Share

Kabanata 3

Author: Crazy Carriage
Wala sa mga Callahan ang may pakialam na hanapin si Thea kahit na siya ay nawala ng sampung araw.

Para sa mga Callahan, si Thea ay ang black sheep ng pamilya at ang katatawanan ng Cansington. Kung hindi dahil kay Thea, ang negosyo ng mga Callahan ay hindi sisikat.

Ng gulamaling si Thea, kinuha niya ang kanyang marriage certificate kasama si James at sila ay umuwi ng magkasama.

Si Lex Callahan ay merong tatlong anak.

Ayon sa ayos ng pagkakapanganak, sila ay si Howard John at Benjamin.

Si Benjamin ay iniiwasan ng kanyang sariling pamilya dahil kay Thea. Hindi importante kung nagsipag siya, pinalaki ang negosyo ng kanyang pamilya ng sobra sobra.

Sa bahay, wala siyang rangk ,katayuan o ano mang awtoridad.

Si Benjamin ay ang manager ng Callahan Group, pero wala siyang mga share sa kumpanya. Ang nakukuha niya lang ay fixed na sweldo bawat buwan na walang bonus. Dahil dito, nahirapan siya na mabuhay.

Totoo na siya ay nakabili ng bahay, pero meron pa din na mortgage na kailangan bayaran bawat buwan.

“Bahay ko ito, Jamie.”

Nakaturo sa pintuan, sinabi ni Thea, “Ito ay wala kumpara sa palasyo na iyong tinitirhan.”

Kinuha ni James ang kanyang kamay at ngumiti. “Ang bahay ay kung nasaan ka.”

Ngumiti si Thea. Palapit sa entrance, kumatok siya sa pintuan ng mahinahon.

Binuksan ni Gladys ang pintuan.

Siya ay medyo nagulatt na makita ang magandang babae at isang hindi pamilyar na lalaki. Tinanong niya, “May maitutulong ba ako sayo?”

“Mom,” Sabi ni Thea.

Napatunganga si Gladys ng marinig ang magandang babaeng ito na tawagin siyang mom.

“Mom ako si Thea. Ang iyong anak.”

“Ano?”

Nagulat si Gladys. Nakatingin sa babae sa harapan niya, nalilito siya. “I-Ikaw si Thea?”

“Ako ito, mom. Wala ng lahat ng mga peklat ko ngayon.”

“Hi, mom,” Dagdag ni James.

“Ano?” Inisip ni Gladys na hindi siya kailanman gagaling mula sa lahat ng pagkagulat.

Hawak ang braso ni James, sinabi ni Thea, “Mom, pinili siya ni lolo bilang aking asawa.”

Tumugon sa wakas si Gladys. Hinatak niya si Thea sa kanyang ttabi kaagad. Nanlalamig, sinabi niya kay James, “Hindi kita kailanman kinilala bilang aking son-in-law.”

Hinawakan niya ang makinis na mukha ni Thea. “Thea, ikaw ba talaga ito? Ikaw… Ang iyong mukha at peklat at ang iyong katawan… Ano ang nangyari?”

“Mom, sumailalim ako sa panggagamot nitong nakalipas na sampung araw. Gumaling na ako ngayon att hindi na magiging kahihiyan sa pamilya,” sinabi ni Thea.

Simula ng insidente, siya ay naging kahihiyan sa mga Callahan, nagdulot para sa kanila na maging katatawan ng Cansington. Ang kanyang magulang ay hindi magawang ipakita ang kanilang mga mukha sa publiko.

“Aking anak…” Niyakap ni Gladys si Thea, umiiyak. “Aking anak… kasalanan ko ito. Hindi dapat kita iniwan magisa na asikasuhin ito. Marami ka ng pinagdaanan… Halika, pumasok ka sa loob.”

Hinatak niya si Thea papasok sa bahay.

Ngayon na si Thea ay nabawi ang kanyang itsura, wala ng ibang plano na nasa isip si Gladys.

Sa magandang itsura ni Thea, magagawa niyang pakasalan ang mayamang lalaki sa halip ng isang tamad na habol ang kayamanan ng pamilya.

Tinuro niya ang pintuan at nanlalamig na inutusan si James, “Layas.”

“Mom, ano ang ginagawa mo? Asawa ko siya, pinili siya mismo ni lolo!”

“Tara na sa villa ng pamilya ngayon. Sasabihin ko sa tanda mismo na kanselahin ang kasal mismo.”

Si Gladys ay hindi nagsayang oras, hinatak si Thea kasama niya.

“Jamie…”

Tumalikod si Thea para walang magawang tignan si James.

Nagkibit balikat si James, mukhang wala siyang pakialam sa mundo. Sinundan niya lang ang dalawang babae.

Ang mga Callahan ay nagtipon sa foyer ng villa, nakatingin sa magandang babae na nakatayo sa tabi ni Gladys ng hindi naniniwala.

Paano siya magiging si Thea?

Si Thea, na naging pangit ng sampung taon?

Anong nangyari? Paano siya naging ganito sa loob lang ng sampung araw?

“Thea, ikaw ba iyan?”

“Thea? Sumailalim ka ba sa plastic surgery sa Korea? Ang kanilang teknolohiya ay sobrang advance na meron option para sa buong katawan?”

Ang mga Callahan ay nabigla.

Hindi sila makapaniwala na ang magandang babae sa harap nila ay ang parehong Thea na may peklat sa buong katawan.

Ano ang ginawa niya?

Dumiretso agad si Gladys. “Dad, hindi ako sumasang ayon sa kasal na ito. Sa itsura ni Thea, Sa itsura ni Thea, magagawa niyang maikasal mula sa prestihiyosong pamilya. Paano niya magawang pakasalan ang isang tuod?”

Nagsisigarilyo ng tobacco sa may couch nakatitig si Lex kay Thea.

Nahihirapan siya na makasunod.

Paano nagawa ni Thea na mabalik ang kanyang itsura sa loob lang ng sampung araw?

Subalit, si Thea ay maganda na ngayon. Hindi ito maitatanggi. Tumango siya, sinasabi, “Tama ka. Marami pa din na karapat dapat na mga binata sa mga pinaka prestihiyosong pamilya sa Cansington. Pwede ko sabihin at maghanap ng maayos na asawa para kay Thea.”

“Hindi.”

Humakbang paharap si Thea may luha sa kanyang mata. “Lolo, nagdesisyon ka na ikasal ako kay James. Ngayon na tinulungan ako ni James na gumaling, hindi mo tutuparin ang iyong pangako. Ano ako para sayo?”

“Walang utang na loob na bata…” Sinampal ni Gladys si Thea sa mukha. Sumigaw siya, “Ano ang nakikita mo sa mahirap na lalaking ito?”

Hinablot ni Thea ang kutsilyo na nasa lamesa at dinikit ito sa kanyang pisngi. “Susugatan ko ang mukha ko kung pipilitin mo ako.”

“Ang lakas ng loob mo…” Nanginig si Gladys sa galit.

“Tama na!” Sumigaw si Lex. “Anong nangyayari, Thea? Ito ay para sa iyong ikabubuti. Tignan mo kung gaano ka kaganda ngayon. Maaari kang maikasal ng mabuti at magkaroon ng magandang buhay. Bakit mo pinipilit na makasama ang mahirap na taong tulad niya?”

Sa sandaling iyon, si James, na naging tahimik ng buong oras na ito, ay nagsalita. Nakatingin sa paligid, mahinahon niyang sinabi, “Wala akong pakialam na maging parte ng inyong pamilya, pero ito ay sa pagitan namin ni Thea. Nakuha namin ang aming marriage certificate. Kung gusto niya ng divorce, susunod ako dito. Kung hindi, walang sino man ang magpipilit sa kanya na gawin ang kahit na ano.”

“Sino ang nagbigay sayo ng pahintulot na magsalita?”

Si Tommy, ang pinakamatandang apo ng pamilya, napatalon siya at tinuro ang daliri kay James. “Wala ka lang kung hindi basura. Wala kang karapatan na magsalita dito. Kung gusto ka naming mawala, mawawala ka.”

Umunat si Jameese at tinupi ang nakaturong daliri ni Tommy paatras. Nanlalamig, sinabi niya, “Walang sino man ang dumuro sa akin dati.”

“Ah, masakit ito!”

Sumigaw si Tommy sa sakit. Ang kanyang katawan ay nakatupi sa kakaibang angulo at ang kanyang mukha ay nagiba sa sakit. Sinabi niya, “Pasensya na, Pasensya na. Pakiusap bitawan mo.”

Sumunod si James.

Hiningal si Tommy ng matindi. Nakatingin sa walang ekspresyong mukha ni James, nagalit si Tommy. Kinuha niya ang ashtray mula sa lamesa, nakahandang hampasin si James sa ulo.

“Ano ang iyong ginagawa?” Sigaw ni Lex. “Wala na bang ayos sa pamilya ngayon? Ibaba mo yan!”

Nagmamakaawang nakatingin si Tommy kay Lex. “Lolo, sumobra na si James. Kailangan mo akong tulungan.”

“Tama na.” Humihigop pa din si Lex sa kanyang pipe, kinumpas ang kanyang kamay. Nakatingin kay James, sinabi niya, “BIbigyan kita ng limang daang libong dolyar. Ang kailangan mong gawin ay makipagdivorce kay Thea at lumayo sa kanya.”

“Hindi!” Sigaw ni Thea.

“Ang lakas ng loob mo!” Hinampas ni Lex ang kanyang kamay sa lamesa. “Hindi pa ako patay. Ako pa din ang pinuno ng pamilya. Lahat kayo ay susuko sa aking kagustuhan!”

Ayaw ni James na masira ang kanyang relasyon sa kanyang pamilya.

Ang kanyang pagbalik ay pinapatakbo ng dalawang layunin. Para pasalamatan si Thea at ipaghiganti ang kanyang pamilya.

Ayaw niya si Thea na makaranas ng pagkasira ng relasyon sa kanyang pamilya para lang matupad ang kanyang sariling layunin.

“Lolo, bigyan mo ako ng pagkakataon. Hayaan mo na patunayan ko na ako ay may kakayahan tulad ng kahit na sino.”

“Pagkakataon?” Ngumisi si Tommy. “James Caden, ayon sa aming impormasyon, ikaw ay isang ampon. Lumaki ka sa ampunan at ikaw ay nasa military ng ilang taon. Si Thea ay higit sa iyong lebel. Syempre, pwede ka naming bigyan ng pagkakataon. Narinig mo na ba ang Celestial Group? Gusto namin na makipagtulungan sa kanila, pero hindi namin nagawa itto. Kung magagawa mo ito, magiging masaya kami na kilalanin ka bilang parte ng pamilya.”

Ayaw ni Tommy si James sa umpisa pa lang. Siya ay retiradong sundalo kung sa bagay. Wala siyang pera at kapangyarihan. Bakit sobrang yabang niya?

Kung kaya, nagisip siya ng ideya para siguruhin na pahirapan si James, umaasa na siya ay susuko.

Meron na siyang mas magandang kandidato na nasa isip para kay Thea, si Joel Xavier. Ang mga Xavier ay ang pinuno ng The Great Four at ito ay magiging benepisyal na pagsasama.

“Lolo, hayaan mo si James na subukan na makuha ang deal sa Celestial Group. Kung makukuha niya ito, kikilalanin namin siya. Kung hindi, mawawala siya.”

Umihip si Lex sa kanyang pipe. “Sang ayon. Ang aming negosyo ay kadalasan umaasikaso sa pagproseso ng gamot. Kamakailan, ang Celestial Group ay pinapalawak ang produksyon nito at sila ay naglabas ng maraming pagkakataon na umordeer. Maraming negosyo ay naglalaban para makuha ang mga order na ito. Kung makakakuha ka ng order na nagkakahalaga ng tatlumpung milyon mula sa kanila, sasabihin ko sa lahat na ikaw ang son-in-law ng mga Callahan. Meron kang sampung araw.”

“Hindi ko kailangan ng sampung araw. Tatapusin ko ito bukas.”

Matapos iyon, umalis si James kasama si Thea.

“Matapang siya pero hangal. Ang Celestial ay pinuno ng mga grupo sa pharmacy, nagkakahalaga ng daang bilyon sa market. Ito ay halos imposible para makakuha ng order mula sa kanila.” Hindi masaya si Tommy.

Nagmakaawa si Gladys, “Dad, hindi mo pwedeng gawin ito. Ano ang tatlumpung milyon kung magagawa ni Thea na pakasalan ang kahit sino sa The Great Four?”

Kinumpas ni Lex ang kanyang kamay. “Hindi natin ito pwedeng madaliin. Ang bagay sa negosyo ng mga Celestial ay lahat hawak ng The Great Four. Hindi simplee na makakuha ng order mula sa Celestial. Hayaan mo si James na subukan. Susuko siya. Sa sandaling iyon, magiisip tayo ng ideya para kay Thea na pakasalan ang kahit sino mula sa The Great Four. Sa alyansa ng kasal magagawa natin na umangat sa rangko sa Cansington.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4315

    Mukhang hindi maiisip ni Youri ang sinuman sa mga Dooms na magtuturo sa mga tao ng paraan ng pag cucultivate para sa Chaos Power."Sir Youri, ano ang dapat nating gawin ngayon?" Tanong ni Qimat.Sinabi ni Youri sa mahinang boses, "Ipakalat ang balita. Babalaan ang mga Great Races ng Greater Realms tungkol sa Heaven-Eradicating Sect at ipaalam sa kanila ang tungkol kay Madam Thea. Siguradong may dahilan kung bakit siya nagpakita sa Greater Realms. Kailangan nating malaman ang higit pa tungkol sa mga susunod na plano ng Human Race.""Gayundin, makipag ugnayan sa Watchers of the Primordial Realm. Gusto kong malaman ang pinakabagong pag unlad sa pag seal ng bagong universe ng Human Race."“Naiintindihan.”Bahagyang tumango si Qimat. "Ibinabahagi ko ang mga larawan ng nangyari ng salakayin natin ang mga miyembro ng Heaven-Eradicating Sect sa iba pang lahi. Sana, makakuha tayo ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang tulong."Pagkatapos, yumuko si Qimat at nagd

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4314

    Sa pag abot sa pangalawang bagong Chaotic Void, ginamit ni James ang kanyang espada upang hampasin muli ang kawalan.Ang pinsalang ginawa ni James sa nakapalibot na Chaotic Void ay makakatulong upang maitago ang kanyang mga landas.Pagkatapos, sabay sabay niyang binuksan ang ilang walang laman na daanan at tumakas sa isa sa mga ito.Kasabay nito, ginagamit ni Qimat at ng kanyang mga tauhan ang lahat ng paraan upang masubaybayan si James. Sa una, maaari pa rin nilang makita ang isang mahinang bakas ng presensya ni James at lumipat sa pagitan ng Chaotic Voids sa pamamagitan ng pagsunod dito.Gayunpaman, habang unti unting lumalayo si James sa mga humahabol sa kanya, tuluyang nawala si Qimat at ang kanyang mga tauhan sa lalaki.“Bwisit!”Isang magaspang, galit na boses ang umalingawngaw sa Chaotic Void."Nakatakas ang mga miyembro ng Heaven-Eradicating Sect! Ni hindi namin nakuha ang g*go na iyon mula sa Human Race!"Pulang pula ang mukha ni Qimat sa galit.‘Paano ko ito ipapaliw

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4313

    Huminto si James sa paggamit ng Omniscience Path at sa kanyang Chaos Power. Ibinalik pa niya ang kanyang espada sa kaluban nito.Bahagyang ibinaba ni Qimat ang kanyang bantay ng makitang nasa walang armas si James.Malawak na sinag ni James habang tinatahak niya ang Qimat. "Narinig ko ang lahat tungkol sayo mula kay Mr. Youri. Ikaw ang kanyang kanang kamay. Mula ngayon, tayong dalawa ay maaaring magtulungan upang matulungan si Mr. Youri na makamit ang marami sa kanyang mga dakilang ambisyon!"Napatingin si Qimat kay James na kanina pa huminto sa harapan niya. Pagkatapos, sinabi niya, "Dapat tayong bumalik at makipagkita muna kay Mr. Youri. Sigurado ako na mayroon siyang karagdagang mga tagubilin para sa atin."Sa pagkakataong iyon, biglang itinaas ni Qimat ang kanyang palad at mariing hinampas ito sa gitna ng dibdib ni James.Napakalakas ng impact ng tama kaya naramdaman ni James na parang mapupunit ang bawat fiber ng kalamnan sa katawan niya.Ang suntok ay nagpalipad pabalik sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4312

    Habang ang Death Demon at ang mga death spirit ay nakatakas, si James ay napaliligiran ng mga sundalo ng Doom Race.Kasabay nito, ang Spatial seal ay naibalik at unti unting naging matatag.Nawalan ng oras si James para makatakas. Bukod sa hukbo ng Dooms, kailangan din niyang lumaban kay Qimat, na nakamit ang Middle Stage ng Terra Acme Rank at ilang iba pang Acmeans.'Anyway, wala akong planong tumakbo ngayon. Kung gagawin ko iyon, ang mga taong ito ay susubukan na manghuli ng Death Demon sa halip,' Naisip ni James.Nakatayo si Qimat sa isang lugar na hindi masyadong kalayuan kay James. Itinuon niya ang isang batong tingin sa lalaking may hawak na isang ordinaryong itim na espada, na nagmumula sa kakaibang puting glow."Sa wakas kailangan na kitang makilala ng personal. Sa palagay ko ay tama ang ginawa ko sa pagkakataong ito. Kahit na ang mga miyembro ng Heaven-Eradicating Sect na iyon ay nagawang makawala, sapat pa rin kung matagumpay kitang mapapasok."Ngumiti si James sa kany

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4311

    Tinawag ni James ang kanyang mga order ng handa na siya.Ang Death Demon ay sabik na naghihintay ng signal.Ng marinig ang utos ni James, hinigpitan ng Death Demon ang hawak niya sa hawakan ng espada. Pagkatapos, pinamunuan niya ang labing-isang espiritu ng kamatayan at mabilis na sumugod patungo sa hukbo ng Dooms.Ang kanilang palihim na pag atake ay napatunayang naging matagumpay ng makaalis sila ng ilang manlalaban.“Patayin ang g*go na iyon!”Galit na sumigaw si Qimat sa kanyang mga tauhan ng makita niya ang Death Demon. Nag aapoy ang mga mata niya sa galit. Sa isang iglap, nagteleport si Qimat at nagpakita mismo sa harap ng Death Demon. Itinaas ng lalaki ang kanyang kamay at itinuro ang isang pag atake sa kanyang target.Alam ng Death Demon na maaaring bigyan siya ni Qimat ng isang nakamamatay na suntok sa isang bahagyang pagwawalis ng kanyang kamay. Mabilis siyang umiwas sa gilid.Boom!Ang lugar kung saan nakatayo ang Death Demon kanina ay ganap na nawasak.Kasabay nito

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4310

    Pagkatapos ibigay ang Malevolent Sword kay Thea, sinabi ni James, "Magtago at iwasang ibunyag ang iyong sarili nang madali kapag nakatakas na tayo. Gayundin, panatilihing kontrolado ang mga miyembro ng Heaven-Eradicating Sect. Ako na ang bahalang masira ang balanse sa Greater Realms. Responsibilidad mong tiyakin ang ligtas na pagsilang ng bagong mundo."Mahigpit na hinawakan ni Thea ang Malevolent Sword sa kanyang kamay, ang kanyang mukha ay nagpapakita ng determinasyon. Sabi niya, "Huwag kang mag alala, hindi kita bibiguin."Naniwala si James kay Thea at hindi na nagsalita pa.Nagsimula siyang makipag usap sa Death Demon. "Death Demon, ano ang kasalukuyang sitwasyon sa labas?"Ang Death Demon ay nagtatago sa magulong kawalan ng mundo sa labas, malapit na pinagmamasdan ang mga galaw ng Qimat at ang hukbo ng Dooms.Totoong sumagot siya, "Hindi ako hinabol ng Dooms, sa halip ay nagpatuloy sa pag ikot sa lugar. Ang kanilang hukbo ay kasalukuyang nagse set up ng isang formation, na ti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status