Share

Kabanata Isa

"I nominate Joycelyn Lopez as a muse." Aniya ng isa sa mga kaklase ko.

Agad akong napayukod ng marinig ko ang hagikhikan ng mga kaklase ko. Ang aming guro, halos walang pakielam o nakikitawa lamang sa mga nangyayari sa silid. Ang nominadong presidente ay abala sa pagsusulat ng pangalan ng manonominadong muse sa klase.

"Wala na ba?" Inosenteng tanong ng presidente habang patuloy pa rin sa hagikhikan ang mga kaklase ko.

"Wala na, may papalag pa ba sa ganda ni Joyce? Close niyo na." Sabat ng kaklase ko.

Hanggang sa matapos ang botohan ay patuloy pa rin maghagikan ng mga kaklase ko, hindi na ako umimik dahil maiinis lang ako at maiiyak dahil wala akong magawa para ihulma ang utak nilang baluktot. Sa huli napabuntong hininga na lamang ako.

Grade 10, halos ilang taon na rin akong kinukutya ng mga kaklase ko dahil sa itsura. Hindi naman ako makapalag kasi totoo naman eh, ganito ako pinanganak. Anong magagawa ko? Wala rin naman kaming sapat na pera para ayusin manlang 'tong mukha ko. Pati baon ko pa sa skwela ay inuutang pa sa tindahan, pampaganda pa kaya.

Natapos ang araw na puno ng pagkukutya ang nangyari, habang pauwi ay maraming tumitingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit, siguro nasagap ang balitang muse ako.

Nakita ko si Alexandra, ang anak ng kapitan rito sa amin. Mayaman siya at marami sa kaniyang humahanga dahil sa kaniyang ganda at mabait na ugali. Yun nga lang ay nababalitaang babaera.

"Akalain mo yun, Joy pangalan mo tapos hindi ka masaya." Aniya ni Dave na bigla lang sumulpot sa harap ko.

"Tangina mo." Malutong kong mura.

Si Dave ay usap-usapan na anak ng Mayor ng Pangasinan. Hindi ko alam bakit siya rito nag-aral at hindi rin ako interesado gaano sa buhay niya. Hindi naman kami magkaibigan, magkakakilala nga lang kami ngayong taon.

Ang angkan nila ay mayayaman rin, halata naman. Mayor ang ama at may magara siyang sapatos at bag at malinis na damit. Sila pa ang may-ari ng iilang resort rito sa lugar. Pati rin yung pwesto sa palengke ay sila rin ang may-ari.

Hindi ko alam kung bakit bigla siyang sumulpot sa harap ko, hindi naman gaanong kainteresado ang buhay ko. Gwapo siya at marami siyang matitipuang kausapin na babaeng maganda o siguro ay gusto lang niya akong pagtrip-an katulad ng mga kapwa ko estudyante.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pag-alis sa skwelahan, gusto ko pa sanang bumili ng fishball dahil kanina pa kumukulo ang tiyan ko sa sakit ngunit tiniis ko na lang iyon at hindi na ako bumili.

"Here." Nagulat ako ng may kamay na nakahawak sa fishball sa aking harap. Muntikan pa iyon na matapon sa harap ko.  Napalingon ako sa gilid at nakita kong si Alexandra iyon. Kumunot ang noo ko ron.

"Bakit?"  Nagtataka kong tanong.

"Anong bakit? Tanggapin mo na. Mainit pa oh." Alok niya sa fishball ngunit hindi ko pa rin iyon tinanggap.

"Bakit mo ako binibigyan ng ganiyan? Crush mo ba ako?"

Nanlaki ang mata niya sa tanong ko, maski ako rin naman pero hindi ko iyon pinahalata. Kalaunan ay halos mabilaukan siya kakatawa ng mapagtanto ang aking sinabi, bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Hinabol niya ako at binigay sa akin ang fishball, sa sobrang irita ko sa presensiya niya ay tinanggap ko na lang at kinain yun. Habang kumakain ako ng fishball ay nakita kong gumawi sa amin si Dave.

"Uy, gago ka ba Alexandra? May girlfriend ka nanaman? Diba girlfriend mo rin yung grade 12, sa ABM."

"Gago ka rin, minura ba kita?" sabi ni Alex. Tumawa lang sa kaniya si Dave.

"Seryoso ka ba? Diba girlfriend mo yung taga grade 9 na SSC tapos pati rin yung grade 12, gano'on? Two timer ka ah."

"Ano bang pake mo? Maggirlfriend ka rin kung gusto mo! Ay, bawal ka pala kasi arrange marriage iyong sa'yo hindi ba? Kakaawa ka naman."

"Hoy! Namemersonal ka na, Alex ah. Syempre kung sino ang tinitibok ng puso ko ay yun ang ig-girlfriend ko 'no! Ang corny mo, may pa arrange marriage ka pang nalalaman. Hindi naman ako may lahing intsik!"

"Mas corny ka! May patibok-tibok ng puso ka pang nalalaman diyan, ano ka bata?"

Naging abala ako sa pagkain ng fishball, hindi inaalala ang kanilang pagtatalo. Hindi ko alam bakit nila ako nilapitan. Hindi na lang ako kumibo, ni hindi nga ako nagpasalamat sa binigay nila, basta tuloy-tuloy ko lang na kinakain iyong fishball.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong naglinis ng katawan, hindi ko nakita sila mama at papa. Siguro, si papa ay nangisda samantalang si mama ay nagbebenta ng mga natirang nahuling isda ni papa kahapon. Ang kapatid ko naman ay hindi ko na nakita sa bahay. Siguro ay naligo lang sa dagat.

Malapit lang ang bahay namin sa dagat kaya hindi masyadong nakakalungkot ang buhay probinsiya, malayo nga lang sa skwelahan at sa bayan. Kailangan ko pang sumakay ng tricycle kapag papasok, pero kapag umuuwi na ako galing skwela ay hindi na ako sumasakay dahil sayang sa pamasahe, nakakapagod man pero kailangan talaga magtipid.

Hindi gaanong marami ang assignments ngayon dahil kasisimula pa lang naman ng klase, abala lang ako sa paggupit ng mga picture sa lumang magazine at gagawa ako ng journal. Araw-araw ganito ang ginagawa ko, tinitignan ang mga larawang naroon at hinahangaan sila.

"Diba ate, one plus one equals bintana?" Tanong sa akin ni Jun, kapatid ko habang nagsasagot ng assignments. Halos kararating lang niya sa skwelahan pero parang wala manlang siyang natutunan.

"Eh, kung ilusot ko kaya 'yang ulo mo sa bintana." Masungit kong sagot.

"Joke lang 'te, eleven yung sagot." Sabi niya at isinulat 'yon sa papel.

Napailing na lang ako, hindi ko alam kung nag-aaral ba 'tong kapatid ko. Baka pumapasok lang 'to dahil sa baon.

Gabi na ng makauwi ang magulang ko, pagkarating nila sa bahay ay kumain na agad ng  hapunan, nagtanong pa sila kung anong ginawa namin sa school. Pagkatapos namin kumain ay ako ang naghugas dahil ako ang nakakatanda.

Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos ko maghugas ng mga pinagkainan, walang signal sa bahay namin kaya hindi ko rin alam kung paano ko gagawin 'tong assignment ko. Iniisip ko kung bukas ko na lang gawin, ngunit magagahol ako. Sa may dagat ang malakas na signal, medyo malayo lang ng kaunti sa bahay at madilim na rin ang paligid dahil gabi na.

Dahil ayaw ko magahol para bukas ay nagdala na lang ako ng lampara para sa liwanag, medyo malamok na rin pero tiniis ko yun, hindi rin naman maganda ang balat ko para mag-inarte pa ako.

Napailing na lang ako ng makarating sa dagat at makita ang balat ko sa binti, dumudugo iyon dahil sa kagat ng mga lamok. Inulubog ko iyon sa dagat para gumaling kahit paano o kaya hindi magkaroon ng inpeksyon. Pagkalapag ko ng binti sa dagat ay naramdaman ko agad ang hapdi, natatakot rin ako kung baka may humila na shokoy o sirena dahil gabi na. Kahit naman nasa modernisasyon na ay ang pananaw ko pa rin sa buhay ay makaluma.

Ang notebook nainiwan ko sa may buhangin ng dalampasigan ay nagpapalipat lipat ng pahina dahil sa hangin. Nang maramdaman kong hindi na gaanong mahapdi ang sugat ko sa binti ay inahon ko na iyon para gumawa na ng assignment.

Ginugol ko ang oras ko sa paggawa non, puro depenisyon lang naman ang pinapaassignment sa amin, at hindi pa gaano kritikal dahil hindi pa naman natuturo.

Maraming mangingisda pa ang dumadaan sa gawi ko, may mga bangkero at iilang mga mayayaman na tao. Mga nagbabakasyon siguro rito. Nakita ko pa si Dave na nagpapansin ron sa bangkero, hawak nila ang net at hinihila papunta sa dalampasigan. Hindi ko alam sa kaniya bakit niya inaalog yun, pabiro tuloy siyang kinutongan ni manong berto.

"Ayusin mo Dave, baka yung mga nahuli na'ting isda ay makawala." Sabi ng isang bangkerong kasama niya, hindi ko makita kung sino ang nagsalita dahil nasa madalim na bahagi iyon ng dagat.

"Nakikiliti kasi ako manong!" Rinig kong sabi ni Dave. Edi dapat hindi na lang siya gumawi riyan. Problema lang siya.

Hindi ko na lang sila pinansin at tinuloy na lang ang ginagawa ko, masyado nga lang silang maingay dahil nagbibilangan pa sila habang hinihila iyong net.

Nang matapos ko ang assignment ko ay niligpit ko na ang gamit ko, nagulat lang ako ng may nagawi sa pwesto ko. Tumingin ako rito at nakita ko ang mukha ni Dave na nakangising aso. Umiwas ako ng tingin at saka pinagpatuloy ang pagligpit.

"Gumagawa ka ng assignment?" tanong niya.

Tumango na lang ako.

"Tulungan kita?--"

"Tapos na." Tipid kong sabi.

"Gawin na'tin ulit, burahin mo yung sagot mo tapos sagutin na'ting pareho!" Walang kwentang suhestiyon niya. Kunot noong akong tumingin rito.

Nagkamot siya ng batok ng hindi na ako nagsalita, umalis na ako sa pwesto ko kanina. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin ngunit hindi man lang ako kinabahan na baka may gawin siyang masama.

"Ihahatid na kita ah."

Hindi na ako umimik, pagkarating ko agad ng bahay ay agad kong sinirado ang pinto. Hindi manlang siya inalok na pumasok. Bigla rin akong nakonsensya sa inasal ko sa kaniya.

Hindi ko alam bakit siya mabait sa akin, o ganoon talaga siya sa lahat ng nakakasalamuha niya. Pakiramdam ko, yung pagiging mabait niya sa akin parang may kakaiba siyang gusto, hindi ko alam kung pinagt-trip-an niya ako o may iba pa bang dahilan.

Pagkapasok ko ng school ay halos lahat nagtitinginan sa akin, hindi ko nalang iyon pinansin. Ang mga tinginan nila ay parang nangungutya, nakakapikon. Bumuntong hininga na lang ako para kumalma kahit papaano, baka magkaroon pa ng away rito.

Walang tumabi sa akin, kahit na binigyan kami ng assigned seat kahapon ay may sarili pa rin silang desisyon kung saan uupo, hindi ko na lang pinansin, ganuon naman lagi. Gusto ko sanang may tumabi sa akin pero parang may delikado akong sakit at diring-diri silang tumabi sa akin.

Binasa ko na lang ang assignment ko na sinulat kagabi, medyo gumaganda na ang sulat ko hindi tulad noon. Nilagyan ko pa ng design para hindi ako maboring habang naghihintay ng guro para sa klase.

"Hi, good morning. May assignment ka? Pakopya naman." Bungad sa akin ni Dave ng tumabi siya sa akin, walang sabi niyang kinuha ang notebook ko. Wala akong ginawa kundi pinabasa na lang at hindi inagaw ang notebook ko sa kaniya.

"Maganda pala ang sulat mo, maganda kopyahin eh no." Walang kwenta niyang sabi.

"Bigay mo na lang sa akin, pagkatapos mo komopya."

Binalik niya ang notebook ko. "Tapos na ako sa assignment ko, nagbibiro lang na kokopya ako eh... anyways, sama ka mamaya sa akin sa recess. Kasama na'tin si Lexa, madaming pagkain--"

"Ayoko."

"Bakit? Masarap yung pagkain niyang dala--"

"Ayoko, 'wag mo ko pilitin--"

"Baka pumayag?" Biro niyang sabi ngunit nanatiling seryoso ang mukha ko. "Sumama ka na kasi."

"Ayoko nga! Iba na lang ayain mo! Hindi naman tayo close!"

Nagulat siya sa biglang sigaw ko, nanlaki rin ang mata niya at umawang ang kaniyang labi, hindi ko alam bakit bigla akong nagalit. Bigla akong nakonsensya sa ginawa ko sa kaniya. 

Umalis ako sa room dahil sa kahihiyan, nagbubulungan tuloy ang mga kaklase ko dahil sa ginawa ko kay Dave.

"Joy!" Rinig kong sigaw ng babae, napalingon ako roon. Nakita ko si Alexa na winawagayway ang kaniyang kamay habang palapit sa akin.

Nang makapunta siya sa gawi ko ay niyakap niya ako, hindi ko alam kung bakit. Kumunot ang noo ko sa inasal niya.

"I've heard na lagi kang binibully ng mga classmates and schoolmates na'tin. Ayos ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong.

Tumango lang ako rito. Hindi rin nagpakita ng emosyon ang mukha ko, tanging blanko lang.

"Hinahanap ka ni Dave sa akin. Nagalit ka raw sa kaniya dahil may ipinilit raw siya sa'yo. Hindi naman niya sinabi kung ano bang ipinilit niya sa'yo." Sabi niya. "Naawa daw siya sa'yo kasi maraming kumukutya sa'yo kaya pinahanap ka niya sa kin. Kararating ko lang ng school, medyo late na nga eh. May klase pa kayo, mas mabuting bumalik ka na sa room."

"Pagkatapos na lang ng first class." Tipid kong sabi, natigilan siya at kalaunan ngumiti.

"O-okay, papasok na ako. Maiwan na kita ah?" Sabi niya at tinuro ang likod niya.

"Alex." Tawag ko at huminto siya sa paglalakad palayo sa gawi ko. Lumapit siya sa akin.

"Ano yun?" kuryoso niyang tanong na para bang bata.

"Pakisabi.. hindi ko kailangan ng awa niya."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status