“Ate, kakain na tayo,” wika ni Diday, ang nakababata at pangatlo sa kanilang magkakapatid. Alanganing tinapunan nito ng tingin ang lalaking wala pa ring malay. “Ate, ’di ba sabi ni Nanay, linisan mo ’yan?” dagdag pa nito. “Ikaw na kaya ang maglinis sa lalaking ito, Diday,” alanganing tugon niya. Napakamot naman sa ulo ang kapatid at napanguso pa dahil sa sinabi niya. “Ate naman, ikaw na. Ikaw ang inutusan ni Nanay, e,” reklamo nito bago tuluyang umalis sa pinto. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago naglakas-loob na linisin ang lalaki. Sa unang hawak pa lang niya rito, biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso—parang tambol na dumadagundong sa dibdib niya. Dahan-dahan niyang nilinis ang mga kamay at braso nito. Sinunod naman ang mukha, na puno ng galos, pasa, at putik. May malaking sugat din sa bandang noo, kaya’t maingat niyang ipinunas ang maligamgam na tuwalyang basa. Halos pigil-hininga siya sa takot na baka magising ito, ngunit nakahinga rin ng maluwag nang m
Terakhir Diperbarui : 2025-09-10 Baca selengkapnya