Share

Kabanata 11

Author: Crazy Carriage
"Moonlit Flowers on Cliffside's Edge..." bulong ni James sa sarili.

Ang painting na iyon ang pinakamahalagang pamana ng kanyang pamilya.

Bago namatay ang kanyang lolo, sinabi niya kay James na pwedeng mawala ang kanilang pamilya, ngunit hindi lang ang painting na iyon ang pwedeng mawawala sa kanila.

Nanatili iyon sa isip ni James, kahit makalipas ang sampung taon.

"Humanda ka. Kikilos tayo mamayang gabi."

"Sige." Tumango si Henry.

"Sige, umalis ka na. Paalis na sa trabaho ang asawa ko. Ayaw niya akong makisama sa mga sinungaling at masamang tao at halata naman sa itsura mo na hindi ka mabuting tao. Kung makita ka ng asawa ko, mapapagalitan nanaman ako."

Bumagsak ang ekspresyon ni Henry.

Medyo maitim lang ang balat niya. Paano siya nagiging masamang tao? Paano nito nagawa siyang masamang tao?

"Huwag kang tumayo lang diyan, alis na." Sumipa si James papunta sa kanya.

Tumalikod si Henry at umalis.

Napatingin si James sa oras. Natapos na ang oras ng trabaho ni Thea. Maya maya lang ay lalabas na iyon.

Itinulak niya ang kanyang electric na motor at pumunta sa Eternality Group ng mga Callahan. Pero bago pa man siya makalapit sa entrance, may nakita siyang babae na naglalakad palabas ng building.

Siya ay may tangkad na 5’10, nakasuot ng pormal na business attire na binubuo ng isang puting button-down shirt, isang itim na pencil skirt at pulang takong.

Ang kanyang kulay chestnut na kulot na buhok ay iwas sa kanyang mukha at ang paraan ng kanyang paglalakad na may hawak na briefcase ay nagpapakita ng malakas na kumpiyansa sa sarili niya.

"Thea!"

Isang lalaki ang lumapit sa kanya sa mga sandaling iyon, may hawak na isang bouquet ng bulaklak. "Para sayo, Thea. Libre ka ba ngayong gabi? Nagbook ako ng private room sa The Drunken Fairy ngayong gabi. Gusto sana kitang dalhin doon para maghapunan."

Ang lalaking ito ay si Brandon Frasier, ng mga Frasier, isa sa The Great Four sa Cansington.

Mula nang makuha ni Thea ang listahan ng order ng Celestial Group at ang kanyang maayos na pakikipagkaibigan kay Alex Yates, ang chairman ng Celestial Group, ay nalantad, ang kasikatan ng Callahan ay lumaki nang husto. Kaya naman si Thea din ay naging pinakamagandang babae sa Cansington.

Mataas din ang kakayahan niya bilang chairwoman ng Eternality. Nagawa niyang ayusin ang kumpanya sa loob lamang ng kalahating buwan.

Salamat sa kanyang lumalagong kasikatan, siya ay kinoronahan bilang pinakamagagandang chairwoman ng Cansington.

Kahit na may asawa na siya, halos hindi kilala si James. Ang mga tagapagmana ng mayayamang pamilya ay hindi pinansin ang kanyang existence at patuloy na hinahabol si Thea sa pag-asang sa huli ay mapagtagumpayan siya.

Sa sandaling iyon, nakita ni Thea si James at ang kanyang electric na motor. Pinakita niya ang kanyang magandang ngiti, hindi pinapansin si Brandon habang papunta sa kanya. Hinalikan niya si James, saka masuyong niyakap ang braso nito.

"Honey, sinabi sa akin ng taong iyon na nag-book siya ng isang private room sa The Drunken Fairy at gusto niya akong maghapunan kasama siya. Hindi pa ako nakakapunta sa The Drunken Fairy dati."

“Inimbitahan ka niya. Dapat kang pumunta. Isama mo rin ako, kung okay lang sa kanya. Hindi pa rin ako nakapunta doon.”

Umasim ang ekspresyon ni Brandon sa eksena. Naglakad siya papunta sa kanila. “James Caden? Ako si Brandon Frasier,” malamig niyang sinabi at nag abot ng card. "Babayaran kita ng limang daang libong dolyar para iwan si Thea!"

"Tatanggapin ko ba, darling?"

“Ikaw ang bahala,” sabi ni Thea, may ngiti ng tuwa na naglalaro sa kanyang mga labi. “Sa tingin ko, dapat. Magagawa mong makakuha ng lamesa sa The Drunken Fairy gamit ang ganito kalaking pera."

"Kukunin ko, kung gayon."

Isang ngiti ang ibinigay ni James kay Brandon habang tinatanggap ang card. "Kung gayon, ano ang pin number?"

Itinaas ni Brandon ang kanyang ilong kay James. “Anim na zero. Kunin mo ang pera at lumayas. Simula ngayon, wala ng kaugnayan si Thea sayo."

"Oo, aayusin natin ang divorce natin ngayon na." Tumango si James. "Sumakay ka na, darling."

Umupo si Thea sa likurang upuan ng motor at ipinulupot ang kanyang mga braso sa bewang ni James. Pagkatapos ay umalis sila sa ilalim ng nalilitong tingin ni Brandon.

Ilang minutong sila tinitigan ni Brandon bago napagtantong naloko siya. Inihagis niya sa lupa ang bouquet ng bulaklak na hawak niya, nakatitig kay James, na ngayon ay nasa malayo na. "Ikaw-! Hindi pa ito tapos!" galit na sigaw nito sa kanya.

Hinatid ni James si Thea pauwi gamit ang motor. Pagdating sa bahay, umupo si Thea sa couch at inilahad ang kamay, ngumisi kay James.

"Ano?" Sabi ni James sabay hawak sa bulsa. “Ako ang binigyan ni Brandon ng divorce fee. Ito ay aking sariling pera.”

“Divorce mo mukha mo. Bigay mo!" Ngumuso si Thea, saka tumayo, “Binabayaran ko yung pagkain mo, inumin mo, amenities mo, damit mo. Saan mo kailangan ang pera? Mag-iipon ako ng pera kapag nagkaanak na tayo. Mahal iyon, alam mo ba?"

Walang ganang ibinigay ni James ang card ni Brandon. “Ngunit ito ay patuloy na nangyayari, mahal ko. Kung pagsasamahin ang lahat ng perang ibinigay sa akin ng lahat para makipaghiwalay sa iyo sa sampung araw na ito, magkakaroon na ng higit sa dalawang milyon sa ngayon. Akin ang pera na iyan…”

"Anong pera?"

Mula sa pinto ang boses.

“W-wala,” nagmamadaling sabi ni Thea habang tinatago ang card.

Lumapit si Gladys sa kanila. “Kelan pa kayo natutong magsinungaling sa akin, bata ka? Narinig ko lahat! Divorce fee, dalawang milyon... ibigay mo sa akin!”

"Mom, wala lang iyon!" protesta ni Thea.

Tumango si James. "Mhm, wala lang."

Tinitigan siya ni Gladys. "Anak ko ang kinakausap ko. Hindi ka kasali dito! Tingnan mo ang oras! Hindi ba dapat gumagawa ka ng hapunan? Sige na!"

"Okay."

Dumiretso si James sa kusina at nagsimulang magluto.

Makalipas ang tatlumpung minuto, nakahanda na ang pagkain. Umupo silang lahat para maghapunan.

Hinila ni James si Thea papasok sa kwarto nila ng matapos silang kumain. "Hindi mo talaga sinabi sa kanya, yung ano, darling?"

Tinignan siya ni Thea. "Kasalanan mo ang lahat, ang lakas mong magsalita. Kinuha ni Mom ang lahat ng pera! Sinabi na ito ay kabayaran para sa pagpapalaki sa akin sa lahat ng mga taon na ito, dahil mayroon na akong trabaho."

"Ano?" Nanlaki ang mata sa kanya si James. "Ibinigay mo sa kanya ang lahat?"

Kulang nga siya sa pera kamakailan.

Siya ay walang trabaho mula nang sumali sa mga Callahan, at ngayon ay ganap na siyang sira. Maging ang kanyang mga sigarilyo ay nakuha kay Henry.

"Oo, kailangan ko," walang magawang sinabi ni Thea. "Ang daang libo mula kay Astor, dalawang daan at limampung libo mula kay Bertrand, tatlong daang libo mula sa Oswald, at limang daang libo mula kay Frasier... Kinuha silang lahat ni Mom."

Napabuntong-hininga si James. "Sana dumating ang isa pang mayamang lalaki at mag-alok muli sa akin ng ilang daang libong dolyar para makipaghiwalay sa iyo. Padalhan mo ako ng pera, darling. Wala akong pera kahit pambili ng sigarilyo ngayon."

"Hindi ako naniniwala sayo. May nakita akong black card sa bulsa mo nung isang araw habang naglalaba. Huwag mo sabihin sakin na walang laman iyon. Akin na, itatago ko ito para sayo."

Inunat ni Thea ang kanyang kamay, naghihintay sa card ni James.

Inilabas ito ni James. Isa itong matte na black card na may glossy black dragon sa ibabaw nito. Walang card number.

Sinulyapan lang ito ni Thea habang abala siya sa paglalaba, pero ngayong nakatingin na siya ay naguguluhan na siya. "Anong klaseng card ito? Bakit walang mga numero?"

"Well..." pag-aalinlangan ni James. "Ang card na ito ay naka-link sa bawat pangunahing bangko, kaya maaari ko itong gamitin kahit saan. Isa pa, mayroon itong ID chip sa loob nito, kaya hindi na kailangan ng mga numero. Ikadalawampu't isang siglo na, kung titignan mo."

Ibinulsa ni Thea ang card, kalahating kumbinsido. "Ano ang pin number at magkano ang laman?"

"Walong walo ang pin number. Kung magkano ang nasa loob... hindi marami."

"Walo mo mukha mo," sagot ni Thea. "Hindi walong numero ang haba ng mga pin!"

“Pasensya, anim na walo," sabi ni James na may nakakatakot na ngiti.

Ang card na iyon ay hindi nangangailangan ng pin. Anumang numero ay gagana.

Ang itim na dragon card na iyon ay tanging nagiisa lang. Nagsilbi itong patunay ng kanyang pagkakakilanlan at kapangyarihan. Kung tungkol sa pera na nilalaman nito, talagang hindi niya alam ang halaga, dahil hindi niya ito ginamit kailanman.

Gayunpaman, dahil ang card na ito ay resulta ng kanyang sampung taong paglilingkod at karangalan, malamang na may malaking halaga sa loob. Kaya lang... ngayong umakyat na siya ng napakataas, walang halaga ang pera sa kanya, kaya wala siyang pakialam sa card.

Maaari itong hawakan ni Thea. Kung wala siya, walang James at walang card. Si Thea ang nagbigay sa kanya ng lahat ng meron siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jimarry Alberto
ang lalim ng mga salita nakakalito maganda naman salamat author
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
hindi nila alam si james ang pinakamayan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4161

    "So paano kung ang mga kalaban natin ay isang human prodigy at isang Acmean?""Lahat, magkaisa at panatilihin ang proteksyon na hadlang."Nag rally ang grupo ng mga nilalang.Tumingin si Wotan kay James at nagtanong, “Ano ang dapat nating gawin ngayon?”Saglit na nag isip si James at sinabing, "Ano pa ba ang dapat gawin? Ang tanging pagpipilian natin ay patayin sila pagkatapos na masira ang kanilang hadlang."Hawak pa rin ni James ang kanyang nakatagong sandata, ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Gayunpaman, hindi sigurado si James kung may iba pang Acmean na nakatago sa paligid na hindi niya alam. Nais niyang pigilin ang paggamit nito maliban kung ito ay talagang kinakailangan.Sinabi ni James kay Wotan, "Sasaktan mo sila mula sa kaliwa. Aatake ako mula sa kanan."Pagkatapos, nagpatawag siya ng espada. Ang talim ay itim at may bahagyang hubog na dulo. Ito ay ang nareforged na Malevolent Sword ni James. Ang lakas ng Malevolent Sword ay nalampasan ang isang Chaotic Tre

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4160

    Humigit kumulang 300,000 nilalang ang nagpakita sa gitnang rehiyon ng Planet Desolation.Ginamit ni James ang Sacred Blossom para patayin ang humigit kumulang siyamnapung porsyento sa kanila, na nag iwan ng wala pang 30,000 nilalang na buhay. Gayunpaman, ang mga nakaligtas ay ang mga tunay na powerhouse na may malaking lakas.Muli namang pinakawalan ni James ang Sacred Blossom. Dahil natutunan na ang kakilakilabot ng Sacred Blossom, ang mga powerhouse ng kaaway ay hindi nangahas na kumilos ng walang ingat. Nagtipon sila at sama samang hinarangan ang pag atake. Agad silang bumuo ng isang proteksyon na hadlang sa paligid ng natitirang mga nakaligtas.Ang pwersa ng Sacred Blossom ay humampas sa kanila.Boom!!!Bumagsak ang pwersa sa barrier, na nagresulta sa isang malaking sabog ng enerhiya. Sinira ng mga shock wave mula sa pagsabog ang lahat sa paligid.Isang misteryosong kapangyarihan ang nagpoprotekta sa Desolate Grand Canyon at ang pinsalang idinulot sa kapaligiran ay agad na na

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4159

    Sa larangan ng digmaan, agad na namutla ang daan daang libong nilalang. Maraming Nine-Power Macrocosm Ancestral Gods ang hindi nakayanan ang kapangyarihan ng Sacred Blossom. Habang ang pwersa ay bumabalot sa hangin, sila ay agad na napawi, hindi man lang nag iwan ng bakas ng kanilang mga kaluluwa.Mabilis na umiwas sa pwersa ang ilang Quasi Acmean at umatras sa malayo. Ang mga hindi makaiwas ay inipon ang lahat ng kanilang lakas upang ipagtanggol ang kanilang sarili.Boom!!!Isang pagsabog ang yumanig sa larangan ng digmaan.Ang Sacred Blossom ay sumabog sa pira piraso at ilang mga powerhouse ang tumalsik, na naging sanhi ng pagluwa ng mga ito ng dugo.Nangyari ang lahat sa isang kisapmata. Binalot ng katahimikan ang larangan ng digmaan. Maraming nasawi sa daan daan at libo libong mga kalahok. Halos lahat ng Nine-Power Macrocosm Ancestral Gods ay namatay dahil sa pag atake ng Sacred Blossom. Iilan lamang sa Nine-Power Macrocosm Ancestral God na may mga emergency na maniobra ang ha

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4158

    Daan daang libong powerhouse ang sabay sabay na umatake kay James. Nakakatakot ang kanilang pinagsamang aura. Ito ay sapat na upang takutin ang isang powerhouse sa Quasi Acme Rank na mawalan ng lakas ng loob na lumaban.Swoosh!Isang mahabang espada ang lumitaw sa kamay ni Wotan. Ang mukhang ordinaryong espada ay biglang naglabas ng nakakasilaw na kinang at ang katawan ni Wotan ay agad na nagpakawala ng malakas na aura. Inilabas ni Wotan ang kanyang espada at nagkamit ng Sword Energies na sumugod patungo sa grupo ng mga nilalang.Sa sandaling iyon, ang mga Quasi Acmean sa taliba ay nagkaisa at nagpakawala ng isang malakas na pwersa upang depensahan laban sa pag atake ni Wotan. Sinusubukan lamang ni Wotan ang tubig at hindi ginamit ang kanyang buong lakas. Ang grupo ng mga powerhouse ay madaling nakaharang sa kanyang magaan na pag atake.Ngumiti siya at mahinang sinabi, "Nakakatuwa. Magiging masaya ang laban na ito ngayon." Pagkatapos niyang magsalita ay sinulyapan niya si James at

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4157

    Si Sigmund mula sa Devil Race ay humakbang pasulong. Tumayo siya sa pinakaharap at sinabing, "Wotan, si Forty nine ay isang tao. Siya ay kaaway natin parehas. Masyadong malaki ang potensyal na ipinakita niya at hindi natin siya maaaring hayaang umalis dito ng buhay. Kung hindi, siya ay magiging banta at magwawasak sa ibang lahi ng Greater Realm.""Hindi ko alam kung anong lahi ka, pero sana tulungan mo kaming patayin muna ang Forty nine.""Hindi mahalaga kung sino sa atin ang mabubuhay sa huli. Gayunpaman, dapat nating alisin siya."Matatag ang boses ni Sigmund.Ang prodigy ng The Ghost Race, si Xhafer, ay sumigaw din, "Tama si Sigmund. Kahit isa lang sa atin ang makakaalis sa lugar na ito, hindi maaaring ang taong iyon.""Sumasang ayon ako. Sabay natin siyang patayin.""Sana isaalang alang mo ang mga kahihinatnan, Wotan. Huwag kang mangahas na maging isang taksil sa mga lahi ng Greater Realm."Matapos patayin ni James si Wynnstan mula sa Doom Race, napagtanto ng lahat kung gaan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4156

    Sa wakas ay lumitaw na ang utak sa likod ng buong kaganapan. Sa paghusga mula sa malabong pigura nito, malamang ay nagkaroon ito ng anyong tao. Gayunpaman, mahirap makita ang mukha ng pigura at makita ang kanilang kasarian. Ang boses ay tila matanda at paos, na nagbigay dito ng isang dominanteng kalidad.Ang daan daang libong mga nilalang ay tumingin sa pigura na lumitaw sa itaas ng Desolate Grand Canyon. Sinimulan ng lahat na hulaan ang pagkakakilanlan at rank ng pag cucultivate ng misteryosong utak. Walang exception si James. Napatitig din siya sa malabong pigura na nagpakita ng sarili.Inilabas niya ang kanyang Divine Sense, sinusubukang suriin ang pigura. Gayunpaman, nalampasan ng kanyang Divine Sense ang malabong pigura at hindi napansin ang presensya nito. Lumulutang ang pigura sa mismong harapan niya. Nakikita niya ito mismo, ngunit hindi ito masuri ng kanyang Divine Sense.Nagulat si James at naisip na ang nilalang ay dapat na may napakataas na rank ng pag cucultivate."Sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4155

    Matagumpay na nilinang ni James ang Unang Pagbabago ng Three Fire Transformations ng Flame Art, ang Flame God Incarnation. Gayunpaman, ang pag master ng Ikalawang Pagbabago ay mas mahirap. Hindi maaaring linangin ito ni James sa loob ng maikling panahon.Gayunpaman, ang Unang Pagbabago ay sapat na sa ngayon. Inalis ni James ang Ignis at bumalik sa normal ang kanyang katawan. Pinunit niya ang kawalan, lumabas sa pinagtataguan at muling humakbang sa Desolate Grand Canyon.Agad niyang napansin ang hindi mabilang na mga nilalang na nakapaligid sa kanya. Napunta sa kanya ang mga tingin ng lahat."Lalong lumakas ang kanyang aura. Sa panahong ito, malamang na nag cultivate siya ng palihim at napabuti ang kanyang cultivation rank.""Bwisit. Kahit na mamatay tayo sa paparating na labanan, kailangan natin siyang sirain. Hindi natin siya papayagang umalis sa planeta na may Primal Mantra."Maraming powerhouse ang lihim na nakipagsabwatan sa isa't isa. Mayroon silang iisang layunin—ang alisin

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4154

    Buong pusong nakatuon si James sa pag cucultivate.Matapos suriin ang Ignis, napagtanto ni James na hindi ito isang ordinaryong apoy. Sa halip, ito ay isa sa mga pinaka mahiwagang apoy sa langit at lupa. Magkakaroon si Ignis sa sandaling magwakas ang isang malaking mundo. Pagkatapos ng malaking pagkawasak ng mundo, isang Ignis ang lalabas sa abo nito. Gayunpaman, hindi lahat ng mga pangunahing mundo ay maaaring gumawa ng Ignis kapag sila ay nawasak. Mabubuo lamang si Ignis pagkatapos ng pagbagsak ng mundong katulad ng Primordial Realm.Bukod dito, isang maliit na halaga lamang ng Ignis ang mabubuo pagkatapos. Ang pagkolekta ng malaking halaga ng Ignis ay mangangailangan ng maraming mundo upang matugunan ang kanilang mga katapusan.Kilala rin si Ignis bilang Paglilinang ng Apoy, dahil ang mga ath ng langit at lupa ay nageexist sa loob ng apoy nito.Ang mga tao ay mga nilalang din sa ilalim ng langit at lupa at ang eexist sa pamamagitan ng paggana ng mga Path. Ang mga Path na ito ay

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4153

    Matapos makabuo ng plano si James, hindi na siya nagtagal sa lugar. Pinutol din niya ang kawalan at nagtago sa loob ng mga bitak ng espasyo upang icultivate.Dahil ang formation ay lumiit patungo sa gitnang rehiyon, maraming mga powerhouse ang lumitaw na malapit sa Desolate Grand Canyon. Matapos itago ang sarili sa isang walang laman, bumuo si James ng time formation sa kanyang katawan.Pagkatapos, sinimulan niyang pag isipan ang Three Fire Transformation ng Flame Art. Ito ay isang mapangwasak na Supernatural na Kapangyarihan. Ang mga kinakailangan upang icultivate ito ay lubhang malaki ang kinakailangan. Una, kailangan ng isang makapangyarihang pisikal na katawan. Pangalawa, ang isa ay kailangang sumipsip at pinuhin ang isang Ignis. Pagkatapos matupad ang mga kondisyong ito, magiging karapat dapat ang isa na icultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art."Ang Unang Pagbabago ng Three Fire Transformation ng Flame Art ay God Incarnation.”“Ang Ikalawang Pagbabago ay Everlas

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status