Panay ang tingin ni Carla sa isang gwapong lalaki na kakapasok lang sa loob ng bar na pinagtatrabahuhan niya. Matikas ang pangangatawan nito, matangkad at sobrang guwapo. Alam niya rin na mayaman ito. Pero wala siyang pakialam sa kung ano man ang estado nito sa buhay—kung mayanan ito o mahirap, basta ang alam niya, crush niya ito. Tinatawag niya ito kanina pa at tinatanong ng kung anu-ano pero hindi siya nito pinapansin."Kahit anakan mo na lang ako," pilyang bulong niya sa sarili. Ang ganitong klase ng lalaki ang gusto niyang maging tatay ng anak niya. Anak lang naman ang gusto niya. Wala siyang balak na guluhin ang buhay nito o ano pa man. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak pero wala siyang lalaki na napipili na bigyan ng kanyang pagka-birhen."Tangina, eh. Trenta na ako pero birhen pa rin. Hindi kaya ang kunat ko na? Por dios, ayaw kong mamatay na hindi nakakatikim ng malaking hotdog!" Napasampal siya sa noo sa naiisip.Tinawag siya ng amo nila kaya kaagad siyang napalap
Tuloy ang kasiyahan sa mansion Sebastian—sa venue kung saan naroon ang mga bisita. Naghagis na rin ng bouquet si Akie at sa lahat ng mga babaeng sumali ay si Suzette ang mapalad na nakasalo sa bouquet, syempre naghiyawan ang mga tao, at hindi lang iyon dahil mas malakas humiyaw at tumili si Suzette. Nang maghagis naman ng garter si Andrew, syempre hindi si Enton ang nakasalo dahil hindi naman ito sumali. Ibang bisitang lalaki ang nakasalo, pero dahil ipinanganak nga talagang pilya itong babaeng si Suzette, inagaw nito sa lalaki ang garter at pinilit iyon kay Enton."Kami ang susunod na ikakasal!" malakas na tili ni Suzette sabay na tumakbo papunta kay Enton na umakmang aatras nang napagtanto ang gagawin ng babae, pero huli na ang lahat dahil para ng tuko na lumambitin ang dalaga sa katawan nito."Oh, bebe, tayo na ang ikakasal!""Shut up! Umalis ka nga sa katawan ko!" pilit na pinaalis ni Enton ang dalaga sa katawan nito, pero para na yatang magnet ang babaeng dumikit sa katawan niya.
January 22, 2024 The Garden Wedding Sebastian's Mansion It was a wonderful and glorious day for a wedding. Ang paligid ay puno ng magagandang tanawin— sa hardin na pagdarausan ng kasal nina Andrew at Akie. It's simple yet breathtakingly beautiful. A venue that has a long and expansive table with a different kind of flowers on the top and side of it, at sa itaas ay mayroong ilang chandelier papunta sa pinakadulong bahagi ng lamesa na nakasabit sa luntiang halaman na sinet-up ng magaling na organizer. Mayroon na rin plate and glasses na nakahanda sa ibabaw niyon. Ang pahabang table ay sapat para sa bilang ng pamilya Greyson mula sa asawa hanggang sa mga anak. Sa kabilang banda naman ay may isa pang pahabang lamesa na para naman sa mga ninong, ninang at ilang bisita. Everything is ready. Lahat ay nasasabik na masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Akie at Andrew. Naroon na silang lahat at nakahanda nang lumakad sa red carpet na nakalatag sa bermuda grass patungo sa altar. Mayroon din
TRUE love doesn't care about the past, it cares about the future. Tama nga naman na hindi na pagmamahal ang nararamdaman ng isang tao kung patuloy siyang bumabalik sa nakaraan, kundi galit siya o sadyang hindi maka move on. Patuloy na tumitingin ng maling nagawa o ginawa ng taong mahal o minahal nito kaya imbes na pagmamahal ang mararamdaman nito ay napapalitan na ng galit. When you say mahal mo ang isang tao, nandoon na lahat. You are willing to sacrifice everything for the people you loved, kahit pa masaktan ka. Ipaglalaban mo siya, ipagtatanggol sa lahat ng gustong manakit o sumira sa kaniya. Kung minsan pa nga'y ubos na ubos kapag tayo'y nagmahal. Iyon bang walang tinitira sa sarili dahil gusto lamang natin iparamdam kung gaano natin sila ka mahal. It doesn't care anymore, right? Dahil nga mahal natin ang taong iyon kaya handa tayong gawin ang lahat para sa kaniya. Iyon ang nagagawa ng love. Because love is powerful at kayang pabaliwin ang isang taong nagmamahal at kaya nitong ga
"NASAAN ang pasyente, Sir?"Salitang nagpakunot sa noo ni Andrew.Pasyente raw!Napabaling siya sa magkabilang gilid niya. Walang pasyente. Pero siya ang nakasakay sa stretcher at prenteng nakahiga. So ako ang pasyente?"Mr. Sebastian, mukhang wala yata kayo sa inyong huwisyo. This is a Delivery Room at tanging pinapapasok ko lang dito is 'yong babaeng manganganak na. So, hindi naman ikaw 'yong manganganak, syempre." Makahulugan siyang tiningnan ng Doctor ni Akie. "Where is your wife? Bakit ikaw ang nandito imbes na siya ang dapat?"Oh my fuck!Realizing his stupidity, napangiwi si Andrew at dali-daling bumangon at tila napapasong bumaba sa stretcher."M-my wife. . . Oh God what have I done! Iniwan ko siya sa bahay!" natataranta niyang sabi na napapakamot din sa kaniyang ulo. "I need to go back to my house!"Napatawa at napailing sa kaniya si Doc. Santos. Sa isip-isip ng Doctor ay nasobrahan sa pagkataranta ang binata kaya imbes na isakay ang asawa sa ambulance ay ito ang sumakay at
1 and ½ months later. . .Isa't kalahating linggo na ang lumipas matapos mangyari ang trahedya, pero pakiramdam ni Akie ay kahapon lang ito nangyari. Nailibing na ang bangkay ni Miguel Cortez sa L.A at si Jack ang nag-asikaso ng labi nito na dinala pa sa nasabing bansa. Humingi ng patawad sa kanila si Jack sa kung ano mang ginawa ni Cortez sa kanila. Si Jack ay pinatakas ni Enton matapos siyang bawiin ng binata rito. Hindi na rin sila nagsampa pa ng kaso kay Jack dahil sa kabila ng pagiging loyal nito kay Cortez ay nagawa pa siya nitong iligtas. Si Enton nama'y bumalik sa L.A at may mga importante itong aasikasuhin.Napatanaw sa kalangitan si Akie. May namuong luha sa gilid ng mga mata niya habang hinahaplos ang tiyan na may kalakihan na. Sa susunod na linggo ay kabuwanan na niya. Baka nga hindi na dumating ang due date niya't tuluyan na siyang manganak. Medyo nahihirapan na nga siyang gumalaw-galaw ngayon. Nag-i-exerise rin naman siya dahil iyon ang payo sa kaniya ng OB niya."Bakit