi mo.

“Kape?” tanong ko at inabot sayo ang kape ko.

Walang sabi sabi at tinanggap ang kape na hawak ko.Ngayon lang kita nakita nang malapitan mahahalata ang pagod sa mukha mo.Namayat ka rin at namumutla.

“Uso pa ba pagkain sa iyo?” tanong ko.

“Pagod na ako.” Sagot mo.

Alam ko.Gusto kong sabihin pero mukhang hindi ako kailangan mo.

“Bakit ako lagi ang nakakaranas ng kamalasan nang mundo?” dagdag mo at sumimsim ng kape.

“ I wanted to be happy pero nakakapagod na ring maging masaya. Alam mo yung pag nagging msaya ka biglang may mangyayari na nakakalungkot. Like that, tulad ngayon yung bahay na tinitirhan ko ibinenta na ni Tita dahil raw wala na raw naiwan na pangbayad ang tatay ko.” Mapakla mong sabi at natawa.

Hindi ako nagsasalita at hinayaan ka na maglabas ng nararamdaman.

“Tinanggal na nila lahat sa buhay ko. Ala-ala namin ni Papa at Mama. Lahat na. Hindi ako nag reklamo ng tinanggal niya lahat nang yun pero yung bahay na pinanghahawakan ko. Bakit?”

Ipinatong ko ang sandwich sa gilid ko at niyakap ka.Hindi ko kayang tiisin na umiiyak ka. Nasasaktan ako.Nadudurog ako.Naramdaman kong niyakap mo kong pabalik.God knows how much I’ve missed you.

“Iniwan na nila ako.Pati ikaw.” Sabi mo sa pagitan ng paghikbi.

I’m sorry.Gusto kong sabihin pero napipi ata ako.Simpleng salita lang pero pagdating sayo di ko magawa Ellya. Bakit? Wala akong sinagot at hinintay na kumalma ka sa pag iyak.Marami akong nais sabihin pero hindi pa sa ngayon.

“Thank you.” Pasasalamat mo at umalis sa yakap ko.

Hindi kita magawang ibalik sa bisig ko nang umalis ka. Natatakot ako na baka di mo kayang pag sinabi ko ang lahat.

“Pasensya na Sir Lim. Napaka iyakin ko pati ikaw nadamay. Sorry.”

Sir Lim.

“Ellya it’s alright.” I said and heard your phone ring.

“Sir balik na po akong trabaho. Pasensya na po.” Tumango ako at hinayaan kang makaalis.

Nanatili ako sa pwesto at ipinagpatuloy ang pagkain.Di alintana ang lamig at kasama ang buwan at bituin na nag panatag sa loob ko.Habang iniisip kung bakit ka humantong sa ganoong buhay.

Akala ko masaya ka sa buhay mo.Akala ko mas naging malakas ka.Pero totoo nga sila ang akala ay mananatiling akala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status