Share

Chapter 10- Determinado sa plano

Pumunta si Andrew sa bahay ng kapatid na si Damien upang magpaalam na bukas na ng umaga ang alis nila pabalik ng America. Wala nang nagawa ang ina niya o maging ang ama dahil sa pinal niyang desisyon. Hindi siya pumayag sa paki-usap ng ina na iwan si Akie sa mansion ng Greyson, at ang dalaga rin ay hindi pumayag sa nais ng ginang bagay na pinasasalamat niya. Pero ang hindi alam ng dalaga ay ang binabalak niyang mangyari.

Pinapasok siya ng guard sa gate nang makilala siya nito.

Kumatok siya sa pinto ng bahay ng kapatid, katabi lang ng bahay ng kapatid ang bahay ng ina. Ilang dipa lamang ang layo niyon sa isa't isa. Nang lumabas kanina ng library ang ina ay kaagad rin siyang sumunod rito. Nakita niya pa ito na papasok sa silid ni Akie. Naalala niya ang dalaga ngunit naagaw ang atensyon niya nang bumukas ang pinto at sumungaw si Trina. Ang dati at peke niyang asawa.

"Hi!" bati niya rito.

Bumakas ang pagkailang sa itsura nito, ngunit nginitian pa rin siya. "K-Kuya." utal nitong sabi.

Nap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status