Share

Ang Babae Sa Barko
Ang Babae Sa Barko
Author: bleu_ancho15

Ang Buhay Sa Barko

Kriiinnnggg...

Kriiinnnggg...

Nakapikit na hinagilap ni Coleen ang tuloy-tuloy sa pag-ring na telepono na nasa bedside table niya. Bakas sa mukha nito ang inis dahil sa pagka-antala ng tulog niya.

"What is it?" Masungit na tanong nito sa kausap habang nakapikit at hinihilot ang sentido.

Halos tatlong minuto niya'ng pinakinggan ang paliwanag ng taong tumawag habang nakahawak at patuloy parin'g hinihilot ang sentido niya bago siya nagsalita ulit.

"Okay. I'll be there in a minute." At pabagsak niyang ibinaba ang telepono saka madiing ipinikit ang mata na halos nananakit pa dahil sa tama ng ilaw ng lampshade sa cabin niya.

COLEEN'S POV

Kakababa ko lamang nang tawag galing sa Engine Room dahil sa isang problema na naganap doon. Nasaan na naman kaya ang third engineer na siyang duty nitong mga oras na ito? Nakakabwisit, pagkatingin ko sa wristwatch ko ay alas dos kinse pa lamang. At halos dalawang oras pa lang ang nagiging tulog ko dahil kakatapos lang din ng duty ko na 8-12. Nakakainis, hindi pa rin nagbabago si 3rd Engineer Ferdinand, kaunting problema ay nagpapanic pa rin ito agad.

Nag-ayos na ako ng sarili ko at nagsuot ulit ng white coverall na siyang isinusuot ko bago bumaba sa engine room for safety. Kukunin ko na sana ang helmet ko ng mag-ring ulit ang telepono, kaya't naiinis na sinagot ko ulit ito ng makita ko sa monitor na sa engine room ulit nangagaling ang tawag.

"What again Oiler? I told you to give me a minute at bababa na rin ako diyan." Maawtoridad na sabi ko na siya naman atang ikinataranta ulit ng oiler na kausap ko.

"Chief.. Ka.. kasi po.. ano... the.." Nabubulol na sabi nito na di pa halos matapos. Narinig niya kasi na medyo mainit ang ulo ko dahil sa boses ko.

"Will you speak clearly? Ano ba'ng nangyayari diyan at parang nagkakagulo kayo, nasaan ba si Third?" Pagtataray ko. Kagigising ko lang kasi, sumakit pa ang ulo ko dahil sa biglang bangon dahil sa emergency kuno na 'yan.

"Ma'am... ay Chief! Kasi po natataranta na po si Third, kailangan po kayo dito. Biglang may narinig kaming pumutok sa generator number two sa starboard side, 'di po namin alam anong gagaw.."

Pakiramdam ko ay lalong kumirot ang ulo ko sa naririnig kong boses ng oiler namin na natatarantang sinasabi sa akin kung ano ang sitwasyon sa engine room. Napapangiwi'ng pinilit ko nalang kalmahin ang sarili ko bago tuluyang uminit ang ulo ko.

"Relax Oiler! Pababa na ako diyan. It's just a little problem. Maaayos din natin 'yan. Sige na at pababa na rin ako." Di ko na hinintay ang sagot niya at binabaan ko na siya.

Nagtataka ba kayo kung bat ganun na lang ako bulabugin ng oiler ko?

Sino ba ako?

Well, sige na nga di ko na papatagalin pa ito. And to start my story, magpapakilala na muna ako.

Ako nga pala si Coleen Brylle Castro, 25 years old and a licensed Chief Engineer at my early age. Kaya nga nandito ako ngayon ay ako lang naman ang Chief Engineer ng barkong sinasakyan ko ngayon, ang International Norweighan Luxury Cruises. Ang cruise ship na ito ay ang nangunguna at sikat ngayon sa buong mundo dahil sa laki at magandang serbisyong naibibigay nito sa mga maykaya o kilalang tao na gustong sumasakay dito. Magdadalawang taon na akong nagtatrabaho dito bilang Chief Engineer, at kasama ko dito ang ibat ibang lahi ng mga taong may kanya kanya ring posisyon at abilidad. Pero dahil na rin siguro sa galing ng Pinoy e halos karamihan ng seaman hanggang sa iba pang crews na nagtatrabaho dito karamihan ay taga-Pilipinas.

About my family background?

My father is Enrique Tan, the popular and one who has a big name when it comes to business industry. Sino ba naman ang hindi nakaka-kilala sa isang businessman na nagmamay-ari ng naglalakihang hotel na kilala na halos sa buong mundo at ngayon ay nagpapatayo pa ng sariling airport dahil sa family-owned Airline namin.

And why i'm using Castro as my surname while my Dad is the famous Tan businessman? Malalaman niyo rin 'yan kapag binasa ninyo ang istorya ko.

My only Mother is Lucia Castro, a full time and a loving housewife. Ayaw ni Daddy na napapagod at nai-stress si Mommy kaya naman di na ito pinag-manage pa ni Daddy sa ibang business namin.

And lastly, Vincent Tan. The 31 years old yet handsome brother of mine. Dalawa lang kaming magkapatid, kaya naman mahal na mahal ako noon. Twenty eight na rin siya nang mag-asawa siya dahil naging abala rin ito sa pag alalay kay Daddy sa pagmanage ng business namin. Sobrang mahal na mahal ako ng kuya ko. Siya 'yong parang boyfriend ko na kulang nalang ay balian nang buto ang mga lalaking nagbabalak na ligawan ako simula pa noong nasa Pilipinas ako at nag-aaral. Well, noon yun. Malayo na ako ngayon, marami na rin akong naabot at napagdaanan bago makarating sa kung ano akongayon. Marami na ring nagbago simula nung umalis ako ng Pilipinas para simulan ang daang pinili kong sundan, kung ano ang magpapasaya at gusto ko talaga. But i miss my older brother so much, its been a while since we had that long serious talk.

'Yan na lang muna, kailangan ko na ring bumaba muna sa Engine room dahil alam kong nagkakagulo na sila dun. Baka mamaya, ito pa ang dahilan para magpanic ang iba at makarating ito sa taas.

Tinitigan ko na lang ulit ang helmet ko sa ibabaw ng table at mabilis na kinuha ito saka lumabas ng cabin ko para sumakay sa elevator papunta sa Engine Room.

Pagpasok ko naman ng engine control room ay nabungaran ko kaagad ang ilang duty engineer pati na rin si Third na balisang balisa. Binati nila ako pero di ko na lang pinansin at tuloy tuloy na dumiretso sa table ko para basahin ang status report na nakapatong dito.

"Speak up." Simpleng sabi ko bago naupo sa swivel chair ko at nagsimulang basahin ang report sa table ko.

"Chief, i'm sorry if i ask them to wake you up. Alam kong kaka-akyat mo lang and I know it sounds irritating and unprofessional but.. Chief.. Hindi ko talaga makita kung ano'ng problema sa generator kung ba't ito pumutok. I know it's because of my liability kaya nagyari ito. Aaminin kong nagpanic ako agad." Nakatungo'ng paliwanag ni Third.

Tumayo ako habang hawak parin ang report na binabasa ko habang pinipindot ang number ng bridge sa telepono para makausap ang duty officer dito ngayon.

"Deck department, hello?" Sagot ng tao'ng sa palagay ko ay officer on watch ng mga oras na 'yon.

"May i speak with the duty officer?" Maawtoridad na sabi ko. Nakilala siguro ako nito kaya naman buong galang na nagpaalam ito para tawagin daw si Second Mate, ito daw kasi ang naka-duty sa mga oras na ito sa bridge.

"Good morning georgeous! Still working at this hour? 8-12 ang duty mo Coleen di ba, este Chief Engineer Castro pala!" Narinig ko ang malutong na tawa nito sa kabilang linya.

"Captain?? Kayo nga po ang maaga nagising, I thought 4-8 pa po ang duty ninyo." Sagot ko naman kay Captain Mondragon.

Captain Joaquin Mondragon is the Captain of this vessel, parang ama ko na rin siya dito dahil sa pagiging mabait nito sakin simula noong sumampa ako dito. Lagi rin kasi ako nitong inaasar at kinukulit na parang bata. Kakilala rin siya ng Daddy ko dahil naging mag-college friend daw sila. Kaya naman inihabilin ako ni Daddy dito simula nung sumakay ako.

"What is this call about Chief?" Sabi nito.

"Just a little problem with one of our generator, Captain. We just need to activate the reserve generator for us to inspect and check the other one who give a little trouble here. I called to request for temporary minimizing the use of the power supply while i'm trying to figure out what really happened. Then i'll give you the report sir, as soon as we notice the cause."

Narinig ko ang bahagyang pagkagulat ni Captain Mondragon pero agad ko ring narinig na medyo napatawa pa ito ng kaunti. Para lang siguro makabawas sa tensyon dahil sa narinig niya.

"'Yan lang ba, Miss gorgeous? Wait. Dont tell me you're the one who will give a hand with this? Will you let your people do their job Coleen? Make them work, I'm sure they can handle it." Seryosong sabi nito.

"Don't worry, Sir. It will be fast. I'll just give you a call after the time we fixed this. Don't mind me Cap, you better rest." Natatawang sabi ko pagkatapos ko siyang biruin. Pangalawang ama ko na nga siya dito kaya naman sobra rin mag-alala nito sa akin. Babae pa rin daw naman kasi ako at may mga bagay na kayang gawin ng lalaki na 'di ko na dapat pang inaako. Pero kilala niya ako, kahit nga si Daddy ay 'di rin ako kayang pagsabihan kapag gusto kong gawin ang isang bagay. Ipinilig ko nalang ang ulo ko.

Bolero talaga ni Captain Mondragon. Naisip ko nalang.

"Well. Kilala naman kita Miss Coleen, napaka-handy mo pagdating sa mga ganyan kaya alam kong hindi ka rin makikinig. Saka ikaw pa? Wala pa atang 'di nakaya'ng gawin ang aming tough lady engineer! Hehehe!"

"Kayo po talaga. Sige na sir. The electrician will call you from time to time for some changes." At ibinaba ko ang tawag pagkatapos nitong mag-asar. Tiningnan ko naman si Third na naghihintay na matapos ang usapan namin ni Cap.

"Did you inspect the generator well after the incident happens? Walang mangyayari kung magpapanic ka lang. Third engineer ka kaya alam mong ikaw ang naka-assign sa pagko-kundisyon at cleaning niyan. Did you missed something while putting it back again? Or maybe 'di mahigpit ang pagkakakabit ng mga bolts at knots nito? 'Yan lang ang nakikita kong dahilan base sa nababasa kong report na ginawa mo." Di pa rin lumilingon'g sabi ko habang binabasa ang report na hawak ko.

"I'm really sorry Chief. I know its my fault. And I understand if..."

"Hindi maaayos ito kung magsosorry ka lang ng paulit-ulit. Do you mind if you'll help me to check and give an immediate solution for this?" At tumayo ako habang nagsusuot nang gloves. Sinabihan ko na rin ang duty engineer na ihanda ang mga gamit na kakailanganin sa pagbukas at pag-inspect sa pumutok na generator. Napatango na lang naman na sumunod sakin si Third habang patungo sa area.

Kalikot dun.

Kalikot dito.

Walang arte'ng in-inspeksiyon ko ang generator habang iniilawan naman ako ng turbo light ng apprentice ko. Lahat sila ay napa-nganga sa ginagawa ko. Ikaw ba naman ang makakita ng babaeng walang arte na kinakalikot ang nasirang generator at walang pakelam sa kumalat na grasa at matinding amoy nito.

Halos dalawang oras at naayos din ng engine team ang nangyaring insidente sa engine room, nagbalik rin sa normal ang lahat pagkatapos noon. At malaki ang naitulong dito ni Coleen, ang Chief Engineer nila.

Marami talaga ang humahanga dito dahil sa bukod sa maganda at matalino ito ay napaka-hands on nito pagdating sa trabaho. Marami rin ang nagtangkang ligawan ang dalaga pero sinusungitan at tinatarayan lang nito. Kilala rin kasi ang dalaga 'di lang dahil sa pang ramp model at mala-dyosang ganda nito kundi dahil rin sa pagiging terror at masungit nito. Mataas ang standard nito pagdating sa mga nanliligaw sa kanya at bihira ang nakakaabot nito kaya walang pumapasa sa lahat ng nagpapalipad hangin dito.

"You did great Chief! Talagang hanga na ako sayo. Napakasipag mo at talagang 'di mo pinababayaang ang co-officer mo ang ma-mroblema kapag may kailangang ayusin." Nakangiting sabi ni Captain Mondragon kay Coleen. Nasa opisina kasi siya at personal na hinatid ang incident report tungkol sa nangyari sa ibaba.

"It's my responsibility Captain. Kayo po talaga. Alam niyo naman po tulungan tayo dito.." Nakangiting turan ng dalaga.

"Tito na lang, 'di ba sabi ko kapag tayo lang eh tito na lang ang itawag mo sa akin, gusto ko nga Daddy, ayaw mo naman." Nakangiting turan nito.

"Tito talaga.. Sige na Tito.. Magtatampo ka na naman niyan." Natawa si Coleen dito.

"Yan. Masyado kasing formal kung Captain na naman ang tawag mo sakin kahit tayo lang ang magkaharap. Nga pala hija, bukas na ang dikit natin sa Brazil. Dalawang linggo tayo doon. San mo balak gumala? Marami ding magagandang spot doon, malay mo 'don mo na makita ang prince charming mo!" Natatawang pang-aasar ulit ng Kapitan sa dalaga.

"Tito talaga. Wala akong panahon sa mga lalaking makikita ko man dun. Kayo talaga. Saka natuloy 'yong pagpa-book ko ng flight papuntang Pilipinas. Uuwi muna ako kahit isang linggo habang nandito ang barko. Alam mo naman sina Daddy. Nagtatampo na po, kasi halos 10 months na akong di nakakauwi. Saka aayusin ko po 'yong ibang dokumentong pina-pa-pirmahan ni Daddy." Paliwanag naman ni Coleen na nangingiti na rin dahil sa biro nang ama amahan.

"Hija.. About your Daddy Enrique, 'di mo ba talaga siya mapagbibigyan? Nagkaka-edad na rin ang Daddy mo hija, ang kuya mo naman e alam naman nating nahihirapan na rin kung paano hahatiin ang katawan sa pagma-manage ng business niyo."

"Isa pa hija may pamilya na ang kuya mo.."

Biglang nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan ng dalawa.

"Tito..'Wag na lang po nating pag usapan ang mga 'yan, 'di pa rin magbabago ang desisyon ko. Alam kong nakiusap na naman si Daddy sa inyo para kumbinsihin ako."

"Hija.. Sana maintindihan mo ang Daddy mo. Di lang naman 'yon ang dahilan niya. It's not just about your family business and handling it. Its just that, ayaw ng Daddy mo na dito ka nagta-trabaho, ayaw nilang nalalayo ka sa kanila. Isa pa, kapag pumayag ka sa gusto ng Daddy mo, ayaw mo ba 'non? Ikaw ang boss at titingalain ka nang lahat saka mas makikilala ka pa kagaya ng Daddy at Kuya mo. Di ka pa mahihirapan kagaya dito. Doon, they'll just wait for your command, parang dito din naman. Ang pinagkaiba lang, 'di ka mai-stress masyado at malapit kapa kina kumpare." Patuloy na pangungumbinsi ng Tito Joaquin niya.

"Coleen, mahal na mahal ka ng pamilya mo, alam mo 'yan. Wala man ako sa posisyon para magsalita o magcomment ng ganito pero alam mo naman hija na magulang din ako kaya naiintindihan ko sila." Dugtong pa ni Joaquin.

"Tito.. Gusto ko lang talagang tumayo sa sariling mga paa ko. Di ko kailangan ng popularity o sobrang daming pera. Ang mahalaga masaya ako at natututo ako sa paraang gusto ko. Maybe in time, babalik ako sa kanila para pamahalaan at sundin ang mga gusto ni Daddy, pero i need more time for myself. Saka nag-e-enjoy ako dito Tito. Kilala niyo ako. Ako 'yong tipong ayaw nang naka-upo lang at utos ng utos. I hate to be as high and as popular like my Dad or let's say my family. I want a simple life." Malungkot na paliwanag ni Coleen sa Tito niya. Ngumiti naman ang matanda at tinapik nito ang balikat niya.

"In time hija, your Dad will understand. Pero sana maintindihan mo rin siya pagdating ng panahon. May pagka-pasaway ka nga talaga, gaya nang sinabi ng Daddy mo."

"It seems 'di talaga kita ma-co-convince hija, dito ka masaya eh, saka dito ang gusto mo. Sigurado naman na uuwi ka rin para sa pamilya mo, 'di nga lang ngayon. So, kamusta na lang sa Daddy mo ha? Nako mag-iingat ka nga pala pag-uwi mo. Alam ko namang di ka na naman magpapasundo sa kahit sino sa kanila."

"Wag niyo sana sabihin muna kay Daddy kapag tumawag Tito. Isu-surprise ko po kasi sila eh. Para makabawi naman po ako." Pakiusap ni Coleen.

"Basta ikaw hija, may ipapa-abot nga pala ako sa asawa ko ha? At para na rin magkakilala na kayo in person. Sa tawag lang kasi kayo nakakapag-usap madalaas noon. Di mo rin pa nakikilala ang unica hija namin. Nako, kapag nakilala mo iyon sasakit din ang ulo mo." Napakamot sa ulo na sabi ni Captain Mondragon.

"Sabi niyo nga Tito. Sobrang pasaway 'non. Hayaan niyo po Tito, sana ma-meet ko para maturuan ko nang leksyon! Hahaha."

"Ewan ko lang kung umobra ang pagiging bossy mo dun hija. Ang asawa ko nga sumusuko eh! Batang 'yon talaga. Kelan kaya titino." Umiiling na sabi ni Captain Mondragon.

"Bata pa naman Tito eh, okay lang 'yon. Intindihin niyo na lang po muna."

"Ang laki talaga ng pagkakaiba ninyo Coleen. Samantalang ang anak kong 'yon ay napakatigas ng ulo. Naka-ilang lipat na nang university at ng mga courses. Napapadawit pa sa gulo lagi. Pero alam mo? May pagkakaparehas kayo.. " Nakangiting sabi ni Captain Mondragon.

"What is it Tito? Pretty? Hahahaha! We know right."

"Both uninterested when it comes to holding and managing our businesses!" Tumatawang sabi nito.

"Tito naman eh!! Ayan na naman tayo."

"But the big difference is.. You are very hardworking, and you set aside boys or getting in to a relationship with just someone you first met. While my daughter? Hay.. Napakarami na 'nong naging boyfriend, paiba-iba. At ginagawa niya pa ang kung anong gusto niya ng 'di man lang kami ini-inform. O di man lang iniisip ang pangalan ng pamilya niya na nadadala niya sa mga kalokohan niya. That kid...." Bumuntong hininga ang Tito niya saka malungkot na umiwas ng tingin para di makita ni Coleen ang kalungkutan sa mga mata nito.

"Tito, don't worry.. Titino din 'yon. Kung may time para makilala ko siya hayaan niyo. Tiklop yun sakin." Pagbibiro pa ni Coleen na ikinangiti naman ng matanda.

"Hay nako hija, sana nga mahawaan mo yun ng ugali mo." Pilit nalang itong ngumiti.

Pagkatapos magkwentuhan ng dalawa ay nagpaalaman na ito para din makapag-pahinga ang napuyat na dalaga.

-- Sana makarelate kayo kahit di kayo seaman :) Dun naman sa mga unfamiliar terms na ginamit ko, you may ask G****e para medyo nakakasunod kayo sa flow ng story.

Pagpasensiyahan niyo na sa madugo kong pananagalog. Makata days, you know. Hahahahaha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status