Share

Kabanata 13

"Happy birthday, Ate Athena and Kuya Apollo!" Pagbati ng mga bata sa amin ng kambal ko.

Lumawak ang ngiti ko't kalaunan ay napahalakhak. Bukas pa naman talaga ang kaarawan namin ng kambal kong si Apollo pero ginusto kong magcelebrate ngayon kasama ang mga bata sa ospital na napalapit na rin sa puso ko.

Nagpahanda rin ako ng pagkain para sa iba pang mga pasyente sa ospital. Today until tomorrow ay libre ang mga pagkain sa cafeteria, which were not the usual foods there.

Narito ngayon si Mama at ang kambal ko, naririto rin ang ibang mga doktor at nars upang saksihan ang katuwaang naisipan ko para sa mga batang naka-confine sa ospital.

Kahit kaarawan ko'y ako ang naghanda ng lahat para sa araw na ito. Tinulungan ako ni Apollo at ng iba pang pinsan ko na magluto at magbake para sa araw na ito. Sinugurado kong healthy ang mga sangkap ng bawat putahe upang maiwasan ang kumplikasyon sa mga bata. 

Ayaw ng mga bata sa lasa ng gulay, pero ginawan ko ng paraan upang magustuhan nila ito. Gumawa rin ako ng juice na galing lamang sa fresh fruits. Nakakatuwa na nagustuhan nila ang hinanda namin ng mga pinsan ko. Natutuwa akong natutuwa sila at ginaganahang kumain sa mga putaheng kami mismo ng mga pinsan ko ang gumawa.

"Thank you so much for this, Athena. Nakakatulong ito para sa kanila't alam kong nabuburyo na ang mga ito sa lasa ng pagkain ng ospital." Dr. Flores said with a smile plastered on his face. His gaze are on his patients.

"It's not yet my special day but then they made it more special. Natutuwa akong nakikita silang natutuwa sa munting handa namin para sa kanila, Dr. Flores." Nakangiting saad ko habang pinagmamasdan ang mga batang masaganang kumakain. Nagkukwentuhan ang mga ito't nagtatawanan kaya lalong lumawak ang ngiting naka-ukit sa aking mga labi.

Binalingan ako ng tingin ni Dr. Flores.

"I am so glad you've come to be a fine lady that you are now, Athena. Manang mana ka kay Dra. X. Matulungin, palaban, at palangiti. Samantalang si Apollo ay manang mana kay Dr. Pol. Maloko man at mahiyain ngunit busilak ang buso." 

Dr. Flores excused himself when he saw my brother approaching. Tumango ako at hinayaan siyang makihalubilo sa mga pasyente niya. Si Mama ay nakangiti habang abala sa pakikipagkwentuhan sa ibang mga bata.

Dinamba ako ng yakap ni Apollo kaya natawa ako ng mahina. He's so clingy.

"Pakainin ko rin ako, Ate Athena!" Parang bata siyang naglalambitin sa akin kaya mahina kong hinampas ang likod niya.

"Goodness, brother. Ang bigat mo!" Reklamo ko at pilit siyang pinapaalis sa pagkakayakap sa akin. Mas matangkad siya kaysa sa akin, malapit sa tangkad ni Ares, at hindi na ako makahinga sa ginagawa niya.

"Ayaw!" Parang batang sigaw niya.

Napailing nalang ako at hinayaan siya sa kabaliwan niya. 

"Hindi lang ako makapaniwala na kambal kita. You are so mature, the exact opposite of me." He whispered, still hugging me.

"We all have our differences, Apollo. Kahit magkapatid tayo ay mayroon pa rin tayong pagkakaiba. We have similarities and differences but that doesn't mean we are not compatible to be siblings, Apollo. In fact, we are likely to deserve each other because we are opposites. You're the sibling to humour the other, and I am the sibling to handle the humorous sibling maturely." I caressed his back as I continue to say the things that would make him feel better.

"May pagka-seryoso akong tao at bilang ikaw ang walanghiya sa ating magkapatid-" Pumadyak siya, tanda ng hindi pagsang-ayon sa sinabi ko kaya humalakhak ako't pinagpatuloy ang sasabihin ko. "-you are there to light up my mood. And I am here to tell you when you've gone too far. Hahawaan mo ako ng humor mo at hahawaan naman kita sa pagkaseryoso ko. We are like the yin and yang, brother. One cannot live without the other. No one's stronger than who. You are not just my shadow, and I am not yours. We should always remain balanced and not unbalanced. We may be opposite, but the bond between us and the blood running through our veins makes us one."

He hugged me tighter and buried is face on my shoulder. Naramdaman kong namasa ang balikat ko kaya alam kong lumuluha ngayon ang kapatid kong ito. Hinaplos ko ang buhok niya't marahan siyang inalo.

Sa aming dalawa, siya ang mas emosyonal. He's the one to cry fast. He's the baby and big brother in one single body. Marami siyang insekyuridad, pero lagi ko namang pinapaalala sa kaniya na pantay lamang kaming dalawa at kailanman ay hindi ko hinahangad na malamangan siya sa kahit anong paraan. Itinatak ko na sa puso't isipan ko na kung saan man ako'y dapat naroon rin siya. No one should be left behind.

Though kung kamatayan man ang pag-uusapan, hindi ako makakapayag na magkasama kaming dalawang mawawala. I'd be glad to be the one to sacrifice my own life for the sake of my beloved twin brother.

"I love you so much, Athena Alessandria. Please, never leave my side, sister. Hindi ko kakayanin." He sobbed.

I smiled as I softly combed his soft locks.

"I love you more than my dear life, Apollo Alessandrio. Happy birthday to us."

Naririto kami ngayon sa manoir, hinihintay ang pagsapit ng alas dose ng madaling araw upang salubungin ang ika dalawampu't dalawang kaarawan namin ni Apollo.

Kumpleto ang pamilya De Bonnevie ngayon. Lagi naman. Tuwing may okasyon ay nakaugalian nang kailangan ay kumpleto ang pamilya. 

My friends and Apollo's friends aren't here yet. Mamaya pa iyon. Saka, malalim na ang gabi para pumarito pa ang mga iyon at salubungin ang kaarawan namin. Malamang sa malamang ay humihilik na ang pwet ng mga 'yon.

Nasa living room ang lahat at nagkakatuwaan. Kaniya kaniyang mundo ang mga pinsan at mga tito at tita. Some of our aunts and uncles are talking about business, some are talking about life, the news today, and many other things. Meanwhile my other cousins are playing Mobile Legends. Si Gray ay as usual, nasa isang tabi at nagbabasa ng school textbook. Katabi niya si Mari na dumadaldal pero halata namang walang interes at hindi nakikinig ang isa. Our older cousins are having a conversation with Daddylo and Mommyla. 

Hinanap ng mga mata ko si Apollo sa dagat ng mga tao. Nang hindi ko siya mahanap ay nagbuntong-hininga ako. I know where he could possibly be right at this very moment.

Without giving a single glance at my family members, I left the living hall to look for brother.

Dahan dahan akong umakyat sa hagdan papuntang ikalawang palapag. The soft, long, white dress that falls just above my ankle swayed softly every step that I take.

This is the family's tradition. Sasalubungin ang kaarawan nang nakasuot ng puting bestida ang mga babae at puting coat and tie naman para sa mga lalaki.

My long, wavy, brunette hair falls on my waist. Masyado itong mahaba na naisipan kong ipaputol ito mamaya o sa susunod na mga araw. Just like my dress, it also swayed at my every move. Mayroon pa akong flower crown na suot, gawa ni Mari. Gawa ito sa totoong mga bulaklak na pinitas niya sa hardin ng le manoir. Muntik pa siyang mabatukan ni Mommyla sa pagpitas ng pinakamamahal niyang mga bulaklak.

Nagmistula akong diyosa sa suot ko ngayon. Ate Razini chose the dress while Ate Gazini chose for my accessories. Si Mari naman ang nag-ayos ng buhok ko't tinali ito ng mala waterfall ang istilo. Ako na ang nag-makeup sa sarili ko dahil kaya ko naman at hindi na kailangan pa ng makapal na makeup. Salubong pa lang naman ito't mamaya pa ang mismong party.

Nakarating ako sa harap ng isang pinto na mayroong nakaukit na mga letra.

Chambre de musique.

Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob. Pagpasok ko'y walang tao at hindi nakabukas ang ilaw ng music room. I shook my head and roamed my eyes around the room to look for something. Nang mahanap ay naglakad ako papunta dito. Inalis ko muna ang painting ng mga instrumentong gawa ng kapatid ko. Pagkaraa'y hinaplos ko ang pader at napangiti nang tuluyang mahanap ito.

Walang ano-ano'y tinulak ko ang parteng iyon ng pader at agad itong humawi. Tumambad sa aking paningin ang secret door ng music room.

This is where my brother goes when he wants to be alone. Though, he doesn't mind if I know where he hides. Hinahayaan niya lang akong mahanap siya.

Napailing na lang ako nang makitang kailangan pa ng fingerprint o passcode bago tuluyang makapasok sa kuwartong nakakubli sa likod ng music door. 

Tumutunog ito habang pinipindot ko ang mga numero para sa passcode. Tumunog ito ng tatlong beses, hudyat na tama ang passcode at maari akong makapasok sa loob.

This is one of the craziest things you can find in the manoir. Dahil na rin sa teknolohiya'y naisakatuparan ang pagkakaroon ng mga ganito sa loob ng manoir. Not the doors with passcodes, but the secret doors. Yes, there are a lot. But only Daddylo knows where every secret rooms are hidden. He has a purpose for these rooms, but then he gave the other one to Apollo who likes to isolate himself whenever he feels down.

Ayaw na ayaw niya kasing nakakaramdam ng insekyuridad, lalo na sa'kin, kasi wala namang dapat ika-inggit. But then thoughts would run inside his head. Ayaw niyang pagmulan ng away ang mga insekyuridad niyang iyon. I understand him, though. I always do. Kaya hinding hindi ko siya iniiwan tuwing nakakaramdam siya ng lungkot. I give him hours with himself, then I find him when it's time to.

"Hey," I saw my brother sitting on a stool, a canvas in front of him, and a paintbrush on his hand.

Painting is his stress reliever.

"Ilang oras na lang at sasalubungin na natin ang kaarawan natin, Apollo. Don't you wanna go out there?" Umupo ako sa sofa sa harap niya. Hindi ko makita kung ano ang pinipinta niya dahil nakatalikod mula sa direksyon ko ang canvas.

He sighed heavily and put the paintbrush back on the rack.

"I distracted myself. And.. I want you to look at the artwork I made."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at naglakad papunta sa pwesto niya. 

Natutop ko ang bibig ko at namangha sa nakikita ko sa ipininta niya.

It was a painting of him and me, sitting in the balcony under the starry night sky. Pulido ang pagkakapinta nito at parang totoong totoo. Mula sa aming point of view ag nakaharap sa amin ang magkapatid sa painting at nakatingala sa mga bituin.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa painting. Halatang katatapos lang nito ipinta dahil mamasa masa pa ang ibang parte nito.

"This is my gift for the both of us. A reminder that we always have each other's backs." Nakangiting saad niya, ang mga mata'y nanatiling nakatutok sa painting na ginawa niya.

Nanatiling nakaawang ang mga labi ko habang namamanghang pinagmasdan ang kapatid ko at ang painting na gawa niya.

It's his first time painting people. He just paints instruments or sceneries. And for a first timer, he's pretty good and my jaw literally dropped in awe.

Tangina, baka kambal ko 'yan?!

"Saan ba kayo magsusuot na dalawa ha at bakit hindi namin kayo mahagilap saan mang sulok ng manoir?! Kayong dalawa pa naman ang importanteng sasalubong sa kaarawan niyo tapos bigla na lang kayong mawawala? Oh, mon Dieu!" Tita Amora scolded us both just in time when we stepped foot in the garden. 

Ilang minuto na lang kasi'y mag-aalas dose na.

"Hayaan mo na ang mga bata, Ate." Awat ni Uncle Eros kay Tita.

"Anong mga bata ang pinagsasabi mo riyan? Mon Dieu, they're turning twenty-two later, Oliveros! Hindi na sila mga bata!" Singhal ni Tita sa nakababatang kapatid.

"Enough, hon. Calm down. We wouldn't want to destroy the fun, wouldn't we?" Pagpapakalma ni Tito Hayden kay Tita.

Thank goodness he's here. Siya lang talaga ang kayang magpakalma kay Tita lalo na kung naghihisterya ito. Even Daddylo can't calm his own daughter! Kinakailangan niya pang paturukan ng pampatulog para lamang manahimik! Walang hiya rin talaga minsan ang lolo naming ito. Mabuti pa kung si Tito Hayden, kaunting mabulaklak lang na mga salita ay rumurupok agad ang aming sopistikadang tiyahin!

"Hey! One minute na lang!"

Hawak-kamay kami ni Apollo habang nakatingala sa madilim na kalangitang punong puno ng mga nagniningning na nga bituin. 

"Five!"

Nagsisimula na silang magcountdown.

"Four! Three! Two!"

Nagkatinginan kami ni Apollo nang may shooting star ang napadaan. Agad naming ipinikit ang mga mata at humiling.

"One!"

Sana'y manatiling masayiyahin ang aking kapatid.

"Happy birthday, Apollo and Athena!"

Sigaw nila't kasabay ng pagmulat ng aking mga mata, bumungad sa amin ang makukulay na paputok sa kalangitan.

Patuloy lang na lumalabas ang makukulay na paputok sa kalangitan na tumagal pa ng ilang minuto hanggang sa pinakahuli ay bumuo ito ng mga salitang talagang nagpalawak ng ngiti ko.

Happiest birthday, our dearest De Bonnevie twins.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status