Share

Chapter Ten

                              Tori

I smiled bitterly while scanning the whole University from the rooftop of our department building. 

It was all my fault. 

Kahit saan ko tingnan, ang pagiging spoiled brat ko ang ugat ng lahat ng nangyayari na 'to. 

Because of me. . . someone died because of me. It was me who killed Sia.

Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at muling binasa ang huling text message na natanggap ko mula sa kaniya.

"You said you will only believe me when I'm dead. Now, I will jump off to my end. And right at this moment, Victoria Zamora, you're the one who's responsible for my death."

Napa-pikit ako. Ni isang segundo ay hindi ko maiwaksi sa isip ko ang mga nangyari noong gabing iyon. Kahit anong pagpapanggap ko na matatag ako at masaya sa pagkawala ni Sia, ang totoo ay hindi ako nito pinapatulog sa gabi. 

I really did kill her that night.

~

Pagkabukas pa lang ng pinto ni Sia ay agad ko na siyang sinalubong ng malutong na sampal. I am so mad at her. How dare she snake my boyfriend?

"You're really bold Tori, dumayo ka pa talaga dito para sampalin ako." nagflash pa ang smirk niya

It only makes my blood boil. How dare she smile right now? 

"Akala ko ba genius ka?  So saang parte mo hindi maintindihan na hindi na dapat nilalandi ang may girlfriend na?!" 

"Ilang ulit ko bang dapat sabihin na wala kaming relasyon ni Greyson? Sa tingin mo talaga papatulan ko iyon?" may bahid na panunuya pa ito

Hindi ko na napigil ang pagkainis ko kaya muli ko sana itong sasampalin pero sa pagkakataong iyon ay hinawakan niya ang ang kamay ko.

"Come, and see for yourself kung papatulan ko ang boyfriend mo." Hinila pa ako nito papasok sa condo unit niya. Dinala niya ako hanggang sa kaniyang kwarto. "Tori, I will never date your boyfriend. Because I already have mine, hindi ko gusto ang nakikihati." she exclaimed sabay may binalingan sa pader

It was polaroid pictures of Sia and. .Lucas?

"Lucas and I are together for months. Do you really think I will cheat on him, just for your 'rich who knows nothing' boyfriend?" 

Natigilan ako noong mga oras na iyon. If they're really going out, bakit wala man lang sa amin ang naka-notice nun? 

"Are you that desperate to get away with it? Talagang ginamit mo pa si Lucas? Sa tingin mo ganoon ako katanga?" 

She heaved a sigh. "Oo ganoon ka katanga para paniwalaan ang boyfriend mong manipulative cheater. Ano pang gusto mong gawin ko para paniwalaan mo ako?" she sounds frustrated

"Die." I absentmindly said.

Mukhang ikinugulat niya iyon. I didn't mean to say that, but I also don't feel any regret of saying it.

~

Napatigil ako sa pag iisip. It was so hard for me to reminisce it. I heaved a sigh before I dial a name from my contacts.

"Hello Blaise?"

"Nasaan ka?" I asked

". . .nasa puntod ni Sia. . ." she answered

Napakuyom ang kamao ko noong marinig ang pangalan na iyon. The guilt is killing me again.

"Good. Perfect timing, pwede mo bang sabihin sa kaniya that I am sorry for everything. And that I will ask her forgiveness, personally."

"Tori. . ."

I didn't bother to listened to what she is saying. I ended up the call and continue reminiscing the night that I killed that poor, Sia.

~

"I will only believe you when you're dead. So die, just die Sia." Dinuro duro ko pa siya sa kaniyang d****b. "Tutal mag isa ka na rin naman, wala namang pamilyang iiyak sa'yo pag nawala ka. Wala namang dahilan para mabuhay ka pa. Whether you win the world, wala ka namang pamilyang uuwian. So, just put an end to your pitiful life."

Hindi ito sumagot. Nanatili lang itong tulala na nakatitig sa akin. Pero wala akong pakialam, noong mga oras na iyon ko naramdaman ang pagka-panalo sa kaniya. I hit her achilles heels.

"Just make sure hindi na kita makikita bukas." pahabol ko pa bago ko siya tuluyang iwan

I was too careless. 

I never expect that Sia will really do it. 

Kaya naman ganoon na lang ang pagkaripas ko ng takbo pabalik sa kaniya noong ma-receive ang text message niyang iyon.

But I was too late. Sia already jumped off to her death noong dumating ako sa condo. I was so terrified. 

Sa sobrang takot ko na ako ang sisihin sa pagkamatay niya ay pinabura ko sa tauhan ng pamilya namin ang cctv footage. 

~

I was too harsh to her. Kung sinampal ko na lang siguro siya ng maraming beses hindi niya gagawin iyon, but my words. It must hurt her so much to the point that she took her own life.

I killed Sia. And I also deserve to die.

Sinilip ko pa ang sementong babagsakan ko mula dito sa rooftop. Wait for me Sia, I'll ask for your forgiveness, personally.

Nanginginig ang tuhod kong humakbang sa pader na humaharang dito. Shit, why I am so terrified? 

Ipinikit ko ang mga mata ko habang dinadama ang paghampas ng malamig na hangin sa katawan ko. Sana lang hindi ko maramdaman ang sakit sa pagbagsak ko sa ibaba.

"Tori!" 

Napadilat ako noong may sumigaw mula sa pintuan ng rooftop. It was Blaise with Lucas.

"Tori. . . Tori, bumaba ka riyan? Ano ba?! Bumaba ka riyan!" sigaw pa ni Blaise habang tuloy sa pagkalampag ng grills na pintuan

Ofcourse, I am well prepared kaya naman ini-lock ko iyon para walang makapigil sa gagawin ko.

"Tori 'wag mong itutuloy iyang gagawin mo. C'mon pag usapan natin 'to." Lucas begged.

"Why? Will that bring Sia back?!" walang tingin na sigaw ko

"But still, hindi tama na gawin mo to. Who gave you the rights to punish yourself?! Do you really think you can compensate Sia's death by doing this?! "sigaw pa ni Lucas

I know. Hindi sapat ang buhay ko para bayaran ang kasalanan ko sa kaniya. Siguro nga, I am just doing this for myself. I am just doing this because I can't live with so much guilt.

"Tori, wag kang gumalaw please!" Blaise shouted as I slowly turn to face them.

"I'm really sorry for everything." I said as tears started to fall down from my cheeks.

I am no longer terrified. I am so ready to face my death.  

Mas lalong lumakas ang pagsigaw nila noong ipikit ko na ang mga mata ko at iunat ang dalawang kamay ko. I am ready to meet you, Sia.

"Yaahhh! Bitch! Sia was murdered!"

What?

Agad kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko ang naghahabol sa hiningang si Shantel.

"You stupid! Why would you pay for the crime that you didn't commit?! I repeat, Sia was murdered!" sigaw pa nito

What the hell is she saying? No. .no, she's lying.

"Sinasabi mo lang 'yan para pigilan ako. You're lying!" sigaw kong pabalik

"Fine. Go, and kill yourself. Para pagtatawanan ka ni Sia pag nakita ka niya. Go! Jump now, stupid!"

This bitch, should I believe her? 

"Tori, come down. Pag usapan natin 'to, okay?" dagdag pa ni Blaise

"No. Just jump off and let the real murderer live a wonderful life."

"Shantel!" saway pa ng dalawa rito

Sia, are you really murdered? I know it's wrong to feel this, pero kung totoo iyon, I can be free with this guilt.

"A-Are you really sure, Sia didn't commit suicide?" 

"Just get the fuck down! Sa tingin mo makakapag-usap tayo ng maayos kung  nandiyan ka?!" inis na tugon nito

Dahil sa mga narinig ko ay nawala ang pagkabuo ng loob ko na tapusin ang buhay ko. Nanginginig man ang mga paa ay sinikap kong makababa ng maayos. Mas lamang na ang curiousity kaysa sa takot na nararamdaman ko.

Noong buksan ko ang lock ay agad akong tinulak ni Shantel bago tuluyang niyakap. Ganoon din si Blaise na bakas ang pagka-relieved sa mukha.

"What do you mean–Sia was killed?" 

"Pumunta na muna tayo sa Grey's cave, doon na natin pag usapan yan." tugon ni Blaise at sinimulan na akong akayin pababa

Halos hindi ko maramdaman ang mga paa ko, masiyadong abala ang utak ko na iproseso ang mga sinabi nila.

Noong makarating sa study room, ay agad ko silang hinarap na punong puno ng pagtatanong.

"Tell me, paano niyo nasabing hindi siya nagsuicide, did you have an evidence?" simula ko

"Wala." Lucas answered.

I automatically dropped my jaw. What the heck? Did they just fool me?

"So, how do you conclude that she was killed."

Lucas heaved a sigh. "Hindi gagawin ni Sia ang magpakamatay. Hinding hindi." he confidently said

"No." mahinang sabi ko na nagpalingon sa kanila, "It was me who killed her. It's really me." I said as tears started to fall down from my cheeks.

Mabilis na tumayo si Lucas saka hinawakan ng mahigpit ang magkabilang balikat ko.

"You really did kill her?! It was you?! It was you?!" bakas ang galit sa mata nito habang niyuyugyog ako

Hindi ako umalma sa ginagawa niya. I deserved it. 

"Putangina Lucas! It wasn't Tori. It wasn't her who killed your girlfriend!" sigaw ni Shantel na nagpatigil rito

Ito naman ang binalingan ni Lucas. "At paano ka nakakasiguro? She tried to kill herself because of guilt for what she did." Dinuro duro niya pa ako.

"Lucas, pwede ba kumalma ka. Pakinggan muna natin si Tori. Hindi tayo magkaka-intindihin pag galit ang pinairal mo." sabi ni Blaise at inalalayang maupo si Lucas

"Now, tell us what happened that night, Tori." seryosong sabi ni Shantel

I heaved a sigh. "That night, I came to see Sia, at hindi lang sampal ang binigay ko sa kaniya kundi pati hurtful words." I paused. Pinipigilan kong muling tumulo ang mga luha ko. "Sinabi kong paniniwalaan ko lang siya kapag patay na siya. Sabi ko mamatay na lang siya, tutal mag isa lang naman siya–kasi wala naman siyang pamilya." unti unti na namang bumibigat ang d****b ko

Kinuha ko ang cellphone ko sabay bukas ng text message ni Sia at inilapag iyon sa harap nila. 

"Ilang minuto matapos akong umalis sa condo niya, noong ma-receive ko ito." Agad dinampot ni Lucas ang cellphone at nagkumpol silang basahin iyon. "Kaya nagmadali akong bumalik para pigilan siya. But, I was late. Sia is already dead." Napayuko ako.

"And how do you expect me to believe you?" diskumpyadong si Lucas

"She's saying the truth."

Sabay sabay kaming napabaling sa biglang pagpasok ni. .Greyson? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status