Galit na tiningnan ni Chester si Antononus noong puntong iyon. ‘Wala nang kasing sama ang lalaking ito. Nagawa niyang wasakin ang heart vessel ni Dax sa loob lang ng isang atake.’Nabahala rito nang husto si Chester. Siguradong manganganib ang buhay ni Dax sa sandaling magtagal pa ito nang ganiyan dahil heart vessel na nito mismo ang napinsala. 10 taon na ang nakalilipas mula noong unang masira ang heart vessel ni Dax. Dahil dito ay nagawang suyurin ni Darryl ang buong mundo para lang makakuha ng Phoenix Pill na kaniyang magagamit para mailigtas si Dax. Maliban sa Phoenix Pill, ang Dragon Essence ay isa ring alternatibong gamot para sa mga nasirang heart vessel. Pero tigiisang piraso lang ng mga kayamanang ito ang matatagpuan sa mundo at sa loob ng 10 taon ay nagawa nang magamit ang parehong mga gamot.‘Buwisit!’Mabilis na kinarga ni Chester si Dax habang nakasara nang husto ang kaniyang kamao. Siniguro niya sa kaniyang sarili na hinding hindi na sila magkakaayos pa ng Sea Dragon
Naging hapit ang suot nitong puting gown na mas nagpaganda sa maladiwata niyang itsura. Ipinakita ng napakaganda nitong mukha ang pagkabahala at pagaalala na kaniyang nararamdaman. Ito ay walang iba kundi si Yvonne.Nagawang bumalik ni Yvonne sa Donghai City para umattend sa idadaos na kaarawan ng kaniyang ama. Pero agad na naudlot ang kaniyang lakad nang malaman niya ang nangyari sa kaniyang pinsan.Agad siyang nagalit nang matanggap niya ang balita tungkol sa pagkawasak ng branch altar ng Elysium gate sa Donghai City nang atakihin ito ng Sea Dragon Palace. Dito na niya palihim na binantayan ang buong insidente.Kalahating araw na ang nakalilipas mula nang matanggap niya ang balita tungkol sa nalalapit na pagwasak ng Sea Dragon palace sa headquarters ng Elysium gate. Dito na siya nagmamadaling sumugod nang matanggap niya ang balitang iyon.Nagmamadaling pumasok sa kuwarto si Yvonne nang biglang mablangko ang kaniyang isipan. Nakita niya ang nakaluhod at puno ng kalungkutang si Che
Noong maglakbay si Darryl sa mundo ng mga cultivator, natutunan niya ang kaniyang kakayahan sa medisina kay Divine Farmer. Pero kahit na hindi siya pormal na naging disipulo nito, itinuring niya pa rin si Divine Farmer bilang kaniyang master.Kaya natural lang na batiin ng buong galang ng buong Elysium Gate Sect si Divine Farmer.Ngumiti naman si Divine Farmer habang nakatinging sinasabi kay Chester na, “Master Wilson! Matagal na rin tayong hindi nagkita. Kumusta ka na?”At pagkatapos ay nakangiti itong tumingin kay Yvonne habang sinasabi na, “Agad akong nagpunta rito nang matanggap ko ang sulat mula kay Ms. Yvonne. Mabuti na lang at hindi pa huli ang lahat.”Tumango naman si Yvonne habang sumasagot ito ng, “Tamang tama lang po ang dating ninyo, Senior. Iligtas niyo po ang kapatid kong si Dax.”Dito lang napansin ni Divine Farmer ang nakahiga at walang malay na si Dax sa kama. Agad siyang nagulat sa kaniyang nakita.“Paano niya nagawang masaktan nang ganito kalubha?”Nagmamadali
Sinabi ni Chester sa lahat ng nasa main hall kung gaano kalakas ang Sea Dragon Palace. Dito na nabalot ng pagkagulat sina Yvonne, Jewel at ang iba pang mga disipulo ng Elysium gate. Paano nagawa ng isang batang lider ng mga pirata na maging ganito kalakas?Dito na sinabi ni Jewel na, “Kuya Chster! Ngayong malakas pala talaga ang ating kalaban, bakit hindi na lang ako bumalik sa amiong lahi ng Divine Dragon para humingi ng tulong sa aking kapatid na dumulog sa mga tagapagbantay ng Divine Dragon Clan na makapagbibigay ng malaking tulong sa atin?”Masyadong naging malakas ang puwersa ng mga tagapagbantay ng Divine Dragon kaya walang kahit na sino ang makapangmamaliit dito. Ang bawat isa sa kanila ay nagkaroon ng hindi mapantayang lakas.Pero agad namang napailing si Chester habang sumasagot ito ng, “Hindi. Hindi aakalain ng kahit na sino ang tindi ng lakas na tinatanglay ng binatang iyon. Hindi na maaaring batuhin ang bago ng isa pang bato. Tingnan ninyo ang nangyari kay Dax.”Bilang
“Ginulat ng formation na ito ang buong Nine Mainlands limang libong taon na ang nakalilipas. Nang makoronahan bilang Emperor si Hou Yi sa kontinente ng North Moana, sinubukan nitong pagisahin ang Nine Mainlands sa pamamagitan ng pagsakop sa ibang kontinente. Kasalukuyan na nitong nakokontrol ang South Cloud World at Westrington noong mga sandaling iyon. Pero sa huli ay nabigo si Hou Yi nang subukan niyang sakupin ang World Universe.“Isa sa mga salinghali ni Master Franklin ang commander in chief ng World Universe noong panahong iyon. At sa pamamagitan ng Heaven and Earth Trinity Formation ay nagawa nitong ikulong si Hou Yi ng tatlong araw at tatlong gabi hanggang sa tuluyan nang sumuko si Hou Yi sa pangarap niyang pagsakop habang umaatras pabalik sa North Moana.Nasasabik itong ipinaliwanag ni Divine Farmer.Agad na nagulat at namangha ang lahat maging sina Chester, Yvonne at Jewel nang malaman nila kung gaano katindi ang formation na ito. Nagkaroon ng kakayahan ang isang formation
Ano?Masyado silang mabilis!Agad na nagbago ang itsura ng lahat sa kanilang narinig.“Dalian ninyo…”Mabilis na tumayo si Chester pagkatapos ng ilang segundo, nabalot ng pagkaseryoso ang kaniyang mukha habang inuutusan ang kaniyang mga disipulo.“Tipunin ninyo ang lahat ng ating mga estudyante at maghandang humarap sa mga kalaban.Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, napabuntong hininga na lang si Chester kay Dax na kasalukuyan pa ring walang malay sa sahig bago ito nagmamadaling tumakbo palabas ng hall.“Gusto kong makita kung gaano katibay ang Dragon King Palace na ito gamit ang sarili kong mga mata.”Nagpakita naman si Zhu Bajie ng mabagsik an itsura habang umaalis ito sa hall kasama ni Chester.Dito na nagpalitan ng tingin sina Yvonne at Jewel bago magsitakbo ang dalawa palabas.Whew! Hindi naiwasang mapabuntong hininga ng lahat nang makita nila ang nangyayari sa labas. Naramdaman ni Chester ang pagliyad ng kaniyang katawan habang nabablangko ang kaniyang isi
At kung tatanungin si Zhu Bajie, ang lalaki sa kaniyang harapan ay walang iba kundi ang anak ni Lambert. Naglaban na sila noon kaya hindi na ito naging banta pa sa paningin ni Zhu Bajie.Habang naririnig ang kanilang mga boses sa ere, agad na narinig ng lahat ang maladagat na boses mula sa main altar.Hindi na napigilan pa ng lahat maging nina Forsythe at Chester ang kanilang pagkagulat.Tumitig naman nang husto si Chester kay Zhu Bajie para patigilin ito sa ginagawa niyang pagpapadalos dalos.Dapat nating malaman na masyadong nakakatakot ang lalaking ito na hindi maiimagine ng kahit na sino kaya siguradong mapapasok si Zhu Bajie sa napakatinding gulo ngayong nagawa niyang lokohin nang ganito si Antigonus. Pero nakaramdam pa rin ng bahagyang pagtataka si Chester sa kaniyang narinig.Hindi ba’t nabanggit ni Zhu Bajie na hinabol niya ang isang ito? Totoo ba iyon? Dahil kung oo, paano nagawa ng isang lalaki na walang kapangyarihan na lumakas nang ganito nang napakabilis?Anong kla
Nang makita niyang sumabog si Forsythe agad na nabalot ng pagkainsulto ang mukha ni Zhu Bajie. “Ang lakas ng loob ng isang walang kuwentang kagaya mo na bastusin ako nang ganito ah!”Nanlalamig niyang sinabi ang mga salitang iyon habang sumasabog ang internal energy sa katawan ni Zhu Bajie. Dito na niya inangat ang kaniyang kalaykay para salubungin ang pagatake ni Forsyhte.Clang clang clang…Sa loob ng isang iglap, walang patawad na nagsagupaan ang mahabang espada at ang kalaykay ni Zhu Bajie na gumawa ng sunod sunod at nakabibinging mga kalansin. Wala pang tatlong rounds pero napapaatras na si Forsythe sa bawat pagatake na kaniyang natatanggap.Dito na napakabog ang dibdib ni Forsythe sa sobrang pagkagulat.Nasa isang libong taon nang namumuhay si Zhu Bajie kaya siguradong nabubuhay na ito sa kaniyang pangalan. Nagkaroon ito ng walang kapantay na lakas sa Nine Mainlands.“Hoho! Hindi mo magagawang tumapat sa akin! Kaya umalis ka na sa harapan ko.”Dito na gumawa ng isang napak