Share

Chapter 1

One

3 years later... 

Panibagong araw, panibagong stress na naman. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga habang hinihilot ang aking sintido. Mariin ko ring naipikit ang aking mga mata upang bahagyang ipahinga ito.

"Na-edit mo na, Krystal?" tanong ni Chief nang makalapit ito sa akin. Bahagya pa siyang kumatok sa mesa ko para makuha niya ang atensiyon ko. 

Muli akong tinawagan ng publishing company na pinagtatrabauhan ko, and I really am thankful for that. Akala ko kasi katapusan na nang buhay ko no'n. I was broken and couldn't find a way to life, and my work became a blessing in disguise to me. Ginawa kong busy ang buhay ko upang hindi na siya muling sumagi sa isipan ko.

"I already sent, Chief." I smiled as I stood up. I saw how her expression changed, so I sneered. 

"Where are you going?" she asked puzzled while watching me fixing my things. Her brows furrowed as she keeps playing her pen with her fingers.

I took a quick glance at her before I shifted my eyes to the scattered papers in my table. I check my watch, it's already late. 

"Going home," I answered plainly as I pointed out the wall clock. 

She arched a brow as she slightly pushed her swivel chair back to her place. I couldn't stop smiling especially when I saw her frowned. Tambak din ng mga iba't ibang papel ang makalat niyang mesa, katulad ko. 

"BIG NEWS!"

Parehong nabaling ang atensyon namin kay Seca nang bigla itong sumigaw na tila ba nanalo ito sa lotto. Hindi ko naman maiwasang mapabusangot dahil alam ko na ang ibig sabihin nito. Nagkanya-kanya kami sa pagtingin sa monitor. Marahas akong napabuntong hininga.

Highlight: The youngest billionaire Zeikko Jox Teng is back. 

Paulit-ulit kong binasa ang highlight dahil baka namamalik mata lang ako o mali ang nabasa ko. Pero napamura na lang ako sa isip ko nang masiguro kong tama ang nababasa ko. 

‘This can’t be,’ I muttered to myself. I heaved a deep sigh as I bit my lower lip — trying to calm myself, but I can’t damn calm my nerves. This is not a good sign. Natakasan ko ang nangyari three years ago. I acted as if nothing happened. Wala naman talagang nangyari — it’s a big mistake. We are both drunk. It's just a nightmare. Maliban kay Zelly wala ng nakakaalam pa sa ibang nangyari. What for?

"He is really so hot." 

My team started to fantasize Zeikko as if he is really a real deal. Hinayaan ko na lang sila sa kani-kanila nilang pantasya. Zeikko? Siya iyong tipo ng lalaki na hindi ka kayang ipaglaban.

Naranasan ko na ang masaktan ng sobra at hanggang ngayon aaminin ko dala-dala ko pa rin ang pait at sakit na iyon. Hindi naging madali sa'kin lahat. Moving on is so damn hard… Like, paano ko kakalimutan ang isang tao na ginawa kong buhay at mundo? That’s ridiculous. Ilang buwan akong umiyak, naghabol, at nagmakaawa, pero wala akong napala. Nasaktan lang ako at nagmukhang tanga. They said time will heal everything. But, when will time heal mine?

It was already 11 in the evening when I left the office. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa article. 

“I hope our paths won’t cross again,” I said to myself as I stared at the dark sky. I faked a smile. 

Bago ako tuluyang umuwi ay dumaan muna ako sa pinaka malapit na Chinese resto dahil ramdam ko na ang pagkaalam ng sikmura ko. Buti na lang 24 hours open ito. 

“Table for one,” saad ko nang may lumapit agad na waiter sa’kin. 

“This way, Miss.” Sinundan ko siya nang igiya niya ako sa mesa ko. Inabutan niya ako ng menu na agad ko namang tinanggap. Seconds after ay nakapag decide ako ng kakainin. 

Nasa labas lang ang tingin ko habang hinihintay ang order ko nang makuha ng isang pamilyar na pigura ang atensyon ko. Lumabas ito sa sasakyan habang ang mga mata niya ay nasa cellphone nito. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang bahagya siyang napalingon sa gawi ko. Ramdam ko agad ang malakas na pagkabog ng dibdib. This can’t be! Kasasabi ko lang na sana hindi mag-cross ang landas namin ngunit bakit? I closed my eyes intently. This can't be. 

Mabilis akong naglapag ng pera sa mesa at marahas na tumayo, ngunit tila nabuhusan ako ng malamig na tubig nang biglang bumungad ang bangungot na tinakbuhan ko ng ilang taon. 

“So, we meet again.” Tumindig ang lahat ng buhok ko sa katawan nang marinig ko ang malamig at malalim na tono nito kasabay ng pagsilay ng maliit na ngiti sa kanyang pulang labi. 

Bahagya itong humakbang palapit sa'kin kaya naman napaatras ako. 

"D-Do I know y-you?" Nanginig ang boses ko. I know that's the most stupid thing na sinabi ko, because I clearly know who he is. But I can't damn think of anything. 

Tumawa ito ng mahina pagkakwa'y mas lumapit ito sa'kin. He is staring intently to my eyes as if he is studying it. Ngunit napasinghap ako at halos malaglag ang puso ko nang haplusin niya ang mukha ko with a sweet smile pasted on his face. 

"Stop fooling around, baby." Naging malambot ang boses nito na para bang masaya siyang nakita ako. "You clearly know who I am, because the moment our eyes met — what happened that night flashed inside your head." 

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa naghalong emosyon sa loob ko. Saglit ko siyang tinitigan bago ako napailing at akmang maglalakad palayo nang hawakan niya ang braso ko. 

“You’re leaving again,” he said in a deep baritone voice. “You can’t runaway now. Not again,” dagdag niya sa isang mapaglarong boses. 

Mariin kong naipikit ang mga mata ko saka marahas na binawi ang braso ko mula sa kanya. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Why do I need to meet him now? This is making me mad. 

“You stay here and eat. I'll leave. Hahayaan muna kitang kumain mag-isa dahil sa susunod kasama mo na ako hindi lang sa hapagkainan pati na rin sa kama.”

Napamaang ako dahil sa sinabi at hindi makapaniwalang sinundan ito ng tingin na naglalakad na ngayon palabas ng resto. I know him really well, and I’m afraid that he will really do everything just to get what he wants — to get me. Nagulo ko na lang ang buhok ko dahil sa pagkairita. He is indeed an asshole. 

The next day, nagising ako dahil sa tawag, inabot ko ang phone ko sa side table na hindi inabala ang aking sarili na bumangon. I answered the phone without checking who might be the caller.

“Haven't you received my email? May messages? Na saan ka na?” Isang nakakarinding sigaw agad ang tumambad sa’kin as soon as I answered the call. Tila nawala ang antok ko. Agad akong napabangon. “Have you forgotten that we have a book bazaar today? For pete’s sake, Krystal.”

I was too stunned to speak. Hindi pa rin ma-process ng utak ko ang sinasabi ni Chief.

“Dress up! You should be presentable at least.”

And with that she ended the call without even waiting for me… I closed my eyes for a second before I get off the bed and walk straight to the bathroom. I was so busy writing last night… kaya nawala siguro sa isipan ko na ngayon ang book bazaar. Mabilis lang akong nakapagbihis, at halos takbuhin ko ang pintuan palabas nang muli akong makatanggap ng message. Lahat sila ay nasa Tower Mall na at ako na lang ang kulang sa team. Every year ay nagkakaroon ng book bazaar, at ang sales na makukuha naming ay mapupunta sa aming chosen charity.

Kinawayan ako ni Seca nang makita niya ako kaya naman mabilis akong lumapit sa kanya upang tulungan siya sa pagbubuhat ng mga nakabundle na libro, magazines and other reading materials.

"BIG NEWS!" eksaheradang sigaw ni Kim. Napatingin pa sa kanya ang ibang customer namin.

Hindi ko na tuloy maiwasang kabahan sa tuwing nagsasabi sila ng ‘big news’, pakiramdam ko kasi, bad news iyon para sa’kin. Inabot niya kay Chief ang ipad na hawak niya, pinanood ko lang sila na busy sa pagbabasa ng kung ano sa ipad.

“Zeikko Teng owned this mall?”

"What do you expect? He is a Teng, and the youngest billionaire," ani Seca na hindi nawala ang pagkakangiti sa kanyang labi. 

Tila nabingi ako sa narinig ko. Habang sila tuwang-tuwa sa nabasa nila, heto ako pinapakiramdaman ang sarili ko. It’s him again. I heaved a deep sigh. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag-aayos ng libro instead ma-stress sa isang bagay na hindi naman dapat. Naiwasan ko siya ng tatlong taon, at imposibleng hindi ko ulit magagawa iyon.

"He's here to visit each stalls!"

And that ended me. A bomb suddenly exploded inside me. Oh, damn! Not again. I know I shouldn't act like this. I shouldn't be like this. But I just can’t calm myself. Katulad ng madalas na sinasabi ko kay Zelly... wala naman iyon sa’kin. It's just a mere mistake. Alam kong wala rin iyon sa kanya. Pero bakit? I really can’t put myself together. I took a deep breath once again. 

Ginawa ko na lang na abala ang sarili ko sa pag-aayos hanggang sa makuha ng isang libro ang atensyon ko. Hindi ito kalumuan ngunit mababakas na gamit na ito. 

Out of nowhere I smiled. "Memories of Days," mahinang basa ko sa title.

"That’s mine." Napukaw ang atensyon ko sa nagsalita. "I just dropped it, but it's really mine. The author even wrote my name on that book." Binuklat ko ang libro. "Venice Lopez. That’s my name.”

Nang makumbinsi akong sa kanya nga ang libro ay inabot ko ito sa kanya.

“You like that book?” I asked with a smile pasted on my face.

The book sold a copy of hundred of thousand. It is also a bestselling book and was awarded as one of the famous piece in the country.

"This book reminds me how precious our life is. This is not just a typical love story," she said as if she is so sure to the theme of the book. That book saved me from hell too.

"Learn to accept the reality that not all love stories ended so happily," nakangiting saad ko. Ngumiti siya ng malapad na para bang may sinabi akong nakakatuwa.

"Some people leave without a proper goodbye. Hence, let them go. Let them be. Turning their back at you means goodbye already’.” I stared at her. 

Life is not that easy. So love is. Minsan ipaparanas sa atin ng love ang pait, lungkot, sakit at galit. We learned to love and just go with the flow. Normal lang na masaktan tayo — that’s part of it. But… can’t we just love so happily — without heartbreak? I guess no. I’m still in the process… process of forgiving him. 

I smiled bitterly. Reminiscing the past really a bad idea. 

"Dito ka lang pala nagtatago."

Nahulog ko ang hawak-hawak kong libro nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Kahit hindi ko ito lingunin… kilalang kilala ko ito. Napamura na lang ako sa isipan ko saka bahagyang ipinikit ang aking mga mata. 

"Venice."

Mas dumoble ang kabog ng dibdid ko nang marinig ko ang yabag niya palapit sa akin. Venice? I’m not Venice —

"Come on, Kuya! I just got my book back. Don’t be such a jerk. You’re not even that busy today."

Marahas akong napabuntong hininga. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Bahagya akong umupo, para pulutin ang libro na nahulog ko. Sobrang lakas pa rin ng kabog ng puso ko na para bang gustong kumawala nito. Akala ko ako ang tinutukoy niya. Tumayo ako at akmang maglalakad palayo nang muli itong magsalita. 

"You’re not going to greet me?” 

Nagharumentado na naman ang puso ko. Huminga ako ng malalim at umiling. Muli kong inihakbang ang mga paa ko.

"Krystal," tawag niya sa pangalan ko. Dumoble ang kabog ng dibdib ko lalo na't nang hawakan niya ang kamay ko. "You should greet me at least." His tone is teasing. 

Marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya at lakas loob na hinarap siya. My eyes shaken the moment our eyes met especially when I saw how an evil smirk formed into his lips. 

"You know each other, Kuya?" asked the girl beside him. 

Hindi naalis ang tingin niya sa'kin. 

"Good day, Mr. Teng. Thank you for visiting our stall," saad ko bago pa man siya makapagsalita.  "I'll leave you two. Have a nice day." Nginitian ko ang babaeng tinawag niyang Venice na tila nalilito pa rin sa nakikita niya bago ko siya muling tinalikuran. 

"Lagi mo na lang akong tinatalikuran. Hindi ka ba masaya na makita ulit ako?" His tone is so damn irritating. 

Muli ko siyang tinignan. Hindi ko na naiwasang samaan siya ng tingin. Mukhang hindi ko na maikakalma pa ang sarili ko dahil sa kanya. Masyado siyang masakit sa mata. 

"Sino bang matutuwa kung ikaw ang nasa harapan? Kung wala kang sasabihing maganda, lumayas ka sa harapan ko at huwag na huwag ka ng magpapakita," nanggagalaiti sa inis na saad ko pero ang gago, ngumiti lang na para bang 'joke' ang sinabi ko. 

I’m afraid that people might think of something fishy between us. I don’t want an issue or even a scandal — not with him. Zeikko is just staring at me as if I’m a kind of treasure to his eyes. Sa iba, siguro kikiligin sila, pero para sa’kin? It’s kinda humiliating. 

"Mr. Teng, they are already looking for you.” Napabalik ako sa reyalidad nang biglang sumulpot si Seca sa kung saan. Katulad ni Venice, nagtataka rin itong tinapunan ako ng tingin. Ngumiti lang ako sa kanya at saka umiling. Lumapit sa'kin si Seca saka bumulong. "Anong nangyayari?" Sa lakas ng pagkakatanong niya hindi na iyon bulong dahil bago pa man ako makasagot naunahan na ako ni Zeikko. 

"We're just talking about 'us'." Pinandilatan ko agad siya dahil sa sinabi niya ngunit tumawa lang ito. "What? I'm just stating a fact, baby."

Malutong akong napamura sa loob ko. Gusto ko siyang hilain palabas sa stall namin pero natatakot ako na baka mas may makakita sa'min. 

"Such an asshole," malamig na bulalas ko. 

"I know that already, and I can always be the asshole you hate. Pero hindi ako susuko na makuha ka ulit lalo na ngayon... your eyes are giving me hope." 

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status