Home / All / Alpha King Checkmate (TAGALOG) / Moon Phase 5 Grand Alpha Vs. Subordinates Alpha

Share

Moon Phase 5 Grand Alpha Vs. Subordinates Alpha

Author: Death Wish
last update Last Updated: 2021-06-21 20:20:17

(EL POV)

“Ang mundong to El, di pinababayaan ng aking kapatid na maging maayos. Kaya sana magtagumpay siya, kung hindi ikaw ang sasalo ng lahat nang to.”

Napabuntong hininga ulit ako.

Magkapatid nga ang Grand Alpha at si Uncle Rankin.

Nga naman, bakit hindi naintindihan ng mga tao na di namin sinasadya magkaroon ng sakit. Sakit na hindi namin mahanap-hanap ang lunas kaagad?

Hindi.

Di nila kailangan intindihin. Kundi kailangan nila buksan at tangapin ang katotohanan na sakit nga itong nangyayari sa aming angkan.

Sa katunayan, kailangan din namin ng tulong ng mga tao. Pero pilit na sinasarahan kami ng pinto.

Kaya sa abot ng makakaya namin. Hindi kami tumitigil sa paghahanap ng lunas.  

Ang sakit, na di mahanapan ng lunas. Kahit ilang taon nang pinagtuunan ng pansin ng aking ama.

Sa kabila ng lahat na pagpapagod ng Grand Alpha, nasa likuran namin dumidikta ang mga bampira. Kung kailan ulit nila guguluhin ang pananahimik namin. Isama sa mga kontrobersyal ng pangingitil ng may buhay. Lalo na sa walang awa nilang pamamaslang ng pamilyang lobo.

Tss.

Bumalik kami ni Uncle Rankin na dumiretso sa conference room.

Nagsilingon silang lahat ng dumating kami.

Subordinates Alphas. Habang ang aking ama ang pinakadominante sa kanila, The Grand Alpha.

Wala pa ang aking ama sa silid.

Si Uncle Rankin mismo ang humila ng aking mauupuan. Malapit sa inuupuan ng Grand Alpha. Walang ingay ngunit ang mga isipan nila napakaraming gumugulo at nag-uusap-usap ang mga ito.

Seryoso sila?

Mapapangiti ka na lang talaga sa mga agam-agam ng kanilang isipan.

Isa sa pinag-uusapan nila, di sila makapaniwala na balang araw ako ang papalit sa aking ama. Kaya inangat ko ang paningin sa kanila.

Ako man ang pinakabatang naririto, ngunit wag nila akong minamaliit.

Nagsiyukuan sila dahil nga sa ginawa ko.

Ganyan nga. Madala kayo sa isang titig.

Hangang bumukas ang pinto.

Agad na nagsitayuan para pagbigay galang sa aking ama.

Ako?

Nanatiling nakaupo.

Sa pag-upo niya nagsi-upuan na din sila. Habang ang mga tauhan ng Grand Alpha nanatiling pinaligiran ang boung silid.

Nakikinig lang ako sa mga pinagsaasabi at ilang suhewitsyon para matagilan nga ang mga aksidente ng pagpaslang sa mga taong lobo ng mga bampira.

Pinapatay ng mga bampira ang mga lobong nawawala sa sarili.

Sa katunayan naman talaga, ginagawa nila itong dahilan upang maubos kaming taong lobong naninirahan sa mundong ito.

Dahil sa nangyayari, yung iba tinatalikuran ang pagiging taong lobo nila sa pangamba na baka patayin sila ng mga bampira.

Nakakatakot na magkaroon ng sakit. Sakit na kinakatakutan ng mga tulad namin. Sanhi upang bigla na lang mawawala sa sariling isipan at gagawa ng mga kilos na siyang, oo, nagkakaroon nga ng patayan. Di namin yan maitatangi.

Ang sakit na ito tinatawag naming isang mental disorder, Trelosfomias Myato.

Kaya nga galit na galit ang mga tao sa amin. Dahil inosente silang nadadamay. Ngunit handa naman kaming sumaklolo kung meron ngang mangyari ulit.

Sa kasawiang palad, hindi kami pinagbibigyan. Kinikitil kaagad ng mga bampira ang mga lobong nawawala sa sarili.  

Tss. Wala kaming magagawa. Wala paring gamot, kahit binibigay namin ang lahat ng makakaya namin.

“Our underground cells are already full, dear Grand Alpha.”

Ang mga ikinukulong namin ay ang mga lobong wala sa sarili bago pa man sila patayin ng mga bampira. Pinag-aaralan ito ng mga tauhan ng Grand Alpha, upang isagawa ang lunas dito.

Ngunit kanina ko pa sinabi, hangang ngayon, wala paring panglunas.

Ang kinakatakutan ng ilan…

Paano kung ang Grand Alpha ang siyang mawala sa control?

Napakalakas ng aking ama, at wala pa akong ibubuga sa kanya.

Umaasa sila sa kakayanan ko.

Napatitig ako sa aking ama na ni minsan di ko na nakitang ngumiti simula ng mamatay ang aking ina o kahit nag-asawa pa ulit ito. Tipong seryoso na lamang siya sa pamamalakad ng angkan namin.

“Kailan ba mahahanap natin ang lunas?”

Kahit ang Grand Alpha walang sagot riyan.

Pero ginagawa niya ang lahat.

“O kailangan ba natin pagkatiwalaan ang mga bampirang katulad niya/!” 

Yung secretarya ng aking ama ang tinutukoy ng isa sa board member. Sa kapaitan ng sinabi niya, siguradong may malagim din itong pinagdadaanan dahil nga sa mga bampira.

Si Lupoz, hindi ito lobo kundi bampira. Tuluyan siyang tumalikod sa angkan nito matapos nga patayin ang pamilya niya.

Natuklasan kasi na dalawang panginoon ang pinagsisilbihan kaya agad na naglaho sa mundo ang pamilya nito.

Tumakas siya sa kamatayan.

Lumapit at humingi ng pag-uunawa at bubong sa aking ama.

Napakama-awain ng Grand Alpha, sa kabila ng kanyang mukha ngayon na di masasabing meron nga siyang awa.

Bantay sarado sa amin si Lupoz.

Bilang kapalit ng pagtangap namin sa kanya, kailangan niyang ibigay ang mahahalagang impormasyon na kailangan ng Grand Alpha.

Nakipag-ugnayan si Lupoz. Patuloy din na ginagawa ang lahat para makatulong sa amin. Saka ang layunin niya makaganti sa sarili niyang lahi.

Napayuko na lamang si Lupoz sa narinig niya sa di nito kapwa.

“Marami na din ang namamatay na half-human, half-werewolf dito sa lungsod. Iniisa-isa nila tayo. Master Tyros, anong balak niyo?” Giit ng isa pang Alpha na mahinahon kesa sa katabi niya na nagtanong kanina.

Di nagsalita ang aking ama, kaya nagpatuloy sila sa mga pinagsasabi nila.  Hangang sa di na ako magugulat kung masamang titig ang ipinukol ng Grand Alpha. Ang di nila pagrespeto sa presensya niya.

Titig nito na parang tig-iisang sibat sa mga noo nila ang tatama kung hindi pa sila titigil.

Para nga silang apoy na tuluyang sinabuyan ng tubig. Nanahimik at di na sila makapagsalita.

Matapang na nagsalita si Lupoz para sa aking ama. Nanginginig ang boses dahil ang kaharap lang naman niya ay ilang mga ninuno ng mga pangkat. Mga Alpha din.

Isang pagkakamali, may magtatangkang Alpha na papatayin siya.

Paano nakakayanan ni Lupoz pumasok sa kwebang maraming pana ang nakatutok sa kanya?

Ang lakas ng loob ni Lupoz.

Siyang napapatitig na lamang talaga ako sa kanya.

Determinado ba na makaganti o meron pa siyang ibang layunin?

“Sinusubukan naming humanap ng lunas. Naisagawa namin ang lahat na posibleng processo ng serum. Ngunit wala paring nangyayari.”

Nagkaroon na naman ng ingay. Di natin sila masisi dahil natatakot din talaga sila. Takot na kapag tuluyang naghari, mayayanig ang buong angkan. Kaya kahit paano mahinahon ang Grand Alpha sa paggawa ng desisyon.  

@DeathWish

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Alpha King Checkmate (TAGALOG)   Moon Phase 168 Challenge

    (Athena POV)Nagsimula nga kaming mamili.Di ko inaasahan, magaling siya kumuha ng mga magagandang quality ng mga produkto. Yung totoo siya ba ang namamalengke para sa kusina niya?Saka talaga bang anak siya ng Grand Alpha?“Para saan ‘to Athena? Ang dami nito ah?”“Sabi ko sayo maraming mararating ang perang kinuha ko sayo.”“I don’t have an idea kung para talaga saan to, but sure you can have that card since nga alam kong dinampot lang kita at ni isang gamit wala kang naidala. Yeah, you can have that card.”“Seryoso?!”Lumaki ang mga mata ko.Muli kong kinuha yung card ngunit natigilan ako. Kasi, baka sa huli kapag pinakita ko, ako pa ang makidnap.“Okey. Thanks!”Napailing-iling sa akin si El. Hindi makapaniwalang ganito nga niya ako napapasaya.

  • Alpha King Checkmate (TAGALOG)   Moon Phase 167 Wasting Time

    (Athena POV)Dinukot niya sa loob ng bulsa yung wallet nito. Manipis lang. Tipong ganoon ang gusto ng mga lalaki. Kaya hindi talaga magkakasya ang cash sa wallet niya.Hindi ako makapagsalita. Napatitig ako sa mukha nito. Siya na talaga ang rich kid.Di nakakapagtaka na naka Diamond VIP Card si El.Sana lahat meron nito.Infairness ngayon lang ako nakahawak ng gantong klaseng Card sa boung buhay ko.“Alam mo ba EL, makakabili ata ako ng maraming sasakyan sa pamagitan nito. Wala itong limit diba?”Tumango siya.See?“Anong naisipan mo at ganito ang dinadala mo?”Tinataas-taas ko pa.Grabeh, lahat ng bagay ata mabibili nito. Except yung mga nagtitinda na ang tinatangap cash lang. Haist. Hindi lahat ng negosyante mayaman.“Pagkatapos mo ako hilain dito Athena, yan ang itatanong mo sa akin?”Ngumiti na lang a

  • Alpha King Checkmate (TAGALOG)   Moon Phase 166 Typical Human

    (Athena POV)Natagpuan ang mga sarili namin sa isang palaruan. Napakaraming bata ang naglalaro.Ngunit itong bumuhat sa akin, hindi man lang siya hiningal at pinagpawisan. Isa talaga siyang halimaw.Tinapik ko ang likuran nito, nagbabakasakaling may pawis.WALA.“Ayan. Tinulungan na kitang takasan ang mga tauhan ko.”Napangiti ako.“Tutulungan mo rin ba ako takasan ka?”Siya na itong ngumiti pabalik sa akin.“Aba naman. Syempre hindi. Anong plano mo? Tuluyan akong tumakas sa gagawin ko ngayon araw? Nasisigurado kong mainit na ang ulo ni Lucah sa pinag-gagawa mo Athena. Pati ako ini-impluwensyahan mo. Such a bad influence.”“Sus. Kitang-kita na nagvolunteer ka kanina. Kaya wag ako El.”Inayos ko ang nayuping damit ko.Nang nahaligilap ng aking mata ang isang kuting. Medyo may kapaya

  • Alpha King Checkmate (TAGALOG)   Moon Phase 165 Escaped

    (Athena POV)“Hey! Where are we going?”Tanong nito ulit ng hinila ko siya sa isang iskinita. Di makakapasok ang sasakyan dahil di magkakasya.“Walang masamang mangyayari sayo dito. Tahimik.”Dahil nahahalata ko napapatitig rin sa amin ang nadadaanan namin. “Yuko mo din ang ulo mo. Wag yung tipong para kang hari na taas noo kahit kanino.”Pagdating namin sa maliit na restaurant. Amoy ko kaagad ang sarap ng hinahain nila. Kumulam ang tiyan na ikinangiti ko lang.Andito na tayo my dear tummy. No need nang magreklamo.Pagpasok namin nagdalawang isip si EL, kaya hinila ko.“Magandang umaga Nay Ising!”Matapos ko ngang iwanan sa isang mesa si EL. Diretso ako sa may counter. Umangat ang paningin ng matandang babae sa akin at sinadya kong salubungin ito ng ngiti.“Athena?!&rdq

  • Alpha King Checkmate (TAGALOG)   Moon Phase 164 Try To Love Me Back

    (Athena POV)“Mas baliw pala sila sa akin EL. Kaya ngayon din, practice ka na.” Napatitig siya at ngumiti.“Kamukha mo siya. Kamukhang-kamukha.”Wala akong ideya sa pinagsasabi ni EL.Gutom din ata at marami ding imahinasyon ang pumapasok sa isipan.“Gutom lang yan, El. Tara, ipagpatuloy na natin ang paglalakad.”Muli itong napabuntong hininga.“Athena, tao ka lang. Hindi ako madaling mapagod. Habang ikaw, nilalagnat ka pa lang kagabi.”“Wala na oh.” Sinat ko sa aking noo.“Effective itong paglalakad-lakad sa labas. Ibang klase talaga ang mother nature mag-alaga. Haha. Tara na.”Ikinatalikod ko na lamang kay El.Tumayo si El at sumunod sa akin.“May importante akong gagawin ngayon pero ipinagsisiksikan mo ang bagay na ito sa akin Athena.”

  • Alpha King Checkmate (TAGALOG)   Moon Phase 163 About Pregnancy

    (Athena POV)Tumayo ako at lumapit sa bintana. Binuksan ito.Sinalubong ako ng malamig na hangin. Ang lakas ng hamog. Malamig.Lumingon ako kay EL, patalikod na sana sa ako.“EL. Labas tayo.”Lumingon si El, hawak yung tray.“Kumain ka muna ng agahan before simulan ang kabaliwan mo, Athena.”“Nope. Alam mo bang mas makakabuti mag-jogging muna bago kumain? Kaya tara na. Minsan lang ako mangyaya. Saka sayang naman ng garden nitong Blue Mansion. Sarap tumakbo. Dali na EL!”Napatitig si EL sa kanyang relo.“I have no time with that Athena. May maagang pagpupulong na isasagawa ngayong umaga. Then, you need to stay indoors or else…”“Ayan na naman ang hari ng blackmail. Basta lalabas ako EL. Walang makakapigil sa akin. Tandaan mo yan. Asaan si Mei?”Napabu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status