Share

Chapter 7

Seven

Ramdam ko ang takot na nabuo sa buong katawan ko lalo na nang haplusin ng lalaki na tila pinuno ng dalawa ang buhok ko. Kanina pa ako nagdadasal. Humihingi ng milagro na sana ay may dumating upang sagipin ako mula sa mga lalaking ito. Nakailang tawag na ako sa mga santo at santa kaya lang mukhang hindi nila ako naririnig.

"Ipasok na 'yan sa loob!" sigaw ng lalaki saka ito tumawa na para bang may gagawin siya sa akin na hindi maganda.

"Mukhang magsasaya tayo ngayon!"

Mas lalo akong natakot nang hinila ako ng dalawa at pilit pinapapasok sa isang mukhang abandunadong lugar. Gustuhin ko mang sumigaw upang humingi sana ng tulong kaya lang tila nalunok ko ang dila ko dahil sa takot at panlalambot na nararamdaman ko. Bumagsak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Zeikko..." bulong ko habang patuloy ang pagbagsak ng luha ko.

Kung kailan pinaka-kailangan ko siya ay wala naman ito. Sabi niya poprotektahan niya ako pero nasaan siya ngayon? Alam ko na wala ako sa sitwasyon para sa s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status