NineMinsan talaga may mga bangungot na akala mo wala na at hindi na muling babalik pa, kaya lang may mga pagkakataon talaga na sobrang hirap pa rin itong iwasan, takasan at kalimutan. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ako magiging ganito, akala ko kasi okay na ako — ngunit nang makita ko ang article tungkol sa pagbabalik niya tila ba bumalik sa akin lahat at ayaw iyon tanggapin ng sistema ko. Ginawa ko naman lahat para kalimutan siya o kalimutan ang mga masasayang ala-ala naming dalawa. Iniwasan ko nga ang mga bagay na makapagpapaalala sa akin sa kanya. Lahat iniwasan ko masabi ko lang sa sarili ko na okay na ako, kaya lang ginawa ko lang palang tanga ang sarili ko, dahil heto na naman ako hindi mawari ang gagawin. Natatakot ako na baka bumalik lang ulit sa akin ang lahat. Ayoko na ulit maranasanan ang mga naranasan ko kasi sa totoo lang sobrang naging mahirap sa akin lahat. "Kanina ka pa bumubuntong hininga, may problema ka ba? Care to share?"Hindi ko binalingan si Zeikko na
TenNang makabalik ako sa syudad ay mas naging busy ako dahil kailangan ko na ring ifinalize ang mga nagawa ko bago ko ito ibigay kay chief. Pagkatapos ng nangyari sa isla ay wala na akong narinig mula kay Zeikko, kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano, kilala ko siya kung tahimik siya, maaaring may binabalak na naman ito, at doon ako lubos natatakot. I hope he will stop pestering me now. "Krystal, instead makapagbakasyon ka rin sana, trauma naman ang nangyari sa'yo," ani Kim na ang tinutukoy ay ang nangyari sa akin sa isla. "Buti na lang talaga walang nangyaring masama sa'yo," dagdag niya. Wala naman sana akong balak na sabihin ang tungkol sa nangyari sa akin kaya lang naisip ko na kailangan din nila itong malaman para aware rin sila, baka kasi maisipin nilang magbakasyon soon, tutal nasabi ko na ang maaring panganib na mag badya sa kanila. "Sino naman itong prince charming mong nagtanggol sa'yo? Buti na lang dumating siya. Naku! Kung nando'n lang din kami ay baka naupuk
ElevenHindi ko alam kung nakailang mura na ako pagkatapos kong mabasa ang written statement ni Zeikko. Hindi ko rin alam kung ilang beses ko na siyang napatay sa isipan ko. Gusto ko siyang sugurin pero alam ko naman na kung gagawin ko iyon baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Sobrang kapal talaga ng mukha niya! Ang lakas ng loob niyang ipagkalandakan ang nararamdaman niya ng hindi man lang niya ako muna kinusulta. Alam kong wala akong karapatan sa kung anong nararamdaman niya sa akin kaya lang hindi ko lang maatim na inilabas niya ito. "May gusto pala sa'yo si Mr. Zeikko?""Sinasabi ko na nga ba. Kaya iba tingin niya sa'yo.""Kaya pala gano'n na lang siya kapursige na tayo ang kunin niya."Samu't saring katanungan ang mga naririnig ko kaya lang wala akong lakas ng loob na sagutin sila. Oo, p'wede ko namang sabihin na 'wala akong pakealam sa nararamdaman niya', kaya lang hindi ko kayang ipirmi ang utak ko at ang mga salitang gustong lumabas sa bibig ko. God knows how I'm trying to
TwelveNapaungol ako dahil sa sakit ng ulo ko nang magising ako. Sapo ko ang aking noo habang hirap na hirap na bumangon. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang pilit iniinda ang sakit na nararamdaman ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong umiinom dahil... wait... tila nagising ang buong sisteme ko nang biglang narealize ko ang lahat ng pangyayari. Mabilis kong iminulat ang aking mga mata..."Shoot!" singhal ko nang mapagtantong wala ako sa bahay o sa kwarto ko. Chineck ko ang suot ko, nakahinga ako ng malalim nang makitang ang suot ko kahapon pa rin ang suot ko. Pero kahit gano'n hindi ko pa ring maiwasang kabahan. Paulit-ulit akong nagmumura habang pinoproseso ang lahat sa aking isipan.Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Tandang-tanda ko ang mga nangyari kagabi, at alam ko na nasa kuta na naman ako ng demonyo. Nasabunutan ko na lang ang sarili ko dahil sa katangahang nagawa ko. "Kahit kailan talaga, Krystal," pagmamaktol ko habang pilit kinakalma
Thirteen.Akala ko paglipas ng ilang araw huhupa rin ang tungkol sa amin ni Zeikko, kaya lang sa tuwing may balita tungkol sa mga Teng lagi na lang nadadawit ang pangalan ko. Pinipilit nila akong mag release ng statement kaya lang kapag gagawin ko iyon baka mas lalo lang mabuksan ang tungkol sa amin ni Kiel, at iyon ang pinaka iniiwas-iwasan ko. Marahas akong napabuntong hininga saka ko isinandal ang likod ko sa aking kinauupuan. Napapailing na lang talaga ako sa tuwing mababasa ko ang pangalan sa mga articles na lumalabas. They really love to gossip as they keep releasing articles as if they know the whole story. My breakup with Kiel is something unimaginable. Kailangan kong lumuhod at magmakaawa para lang balikan niya ako pero sa huli wala rin akong nagawa para maipaglaban siya. "Nakailang buntong hininga ka na, mamaya tumanda ka bigla," puna ni Seca sa akin na bahagya pang tumawa. Bumusangot ako. "Ang hirap palang maging sikat, lagi kang pinag-uusapan," pagbibiro ko kaya naman
Fourteen.Hindi pa rin naalis sa isip ko ang huling pag-uusap namin ni Zeikko. Kahit paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na wala lang naman iyon, alam kong nagkaroon ito ng epekto sa akin. Sa sobrang inis ko kay Zeikko, hindi ko madalas makita ang kabutihang ginagawa niya para sa akin, gaya na naman ngayon kung hindi pa sinabi sa akin ni mommy na siya ang naglagay kay dad sa private room at nagbayad ng mga gastusin ay hindi ko pa malalaman. Sobra-sobra na ang tulong na ibinibigay niya sa akin. "Anak, huwag ka ng mag-alala sa akin. Ayos na ako. Narinig mo naman ang sinabi ng Doctor di ba? Pagod lang at stress ito."Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni dad. Isa lang naman ang makakatulong sa amin sa problemang hinaharap namin ngayon eh, si Zeikko. But then here I am still anxious to take the risk. "Dad, I told you not to do anything and just stay at home. Ako na pong bahala sa lahat." Sinubukan kong ngumiti, buti na lamang ay nagawa ko iyon nang hindi naiiyak. Sa tuwing nakikita k
Fifteen.Sobrang hirap sumugal lalo na't alam mong wala kang kasiguraduhan kung mananalo ka ba o magiging tanga ka na naman sa dulo. Zeikko prove me that some people really never change, because he is still here beside me, telling me he still likes me and do everything just for me, kaya lang natatakot ako. Paano kung katulad lang din siya ng kapatid niya na iniwan at binatawan lang din ako sa huli? Alam kong madalas sabihin sa akin si Zeikko na ibang-iba siya kay Kiel, pero paano kung bigla rin siyang magbago? Marahas akong napabuntong hininga. Bumangon ako at tinungo ang sofa dahil nandoon ang laptop ko. Muli kong itinuloy ang sinusulat ko kanina. Hindi ko pa rin alam kung tama ang gagawin ko, dahil panigurado magiging malaking issue na naman ito. Wala sa sariling napatingin ako kay Zeikko. "Kung ilalabas ko ito, baka mas lalo siyang maging apektado sa nangyayari," saad ko. He is already having a hard time right now and I don't want to add another issue to him. Umiling ako at sak
Sixteen.Gaya ng sabi ni Zeikko, hinayaan ko na lang muna. Hindi ko na muna ibinigay kay Chief ang draft na ginawa ko kahit na panay na ang pangungulit nila sa akin. Wala akong ideya kung anong gagawin ni Zeikko, but I will trust him this time. Alam ko naman na hindi siya gagawa ng ikakapahamak ko. At sana talaga hindi siya gagawa ng ikakainis ko lang. Iba pa naman kung siya ang gumalaw. Buong araw ay sinubsob ko ang aking sarili sa trabaho. Buti na nga lang hindi na nila ako muling kinulit pa tungkol sa story na pinapagawa nila sa akin. My eyes shifted onto my phone when it rings. Agad naman kumunot ang aking noo nang makita ang pangalan ni Zeikko sa aking phone screen, why is he calling? Wala sana akong balak na sagutin ang tawag kaya lang may tumulak sa aking kung ano para sagutin ito. "Why?" I asked as soon as I answer the call. My brows furrowed when I heard him chuckle. 'Why' lang sinabi ko pero kung makatawa siya akala mo naman nagjoke ko. Sobrang babaw talaga ng kaligayahan