Share

Kabanata Ikalawa

Tumungo ako kaagad ng classroom ng matapos kong masabi iyon kay Alex, hindi ko alam bakit ang attitude ko ngayong araw o sadyang ayaw ko lang talaga ng tao sa paligid ko. Pakiramdam ko, lahat ng tao na nasa paligid ko ay kukutyain ako.

"Hi, Miss. Do you know where is the classroom of grade 10 section b?" Tumango ako.

"Yes, actually. I am your classmate."

Sumilay ang ngiti sa labi niya sa sinabi ko. Tumalikod lang ako sa kaniya at magpatuloy maglakad patungo sa room ko.

"Great, i just have to follow you. Do not feel strange okay! I'm not a bad person."

"You look like a bad person." Puna ko.

Hindi naman siya mukhang masamang tao, gwapo siya dahil siguro ay may lahi siyang taga-ibang bansa. Hindi ko rin alam kung ano ba ang basehan ng pagiging gwapo, dahil ba maputi siya at malinis ang pananamit o dahil lang nakikita kong maayos siyang tingnan sa paningin ko?

"And you are mean."

Binaliwala ko ang sinabi niya dahil totoo naman. Hindi ko ugaling maging mabait at maging palakaibigan kung magsalita. Ang ibang kaklase ko ay sinasabihan akong wirdo dahil sa tahimik kong pag-uugali at balasubas kong pagsasalita at may pagkamistersyoso raw akong pagkatao. Hindi ko alam bakit nila nasabi iyon, para sa akin sila ay may mapanghusgang mata.

Pagkapasok namin ng room ay maraming nakatingin sa amin, wala pa ang guro sa silid kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Ramdam ko ang pagsunod sa akin nu'ng lalaki. Dumeretso lang ako sa inupuan ko kanina kung saan nanduon pa rin si Dave sa tabi. Tahimik akong tumungo ron at umupo.

"Can i seat here?" Tanong ng lalaki at naupo sa tabi ko.

"Hindi pa nga ako pumapayag." Rinig kong bulong ni Dave.

Nang magsimula ang klase ay nakinig kami sa diskusyon ng guro, nag-anunsyo rin siya ng mga babayaran sa silid at kung anong kailangan. Katulad ng walis tambo, floorwax at kung ano mang panglinis sa silid. Ang iba kong kaklase ay nagsibayad na bago matapos ang oras ng guro namin, ang iba naman ay pinagbukas na lang dahil walang dalang sobrang pera. Katulad ko.

Sa susunod na klase ay sinabon ako ng guro ng tanong, wala rin akong humpay sa kakasagot. Parang ako nga lang ang estudyante sa silid, ayaw ko mang hindi sumagot baka laiitin nanaman ako. Rinding-rindi na ang dalawa kong tenga sa kutya, hangga't may nalalaman at kaya kong sagutan ang tanong, ilalabas ng bibig ko.

"Uwian na may nanalo na." Natatawang sabi ni Dave, umismid ako. Narinig ko ang pag-ngisi niya at nakita sa gilid ng aking mata ang pag-iling niya.

Nang magbreak time naman aligaga ang lahat ng tao sa room, halos ang lahat ay abala sa pag-aayos ng sarili. Samantalang ako ay abala sa pag-aayos ng bag ko.

"Bakit mo pa dadalhin yung bag mo?" Tanong ni Dave ng matapos kong isukbit ang bag ko sa likod.

Hindi ako sumagot. Ayokong sabihin sa kaniya no'ng nakaraang tao na nilagyan ng mga kaklase ko ng daga ang bag ko dahilan magkaroon ito ng tastas. Hindi naman gaano malaki ang tastas, hindi rin naman gaanong maliit.

Napatingin siya sa bag ko ng inalis ko ang aking buhok sa bag kong nakaipit sa likod ng bag. Umalis na ako sa upuan ko at dumeretso ng lakad palabas ng silid.

Habang papunta sa canteen ay ramdam ko ang pagbuntot sa akin nu'ng lalaki at si Dave. Naririnig ko rin ang mga usapan ng iba't-ibang schoolmates ko. Everyone’s talking about where they should take their senior high school even though the school year is not halfway done yet, ang halos ay pupunta ng manila. Ang iba, manatili rito sa pangasinan.

Pinag-uusapan rin nila kung saan silang strand mapapabilang, some likes to take science, technology engineering mathematics because they want to be a doctor in the future. Some wants to become a lawyer so they will take humanities and social science. Everyone seems so pleased about the dreams they want to pursue. Habang ako, hindi ko pa alam kung saan patungo 'tong buhay ko.

"Saan ka mag-aaral ng senior highschool, Joy?" Tanong sa akin ni Dave, nagkibit balikat ako.

"Hindi ko alam, baka dito rin."

"Anong kukunin mong strand?" Nagkibit-balikat ulit ako.

"Ewan ko pa, hindi ko pa alam."

"Pero saan ka sa tingin mo magaling or mahilig?" Tanong niya pa.

I always love studying math ever since when i was in nursery. Hindi ko alam bakit natutuwa ako sa numero, lalo na 'yung mga addition and substraction. Pagtungtong ko ng elementary ay hindi natigil ang hilig ko ron, natutuwa ako sa lessons namin na may y-axis at x-axis. Hanggang sa maghighschool ako ay nanduon pa rin ang hilig.

"Sa math."

"Baka mag-engineer ka o kaya accountancy! Ang angas naman. Sana lahat magaling sa math." Sabi niya. "Ako tanungin mo ako kung saan ako mahilig." Pamimilit niya.

"Hindi na kailangan tanungin yan, Dave."

"Bakit? Alam mo na kung saan ako magaling?"

Tumango ako. "Oo, sa kalokohan."

Ngumuso siya.

Kung may dahilan kung bakit pinipilit ni Dave maging malapit sa kaniya ay hahayaan ko na lang siya. Ayaw ko ng maguluhan at maghanap ng rason sa pagkakausap sa kaniya, o normal lang talagang ganiyan ang kilos niya sa lahat ng tao.

Ngayong school year lang siya nag-aral rito sa paaralan, na ikinataka ng marami. Dahil alam ng mga tao sa lugar na halos lahat ng mayayaman o mga magulang na may posisyon sa gobyerno ay ang mga anak ay nag-aaral sa ibang bansa.

"May kaibigan ka ba sa school na 'to, maliban sa akin?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya

Hindi ko alam na kaibigan ko siya, ang alam ko ay isa lang ang kaibigan ko sa tanang buhay ko at ngayon ay nasa malayo siya.

Umiling na lang ako. Hindi na isinagot ang tanong niya. Sasabihin ko bang isa lang at mag-assume na siya lang ang kaibigan ko? Ayaw ko rin naman sabihin sa kaniya na hindi ko siya kaibigan ga'yong ganuon ang turing niya sa akin.

Nang makarating kami sa canteen ay nakita ko ang pinsan niyang si Alex, abala siya sa pakikipag-usap sa kapwa niya estudyante. Dahilan para masingitan siya sa pila.

"May sasalihan kang club this year? Bagay sa math club dahil magaling ka sa math." Sabi ni Dave.

"Hindi, magt-trabaho ako."

"Saan? Resort?"

Tumango ako.

Ganuon karaniwang trabaho rito sa probinsiya, minsan ang pag-aalaga ng hayop o kaya pagtanim ng gulay o kaya ng mga palay. Malapit ang lugar namin sa dagat kaya marami ring beach resort, nagh-hire ang iilan ron ng mga tauhan kapag malapit-lapit na ang summer dahil marami ng taong nagbabakasyon, minsan naman kapag may ikakasal o kaya may event katulad ng birthday ay magh-hire rin sila ng tao, kahit underage.

Naisipan ko rin magtrabaho ay dahil malapit na rin pala akong magcollege, ilang taon na lang. Siguro ang maiipon ko ay ayos na yun para tustusan ang pangkolehiyo, nakaraang taon ay tumulong lang ako kay mama sa palengke. Pero kahit tumulong lang ako ay nakakapagod pa rin.

Nang nasa counter na ako ay nakita ko agad na may benta silang maruya. Yun agad ang binili ko dahil paborito ko na yun at yun na ang binibili ko noon pa.

"What did you buy?" Tanong sa akin ng lalaking sumabay sa akin pagkapasok.

"Maruya."

Tumango siya sa akin at nagulat akong ganuon rin ang binili niya. Si Dave ay maruya rin ang biniling pagkain at bumili pa siya ng bottled water. Hindi na ako bibili ng bottled water dahil meroon akong dala sa bag.

"Hindi ka ba nabibigatan diya'n sa bag mo?" Tanong ni Dave.

Pansin ko kanina pa siya tanong ng kung ano-ano sa akin. Tumingin ako sa kaniya, napakagat ang labi niya ng magtama ang paningin naming dalawa. Nakita ko ang piercing niya sa dila. Ngayon ko lang napansin iyon.

"Hindi ako nabibigatan sa bag ko." Sagot ko. "Bakit ka may..." natigilan ako. Hindi ko ma itunuloy ang tanong baka sabihin ay nangingielam ako sa buhay niya.

"Bakit ako may?"

"Wala."

"Bakit ako may wala? Weird."

Hindi na siya nagtanong. Pinauna ko silang maglakad at sa likod lang nila ako. Tinignan ko ng husto ang meroon kay Dave.

Meroon siyang tattoo sa may leeg at piercing din sa tenga, hindi mapapansin na may tattoo siya sa leeg kung hindi mo talaga papansinin ng mabuti dahil sa liit nito, kumunot ang noo ko ro'n dahil alam kong bawal yun sa school. Buti pinapasok pa siya ng gwardiya.  

Nakasalubong ko pa si Sirius, yung kabatch ko na laging may pinapagawa sa akin lahat ng schoolworks niya, walang kaso yun sa akin dahil malaki ang bayad niya. Palibhasa, mayaman kaya gan'yan ang ugali.

Ngumiti lang siya sa akin at ako ay tumango lang, hindi na kami nag-usap. Ayos lang yun sa simpleng tanguan at ngitian, ayaw kong makipag-usap

"Sino 'yun?" Isyoso ni Dave.

"Si Sirius." Sagot ko habang abala sa pagtingin sa pagtapak sa hagdaan.

"Ah. Boyfriend?"

Nagulat ako sa tanong niyang iyon, napatingin ako sa kaniya. Tumaas ang kilay niyang isa at umukit ang ngisi sa kaniyang labi. Umiling na lang ako sa pag-iisip niya.

"Wala, kilala lang. Bakit?"

"Wala lang din." Simpleng sagot niya, ngunit pakiramdam ko ay makahulugan iyon.

Kinabukasan, dahil sabado ay sinamahan ko si mama magtinda ron sa palengke. Alas sais palang ng umaga ay marami ng tao. Yung ibang tao ay tumingin-tingin lang sa tinda namin at nagtatanong ng presyo kada kilo.

"Wala ka ba ngayong assignment?" Tanong ni mama, umiling ako. Kasama rin namin si Jun, kaso nga lang ay nanduon siya sa kabilang tindahan rito sa palengke. May bata rin kasi ron kaya nakikipaglaro siya. Hinayaan na lang namin dahil alam ko namang sa isang tabi lang talaga siya pu-pwesto at medyo malapit-lapit siya sa pwesto namin.

Abala ako sa pagtanggal ng buto ng bangus, lumingon ako ng may marinig akong ingay sa gawin namin. Nagulat ako ng makita ko ron si Tyra, madaming dalang sabon at damit.

Si Tyra, kaibigan ko na simula bata palang. Lumipat siya sa baguio ng maghighschool kami. Tumatawag na lang siya ngayon sa akin paminsan-minsan o kaya pumupunta rito sa pangasinan para bisitahin ako.

"Sipag ng bestfriend ko!" Sigaw niya dahilan para mapangiwi ako. "Asan si Jun!? Jun! Hoy! Jun!" Pagtatawag niya sa kapatid ko.

Lumapit sa kaniya si Jun, yumakap iyon sa kaniya. Hindi ko na sila tinignan dahil abala pa ako sa pagtanggal ng buto ng bangus.

"Kiss ate, kiss!" Rinig kong pang-uuto niya kay Jun.

Umupo si Tyra at nagsisimula niyang kausapin si mama sa kung anong ginawa niya sa mga nakalipas na araw. Si mama todo naman tawa habang abala sa mga bumibili at pakikinig sa mga kwento ni Tyra.

"Tapos tita may boyfriend na ako!" Kinikilig na sabi niya.

"Ilan?" Sabat ko.

"Malamang isa! Grabe ka naman Joy. Akala mo ba tatlo?"

"Akala ko sampo." Pamimilosopo ko.

"Kupal 'to." Sabi niya at umirap sa akin. Natawa ako.

Nagkwento pa siya tungkol sa boyfriend niya raw na hindi naman pala totoo. Crush lang naman niya raw iyon, may boyfriend pala iyong crush niya, kaya natawa kami lalo ni mama. Ini-stalk pa namin sa f******k para malaman namin kung anong pangalan at itsura.

"Grabe Tyra, kung magr-reporter ka ang dami mo sigurong kaso na libel."

"Boyfriend ko naman talaga siya... sa panaginip."

Napailing na lang ako sa kalokohan niya at tyaka inabala na ang sarili sa mga bumibili.

Natanaw ko si Dave sa bandang gulayan, iniwas ko ang tingin ko ron at inasikaso na lang bumibili. Hindi ba dapat ay ang katulong nila sa mansyon ang bumibili sa palengke at hindi siya?

"May gwapo, Joy!" Kinikilig na sabi ni Tyra. Hindi ko na lang iyon pinansin.

"Kapag gwapo talaga ang talas ng mata mo." Puna ko.

"Joy! Tumingin siya rito!" Sabi pa niya, ngunit hindi ko pinansin. "Pupunta ata siya! Pupunta nga!"

Halos marindi ako sa sigaw niya, umiiling-iling na lang ako. Hindi ko alam bakit ang hilig niya sa mga gwapong lalaki. Eh, minsan yung mga gwapong lalaki maganda lang sa paningin pero hindi sa buhay!

"Bilhin ko na lahat!" Kumunot ang noo ko ng gumawi si Dave sa pwesto namin, ngiting-ngiti pa siyang nakatingin sa akin.

"Seryoso ka? Uulamin mo ng isang buwan.. isda?" Takang tanong ko habang tinitignan ang isdang paninda.

"Hindi lang naman ako ang mag-uulam. Pati rin kaya ang ahente ni papa tyaka ni mama. Ikaw ah! Masyado ka ng nakikiisyoso sa buhay ko." Biro niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status