Share

Chapter 2

Two

Ilang araw na akong balisa at hindi alam ang gagawin simula nang mag-cross muli ang landas naming dalawa. Even though how much I tried to act cool… pretending I don’t care at all… I just really can’t put myself together. This is seriously so damn not right. He is literally giving me some headaches.

"CHEERS FOR THE BIG SUCCESS OF OUR TEAM!" Masayang sigaw ni Chief na itinaas ang glass of beer niya.

We are celebrating for the success of our stall, but I don’t feel like celebrating at all. All I want now is to go home and rest. Hindi natapos ang celebration namin sa tawanan at kwentuhan sa table, dahil ang iba ay nagtungo na sa dance floor at nagsaya.

"Ayaw mo talaga?" Nakailang-aya na sa’kin si Lex, ngunit nakailang-iling na rin ako para tumanggi.

The last time I partied, nagulo lang ang buhay ko. Ayoko ng maulit ‘yon. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa phone ko at chineck ang article na ako mismo ang nag publish, hanggang sa makuha ng atensyon ko ang message ni Zelly. I immediately replied to her, saying that I’m at T.Bar for celebration. I arched a brow when I instantly received a reply.

Zelly: [ Umiinom ka? Sunduin na ba kita? ]

Natawa na lang ako dahil sa reply niya. Hindi ko na siya nireplyan pa. I’m not the old Krsytal anymore. Hindi na ako tanga.

Patuloy sa pagtugtog ang banda na kanina pa umaawit ng mga requests songs. Ang mga tao ay napapatili na lang na para bang kinikiliti sila. Lahat ay nakatuon ang mga mata sa isang hindi kasikatang grupo na trip lang ata ang kumanta. The guitarist started to strum his guitar as he sings his last song. I closed my eyes intently as I feel an unwanted feelings surge up inside me when a familiar song suddenly played. A bittersweet smile pasted on my face when a sudden flashback crossed my head. 

"HELLO HOY! ANG KAPAL NG MUKHA MONG IPAGPALIT AKO? SINO KA BA SA AKALA MO? HINDI KA NAMAN GWAPO! MASARAP KA BA? HA?” sigaw ko sa kabilang linya na halos mapigtas na ang litid ko.

Gusto kong isigaw lahat  ng nararamdaman ko. Gusto ko siyang saktan gaya ng pananakit niya sa’kin! Pero kahit na anong gawin ko, sobrang mahal na mahal ko pa rin siya.

“Chi, nakakahiya ka talaga.” Hindi ko pinansin si Zelly. 

Gano’n na lang ba kadali na saktan ako? Na iwan ako? Hindi ko maintindihan… sobrang saya at mahal lang naman ang isa’t isa, tapos bigla niyang sasabihin sa’kin na hindi na niya ako mahal? I just can’t accept it!

"Bakit? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Sabihin mo! Ano bang meron ‘yang pinagpalit mo sa’kin ng wala ako?" Nabasag ang boses ko at tuloy-tuloy na umagos ang luha ko. Napahagulgol na lang ako dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. "Hindi pa ba sapat ang pagmamakaawa ko? Ilang beses ba ang gusto mo at gagawin ko? I just want you back, Kiel. I just want you back," pagmamakaawa ko.

Niyakap ako ni Zelly kaya mas lalo akong naiyak. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung paano mawawala ang sakit na ito. Wala akong narinig mula kay Zelly sa halip ay patuloy siya sa pagtapik sa likod ko.

"I FUCKING HATE ALL MEN! MAMATAY NA KAYO! MGA HINDI MARUNONG MAKUNTENTO! HINDI MARUNONG MAGMAHAL!" I shouted at the top of my lungs. I don't care what people think about me. I just want to shout all my pain.

Marahas kong pinunasan ang luha ko. My eyes are blurry because of tears. 

"Not all men have no balls! Try me if you want!" I shifted my eyes to where I heard the voice. My eyes landed on the pair of warm eyes. He smirked. 

Zeikko Jox Teng.

The music stopped and suddenly a loud music started to play again. I opened my eyes with a fake smile pasted on my face.

"Still no balls," bulong ko sa aking sarili nang mapabalik ako sa reyalidad. Iginiya ko ang mga mata ko sa dance floor kung saan masayang-masaya ang ka-team ko na sumasabay sa maingay na tugtugin.

Tumayo ako dahil ramdam ko ang tawag ng kalikasan. Napapamake-face na lang ako dahil madaming milagro ang nagkalat sa paligid. Making out in a public place is so disgusting.  Halos malaglag naman ang puso ko sa tumambad sa’kin sa C.R nang buksan ko ito.

"S-Sorry," paghingi ko ng paumanhin at mabilis na isinara ang pintuan. O freaking! I just couldn’t believe that I just saw live porn.

Pagbalik ko sa table ay nando’n na ang mga kasama ko. Nagsalubong agad ang kilay ko nang makita kung sino ang bagong pigura na kausap ni Chief. Hindi ako lasing kaya hindi ako namamalikmata lamang. What is he doing here? Mariin kong naipikit ang mata ko at marahas na bumuntong hininga. 

“Mr. Zeikko is here to personally congratulate our team for the success of the bazaar," Chief said as soon as I sat down. I just fake a smile when our eyes met for a couple of second. I can feel Seca’s stare. I already explained to her that there’s nothing going on between me and Zeikko, and thankfully after that she didn’t pester me again.

"Kryst, why didn't you tell us that you two knew each other?" Napaubo ako dahil nasamid ako sa iniinom kong juice dahil sa tanong ni Kim. Agad naman akong inabutan ni Seca ng tissue. 

Bahagya ko siyang binalingan ng tingin na sana hindi ko na lang ginawa. He is smiling again as if something good happen to his life. This asshole!

Nag-umpisang magtanong ang mga kasamahan ko, ngunit kahit isa sa mga tanong nila ay hindi ko sinagot.  This is making me uncomfortable.

"Paano niyo naman nakilala ang isa't isa?" tanong muli ni Kim.

I bit my lower lip. Dahan-dahan kong binalingan si Zeikko na nanatiling kalmado. I don’t know what is running to his mind right now. Ano ba kasing ginagawa niya rito? He is really getting into my nerves.

“He's my schoolmate,” I answered plainly as I quickly drink the glass of beer in front of me. My hands are sweating as my heart keeps pounding so hard. 

"Schoolmate huh,” he said sarcastically with a playful smile pasted on his face. Umayos siya ng pagkakaupo nang masamang tingin ang ibinaling ko sa kanya.

Alam ko na gago siya, ngunit hindi ko pa rin maiwasang maaburido sa kanya. Does he think, what he is doing right now will going to change my mind? No! Kahit na anong gawin niya he is still an asshole to my eyes.

"I think I should leave now." Tumayo ito kaya maging ang mga kasama ko ay tumayo rin, maliban sa’kin. Saglit niya akong binalingan ng tingin ngunit inirapan ko lang siya. "Enjoy the night. Don't worry about the bills. I'll take care of it. Just don't drink…" Muli niya akong binalingan ng tingin na para bang binabasa ang nasa isip ko. "…too much," dagdag niya kasabay ng pagguhit ng maliit na ngiti sa kanyang labi.

I really can’t stand him.

"Just don't drink too much daw." Para silang kiti-kiti na hindi mapakali sa kinauupuan nila. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa glass of beer na nasa harapan ko.

I hope this will be the last time that our paths cross. I want to live my life peacefully, and I don’t want another Teng to come into my life and destroy me. 

Hindi pa rin natapos sila Seca sa pagpapantasya kay Zeikko. He is indeed popular, kahit pa man noon. However I don’t give a damn to his existence, because I know that a guy like him is nothing but a heartbreaker. Maging noon pa man, ayoko na talaga sa kanya, siya kasi iyong tipo ng tao na makita mo pa lang naalibadbaran ka na agad dahil sa buong pagkatao niya. Lahat ng kayabangan kasi sa mundo nasa kanya na.

"Okay ka lang?" tanong ni Chief nang balingan niya ako ng tingin. Kaming dalawa na lang ulit ang natitira sa mesa dahil sumugod na naman sa dance floor sila Seca. "You keep on sighing.”

Muli akong napahinga ng malalim. Ininom ko ng tuloy-tuloy ang glass of beer na nasa harapan ko. Mariin kong naipikit ang mga mata ko nang makaramdam ako ng pagkahilo.

“Did I put you in a bad situation earlier?” I shrugged my head.

“It’s fine. I’m fine,” I said as I fake a smile.

Chief knows what happened from my past. Kung anong katangahan ang ginawa ko para lang bumalik si Kiel sa buhay ko. Oh, damn! This is why I hate drinking dahil hindi ko mapigilan ang mag-isip tungkol sa nangyari sa akin three years ago.

"Kryst, that happened long ago. Let yourself breathe." She faked a smile as she held my hand to calm me. "At least you tried everything you can just to have him back. And at the end napatunayan mo na wala ka na talagang babalikan sa kanya, na hindi lahat ng ipinaglalaban, worth it. You have all the rights to forget and move on.”

Akala ko okay na ako, na hindi na ulit ako iiyak pagdating sa kanya, pero nandito pa rin pala ‘yong sakit na dulot niya. Tatlong taon na ang nakakalipas pero nakakulong pa rin ako sa nakaraan naming dalawa. Hindi naman kasi gano’n kadali kalimutan ang isang tao na bumuo sa’yo. 

"Okay ka lang ba talaga? P’wede ka rin naman naming ihatid," ani Chief nang matapos ang celebration namin. 

Umiling ako. "Susunduin ako ni Zelly, Chief. Salamat. Ingat kayo."

Napailing na lang ako habang tinitignan ang mga kateam ko na mukhang wala ng pag-asa. They are all wasted, maliban kay Kim at Chief.

"Text me anytime if you need someone to pick you up," ani Chief bago pumasok sa sasakyan niya. Kumaway naman si Kim sa’kin. 

"Ingat," pahabol na sigaw ko. 

Marahas akong napabuntong hininga at umupo sa bench. Madami pa ring tao sa paligid kahit late na. I took out my phone and immediately dial Zelly’s number.

[ I’m on my way, ]” she said as soon as she answered the call. I couldn’t stop myself to chuckle because I suddenly visualize her face.

"I’m at the parking lot. Just text me, okay? I love you.” I ended the call immediately before she could even utter shits again.

Isang matamis na ngiti agad ang sumilay sa aking labi nang tumingala ako at mapagmasdan ang bituin sa langit. Sobrang liwanag ng kalangitan na tila ba nagsasaya ang mga bituin, ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko? Sobrang bigat. Sobrang dilim. Noon, kumakalma ako sa tuwing nakatingin ako sa langit dahil sa tuwing pinapanood ko ito lagi siyang nasa tabi ko at hawak-hawak ang kamay ko, ngunit ngayon... hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa aking dibdib at hindi ko na rin maikalma ang sarili ko. Everything feels so dark to me. 

"You promised me you won't break my heart. But, why am I crying again because of you?" I said as tears suddenly streamed down to my face. Mapait ang ngiting sumilay sa aking labi. I didn't know that loving too much will hurt me this much. Kung alam ko lang sana... sana nagtira ako para sa sarili ko. My life has been in hell since that day. Kahit gaano ko pagbali-baliktarin ang mundo... alam kong hindi madaling kalimutan ang lahat. 

"Because you are so stupid.”  A cold deep voice caught my attention. 

Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. I closed my eyes for a couple of seconds. Here he is again, staring annoyed at me.

“How could you still cry and reminisce about that asshole?” His brow arched with his arms crossed. 

Umupo siya sa tabi ko kaya naman agad akong lumayo. I heard him sneered, but I didn’t bother myself to pay him attention. Is he starting now? Pestering me?

"Ito ba ang paraan mo para lumayo ulit ako sa’yo?"

I immediately diverted my eyes to him. I gave him a death glare when I saw him smiling at me widely. He is really annoying. 

"Pero sa tingin ko wala ka nang rason para layuan ako."

Napatayo na ako dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi niya.  I’m so done with him.

"You chose him over me."

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Parang may kung anong sumabog sa loob ko. Naghaharumentado ang puso ko kahit hindi naman ako tumakbo. Naikuyom ko ang aking kamao hanggang sa maramdaman ko ang pagbaon ng aking kuko.

"Stop fooling around," halos pabulong na saad ko. 

I was taken aback when he suddenly blocked my way. He is staring at me with the same eyes just like before — it is warm yet cold.

"Am I?" mahinahong tanong niya. Mariin itong pumikit at tila hindi matanggap ang sinabi ko. "You clearly damn know that before my brother came into your life, I was there waiting for you.” He looked frustrated now. Nag-igting ang kanyang panga na para bang pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili.

Hirap akong salubungin ang kanyang mga mata dahil alam ko na totoo ang mga sinasabi niya. Na tama siya… dahil bago pa man dumating si Kiel sa buhay ko ay nauna na siya.

“You can’t stop me now, baby. I will have you back no matter what.”

---

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status