Share

Miss Taray

Pagkatapos pirmahan ni Coleen ang mga papeles na dala ni Mr Winston ay agad naman siyang naligo para puntahan si Trishia. Kanina pa kasi siya nito kinukulit ng malamang nasa bansa na siya.

COLEEN'S POV

It's past 6pm at katatapos ko lang maligo at maayos ang sarili ko. Nagsuot rin ako ng formal dress ko dahil sabi ni Trish ay ito raw ang isuot ko. Weirdo rin minsan ang babaing yun at ito pa ang napiling ipasuot sakin e magkikita lang naman kami. Sabi niya rin ay magtetext at tatawag daw siya before seven.

Buti naman at may mga dress pa ako dito sa penthouse ko na naiwan pa nung dito ako nagtitigil habang inaayos ko ang mga papel ko noon para sumakay ng barko. Dalawa kasi ang inuuwian ko nun, sa mansion at dito.

Sina Daddy at Mommy nga pala saka si Kuya. Di pa nila alam na nandito ako, siguro mamayang after na lang namin mag usap ni Trish. Pupunta na lang ako ng mansion para isurprise sila. Sigurado matutuwa sila.

Pagkatapos ko icheck ang sarili ko sa harap ng salamin at nakapaglagay ng red lipstick ay napangiti ako sa nakita ko.

Perfect.

Isang simpleng above the knee straight cut, black dress ang napili kong isuot. Sigurado marami na namang mapapanganga sa itsura ko. Hahahaha! Nangingiting sabi ko sa sarili ko.

Pagkababa ko ng hotel ay agad naman akong inihatid ng isa sa vip personnel ng hotel papunta sa kotse ko. Ngumiti na lang ako ng mapansin ko na halos ata lahat ng madaanan ko ay nakatingin sakin lalo na ang mga kalalakihan na ikinatayo ng kilay ko.

Nagddrive ako papunta ng CBCT Tower ng magring ang cellphone ko.

"Where are you. I'm on my way." Sabi ko sa tumawag na alam ko namang si Trish dahil alam kong siya lang naman ang nakakaalam ng number na ginagamit ko ngayon.

"San kana banda? Nagbago kasi ang desisyon ng kausap ko. Puntahan mo nalang ako sa address na ibibigay ko. Its a hotel near the CBCT Tower. Malapit lang yun kaya di ka mahihirapan. Text ko sayo ang pangalan ng hotel. Nagbilin na rin ako na darating ka kaya sasamahan ka nalang paakyat ng personel dun. I badly need to cut this, andito na siya e. Sige na. Bilisan mo ha."

Tooot...

Toot....

Toot...

At namatay bigla ang tawag niya. Grrr! What's with Trish? Alam naman niya na ayokong magpupupunta sa ibang lugar o hotel man yan kasi pupunta pa ako sa bahay mamaya. Ayokong may masayang na oras. Inuna pa yung client kuno niya. Mapagalitan nga mamaya. Abat binaaan pa ko!

Nung nagvibrate ang phone ko ay binasa ko agad ito at nakita ko nga ang hotel address na binigay ni Trish kaya naiinis akong nagdrive at hinanap yun.

Nakita ko din naman ito agad dahil halos malapit nga lang din ito sa Company Building namin. Pagkabigay ko ng susi sa receptionist ng hotel ay dederetso na sana ako pero nagulat ako dahil may naghihintay na pala akin.

Iginide niya ako paakyat ng hotel at iniwan ako sa pinto bago pumasok sa isang Huge Function hall. Sabi niya ay nasa loob daw si Trish at hinihintay ako na ikinataka ko naman.

Sosyal naman ata nung client niya at sa function hall pa sila nag usap about business matters. Bahala nga sila. Kumatok na ako sa pinto at binuksan naman ako ng nakangiting mga lalaki na nakablack suit. Napanganga pa ako ng makita ko na may party pala sa loob at maraming tao na alam kong kapwa mga mayayaman dahil rin sa kasuotan nila.

"Welcome Miss Coleen, they're waiting for you.." Nakangiting turan ng lalaking nakablack suit sakin na nagpasingkit ng mata ko.

Bat kilala ako nito?? Baka naman nasabihan na ni Trish. Pero bat party? Sabi kasi ni Trish ay may kausap lang siyang client. What party?

Ughhhh! Lukaret na yun. Lagot siya sakin! Buti na lang nagdress ako kung hindi nakakahiya. Balak ko pa naman sanang magshorts nalang kanina saka simple tee.

"Tito Enrique and Tita Lucia, finally my special gift for you has arrived. Fresh from Brazil, Ladies and gentlemen let us all welcome Coleen Brylle Tan, the daughter of the Wedding Anniversary celebrants!" Umi-echo pa sa tenga ko ang boses ni Trish galing sa mic.

What is this?

Para akong di makagalaw sa kinatatayuan ko ng humawi ang mga tao sa harapan ko at binigyan ako ng daan para makapunta sa gitna kung saan nakita ko doon ang halos maiyak na si Mommy at Daddy, pati na rin si Kuya na nakangiting naglalakad papunta sa kinatatayuan ko.

Bruhang si Trish! Di man lang sinabi sakin na may ganito. Saka paanong nangyari yun e lastweek pa yung anniversary nina Daddy at Mommy? Eto ang ayoko. Lahat na naman ay nakatingin sakin. Pakiramdam ko tuloy para akong matutunaw sa mga matang nakatingin sakin na para bang binabasa ang buong pagkatao ko.

Meaningfull din naman pala ang pagpamper ko sa sarili ko kanina pati ang pagsabi saken ni Trish na magsuot ng formal.

"How are you my beautiful sister? Long time no see, we missed you.." Nakangiting sabi ni Kuya ng makalapit na ito sakin. Hinalikan niya ako sa cheeks saka niyakap ng mahigpit.

"Kuya what's all of this? Akala ko ba tapos na ang wedding anniversary nina Daddy at Mommy?" Pabulong na sabi ko dito habang magkayakap pa din kami.

"Speak later sis, Dad and Mom is waiting. Shall we?" Yaya ni kuya kaya naman umabre siyete na ako sa kanya saka naglakad papunta sa kinaroroonan nina Mommy at Daddy.

"You have a lot of explaining to do later. Dati ako ang unang nakakaalam sa mga plano mo.." May himig ng pagtatampo sa boses ni Kuya.

Sasagot pa sana ako pero di pa kami nakakarating sa gitna ay sinalubong na ako ng umiiyak na si Mommy at nakangiting si Daddy. Walang sawa nila akong hinalikan at niyakap paulit ulit.

"Mom, they're watching us.. Dad, I thought you already done celebrating your wedding anniversary a week ago?" Nagtatakang tanong ko. Ako pa ang nasurprise sa mga nangyayari.

"We jut missed you so much Coleen.. Salamat sa surprise anak, buti at nakauwi ka.." Umiiyak na sabi ni Mommy.

"Anak, Trishia just surprise us, di namin akalain na nandito ka kaya masayang masaya kami. About this? Late celebration na rin kasi nga alam mo naman na napakabusy namin ng Kuya mo.." Sabi naman ni Daddy.

Nagyakapan naman ulit kami at nakisama na rin si Kuya na wala ng ginawa kundi guluhin ang buhok ko na kinainis ko naman kaya para kaming mga bata na nag aasaran, hanggang sawayin kami ni Mommy.

Ipinakilala na nila ulit ako sa mga business partners at iba pang kaibigan nila Daddy at Kuya saka sa iba pang nandoon. Kaya kahit ayoko naging masaya na rin ako dahil sa wakas magkakasama kami ulit kahit saglit lang na naman. At masaya na kaming nagkwentuhan nung nasa table na kaming buong pamilya.

Nagpasalamat naman ako kay Trish na sa huli ay nilapitan ko at kunwari'y inaway dahil sa ginawa niya.

Its a long night but i really enjoyed it, because i'm with my whole family after a long month of sailing.

Pagkatapos ng party ay sumama na muna si Coleen pauwi ng mansion nila. Naglambing ang Mommy niya kaya naman dun na rin ito natulog sa kwarto ng Mommy at Daddy niya habang nasa pagitan naman siya ng dalawa.

Ang kuya naman niya ay umuwi sa sariling bahay nito dahil buntis ang asawa nito at nasa stage pa ng paglilihi at kinabukasan na lamang daw sila dadaan sa mansion.

Nakatulog na rin siya agad pagkatapos magshower dahil sa pagod at puyat dahil sa tuloy tuloy na byahe niya.

Nagbilin na lang siya na gisingin siya ng maaga dahil magjojogging pa siya at marami pa siyang kailangang ayusin.

"Good morning my princess.." Bati ng kanyang Mommy habang nakadungaw ito sa kanya bago siya pupugin nito ng halik.

"Mom, di pa ako nagtotoothbrush.." Reklamo ng dalaga habang nakapikit parin ito yakap ang Mommy niya na parang bata.

"Sabi mo gisingin kita ng 4am kasi magjojogging ka pa di ba? Saka marami ka pang aasikasuhin."

"Anong oras na ba Mom."

"Quarter to four." Nakapikit na sagot ng Mommy niya habang nakayakap din sa kanya.

Pagkarinig ni Coleen ng sagot ng Mommy niya ay dahan dahan itong bumangon at h*****k sa Daddy niya na natutulog pa.

"Be carefull anak, medyo madilim pa sa labas. Dito ka na magbreakfast, magpapaluto na rin ako maya maya." Pabulong na sabi ng Mommy niya.

"Okay Mom." Simpleng sagot ni Coleen habang naglalakad papunta ng pinto.

"If you want anak Gary may run with you para may kasama

ka, mahirap

na. Alam

mo

naman.."

"Mom i can manage okay?" Mahinang sagot ni Coleen ng isuggest ng Mommy niya na pasamahan siya sa isa sa bodyguard nila. Ngumiti na lang naman ang matanda sa sinabi ng anak at ng makita na naman nito ang di maipintang itsura ng dalaga.

Bago naman nito maisara ang pinto ay sumilip ito ulit saka nagpalipad ng halik sa hangin na ikina-iling nalang ng Mommy niya.

Nagtungo na ang dalaga sa sariling kwarto at mabilis na naligo saka nag ayos ng sarili para magjogging.

COLEEN'S POV

Napili kong magsuot ng short-cutted black running shorts at white na sportsbra, saka nagsuot ng white running shoes. Pinatungan ko na lang ang sportsbra ko ng sweat jacket na kulay pink para di naman agaw pansin, saka nagspray ng pabango ko. Dinampot ko ang headset at ipod sa table ko saka naglakad pababa at tinungo ang pinto.

Medyo madilim pa ng nagsimula akong magjogging sa loob ng village namin kaya naman konte lang din ang nakikita at nakakasabay ko. Pinili ko talaga ang ganitong oras dahil alam kong dumadami ang nagjojogging kapag magsi six na ng umaga, kaya dapat pabalik na ako nun.

I hate this! Naiirita kong bulong sa sarili ko dahil sa mga nakakasalubong ko na karamihan ay sa legs ko nakatingin.

Habang nagjojogging ako ay napadaan ako sa isang convenience store kaya bumili na muna ako dito ng energy drink.

Nailang pa ako pagpasok ko dahil alam kong sakin na naman sila nakatingin, nakaka irita pa dahil halos hubaran na nila ako habang titig na titig sa legs ko.

Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nakashort ng ganito? Perverts.

Inirapan ko na lang ang dalawang lalaki na halos tumulo ang laway habang nakatingin sa dibdib ko. Halos nakababa kasi ang zipper nito ng kalahati kaya kita ang sportsbra ko, kaya naman itinaas ko ang zipper saka deretsong naglakad sa counter para bayaran ang nakuha kong sportsdrink. Di ko na lang sila pinansin at dere deretsong lumabas ng store.

Ito ang nakakainis kapag nagjojogging ako, kulang nalang mangdukot ako ng mata ng mga maniac na nakakasalubong at nakikita ko.

Isinaksak ko na lang sa tenga ang headset ko saka ifinull volume ko ang music saka nagsimula ulit tumakbo.

Halos isang oras at kalahati rin akong nagjogging dahil pagtingin ko sa wrist watch ko ay 5:48am na. Kaya naman nagsimula na akong magjogging ulit pabalik ng village namin.

"What the...!!"

Paliko na ako na sana ako ng di sinasadyang may malakas na bumangga sakin. Sa lakas ng impact ay napansin kong halos napaupo ang babaeng nakabangga ko at nakita kong kumalat sa damit nito ang kape na dala dala siguro nito. Mabilis na tinanggal ko ang nakasalpak sa tenga ko at lumapit ako sa babae para tulungan ito.

"Miss? You okay? I'm sorry, i didn't see you coming.." Nalilitong inalalayan ko ito para makatayo. Saka chineck ko kung nasaktan o nasugatan ba ito.

Base sa itsura nito ay nagjojogging din siguro ito. Natigilan ako ng mapatingin ako sa mukha nito.

She's pretty. She has an angelic face and a beautiful sexy lips. Parang napakalambot ng mga lips niya. Napalunok ako sa naisip ko.

Alam ko naman na maganda rin ako, pero iba siya. Siguro mas bata ito sakin. Dahil halata sa magandang mukha nito.

Natauhan lang ako ng makitang nakangiti lang ito sakin habang titig na titig rin sa mukha ko.

"Miss, i'm sorry for the coffee. Natapunan ka tuloy, buti naman at di na ito masyadong mainit, wait..." Di na ako nagdalawang isip ng hubarin ko ang sweat jacket ko at ibinigay ito sa kanya.

"Wear this para naman matabunan ang stain ng coffee sa damit mo, uhmmm.. You can remove your shirt kung di ka rin komportable saka mo isuot yung jacket." Shit! Tama bang i advice ko sa kanya na maghubad siya.

"Hey Miss! Okay ka lang ba?" Sabay pitik ko ng mga daliri ko para matauhan ito. Napaka uneasy naman kasi na tinititigan niya ako kagaya nung mga lalaki kanina.

Its like she's starting to undress me.

What the hell i'm thinking.

"Ohh.. Its okay, di naman masyadong mainit yung coffee." Simpleng sagot nito na di inaalis ang pagkakatitig sakin.

"I see.. Uhhm.. Basta sorry pa rin."

"About this??" Hanggang ngayon kasi ay nakahawak pa rin ako sa jacket habang inaabot ko ito sa kanya.

Nakakangalay kaya.

"So... sorry.. Are you sure you want me to have this?" Pagkatapos niyang sabihin ito ay napansin kong nakatitig ito sa dibdib ko.

Gosh! This young lady. Bat ba ganyan siya makatingin, wala ba siyang sariling dibdib. Kebabaeng tao e sa boobs tumitingin.

"Eyes here, young lady! Look, im on a hurry. I already said sorry. So.. we're okay right?" Mataray na sabi ko, may pagkamaniac din kasi tumingin ang babaeng to. Bwisit.

Wala ba siyang bibig, o bad breath siya. Di man lang sumagot sa sinabi ko.

"I dont want to waste a single minute here Miss okay? Sorry again. I have to go." Isinampay ko sa braso niya ang jacket dahil nangangalay na ako sa kakahawak nito at nilagpasan ko na lang ito saka nagsimula na ulit akong tumakbo pabalik ng mansiyon. Kailangan ko ng makabalik sa bahay dahil marami pa akong aasikasuhin.

At ayokong may nasasayang sa oras ko lalo na kung dahil lang sa tatanga tanga!

JANE'S POV

Kanina pa ako nakatayo dito na parang tanga habang yakap yakap ang mabangong jacket na ibinigay nung hot chick na nakabangga ko kanina.

Dapat nga tinarayan ko ito at inaway away dahil di niya kilala ang kinabangga niya pero may kung anong masamang hangin ang humambalos sakin kaya napanganga na lang ako pagkakita ko sa kanya.

Honestly, kanina ko pa talaga siya nakita sa convenience store palang. Napanganga ako nung unang kita ko pa lang sa kanya, kasi naman di ako makapaniwala na may babaeng nag eexist pa na ganun kaganda. Lol. Isa pa, talagang kahawig niya ang utimate crush ko na si Demi Lovato, parang magkakambal sila lalo na kung titingnan ang cute na cleft chin nito. Saka di lang naman ako ang napatingin sa kanya kundi halos lahat ata ng tao sa loob ng store na yun. Bigla nga ako nakaramdam ng inis nung makitang maraming nakatitig sa kanya. Gusto ko ako lang! Parang ganun.

Tinanong ko pa yung counter ng store kung madalas ba sya dito pero sabi nila kakakita lang din daw nila dun sa napakagandang babaeng yun.

Na starstruck talaga ako ng unang makita ko siya. Pero dahil sa kadaldalan at kakulitan ng bestfriend ko na kasama ko kanina sa store ay bigla na lang nawala ang anghel na yun sa paningin ko. Kaya naman mabilis akong nagpaalam sa bestfriend ko para hanapin siya, yun nga lang at di ko na siya naabutan kanina.

Kaya pagbalik ko sa loob ng store ay dinakdakan ko todo si Wendy, ang bestfriend ko.

Di ko naman ini expect na kung kelan pauwi na ako habang nagjojogging at iniimagine ang magandang anghel na nakita ko ay aksidenteng magkakabungguan kami.

Destiny ba yun? Hahaha!

Yun nga lang dahil natulala na ako sa harap niya, bigla na naman siyang nawala sa paningin ko. Paglingon ko ay wala na ulit siya.

Napakamalas talaga, pero di bale.

Lahat naman ng gusto ko nakukuha ko. Ako paba? Nakangiting bulong ko sa sarili ko.

Bago ang lahat magpapakilala muna ako šŸ˜‰

I am Jane Mondragon, the one and only daughter of Joaquin Mondragon and Isabella Estrella Mondragon.

Ex Customs Commissioner ang Daddy ko pero ngayon naman ay ilang taon na itong nagtatrabaho as the captain of the known Norweigan Luxury Cruise Ship who tours arround the world. At dahil medyo may edad na rin si Daddy ay plano niya ng bumaba after a year para pamahalaan na lang ang negosyong pinapahawakan niya muna kay Tito Arthur.

Sino naman ang di makakakilala sa Mommy kong si Isabella Estrella? She was the only daughter of the famous Altheo Estrella who is known in the business industry as one of the consistent billionaire and owns several Telephone and Shipping Companies.

Dati ayaw pa tanggapin ni Lolo si Daddy pero wala na rin itong nagawa ng ipakita at pinatunayan ni Daddy na talagang malinis ang hangarin nito kay Mommy. At dahil parehas busy ang Mommy at Daddy ko ay ako lang ang nag iisang naging anak nila, kaya naman halos lahat ng gustuhin ko ay binibigay nila lahat. Even my Lolo Altheo, may sarili na nga akong condo at ilang kotse na pawang regalo niya lahat sakin. Saka isang sabi ko lang din kay Daddy, nagkukumahog na ito mapagbigyan lang ako. Mapride din kasi si Daddy at ayaw nun na si Lolo ang laging nagpprovide kapag may kailangan ako. That's why he really works hard for me and for my Mom.

Wala na nga akong mahihiling pa kasi kahit di ko hingin ay binibigay nila. Kaya ito na rin siguro ang naging reason kung bakit naging pasaway ako. Sa edad ko kasing 21 e dapat nakagraduate na ako at tinutulungan ko ng magmanage ng kumpanya namin si Mommy at Daddy ko pero isang malaking "NO". Gusto ko na muna kasing mag enjoy at maging masaya ng walang hassle, ayoko rin munang mamroblema. Nakailang lipat na rin kasi ako ng schools at ng courses na matripan ko. I even ditch my classes kung wala ako sa mood makinig sa mga prof ko. I sometimes fuck every ones feelings, di naman sa pinaglalaruan ko lang or anything but maybe ayoko pa ng seryosohan. They can say whatever they want or judge me the hell i care.

Nakailang papalit palit na rin kasi ako ng boyfriends at girlfriends ko. GIRLFRIENDS? Oo kasi i'm one of what they say, out and proud bisexual and everybody knows it. Even sa family ko. Wala naman silang magagawa eh kasi ako ito at dito ako masaya. At kilala nila ako, LAHAT NG GUSTO KO NAKUKUHA KO. What Jane wants, Jane gets, and thats me :)

''Booogsh!''

Natauhan ako sa malalim na pag iisip ko ng biglang may bumangga ulit sakin.

"What's the prob...!

"Hep!! Tatarayan mo ba ako? Bat kasi para kang shunga diyan na nakatulala habang yakap yang jacket na yan?" Maarteng sabi ni Wendy na sinadya palang banggain kunwari ako.

"Wendy nakita ko ulit siya... She even talk to me.." Nakangiting sabi ko.

"Who? Kanina pa ako naghahanap sayo dahil di mo man lang ako hinintay tapos makikita kita dito na naglalakad lang habang..., teka ano bang ginagawa mo?? And wait, where's your car??"

Lingon ito ng lingon na hinahanap ang kotse ko.

"Ang ganda niya talaga Wendy, i think she's the one.."

Nakapoker face naman itong napatingin sa akin.

"What????? Anong She's the one? Baka she's the 99nth! Heller! Sa dami ba naman ng naging boyfriend/girlfriend mo saka mo sasabihin yang the one the one na yan!"

"Wendy, i'm serious... Iba siya bes.. Remember the girl we saw at the store this morning? I saw her again.." Nakangiti at parang tangang pagkukuwento ko sa kanya.

"So siya naman ang bago mong prospect? Pang ilan na ba siyang sinabihan mo na siya yung the one at siya yung iba sa lahat, wag ka ngang mag drama diyan. May dalawa ka pa ngang girlfriend ngayon tapos duma the one ka pa! Tara na nga, asan ba ang kotse mo kasi?" Reklamo ng bestfriend kong wala ng ginawa kundi barahin ako.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala, basta. She'll be mine!" Sabi ko na lang.

"Sino ba yun? Nakuha mo ba ang pangalan? Number? Saka hello Jane, i think napakaray nun saka parang di ka naman papatulan nun. Nakita mo na nga kung panong tarayan nito yung mga boys na nakatitig sa kanya kanina. Kulang

nalang

dukutin niya yung mga eyeballs ng mga

nakatingin sa kanya."

"Ha? Di nga ee.. Weird pero di ko alam bat natulala ako sa harap niya. Di nga ako nakasagot sa mga tanong niya. Para akong bingi kasi wala akong naintindihan sa sinabi niya e. Yung tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.. I think I'm inlove bes.." Oo nga no? Bat di ko man lang nakuha ang number o kahit pangalan nito para kahit ipahanap ko na lang sa investigator ko. Pshhhh! Nakangiting sabi ko habang yakap yakap ko ang mabangong jacket niya.

"Ikaw? Natulala?? Nabingi?? Magpatingin ka nga mamaya sa family doctor niyo Jane! Iba na yan.. Baka may malalang sakit kana na nakuha sa mga babae mo. Tsk! Di ikaw yan.." Nagpapalatak na sabi nito.

"Bahala ka nga, tara na. Walking distance lang dito yung kotse." Pambabalewala ko sa sinabi niya. Alam ko namang nang aasar lang yang bruhang yan.

"Wait Jane Mondragon!! Di mo ba pinaluhod yung may gawa niyan sayo?? Grosss!" Sabi ni Wendy habang nakatingin sa shirt ko na puro mantsa ng tumapong kape.

"Siya nga may gawa nito ee. Di na k..."

"At di mo man lang binigyan ng sample yun? Tingnan mo nga, siya lang ata ang halos nagpaligo ng coffee sayo pero di mo man lang tinuruan ng leksyon."

"E love ko yun eh, saka binigyan niya naman ako ng Jacket eh.. hehe! Let's go." At nauna na akong naglakad sa kanya habang yakap yakap ang mabangong jacket na nanggaling sa anghel na nakabangga ko kanina.

"Ewan ko nga sayo Jane. May pa love love kana diyan e ngayon mo lang nakilala at binangga kapa kaya halos napaliguan ka ng kape. Love padin?? Sumasakit ang ulo ko sayong babae ka.." At sumunod na rin ito sakin.

Its my lucky day! Mapupunta ka rin sakin Miss Taray..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status