MasukAsher
Habang nakatayo ako sa harap ng salamin, inaayos ang cuffs ng suot kong suit, muling bumalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Amy—ang sekretarya ko—kanina lang.
Pinapunta ko siya sa bahay ng mga Hills. Simple lang ang utos ko: ihatid ang mga kakailanganin ni Emily para sa pag-attend ng birthday party ni Mr. Taylor. Damit. Alahas. Isang tahimik na paalala na… asawa pa rin niya ako.
Ngunit hindi iyon tinanggap ni Emily.
“Unless it was about our divorce, don’t bother coming to me.”
Iyon mismo ang sinabi niya. Walang sigaw. Walang drama. Diretso—pero mas masakit pa sa sampal.
Nagtagis ang aking bagang habang inaalala iyon. Hindi ko akalain na may ganong tapang si Emily. Sa loob ng maraming taon, nakilala ko siyang kalmado, makatuwiran, palaging nag-iisip bago magsalita. Ni minsan ay hindi ko siya narinig na magbitaw ng masasakit at masasamang salita.
Until that day.
Until the hospital.
She was so angry. Ang mga mata niya, hindi na puno ng pag-unawa, kundi ng galit at pagkadismaya. Parang hindi siya si Emily. O baka… ngayon ko lang talaga siya nakita.
Huminga ako ng malalim at muling tumingin sa sarili ko sa salamin. Maayos ang suot ko. Walang gusot. Walang bahid ng kahinaan. Kailangan kong magmukhang buo.
I need to look good.
Alam kong pupunta si Emily sa birthday party ni Mr. Taylor. Hindi ko alam kung dahil sa pamilya niya o dahil sa obligasyon, pero sigurado akong nandoon siya bilang bagong CEO ng Hills Pharma. At kung magkikita man kami, gusto kong makita niya na desidido akong ibalik siya sa piling ko.
Naglakad ako palabas ng silid, ngunit bago tuluyang lumabas ay hindi ko naiwasang tumigil sandali.
Napatingin ako sa kama.
Ang kama naming dalawa.
Tatlong taon. Tatlong taon kaming magkatabing natulog diyan—magkatabi pero parang laging may distansya.
Bakit?
Dahil sa akin. Dahil mas pinili ko ang bigyan siya ng cold shoulder dahil sa pag-iisip na isa akong talunan.
Sa pag-iisip na ang mga tao ay nakikita ako bilang mahinang lalaki na kinailangan ang isang babae para magtagumpay.
Pinilig ko ang aking ulo at pinili kong huwag nang magtagal. Tinalikuran ko ang alaala at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng silid, pababa ng hagdan, at tuluyang lumabas ng bahay patungo sa naghihintay na sasakyan.
Pagdating sa hotel kung saan gaganapin ang birthday party ni Mr. Taylor, agad kong nilibot ang aking paningin sa paligid. Mga kilalang mukha. Mga ngiting may halong plastik. Mga kamay na handang makipagkamay basta may pakinabang.
Ngunit iisa lang ang hinahanap ng mga mata ko.
Si Emily lang.
Hindi ko maiwasang mapasimangot nang hindi ko siya makita. Tumibok nang mas mabilis ang dibdib ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba o inis. Papunta na sana ako sa isang bakanteng mesa nang may biglang tumawag sa akin.
“Ash!”
Napahinto ako. Kilala ko ang boses na iyon.
Paglingon ko, hindi nga ako nagkamali.
“Corrine,” sabi ko ng makalapit na siya sa akin, bahagyang tumango. “You’re here, too.”
Kaswal lang ang tono ko. Hindi malamig, pero hindi rin welcoming. Sapat lang para hindi siya bastusin pero malinaw na may distansya.
Ngumiti siya, parang walang napansing kakaiba sa reaksyon ko. O baka pinili lang niyang huwag pansinin.
“Your mom told me to come,” sabi niya, bahagyang lumapit. “Para samahan ka.”
Tumango ako nang bahagya, pero sa loob-loob ko ay may kung anong bumigat dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kailangan at mas lalong hindi siya ang gusto kong makasama ngayong gabi.
Ngunit kahit na gusto ko siyang itaboy palayo, hindi ko rin magawa. Kahit papaano, may utang na loob ako kay Corrine—utang na hindi ko basta-basta mabubura.
Nang maaksidente ang kapatid kong si Alisson, isa siya sa mga unang naroon. Isang gabing puno ng sirena, dugo, at takot—isang gabing akala ko ay mawawala na sa akin ang nag-iisa kong kapatid.
Kasama si Alisson sa isang malalang car accident. Maraming sugatan. Maraming duguan. Kinapos ang hospital sa supply ng dugo, at halos mawalan ng pag-asa ang mga doktor. Hindi sapat ang stock. Hindi sapat ang oras.
At doon pumasok si Corrine.
Nagkataon na isa rin siya sa mga pasyente noon—may pasa, may galos, pero napaka-mild lamang ng pinsala niya. Capable to donate, sabi ng doktor. At hindi siya nagdalawang-isip.
Walang tanong. Walang reklamo.
Sa oras na iyon, iniligtas niya ang buhay ng kapatid ko.
Kaya kahit ngayon, kahit may parte sa akin na gustong itulak siya, hindi ko magawang maging bastos. Hindi ko kayang balewalain ang utang na iyon, kahit pa ang kapalit ay ang katahimikan ng konsensya ko.
Sabay kaming naglakad ni Corrine papunta sa mesa. Natural na hinawakan niya ang braso ko—isang kilos na pamilyar sa mga mata ng ibang tao. Hindi ko na lang inalis ang kamay niya. Hinayaan ko na lang, kahit alam kong mali, kahit alam kong may ibang taong masasaktan kapag nakita iyon.
Bawat hakbang ay mabigat. Parang may hinihintay akong mangyari—o may kinatatakutan.
At bago pa man kami makarating sa lamesa, may napansin akong kakaiba.
Bulungan.
Mahina sa simula, parang hangin lang na dumaan sa pagitan ng mga tao. Pero unti-unti, nagiging mas malinaw. Mas sabay-sabay. Parang may isang eksenang lahat ay gustong makita.
Napatingin ako sa paligid. Halos lahat ng bisita ay nakatuon ang tingin sa iisang direksyon.
May kung anong kumabog sa dibdib ko.
Dahan-dahan akong nagbaling ng tingin doon.
At doon ko siya nakita.
Si Emily.
Papalapit siya.
Hindi nagmamadali. Hindi rin nagdadalawang-isip. Tahimik ang bawat hakbang niya, pero sapat iyon para magpatahimik ng buong bulwagan. Parang kusa siyang binibigyan ng espasyo ng mga tao habang dumaraan.
Maganda siya.
Hindi dahil sa suot niya—kundi dahil sa aura niya. May kakaibang lakas. May distansyang hindi ko na matatawid basta-basta.
Sa sandaling iyon, biglang nanlamig ang kamay ko.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero malinaw na may nabago talaga sa kanya.
Hindi lang sa postura. Hindi lang sa ayos. Kundi sa mismong presensya niya.
Suot niya ang isang itim na off-shoulder gown na hapit na hapit sa katawan niya, parang sinadyang ipakita ang bawat kurba na dati ay palagi niyang tinatakpan. Elegant pero mapanganib ang dating. Hindi bastos—pero hindi rin inosente. Para bang bawat hakbang niya ay may kasamang babala.
Nakapusod ang buhok niya, exposing her neck—doon ko napansin ang hikaw at kwintas na kumikinang sa ilalim ng ilaw. Halatang mamahalin. Hindi flashy, pero classy. Yung tipong hindi mo kailangang ipagyabang dahil kusa nang umaagaw ng atensyon.
I swallowed hard.
I’ve never seen her wearing black.
Palagi siyang naka-light blue. Soft colors. Gentle shades. Paborito ko ’yon—at akala ko paborito rin niya. Ngayon ko lang naisip… baka ginusto niya lang iyon dahil alam niyang gusto ko.
But now—she’s different.
Wala na yung dating Emily na madaling lapitan, madaling kausapin, madaling basahin. Ang babaeng nakikita ko ngayon ay matapang, matibay, at parang handang ipagtanggol ang sarili niya laban sa kanino man—lalo na laban sa akin.
She looks fierce. Strong.
Parang kailangan mo munang mag-isip ng dalawang beses bago ka lumapit, dahil hindi ka sigurado kung tatanggapin ka pa ba niya… o tuluyan ka nang itataboy.
And for the first time—
Now, I’m seeing her differently.
“Is that Emily?” Halata ang gulat sa boses ni Corrine nang itanong niya iyon.
Hindi ko siya pinansin.
Buong atensyon ko ay nasa babaeng papalapit. Ang asawa kong ngayon ko lang muling nakilala.
Dumaan ang tingin ni Emily sa akin.
Saglit lang.
Pero sapat iyon para magtama ang aming mga mata.
Nakaramdam ako ng bahagyang pagkunot ng kanyang noo kasunod ang isang smirk. Hindi ngiti. Hindi rin galit. Isang ekspresyon na para bang may alam siya… at ako ang punchline ng biro.
Parang pinagtatawanan niya ako.
Nanigas ang aking bagang.
Hindi ko iyon nagustuhan.
Hindi ko kayang tanggapin na ganon na lang ako sa paningin niya. Isang lalaking pwede na lang niyang lampasan, laitin sa isang tingin, at talikuran nang walang panghihinayang.
Kaya bago pa ako tuluyang mag-isip, kumilos na ang katawan ko.
Nilapitan ko siya.
Mabilis ang lakad ko—masyadong mabilis. Nawala sa isip ko si Corrine na nakahawak pa rin pala sa braso ko. Halos makaladkad ko na siya sa pagmamadali kong sundan si Emily, pero wala na akong pakialam.
Sa sandaling iyon, iisa lang ang malinaw sa isip ko—
Hindi ako papayag na gano’n na lang ang lahat.
Hindi ako papayag na tingnan niya ako na parang isa na lang akong estrangherong wala nang halaga sa buhay niya.
At kahit hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko sa kanya—
Sigurado ako sa isang bagay. Hindi ko hahayaang matapos ang lahat sa amin. I will never ever divorce her in this lifetime.
AsherHabang nakatayo ako sa harap ng salamin, inaayos ang cuffs ng suot kong suit, muling bumalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Amy—ang sekretarya ko—kanina lang.Pinapunta ko siya sa bahay ng mga Hills. Simple lang ang utos ko: ihatid ang mga kakailanganin ni Emily para sa pag-attend ng birthday party ni Mr. Taylor. Damit. Alahas. Isang tahimik na paalala na… asawa pa rin niya ako.Ngunit hindi iyon tinanggap ni Emily.“Unless it was about our divorce, don’t bother coming to me.”Iyon mismo ang sinabi niya. Walang sigaw. Walang drama. Diretso—pero mas masakit pa sa sampal.Nagtagis ang aking bagang habang inaalala iyon. Hindi ko akalain na may ganong tapang si Emily. Sa loob ng maraming taon, nakilala ko siyang kalmado, makatuwiran, palaging nag-iisip bago magsalita. Ni minsan ay hindi ko siya narinig na magbitaw ng masasakit at masasamang salita.Until that day.Until the hospital.She was so angry. Ang mga mata niya, hindi na puno ng pag-unawa, kundi ng galit at pagkadi
Nora“Ano ang mga yan?” taka kong tanong habang nakatingin kay Nadia, isa sa aming mga kasambahay ng pamilya Hills. Nasa living room ako at kausap si Esmeralda ng dumating ang isang babae na nagngangalang Amy na nagpakilalang sekretarya daw ni Asher.“Mrs. Bennett-” Natigilan si Amy ng tapunan ko siya ng masamang tingin. Tumikhim siya bago nagpatuloy. “Bilin ni Sir Asher na puntahan ko kayo at papiliin sa mga damit na ito. Darating din mamaya ang stylist pati na ang representative ng jewelry store para papiliin ka rin ng mga alahas na gagamitin mo mamaya para sa birthday party ni Mr. Taylor.”“I don’t need those. Makakaalis ka na,” malamig kong tugon. Natigilan si Nadia pati na si Amy.“Pero Mrs. Bennett, kabilin-bilin ni Mr. Bennett na asikasuhin ko kayo. Kung hinid ko ito gagawin ay baka matanggal ako sa traba–”“Why do I care?” tanong ko, taas ang kilay ng putulin ko ang pagsasalita ni Amy. “Mukha ba akong may pakialam sa isang tao na hindi ko naman kaano-ano?” dagdag ko pa.“Mrs.
AsherIsang linggo na ang nakaraan simula nang lumabas sa hospital si Emily dahil sa allergic reaction, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Para bang sinasadya niyang ilayo ang sarili niya sa akin na tila gusto niyang iparamdam sa akin kung gaano kasakit ang balewalain.Talaga yatang sinusubok niya ang pasensya ko.O baka naman… wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin kagaya ng sinabi ni Troy?Sa tatlong taon naming pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi binanggit ni Emily, ni hindi man lang isinumbat ang malaking halagang itinulong ng pamilya niya sa akin at sa Bennett Group. Tahimik lang siya noon, palaging nasa likod ko, palaging handang umunawa kahit ako mismo ay hindi marunong magpaliwanag.But after she woke up from the hospital, bigla niyang ibinato sa akin ang katotohanang matagal ko nang iniiwasan. Ang dahilan kung bakit ako naging hostile sa kanya. Ang bagay na pilit kong kinakalimutan pero matagal nang bumabaon sa isip ko.Hindi ako nagkamali
Asher“Sir, ito na po ang complete medical record ni Mrs. Bennett.”Maingat na inilapag ng aking assistant na si Troy ang makapal na folder sa ibabaw ng aking desk. May bigat ang tunog nang tumama iyon sa salamin—parang senyales na hindi lang simpleng papeles ang laman nito. Dinampot ko agad ang folder, binuksan, at sinimulang basahin ang bawat detalye habang patuloy siyang nagsasalita sa harap ko, diretso at propesyonal gaya ng nakasanayan niya.“Nagkaroon po siya ng mild concussion, Sir. Sa ngayon, confirmed na may temporary memory loss siya. Hindi pa malinaw kung hanggang kailan, pero base sa assessment ng doctor, wala siyang maaalala sa mga pangyayari bago siya maospital.”Huminto ako sandali sa pagbabasa. Parang may humigpit sa dibdib ko.“Last time na naospital siya,” dagdag pa ni Troy, “ay dahil po sa allergy reaction. Apparently, lahat ng inorder niya noong araw na ’yon ay puro seafood.”Dahan-dahan akong tumango, kunwaring naiintindihan ko agad ang lahat. Pero sa totoo lang,
NoraHindi na nakapagsalita pa si Asher dahil biglang dumating sina Rod at Esmeralda. “Anong ginagawa mo dito?”“Dad,” sabi ni Asher ng lingunin si Rod. Ngunit matalim na tingin ang pinukol sa kanya ng matanda. “Wag mo akong tawagin ng ganyan. Hindi kita anak.” Napansin ko ang bahagyang pagkibot ng labi ni Asher pati na ang pagkuha ng kanyang kamay na para bang nagpipigil na sumagot.“Bakit ka pa nandito, hindi ba at divorce na kayo ng anak ko?” Malumanay ang boses ni Esmeralda pero halata ang hostility.“I canceled the application for our divorce.” “Ano?” bulalas ng mag-asawang Hills. Kita sa mukha nila ang pinaghalong gulat, galit at pagkadismaya.“Asawa ko pa rin si Emily at nandito ako upang iuwi siya,” sabi ni Asher.“Hindi ako uuwi sa bahay mo. We're done. I am done with you,” singit ko sa usapan nila.“Ang mabuti pa Asher ay umalis ka na muna. Kung hindi mo alam ang gulong sinuong mo ay mabuti pang mag-isip-isip ka. Hindi kami papayag ni Rod na dalhin mo ang anak namin pagkat
NoraDinala ako ng waitress sa isang medyo sulok na bahagi ng restaurant. Pabor sa akin, at least pwede akong makapag-observe ng mga pumapasok at lumalabas dito.Naupo ako, facing the entrance. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula sa loob ng isang private room na nasa bandang kanan ko. Alam kong one way mirror iyon kaya hindi ko kita ang loob pero kitang-kita ako ng kung sinumang nandoon.“Here's the menu. Kung may order na po kayo ay pwede nyong pindutin ang button na nasa gitna ng table.” Sinundan ko ng tingin ang tinuro ng waitress bago ako tumango. First time kong kumain dito dahil palagi akong nasa private room. May button din sa loob pero sa dingding naman nakakabit. “No need. Mabilis akong mag-order. Pwede mo ng kunin ngayon.” Pagkasabi ko non ay agad akong namili sa menu.Simple lang naman ang gusto ko at kahit nasa katawan na ako ni Emily ay hindi iyon nagbago. Seafood.Oh, I love seafood.Walang pag-aatubili, nilista na ng waitress ang lahat ng







