Bakit siya nandito? Nang makita ang babae, naramdaman ni Ambrose ang unti-unting pananakit ng ulo niya. Veron ang pangalan ng babae. Siya ang batang talento ng pamilyang Lange. May maamo siyang mukha, perpektong pigura, at perpektong hugis ng mukha. Hindi pa ganoon kakilala si Veron sa World of Cultivators, pero ang pamilyang Lange ang pinakasikat at pinakamaimpluwensiyang pamilya sa buong mundo. Ang mga industriya nito ay nasa buong Nine Mainland, at ang pamilya ay maasabi na isang business tycon ng pamilya. Sa buong sampung taon na nakalilipas, ang lahat ng mga sekta sa Gaia Continent ay sama-samang nahanap ang paaralan ng mga manlilinang sa Donghai City, kasama ang punong guro ng paaralan ay isang nakakatanda mula sa Wudang Sect. Noong panahong iyon, magkasamang pumirma sina Darryl at Dax, at ang kanyang kaklase na si Circe na miyembro ng pamilya Lange. Kilala ito sa lahat na ang unang araw ng pagpasok ni Circe sa paaralan ay nagdulot ng lubos na kaguluhan, at sa kanyang d
Hindi makapagsalita si Ambrose. Noong dalawang taon, nilinaw na niya ang nararamdaman niya, pero mapilit pa rin si Veron. Paano niya mapapasuko si Veron sa kanya? Isang sakit sa ulo. Tsaka, si Heather ay nagpapahinga sa silid sa hindi kalayuan. Siguradong hindi siya magiging komportableng makita si Vernon na madikit kay Ambrose. Nang makita ang solemneng ekspresyon niya, hindi mapigilan ni Veron tumawa habang sumasagot ng kakaiba, "Alam ng lahat na gusto kita. Hindi ako natatakot makita ng iba, Ambrose. balita ko, namumulaklak na ang mga orchid sa north valley ng Hidden Hero Sect. Gusto mo bang sumama sa akin " Sa dulo ng tanong niya, mayroong konting kahihiyan sa maamong mukha ni Veron. Nabatid sa lahat na ang lambak sa likod ng Hidden Hero Sect ay matatagpuan sa isang liblib na lugar, at walang karaniwang pumupunta doon. Maganda ang lugar na iyon para sa mga nagmamahalan na mag date. Bilang anak na babae sa pamilyang Lange. inimbitahan niya ang lalaki sa isang lugar sa ka
Pagkatapos, kasama ang isang ngiti, pinakilala ni Ambrose si Heather kay Veron. "Heather, siya si Veron, ang anak na babae ng pamilyang Lange. Ang pamilyang Lange ay may alyansa sa Elysium Gate. Madalas silang magkita at mayroong magandang relasyon sa akin, katulad ng sa amin ni Veron." Oh. Tumango si Heather at binati si Veron nang may ngiti. "Kinagagalak kong makilala ka, Veron." Pagkatapos, nilahad niya ang kanyang kamay. Gayunpaman, parang hindi ito nakikita ni Veron. Hindi niya man lang gustong hawakan ang kamay ni Heather. Hindi nasisiyahan siyang bumulong, "Veron? Hindi pa tayo malapit ng ganoon para tawagin mo ako sa unang pangalan." Pagkatapos, tanong ni Veron, "Ambrose, papakasalan mo ba talaga si Heather? Alam ba ng ama mo ang tungkol dito?" Tapos, tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Heather. Sa katotohanan, narinig na ni Veron si Heather. Siya ang prinsesa ng Sea Mackie Clan at may mataas na katayuan. Noong gumawa ng gulo ang Rakasa Tribe sa Nine Mainlan
Isang katulong ang pumunta at magalang na tinanong si Veron, "Miss Lange! Anong gusto mong kainin?" Habang nakatingin kay Ambrose, sumagot si Veron, "Tulad lang nung dati, kakainin ko ang kahit na anong kakainin ni Ambrose." Pagkatapos, binigyan niya ng mapanghimagsik na tingin si Heather. 'Halatang mapapadalas ang pagkain ko ng almusal kasama si Ambrose. Kahit na isa kang prinsesa sa Sea Mackie Clan, hindi ka kailanman gugugol ng oras kasama si Ambrose,' isip ni Veron. "Opo, miss!" Sumagot ang katulong at umalis. Nang makita 'yon, hindi na nagalit si Heather. Sa halip, tanong niya nang may ngiti, "Veron, madalas ka bang kumain kasama si Ambrose?" Kasama ang malamig at aroganteng tingin sa kanyang mukha, kakaibang sabi ni Veron, "Syempre! Kilala namin ni Ambrose ang isa't isa ng limang taon na. Marami kaming pagkakatulad sa libangan at gawi sa pagkain. Para naman sa'yo, sanay ka na sa pagkaing dagat dahil galing ka sa Sea Mackie Clan. Ang almusal dito ay maaaring hindi uman
Habang nag-aalmusal sa tabing bulwagan, sinabihan ni Ambrose si Heather ang tungkol sa pag-atake sa Elysium Gate. Sa dulo, bumuntonghininga si Ambrose at sabi, "Natatakot si Tito Wilson na baka madala ako ng pagkamuhi, kaya sinabihan niya ako na manatili muna." Habang natututuhan ang sitwasyon, ang maamong mukha ni Heather ay napuno rin ng sakit. "Ang mga tao mula sa Sea Dragon Palace ay talagang napaka-walang puso. Sobrang daming tao ang napatay nila." "Ginawa lang 'yon ni Tito Chester para sa kapakanan mo. Tsaka, malakas ang kalaban." Tungkol doon, ngumiti ng banayad si Heather. "Ambrose, hayaan mong ayain kang maglakad para makapag-relax." Alam niya na walang kwenta kahit na subukin niyang aluin si Ambrose ng sobra para maging maayos siya. Ang tanging bagay lang na magagawa niya ay samahan siya makapag-relax. "Sige!" Tumango si Ambrose at tinapos ang huling subo ng lugaw. Pagkatapos, lumabas siya sa tabing bulwagan kasama si Heather papunta sa hilagang kabundukan. Mayr
Nang marinig ang mga salita niya, sinimulang ikonsidera ito ni Heather. Bilang prinsesa ng Sea Mackie Clan, resonable para sa kanya na tumakbo palayo para harapin ang hamon. Gayunpaman. wala siyang galit kay Veron, at ang lugar ay sobrang ganda na ayaw niyang tunay na sirain ang tanawin. Ang importante pa 'ron, masasabi ni Heather na gusto ni Veron si Ambrose ng husto. Kaya naman itinuring niyang tinik sa laman si Heather. Sa kasong iyon, mas lalong ayaw tanggapin ni Heather ang sparring. Kapag may aksidenteng nangyari sa proseso ng laban, hindi ba mas lalong lalalim ang pagkamuhi? Nang makitang nag-alangan si Heather, mas lalong hindi na makapaghintay si Veron. Sa wakas, sumimangot siya at sumigaw, "Hello?! Heather, pwede bang bilisan mo magdesisyon? Para sabihin sa'yo ang totoo, gusto ko si Ambrose, kaya hindi kita hahayaan na ilayo mo siya sa akin. Sa oras na 'to, ipaglalaban ko kayo para sa aking karangalan. Kailangan mo akong ipaglaban gusto mo man o hindi. Kung tatanggi
Clang! Habang gulat si Veron, pinaikot na ni Heather ang panloob na enerhiya niya at tinusok ito sa Snow Coral Ice Flute. Gumalaw si Heather na parang kidlat. Noon lang, mabilis na nilagay ni Veron ang mahabang espada nang pahalang sa kanyang harapan upang labanan ang pag atake. Sa isang mapurol na tunog, patuloy na umatras ang maselang katawan ni Veron, at halos hindi niya mapigilan ang kanyang mahabang espada sa kanyang kamay. Pagkatapos itigil ang sarili niya, tumitig si Veron kay Heather na may hiya at galit. Hindi kailanman natalo si Veron ng ganoon simula ng lumaki siya. Ang lalong nagpahirap sa sitwasyon ay ang babaeng nasa harap ni Veron ang karibal niya. Nang makita ang pagkamuhi sa mga mata ni Veron, bumuntonghininga si Heather. Pagkatapos, walang anumang pag iiba sa kanyang magandang mukha, mahinahong sinabi ni Heather, "Tigilan mo na. Hindi mo ako matatalo." Sa katotohanan, pinigilan ni Heather ang ibang lakas niya. Kung hindi, baka matagal nang natalo si Ve
'Bakit sobrang lakas ni Heather? Nilabas ko na ang pangunahing kakayahan ko, pero, hindi man lang siya ginalusan nito,' isip ni Veron sa sarili. Sa kalagitnaan ng kanyang galit, ang dugo niya ay biglang umagos sa puso niya, at nagsuka siya ng dugo. Nanginig ng konti ang katawan niya. 'Kinuha niya si Ambrose sa akin, at nabigo akong talunin siya. Diyos ko, bakit sobrang daya mo?' Nang nakita ni Heather si Veron na sumuka ng dugo, sumigaw siya sa gulat at mukhang sobrang nag-aalala. "Ikaw... ikaw... Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Heather. Mabait na babae si Heather. Alam niya malupit si Veron sa kanya dahil kay Ambrose. Tsaka, wala silang kahit na anong galit sa isa't isa. Dagdag pa 'ron, pumayag sila na ang laban sa bawat isa ay hindi gagawa ng kapahamakan sa bawat isa. Sa ilalim ng isang sitwasyon, naging masama ang pakiramdam ni Heather nang nakita niya ang galos ni Veron dahil sa atake niya. 'Peke ang mga luha niya.' Bumuntonghininga si Veron at hinamak sa p