Share

Muling Pagbabalik

Kinabukasan ay nakadaong agad ang Luxury Ship nila sa Port of Salvador sa Brazil para sa mga tours nila.

Si Coleen naman ay inayos na ang lahat para walang maging problema bago siya umalis sa barko. Isang linggo lang ang palugit niya sa pag uwi sapagkat tutulak na rin ang barko nila papunta sa ibang destinasyon pagkatapos ng dalawang linggo. Schedule din kasi ng barko nila sa cleaning/maintenance at conditioning habang nakadikit sila sa Port of Salvador.

Pagkatapos niya magbilin sa temporary Chief Engineer reliever niya at sa mga tauhan niya sa barko ay inayos na rin niya ang mga dadalhin niya pauwi ng Pilipinas.

COLEEN'S POV

Andito ako ngayon sa airport ng Brazil habang naghihintay ng flight ko. Kinuha ko ang cellphone ko at may hinanap akong number saka idinial ito.

"Hello?" Rinig ko sa boses nito na nagtataka kung sino ang tumawag, napansin siguro nito na international call ito.

"Trish, its me. Will y....."

"Ma'm Coleen?!!! Ma'm kamusta na kayo? Halos dalawang buwan po kayong di tumawag Ma'm! Teka kamusta po kayo bat naman po ngayon lang kayo tumawag??" Tuwang tuwa na sabi nito at di pa ako hinayaang matapos sa sinasabi ko.

"Will you let me finish first? I'm at the Airport now. I want you to leave a car for me in Naia Terminal 1 again. I know you know what i mean. Then i'll call you after i arrive to settle things. For now, ayokong malalaman nila Daddy or Mommy kung pauwi ako, even kuya."

"Kelan po ba uwi niyo Ma'm? Sige kung yun po ang gusto niyo." Pagsang ayon nito.

"You will know kapag tumawag na ako sayo ulit. For now,do what i've told you. Lets talk when i got there. Bye." At binabaan ko na siya. Alam kong marami na naman siyang itatanong.

Trishia Sandoval is my personal secretary and my trusted person for almost 10years. Matanda siya sakin ng walong taon. Pinagkakatiwalaan ko si Trish kaya siya muna ang pinaghawak ko ng business ko na dapat ako ang nagpapatakbo. College pa lang ako nun ng gawin akong Junior VP ng isa sa business namin ng pamilya ko. At ngayon naman ay ako na ang Presidente ng Company na yun dahil rin sa tulong ni Trish. Siya ang naging anino ko habang wala ako. Alam ko na mahirap pero siguro di lang ako talaga handa pa para pamahalaan iyon. Andiyan naman si Trish na pinagkakatiwalaan ng pamilya pagdating sa paghawak ng own company ko na bigay ni Daddy.

Excited na ako, alam kong sobrang matutuwa ang Daddy at Kuya ko at lalo na si Mommy kapag nalamang uuwi ako. Isa pa namimiss ko na rin ang Manila. Its been how many months na di ako umuwi. Halos tatlong taon na akong nagbabarko pero dalawang beses pa lang ako nakakauwi. Kung hindi man dalawang araw ay swerte na na umabot ng 3 days ang pagstay ko saka babalik na ulit sa trabaho ko. At ito na pala ang pinakamatagal kong pag stay sa Pinas if ever walang biglaang emergency sa barko para maging rason para pabalikin ako agad.

Sa wakas, makikita ko na ulit sila.

Napabuntong hininga na naman ako ng maisip ko na kailangan ko na namang magpunta sa company na pag aari ko para ayusin ang ibang detalye na naiwan ko at kailangang ayusin. Kahit naman ayoko eh wala akong magagawa. Bigay ni Daddy sakin ang kumpanyang yun kaya kailangang di ko pa rin ito pabayaan.

At tumayo na ako hila hila ang maliit na black na maleta ko ng marinig ko ang announcement na boarding time na.

At the Philippines..

TRISHIA'S POV

Kababa lang ng international call galing kay Ma'm Coleen. Sa totoo lang ayaw niya talaga na gumagamit ako ng salitang Ma'm kapag kaming dalawa lang ang magkausap.

Coleen is my boss since she was a little. Kaya ako na rin ang nagtrain sa kanya ng tumayo siyang Junior Vice President ng isa sa kumpanya ng Daddy niya. Ayaw niya pa tanggapin nun pero wala siyang nagawa, pero ako naman ang pinahirapan niya dahil ako muna ang pinaghawak niya habang di pa daw siya handang imanage ito, but still the company was under her name.

Malaki ang utang na loob ko sa pamilya Tan. Galing kasi ako sa walang wala pero tinulungan akong makapag aral ng Daddy niya na si Sir Enrique, naging mabait sakin ang pamilya niya at tinulungan akong makapagtapos ng pag aaral at magtrabaho para makapagpundar para sa pamilya ko. Kaya naman bilang ganti ay tinulungan kong makumbinsi ang anak nilang si Coleen na hawakan at kung pano matuto pagdating sa business legacy ng pamilya. Wala kasing naging problema sa anak nilang panganay na si Vincent, pero pagdating sa bunso nilang si Coleen ay dun sila nahirapan ng sobra dahil wala ata talaga itong interes para pamahalaan ang kumpanya nila. Bukod sa pagtanggi nito na samahan ang kapatid nito para patakbuhin ang kumpanya nila ay simulat sapul talaga iba na ang gusto nitong tahakin base sa mga naoopen-up niya kapag kaming dalawa lang ang nagkkwentuhan.

Coleen is a brilliant girl, matalino, mabait, simple at maganda. She also graduated at the famous and prestigious well known University here in the Philippines, and got her diploma as their Magna cum laude in their batch. Proud na proud ang buong pamilya niya sa kanya. Okay na sana ang lahat maliban lang sa isang bagay na di sila nagkakasunduan ng Daddy niya, ang siya ang sumunod sa yapak ng Daddy niya at tulungan ang kapatid sa pagpapatakbo ng kanilang business. Lalo na rin at nagkaka edad na ang kanyang mga magulang at darating ang panahon na kailangan din nilang maghinay hinay sa pagtatrabaho at iwan na lamang sa dalawang anak nila ang pamamahala sa mga negosyo ng pamilya.

Pero dahil mahal naman siya ng Daddy niya ay iginalang nila ang desisyon ng anak na gawin kung anong gusto niya, pero napagkasunduan nila na ibibigay ang gusto ni Coleen kung tatanggapin niya pa rin ang offer ng ama niya na siya ang tumayong Vp sa kumpanyang nakapangalan din sa kanya. Ang CBT Corporation. Tinanggap naman ito ni Coleen pero ako naman ang pinaghawak nito habang wala siya. Pag sobrang importante lang naman saka siya umuuwi ng Pilipinas para ayusin ang mga kinakailangan para sa kumpanya niya.

Ngayon successful naman na siya sa trabaho niya, at nakuha na rin ang pinakamataas na posisyon kaya ipinagdarasal ko na sana naman bumalik na siya dito sa Pilipinas para imanage ang CBT Corp. Yun nga at tumawag siya kaya masayang masaya ako. Sana makausap ko ulit siya tungkol dito.

Inayos ko na ang mga iniutos niyang gawin nung tumawag siya kanina. Di niya sinabi kung nasaang airport siya at kung ano yung exact date na darating siya dito sa Pilipinas, ayaw niya rin kasi na may mga nagtatanong sa mga desisyon at sinasabi niya kaya di na ako nagtanong pa. I know Coleen so much. Ayaw nun na may nagmamaneho para sa kanya lalo na ang bodyguards. Kabaliktaran ng kuya at mga magulang niya na may kanya kanyang bodyguards sa lahat ng lakad nito.

That girl is happy in that simple way. Yun ang ikinahanga ko sa kanya, nasa kanya na kasi ang lahat pero siya yung tipo na gusto pa rin ng simple, simple sa buhay niya at simple sa lahat pagdating sa mga gusto niya. Ayaw niyang nakikilala siya ng tao dahil lang sa pangalan na meron ang pamilya niya.

And that's Coleen Brylle Castro Tan, my only Boss.

● ● ●

Pagkarating na pagkarating ni Coleen sa Naia ay wala na itong sinayang na oras, pagkatapos niya makuha ang kotseng ipinahabilin niya kay Trish ay nagmaneho agad siya at nagpunta sa kilalang beauty salon para ipaayos ang sarili. Ayaw niya kasing makita siya ng parents at ng kuya niya na mukhang stress at halatang haggard dahil sa trabaho niya. Ayaw niya rin kasing magmukha siyang matanda kahit sabihing 25 na siya, dahil kilala niya ang kuya niya. Kukulitin at aasarin na naman siya nito.

Pagkatapos niyang ipamper ang sarili ay dumaan na rin siya ng spa para marelax siya kahit paano. Saka tinawagan na rin niya ang tutuluyan niya temporary para din sa mga dapat niyang ayusin bago siya tuluyang umuwi sa mansion nila.

COLEEN'S POV

Nandito ako sa harap ng isang kilalang five star hotel, matapos ko ito titigan at suriin ay ipinark ko ang kotse ko sa harapan nito. Pagkababa ko naman ay ako na mismo ang humila sa maliit na maleta ko bago tumungo ng lobby.

Pagpasok ko naman ay maraming mata ang nakatingin sa akin, kapwa humahanga at titig na titig sakin habang naglalakad ako papasok.

Ayoko man ng ganitong atensyon ay inignore ko na lamang ang mga mapapanuring mata na nadadaanan ko. Pagkakita naman sakin ng receptionist ay nginitian ako nito saka ako kinausap at tinanong kung mag che check in ako. Hiningi na rin nito ang pangalan ko, pati ang Id ko.

"Reservation for Coleen Brylle Castro. I called here earlier." Simpleng sabi ko sabay abot ng Id ko.

Bigla naman nagulat ang receptionist at halos di makatingin sakin ng makita at mabasa ang nakalagay sa ID ko. And thats what i hate the most, people seing my name with my family name on it. Tan.

"Ma'm?? Sorry po di ko po alam na kayo po yan Miss Tan. Pasensiya na po talaga.." Nakatungo at di magkaintindihang sabi nito at halos napatingin ang ibang nasa lobby sa tinuran nito.

Here we go again. Iniiwasan kong mainis sa tumatakbo sa isip ko.

"It's okay, i need a room. Pagod ako sa flight ko." Walang kangiti ngiting sabi ko. Ito ang ayoko. Mabasa lang nila sa ID ko kung ano ang pangalan ko ay nagbabago ang tingin at treatment nila sakin.

"Okay po Miss Tan. This is the key and the special identification card for your Penthouse. Ma'm pasensiya na po at di po kayo nakilala ng nag entertain ng tawag niyo, kakau.." Di magkandaugagang paliwanag nito na halatang takot na takot sa pagsusungit ko. Kaya naman pinilit kong ngumiti.

"Its fine, relax... Walang problema Miss??" Patanong na sabi ko ng abutin ang susi at card na ibinigay niya.

"Alvarez po Miss Tan, Yasmin Alvarez po. Pasensiya na po talaga Ma'am. Di po kasi namin alam na nakabalik na po pala kayo. Saka ngayon ko lang po kayo nakita ng personal." Nahihiyang paliwanag nito.

"Everything's fine Miss Alvarez. Treat me like a normal person okay? Just call me Coleen. Dont mind my last name because i dont want an attention."

"And please, tell Mr. Winston to bring the papers that i need to sign." Saka na ako tumalikod at tinungo ang elevator.

Si Mr. Fred Winston ang tumatayong Manager for operation ng Hotel na ito, ang hotel na isa sa pag aari ng pamilya ko pero nakapangalan sakin.

YASMIN'S POV

Grabe lang, parang gusto kong maglaho sa harapan ni Miss Coleen Tan, pano ba naman di ko man lang siya namukhaan. Ang tagal na kasi nitong di nagagawi dito sa hotel na sarili niyang pag aari, ang alam ko kasi nasa ibang bansa ito. Yes, si Miss Tan lang naman ang namamay ari ng five star hotel na ito kung saan mag iisang taon na akong nagttrabaho bilang receptionist, kaya nakakahiya at di ko siya binati ng maayos. Sa picture ko lang kasi siya nakita dati. Kung di ko pa nabasa ang pangalan niya sa ID niya ay baka pinalayas na nun ako dito sa pwesto ko.

Pero parang di naman siya ganun kasungit, natuwa pa nga ako kasi ang simple simple niya at napaka bait pa. Isa pa napakaganda niya. Para siyang hollywood sexy star dahil sa itsura niya. Napaka hot at napakagorgeous nito, saka ang mga legs, grabe napakakikinis. Naka skirt kasi ito kanina kaya halos lahat ay sa kanya nakatingin ng pumasok siya dito. At napahiya rin ang ilan ng malaman nila na ang tinitingnan nila ay ang babaeng anak nina Mr. Enrique Tan na siyang may ari nitong hotel.

Tiningnan ko ulit ang ang likuran ng ID ko kung saan nakasulat ang CBCT at nakalagay na ito ang President at may ari nitong hotel. Ayaw siguro talaga nito ng may mga nakakakilala sa kanya.

Parang biglang nagflashback ang boses kanina ni Ms Coleen habang may inihahabilin sakin kaya naman agad agad akong nagtungo sa opisina ni sir Winston para ipaalam ang sinabi ni Miss Tan. Nabalitaan ko kasi dati na ayaw ni Miss Coleen na may nasasayang na oras at pinaghihintay siya.

"Good day Miss Yasmin, what brings you here?" Sabi ni Mr Winston ng makapasok ako.

"Sir, Miss Coleen has arrived, she's now at the Penthouse and ask me to tell you to bring her the papers that she needs to sign."

"Really? Did you accommodate her in going to the Penthouse? Malinis naman ang Pent diba? Nagpadala na ba kayo ng mag iintindi ng pagkain at home service para sa kanya? What else did she say?" Halata sa mukha nito ang pagkagulat. Siguro di rin nito inaasahan ang pagdating ni Miss Coleen.

"Sir, nagbilin po si Miss Coleen na wag na muna siyang istorbohin at wag na munang dalhan siya ng kung ano ano. Tatawag na lang daw siya kapag may problema. Tumawag din daw siya kanina at sinabing hinihintay ka daw niya dun at may lakad pa daw siya bago mag gabi." Paliwanag ko naman.

"O sige, pupuntahan ko na siya. Nako ganun talaga yang si Miss Tan, ayaw niya na binibigyan siya ng special treatment. Nga pala magbilin ka sa iba na wag siyang iistorbohin ha, antayin niyo ang tawag galing sa kanya. You may go at aayusin ko pa ang mga papapirmahan ko." Halata sa boses ni Mr. Winston na nalilito at nagmamadali habang hinahanap ang mga papel sa mesa niya.

Nagpaalam na rin ako at dumiretso sa reception para sabihin ang ibinilin niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status