Share

Chapter:48

Author: Miss Jesszz
last update publish date: 2026-08-22 09:41:29

Hindi nagtagal, narinig ni Elaina ang mabilis at mabibigat na yabag sa hagdan. Bawat hakbang ay tila kulog na nagbabadya ng malakas na bagyo. Napapikit na lamang siya sa matinding takot nang marahas na bumukas ang pinto ng kanilang silid.

​Iniluwa noon si Arkin. Madilim ang mukha nito.Nanggagalaiti ang kaniyang mga mata at halos maputol ang mga ugat sa kaniyang leeg sa matinding galit habang nakatitig sa nakalugmok at dumudugong labi ng asawa.

​"Arkin, anak..." madrama at umiiyak na salubong ag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mark Anthony Banzon
update author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:49

    Bahagyang naka idlip si Elaina sa ibabaw ng malamig at maruming karton dahil sa labis na kapaguran. Ang kaniyang mga mata ay muto at mamasa-masa pa rin sa walang patid na pagluha, at ang kaniyang tiyan ay kumukulo sa matinding gutom.​Ngunit biglang naputol ang kaniyang pahinga nang may biglang magbuhos ng isang timbang malamig na tubig sa kaniyang katawan.​"Ah!" sigaw at napabalikwas si Elaina, habang napahawak sa kaniyang dibdib. Basang-basa ang kaniyang manipis na damit at nanginginig ang kaniyang buong katawan dahil sa gulat at ginaw.​Nang iangat niya ang kaniyang tingin, nadatnan niya si Priea na nakatayo sa kaniyang harapan, nakapamewang at may hawak na timba ang babae . Nakakalokong ngumisi si Priea kay Elaina. ​"Gising ka na pala, mangmang," malamig at puno ng panggigigil na saad ni Priea. Lumapit ito at pilit na hinawakan nang marahas ang baba ni Elaina upang patingalain ito. "Tingnan mo nga naman ang sarili mo... Bagay na bagay sa 'yo ang lugar na ito. Isang dumi na nabi

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:48

    Hindi nagtagal, narinig ni Elaina ang mabilis at mabibigat na yabag sa hagdan. Bawat hakbang ay tila kulog na nagbabadya ng malakas na bagyo. Napapikit na lamang siya sa matinding takot nang marahas na bumukas ang pinto ng kanilang silid.​Iniluwa noon si Arkin. Madilim ang mukha nito.Nanggagalaiti ang kaniyang mga mata at halos maputol ang mga ugat sa kaniyang leeg sa matinding galit habang nakatitig sa nakalugmok at dumudugong labi ng asawa.​"Arkin, anak..." madrama at umiiyak na salubong agad ni Donya Octavia, sabay hawak sa bisig ng anak. "Tingnan mo ang ginawa ng asawa mo! Ang kwintas na ibinigay pa ng papa mo sa akin, nakuha sa bag niya! Ito ba ang babaeng gusto mong makasama habang buhay?"​Ipinakita ni Doray ang kwintas kay Arkin na may pagkukunwaring bakas ng lungkot sa mukha, habang lihim na nagdiriwang ang puso.Dahil sa sinapit ni Elaina. ​Lalong nagdilim ang paningin ni Arkin. Lumapit siya kay Elaina at marahas na hinawakan ang magkabilang balikat nito upang patayuin. "T

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:47(TULUYAN PAGKASIRA NI ELAINA KAY ARKIN.)

    Kinaumagahan, hindi halos nakatulog si Elaina dahil sa nangyari kagabi. Hindi niya lubos maisip na pag-iisipan siya ng masama ng kaniyang asawa. Muling namaga ang kaniyang mga mata dahil sa magdamag na pag-iyak. Pagkagising niya ay wala na si Arkin sa kaniyang tabi—maaga na naman umalis ang kaniyang asawa nang hindi man lang siya kinakausap o tinitingnan man lamang. Ni hindi man lamang ito nag-aksayang ng oras upang ayusin ang problema nilang mag-asawa. Bakit ganoon na lamang kabilis maniwala ang kaniyang asawa? Ni hindi man lamang siya binigyan ng pagkakataon na maipaliwanag ang sarili niya. Ganoon na ba talaga siya kawalang-halaga sa asawa? Impit na napahikbi si Elaina. Habang nakatitig sa kisame ng silid, nadarama ni Elaina ang matinding sakit, hindi lamang sa kaniyang puso kundi maging sa kaniyang braso na mayroon nang pasa dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya ni Arkin kagabi. Pilit niyang inayos ang sarili. Nais niyang bumawi at patunayan kay Arkin na wala siyang ginag

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:46. Pagsira ni Donya Octavia sa pagsasama ni Arkin at Elaina.

    Tahimik na nakaupo si Elaina sa mesa sa loob ng silid-aklatan ng mansion. Sa kaniyang harapan ay may ilang bukas na libro at notebook, ngunit ang kaniyang pansin ay nakatuon sa lalaking seryosong nagpapaliwanag sa kaniyang tabi—si Darwin.​"Medyo madali lang naman itong mga batayang aralin, Elaina. Kailangan mo lang talagang sanayin ang sarili mo sa pagbabasa,pagsusulat at pag-intindi," malambot ang boses na saad ni Darwin habang itinuturo ang isang talata sa libro kay Elaina. ​"S-salamat, Darwin... Pasensya ka na kung medyo mabagal akong makaintindi. Hindi kasi ako nakapag-aral nang maayos noon," alanganing tugon ni Elaina habang pilit na iniiwas ang tingin sa lalaki. May kakaiba kase siyang nararamdaman sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya—isang bagay na nagdudulot sa kaniya ng hindi maipaliwanag na kaba at pagkailang sa lalaki sa tuwing didikit kase ito sa kaniya. ​"Walang problema. Iyon naman ang dahilan kung bakit ako narito—ang turuan ka at... alagaan ka," nakangising saad ni

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:45

    "Elaina, tawag ka ni Senyorito." Saad ni Arlene nang puntahan siya nito sa likod ng mansion. Agad siyang tumayo at ipinagpag ang mga kamay na may lupa pa. Inayos niya ang kaniyang nalukot na blusa. Kagabi kasi ay hindi na niya nakausap pa ang asawa. Hindi nga niya alam kung anong oras ba umuwi si Arkin. Basta paggising niya kanina, nasa mahabang sofa ito at doon na natulog. Malalim na humugot ng hininga si Elaina. Ibang-iba na ang pakikitungo sa kaniya ni Arkin. Ni hindi na niya maramdaman ang pagiging asawa nito sa kaniya. Paakyat na sana siya sa kanilang kuwarto nang sabihin ni Arlene na nasa opisina ito. Kaya naman ay doon na siya dumiretso. Bago tuluyang pumasok, tatlong beses siyang kumatok. "Pasok." Mula sa loob ay narinig niya ang sabi ng kaniyang asawa. Pagkapasok niya ay tumambad sa kaniya ang seryosong mukha ni Arkin habang nakaupo ito sa swivel chair. May isa pang lalaki na nakaupo sa isa pang upuan na nakaharap sa kaniyang asawa. "Asawa, pinatatawag mo raw ako?

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:44

    Hinanap ni Elaina si Arkin. Natagpuan niya ito sa office library nito. Nagulat pa ang lalaki nang makita siya. Nag-aalangan man at kinakabahan, hindi siya nakatitiyak kung papayagan ba siya ng kaniyang asawa sa suggestion ni Manang Erma na ikuha siya ng tinatawag na tutor. Lihim siyang napalunok nang seryoso siyang tingnan ni Arkin. "May kailangan ka?" Tanong nito at saka nagmamadaling inilagay sa bag ang mga dokumentong nasa table nito. "A-ano kasi, asawa—" "Elaina, kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Nagmamadali ako. Mali-late na ako sa meeting ko." Apura nito sa sasabihin niya. Malalim na humugot ng hininga si Elaina. Kabado man, ngunit tulad ng sinabi ni Manang, kailangan pa rin niyang subukan. "A-ano kasi, asawa—" "Ano nga? Puwede ba, sabihin mo na kung ano man iyan. Importante itong meeting ko ngayon." Saad pa nito na para bang mas importante ang meeting na iyon kaysa sa mga sasabihin ni Elaina. "Asawa, baka puwede mo akong ikuha ng tutor?" Biglang bumagal ang paglal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status