(EL POV)
Bumalik ang aking ama, bahagyang may pinupunas sa kanyang bibig. May talamsik ng dugo ang damit nito.
Di na ako nagtanong pa. Alam kong merong madugong nangyaring inkwentro sa loob ng kagubatan.
Ang bilis napatahimik ng Grand Alpha. Dahilan ba para madugisan ang damit ng aking ama?
Sa naamoy ko at narinig kanina, ang kinaharap niya ay mga taong bampira. Meron na naman atang papatayin na pamilyang lobo.
Ang lakas na ng loob nila para pumasok ng tuluyan sa territoryo namin.
Di na nadala ang mga bampira.
Gusto ata nilang sila lang mamuno sa mundong ito.
Walang hadlang.
Walang kokontra sa kanila.
Tahimik ang aking ama at walang oras nga para magkwento sa nangyari. Never naman siyang nagkwento.
Pagdating namin sa harapan ng isang napakataas na gusali, sinalubong kami ng mga tauhan ng Grand Alpha.
Nakahelerang nakayuko.
Walang lingon na naglakad ang Grand Alpha na ikinasunod namin ni Uncle Rankin.
Nakapamulsa, at naglalaro sa aking isipan kung ano naman ang gagawin ko dito sa kompanya?
Ano nga ba?
Dahil ba maiinip din naman ako?
Uupo at makikinig sa mga sinasabi ng ilang Alpha tungkol sa mga problema nilang di masulosyunan?
O di kaya, magkaroon ng mga babaeng magkakandarapang magpapansin sa akin. Tss. I won’t.
Sa may receptionist desk.
Habang nakayuko ang mga tauhan sa pagdating namin. Agaw pansin ang malaking selyo ng kompanya ng pamilya namin.
Hitus Corporation.
The design was a minimalistic of a wolf and cresent moon.
Sa likuran ng pangalan ng kompanya, naririyan ang werewolf society. Pinamumunuan ng aking ama, ang Grand Alpha.
Sa pagpasok namin sa loob ng elevator, agad kami dinala kung nasaan ang opisina ng aking ama.
Nanatili sa labas ang mga tauhan at kami lang na tatlo ang pumasok.
Sinalubong ang Grand Alpha ng isang matandang tauhan nito. Si Lupoz ang kanyang Secretarya.
Isang pamunas para ata sa dugong tumalamsik sa damit ang binigay ni Lupoz.
Ngunit tinangihan ng aking ama, at nagpatuloy sa kanyang upuan. Hinubad ang suit at patapon na hinagis sa secretarya nito na nakayuko.
This is not good. I know. Kanina pa ang katahimikan ng aking ama.
Pupulutin sana ni Lupoz, ngunit natigilan dahil…
“Lupoz!” isang dagungdong ng kulog. Balak atang pumatay ng aking ama nang di kalahi namin ngayon. Ang mga mata niya at aura nito, mapapayuko at mapapapikit ka na lang.
“Gusto mo nang mamatay?” Naikampante nito ang boses niya ngunit…
“May mga nakakapasok na sa territory namin ngunit wala kayong ginagawa! Naghihintay na naman ba kayo na may patayin silang isang pamilya ng mga lobo?!”
Uncle Rankin nodded to me to have a seat.
“At papalabasin na naman nila. Ang ama ng tahanan ng pamilyang kinitil nila ang pumatay sa sarili niyang pamilya!”
Naupo ako. Ngunit humarap sa ibang direksyon.
Narinig kong napabuntong hininga si Uncle Rankin dahil sa nanlilisik na mga mata ng Grand Alpha sa sekretarya niya.
Galit na galit ang aking ama.
At sino naman ang matutuwa sa nangyari kanina?
Biglang lumuhod sa harapan niya si Lupoz.
Tinapik ako sa balikat ni Uncle Rankin. Nagkatitigan kami.
Kailangan ata namin bigyan ng oras ang Grand Alpha, maka-usap ang sekretarya niya.
“Follow me.”
Narinig kong sinasabi sa akin ni Uncle Rankin sa pamagitan ng isipan niya. Napatango ako at sumunod sa kanya palabas.
Goodluck then, Secretary Lupoz.
Sa pinakatuktok ng gusali, nahanap namin ni Uncle Rankin ang aming sarili. Mahangin at mataas na ang araw.
Anong kinain ng grupo nang mga bampira para umatake ng maaga?
Dahil hindi sila maaring magtagal sa ilalim ng araw.
Anong nangyari?
Bakit nagagawa na nila ngayon?
“Ang aga para uminit kaagad ang ulo ng aking ama. Mabuti di niya kasama ang asawa niya.”
Ngumiti sa akin si Uncle Rankin.
Inilabas sa bulsa niya ang sigarilyo.
“Sino ang di iinit ang ulo kung malalaman mong balita ki-aga-aga ay di gaanong kagandahan.” Sinabi niya na napalingon ako dito.
Maraming masasamang balita at di ko alam ang tinutukoy ni Uncle Rankin. Mga balitang parating tungkol sa amin.
Mga bampirang nagmumukha ngang bayani ng mga tao.
Saka napapalala ng mga media ang nangyayaring alitan, dahil yun ang gusto nilang mangyari sa pagitan ng bampira at taong lobo. Ngunit ang halimuyak naman ng balita ay para sa mga bampira.
May balitang laging inaatupag ang Grand Alpha. Tungkol nga sa mga lobong nawawala sa kanilang sarili. Dahilan upang marami ang mabiktima. Masama pa, maraming inosente ang pinapatay nila. Kaya minsan di naman namin masisi ang mga tao, kung bakit kinakasuklaman kami.
“Balita?”
Wala nga akong alam. Di ako mahilig magbasa o manuod man lang ng balita. Dahil pag-aaksaya lang ito ng panahon o wala talaga akong hilig.
Napabuntong hininga si Uncle Rankin. Waring masama nga itong balita na tinutukoy niya.
“Nagawa na ang serum. Serum na maaring maglakad ang mga bampira sa ilalim ng araw. Ibig lang sabihin, lumakas na naman sila.”
Dismayado niyang sinabi sa akin.
Ako man din.
Napangisi na lamang ako sa narinig ko. Malaki nga ang gulong idudulot nito sa amin ng mga bampira.
Balitang, di nga ito magandang simula ng araw nang aking ama.
“Tao. Tao na naman ba ang nakatuklas?”
Why should I ask? The answer was obvious.
Doon lang magaling ang mga tao. Ang magtuklas ng mga bagay na kala nila di masisira ang balanse ng mundo.
Bwisit.
Napahithit si Uncle Rankin ng sagarilyo nito.
“Tanga parin sila.” saka niya tuluyang ibinuga ang usok. Ang katagang sinabi ni Uncle Rankin ay para sa mga tao.
We didn’t harm them. Pero ang akala nila sinasaktan namin sila. Yun lang ang akala nila. But we are not.
Sadyang nawawala lang sa kontrol ang mga taong lobo na umatake sa kanila.
Bakit di nila kami pakingan muna? Ginagawa namin ang lahat para mahanap ang lunas.
Wala nang salita na lumabas sa aming bibig ni Uncle Rankin. Kinakalma ang sarili. Yun din ata ang ginawa ng aking ama kanina. Pilit na kinakalma ang sarili.
Malayo ang titig ko…
“Ang mundong to El, di pinababayaan ng aking kapatid na maging maayos. Kaya sana magtagumpay siya, kung hindi ikaw ang sasalo ng lahat nang to.”
@DeathWish
(Athena POV)Nagsimula nga kaming mamili.Di ko inaasahan, magaling siya kumuha ng mga magagandang quality ng mga produkto. Yung totoo siya ba ang namamalengke para sa kusina niya?Saka talaga bang anak siya ng Grand Alpha?“Para saan ‘to Athena? Ang dami nito ah?”“Sabi ko sayo maraming mararating ang perang kinuha ko sayo.”“I don’t have an idea kung para talaga saan to, but sure you can have that card since nga alam kong dinampot lang kita at ni isang gamit wala kang naidala. Yeah, you can have that card.”“Seryoso?!”Lumaki ang mga mata ko.Muli kong kinuha yung card ngunit natigilan ako. Kasi, baka sa huli kapag pinakita ko, ako pa ang makidnap.“Okey. Thanks!”Napailing-iling sa akin si El. Hindi makapaniwalang ganito nga niya ako napapasaya.
(Athena POV)Dinukot niya sa loob ng bulsa yung wallet nito. Manipis lang. Tipong ganoon ang gusto ng mga lalaki. Kaya hindi talaga magkakasya ang cash sa wallet niya.Hindi ako makapagsalita. Napatitig ako sa mukha nito. Siya na talaga ang rich kid.Di nakakapagtaka na naka Diamond VIP Card si El.Sana lahat meron nito.Infairness ngayon lang ako nakahawak ng gantong klaseng Card sa boung buhay ko.“Alam mo ba EL, makakabili ata ako ng maraming sasakyan sa pamagitan nito. Wala itong limit diba?”Tumango siya.See?“Anong naisipan mo at ganito ang dinadala mo?”Tinataas-taas ko pa.Grabeh, lahat ng bagay ata mabibili nito. Except yung mga nagtitinda na ang tinatangap cash lang. Haist. Hindi lahat ng negosyante mayaman.“Pagkatapos mo ako hilain dito Athena, yan ang itatanong mo sa akin?”Ngumiti na lang a
(Athena POV)Natagpuan ang mga sarili namin sa isang palaruan. Napakaraming bata ang naglalaro.Ngunit itong bumuhat sa akin, hindi man lang siya hiningal at pinagpawisan. Isa talaga siyang halimaw.Tinapik ko ang likuran nito, nagbabakasakaling may pawis.WALA.“Ayan. Tinulungan na kitang takasan ang mga tauhan ko.”Napangiti ako.“Tutulungan mo rin ba ako takasan ka?”Siya na itong ngumiti pabalik sa akin.“Aba naman. Syempre hindi. Anong plano mo? Tuluyan akong tumakas sa gagawin ko ngayon araw? Nasisigurado kong mainit na ang ulo ni Lucah sa pinag-gagawa mo Athena. Pati ako ini-impluwensyahan mo. Such a bad influence.”“Sus. Kitang-kita na nagvolunteer ka kanina. Kaya wag ako El.”Inayos ko ang nayuping damit ko.Nang nahaligilap ng aking mata ang isang kuting. Medyo may kapaya
(Athena POV)“Hey! Where are we going?”Tanong nito ulit ng hinila ko siya sa isang iskinita. Di makakapasok ang sasakyan dahil di magkakasya.“Walang masamang mangyayari sayo dito. Tahimik.”Dahil nahahalata ko napapatitig rin sa amin ang nadadaanan namin. “Yuko mo din ang ulo mo. Wag yung tipong para kang hari na taas noo kahit kanino.”Pagdating namin sa maliit na restaurant. Amoy ko kaagad ang sarap ng hinahain nila. Kumulam ang tiyan na ikinangiti ko lang.Andito na tayo my dear tummy. No need nang magreklamo.Pagpasok namin nagdalawang isip si EL, kaya hinila ko.“Magandang umaga Nay Ising!”Matapos ko ngang iwanan sa isang mesa si EL. Diretso ako sa may counter. Umangat ang paningin ng matandang babae sa akin at sinadya kong salubungin ito ng ngiti.“Athena?!&rdq
(Athena POV)“Mas baliw pala sila sa akin EL. Kaya ngayon din, practice ka na.” Napatitig siya at ngumiti.“Kamukha mo siya. Kamukhang-kamukha.”Wala akong ideya sa pinagsasabi ni EL.Gutom din ata at marami ding imahinasyon ang pumapasok sa isipan.“Gutom lang yan, El. Tara, ipagpatuloy na natin ang paglalakad.”Muli itong napabuntong hininga.“Athena, tao ka lang. Hindi ako madaling mapagod. Habang ikaw, nilalagnat ka pa lang kagabi.”“Wala na oh.” Sinat ko sa aking noo.“Effective itong paglalakad-lakad sa labas. Ibang klase talaga ang mother nature mag-alaga. Haha. Tara na.”Ikinatalikod ko na lamang kay El.Tumayo si El at sumunod sa akin.“May importante akong gagawin ngayon pero ipinagsisiksikan mo ang bagay na ito sa akin Athena.”
(Athena POV)Tumayo ako at lumapit sa bintana. Binuksan ito.Sinalubong ako ng malamig na hangin. Ang lakas ng hamog. Malamig.Lumingon ako kay EL, patalikod na sana sa ako.“EL. Labas tayo.”Lumingon si El, hawak yung tray.“Kumain ka muna ng agahan before simulan ang kabaliwan mo, Athena.”“Nope. Alam mo bang mas makakabuti mag-jogging muna bago kumain? Kaya tara na. Minsan lang ako mangyaya. Saka sayang naman ng garden nitong Blue Mansion. Sarap tumakbo. Dali na EL!”Napatitig si EL sa kanyang relo.“I have no time with that Athena. May maagang pagpupulong na isasagawa ngayong umaga. Then, you need to stay indoors or else…”“Ayan na naman ang hari ng blackmail. Basta lalabas ako EL. Walang makakapigil sa akin. Tandaan mo yan. Asaan si Mei?”Napabu