Share

Kabanata 5529

“Ang lakas ng loob mong harapin ako, gusto mo na yatang mamatay…”

“Kung alam mo pa ang nakabubuti para sa iyo, ibigay mo na sa akin ang iyong mga sandata at sumuko sa harapan ko.”

Maririnig sa ere ang sigaw ng mga sumusugod na heneral sa direksyon ni Dax.

“Patayin niyo ako kung kaya ninyo, mga mangmang. Tama na ang satsat.”

Hinawakan ni Dax nang maigi ang kaniyang Sky Breaking Ax habang nagpapakita ng walang takot na itsura nang harapin niya ang mga pagatake mula sa mga heneral.

Pero paano pa rin niya magagawang harapin ang ganito karaming mga heneral ng Godly Region nang magisa? Hindi pa lumilipas ang ilang sagupaan nang mabalot ng dugo ang katawan ni Dax matapos nitong magtamo ng higit sa sampung mga sugat.

Buwisit!

Nagngangalit naman sa isang tabi ang nakatayong si Chester nang makita niya iyon.

“Mga miyembro ng Hidden Hero Sect, sundin ninyo ang aking mga utos.”

Wala na ring nagawa si Debra kundi magngitngit at sumigaw sa kaniyang paligid. “Lumaban kayo. Protektahan ninyo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status