LOGINNora
“Ano ang mga yan?” taka kong tanong habang nakatingin kay Nadia, isa sa aming mga kasambahay ng pamilya Hills. Nasa living room ako at kausap si Esmeralda ng dumating ang isang babae na nagngangalang Amy na nagpakilalang sekretarya daw ni Asher.
“Mrs. Bennett-” Natigilan si Amy ng tapunan ko siya ng masamang tingin. Tumikhim siya bago nagpatuloy. “Bilin ni Sir Asher na puntahan ko kayo at papiliin sa mga damit na ito. Darating din mamaya ang stylist pati na ang representative ng jewelry store para papiliin ka rin ng mga alahas na gagamitin mo mamaya para sa birthday party ni Mr. Taylor.”
“I don’t need those. Makakaalis ka na,” malamig kong tugon. Natigilan si Nadia pati na si Amy.
“Pero Mrs. Bennett, kabilin-bilin ni Mr. Bennett na asikasuhin ko kayo. Kung hinid ko ito gagawin ay baka matanggal ako sa traba–”
“Why do I care?” tanong ko, taas ang kilay ng putulin ko ang pagsasalita ni Amy. “Mukha ba akong may pakialam sa isang tao na hindi ko naman kaano-ano?” dagdag ko pa.
“Mrs. Bennett…” mahinang tugon ni Amy sabay yuko ng ulo na may kasamang pagkuyom ng kamay.
“Don’t call me that. I am divorcing your employer so address me as Ms. Hills.” Matigas ang pagkakasabi ko para hindi na siya magsalita pa ng kahit na ano.
“Anak, she’s working for Asher. Ginagawa lang niya ang trabaho niya,” singit ni Esmeralda na malamang ay nakadama ng awa para kay Amy.
“Sinasabi ko lang ang totoo, Mom. Kung lahat ng lalapit sa akin na empleyado ni Asher ay sasabihan ako ng ganon para kunsensyahin, ibig bang sabihin ay maging sunud-sunuran na lang ako habang buhay?”
“Hindi naman sa ganon…” sagot ni Esmeralda.
Tumingin ako kay Amy, diretso sa kanyang mga mata. “I have nothing against you. Pero hindi ko gustong maging considerate para sa ibang tao at my expense. Tell your employer, hindi ako sasama sa kanya sa party. Higit sa lahat, unless it was about our divorce, don’t bother coming to me.”
Saglit na natigilan si Amy pero nakita ko na sa mga mata niya ang pang-unawa. “Makakarating kay Mr. Bennett ang lahat, M-Ms. H-Hills.”
“Thank you. You can leave now.” Pagkatapos ay tinanguan ko na si Nadia na iabot ang mga damit kay Amy tsaka tumalikod at umalis ang babae.
Naiwan kami ni Esmeralda sa sala. Titig na titig siya sa akin, alam kong nagtataka siya sa inakto at sinabi ko ngunit nagkibit na lang ako ng balikat at napiling na lang siya.
Sa may isang buwan ng pagsasama namin sa iisang bubong ay tuluyan kong napatunayan na mabait siya pati na si Rod. Kaya hindi ko magawang saktan ang kanilang damdamin.
Apat na oras bago ang party ay pinuntahan ako ni Esmeralda sa aking silid. Mag-aayos na sana ako ng aking sarili dahil nag-oo na ako sa kanila na dadalo sa kaarawan ni Mr. Taylor.
Tinignan ko isa-isa ang mga damit na nakahanay sa rack. In-order iyon ni Esmeralda at gusto niyang mamili ako para nga sa birthday party.
Hindi ako mahilig sa mga gown, pero dahil si Emily Hills na ako ngayon ay kailangan kong mag-adjust.
Kinuha ko ang itim na gown. Ayaw ko sa mga light color dahil pakiramdam ko ay isa akong bata sa ganon.
“Sigurado ka na ba dyan, anak?” tanong ni Esmeralda, titig na titig sa akin at sa gown na hawak ko.
“Yes,” tugon ko.
“Ayaw mo na ba sa light blue at light pink?”
“Para maiba na lang. Minsan kailangan magbago at mag-explore.”
“Mabuti naman ay narealize mo na yan ngayon. Matagal na kitang sinasabihan ng ganyan. Gusto ko na sumubok ka ng iba pero mas gusto mong pasayahin si Asher.”
“Hindi na ngayon, Mom. Lahat ng gagawin ko ay para na sa sarili ko.” Tinignan akong mabuti ni Esmeralda na tila ba hindi makapaniwala. Siguro ay talagang opposite kami ni Emily.
Kahit sa kumpanya ay napapansin ko ang kakaibang tingin na binibigay sa akin ng mga empleyado. Kahit ang mga executive ay nagtataka sa tuwing nagsasalita ako.
Iniwan na ako ni Esmeralda sa aking silid at nagsimula na akong mag-ayos ng aking sarili. Kung makeup at makeup rin lang ay hindi ako ganon ka-ignorante. Marunong akong mag-apply, konti lang.
Sapat na ang light application dahil hindi naman ako a-attend ng party para maging pinakamaganda sa lahat ng bisita. Pupunta ako para makakilala ng iba pang mga negosyante. I need and I want to expand my network.
Nang makatapos at nakuntento sa aking itsura at ayos ay naglakad na ako palabas ng aking silid. Sa living area ay nadatnan ko ang mag-asawang Esmeralda at Rod.
“Wow! You're so beautiful, anak!” bulalas ni Esmeralda, kita ang kinang sa kanyang mga mata.
“Oo nga. Ngayon lang kita nakita na nagsuot ng ganyang kulay na gown,” dagdag pa ni Rod.
“Masanay na kayo dahil ito na ako ngayon. The old me is dead so please welcome the new Emily Hills,” tugon ko. Saglit na natigilan ang mag-asawa pero kita kong nagustuhan din nila ang aking sinabi.
“Kung ganon, your mom and I are looking forward to seeing more of you.”
“Be ready, Dad. You’re about to see how your dear daughter swallows everyone who stepped on me whole.” Kumpiyansa akong gagawin ko ang sinabi ko. Sinuman sa mga nang maliit sa dating Emily a pagbabayarin ko ng mahal.
Nakakapanghinayang lang na hindi ko alam kung sino-sino ang mga iyon.
Gusto kong alamin, gusto kong paimbestigahan ang mga pangyayari. Pero ayaw ko rin magmukhang eager na malaman ang lahat ng nangyari kay Emily sa pag-aalalang baka may makapansin.
Hindi ko maintindihan kung bakit wala man lang akong kahit na isa sa mga alaala ni Emily. Ganon ba talaga?
Dahil sa ako na ang umuukupa sa katawan niya ay wala na rin akong hawak sa memorya niya?
Kung sakali, makakatulong kaya kung magpapakunsulta ako sa isang doktor?
“Emily, anak.” Napatingin ako kay Esmeralda na nagtatakang nakatingin sa akin. “Anong iniisip mo?”
Ngumiti ako bago tumugon. “Nothing. Naisip ko lang kung ano ang madaratnan ko sa party.”
“Wala kang dapat na alalahanin dahil nandoon din si Matt. Kung meron ka man gustong itanong ay siya ang sasagot lalo na kung may kinalaman sa mga taong makikita at makikilala mo doon,” paliwanag ni Rod.
“Kung ganon ay aalis na ako. Ayaw kong mahuli. I want to see every person na darating sa party,” nakangiti kong sabi.
“Sige anak. Mag-iingat ka,” sabi ni Esmeralda sabay lapit sa akin para halikan ako sa aking pisngi at yakapin. Hindi ko napigilan ang aking sarili na gawin din iyon sa kanya at kay Rod. Anyway, bilang Emily Hills, mga magulang ko na sila.
Tumalikod na ako at naglakad palabas ng aming bahay papunta sa naghihintay na sasakyan. Nadatnan ko si Biboy na siyang driver ko.
Pagsara niya ng pintuan matapos kong sumakay ay agad siyang lumigid papunta sa driver’s seat at nagsimulang magmaneho.
Ako naman ay nagsimulang mag-isip.
Gusto kong lumipat ng tirahan para magawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin. Para masimulan ko na ang plano kong magpakilala kay Dante bilang bagong Nora Dumont.
AsherHabang nakatayo ako sa harap ng salamin, inaayos ang cuffs ng suot kong suit, muling bumalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Amy—ang sekretarya ko—kanina lang.Pinapunta ko siya sa bahay ng mga Hills. Simple lang ang utos ko: ihatid ang mga kakailanganin ni Emily para sa pag-attend ng birthday party ni Mr. Taylor. Damit. Alahas. Isang tahimik na paalala na… asawa pa rin niya ako.Ngunit hindi iyon tinanggap ni Emily.“Unless it was about our divorce, don’t bother coming to me.”Iyon mismo ang sinabi niya. Walang sigaw. Walang drama. Diretso—pero mas masakit pa sa sampal.Nagtagis ang aking bagang habang inaalala iyon. Hindi ko akalain na may ganong tapang si Emily. Sa loob ng maraming taon, nakilala ko siyang kalmado, makatuwiran, palaging nag-iisip bago magsalita. Ni minsan ay hindi ko siya narinig na magbitaw ng masasakit at masasamang salita.Until that day.Until the hospital.She was so angry. Ang mga mata niya, hindi na puno ng pag-unawa, kundi ng galit at pagkadi
Nora“Ano ang mga yan?” taka kong tanong habang nakatingin kay Nadia, isa sa aming mga kasambahay ng pamilya Hills. Nasa living room ako at kausap si Esmeralda ng dumating ang isang babae na nagngangalang Amy na nagpakilalang sekretarya daw ni Asher.“Mrs. Bennett-” Natigilan si Amy ng tapunan ko siya ng masamang tingin. Tumikhim siya bago nagpatuloy. “Bilin ni Sir Asher na puntahan ko kayo at papiliin sa mga damit na ito. Darating din mamaya ang stylist pati na ang representative ng jewelry store para papiliin ka rin ng mga alahas na gagamitin mo mamaya para sa birthday party ni Mr. Taylor.”“I don’t need those. Makakaalis ka na,” malamig kong tugon. Natigilan si Nadia pati na si Amy.“Pero Mrs. Bennett, kabilin-bilin ni Mr. Bennett na asikasuhin ko kayo. Kung hinid ko ito gagawin ay baka matanggal ako sa traba–”“Why do I care?” tanong ko, taas ang kilay ng putulin ko ang pagsasalita ni Amy. “Mukha ba akong may pakialam sa isang tao na hindi ko naman kaano-ano?” dagdag ko pa.“Mrs.
AsherIsang linggo na ang nakaraan simula nang lumabas sa hospital si Emily dahil sa allergic reaction, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Para bang sinasadya niyang ilayo ang sarili niya sa akin na tila gusto niyang iparamdam sa akin kung gaano kasakit ang balewalain.Talaga yatang sinusubok niya ang pasensya ko.O baka naman… wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin kagaya ng sinabi ni Troy?Sa tatlong taon naming pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi binanggit ni Emily, ni hindi man lang isinumbat ang malaking halagang itinulong ng pamilya niya sa akin at sa Bennett Group. Tahimik lang siya noon, palaging nasa likod ko, palaging handang umunawa kahit ako mismo ay hindi marunong magpaliwanag.But after she woke up from the hospital, bigla niyang ibinato sa akin ang katotohanang matagal ko nang iniiwasan. Ang dahilan kung bakit ako naging hostile sa kanya. Ang bagay na pilit kong kinakalimutan pero matagal nang bumabaon sa isip ko.Hindi ako nagkamali
Asher“Sir, ito na po ang complete medical record ni Mrs. Bennett.”Maingat na inilapag ng aking assistant na si Troy ang makapal na folder sa ibabaw ng aking desk. May bigat ang tunog nang tumama iyon sa salamin—parang senyales na hindi lang simpleng papeles ang laman nito. Dinampot ko agad ang folder, binuksan, at sinimulang basahin ang bawat detalye habang patuloy siyang nagsasalita sa harap ko, diretso at propesyonal gaya ng nakasanayan niya.“Nagkaroon po siya ng mild concussion, Sir. Sa ngayon, confirmed na may temporary memory loss siya. Hindi pa malinaw kung hanggang kailan, pero base sa assessment ng doctor, wala siyang maaalala sa mga pangyayari bago siya maospital.”Huminto ako sandali sa pagbabasa. Parang may humigpit sa dibdib ko.“Last time na naospital siya,” dagdag pa ni Troy, “ay dahil po sa allergy reaction. Apparently, lahat ng inorder niya noong araw na ’yon ay puro seafood.”Dahan-dahan akong tumango, kunwaring naiintindihan ko agad ang lahat. Pero sa totoo lang,
NoraHindi na nakapagsalita pa si Asher dahil biglang dumating sina Rod at Esmeralda. “Anong ginagawa mo dito?”“Dad,” sabi ni Asher ng lingunin si Rod. Ngunit matalim na tingin ang pinukol sa kanya ng matanda. “Wag mo akong tawagin ng ganyan. Hindi kita anak.” Napansin ko ang bahagyang pagkibot ng labi ni Asher pati na ang pagkuha ng kanyang kamay na para bang nagpipigil na sumagot.“Bakit ka pa nandito, hindi ba at divorce na kayo ng anak ko?” Malumanay ang boses ni Esmeralda pero halata ang hostility.“I canceled the application for our divorce.” “Ano?” bulalas ng mag-asawang Hills. Kita sa mukha nila ang pinaghalong gulat, galit at pagkadismaya.“Asawa ko pa rin si Emily at nandito ako upang iuwi siya,” sabi ni Asher.“Hindi ako uuwi sa bahay mo. We're done. I am done with you,” singit ko sa usapan nila.“Ang mabuti pa Asher ay umalis ka na muna. Kung hindi mo alam ang gulong sinuong mo ay mabuti pang mag-isip-isip ka. Hindi kami papayag ni Rod na dalhin mo ang anak namin pagkat
NoraDinala ako ng waitress sa isang medyo sulok na bahagi ng restaurant. Pabor sa akin, at least pwede akong makapag-observe ng mga pumapasok at lumalabas dito.Naupo ako, facing the entrance. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula sa loob ng isang private room na nasa bandang kanan ko. Alam kong one way mirror iyon kaya hindi ko kita ang loob pero kitang-kita ako ng kung sinumang nandoon.“Here's the menu. Kung may order na po kayo ay pwede nyong pindutin ang button na nasa gitna ng table.” Sinundan ko ng tingin ang tinuro ng waitress bago ako tumango. First time kong kumain dito dahil palagi akong nasa private room. May button din sa loob pero sa dingding naman nakakabit. “No need. Mabilis akong mag-order. Pwede mo ng kunin ngayon.” Pagkasabi ko non ay agad akong namili sa menu.Simple lang naman ang gusto ko at kahit nasa katawan na ako ni Emily ay hindi iyon nagbago. Seafood.Oh, I love seafood.Walang pag-aatubili, nilista na ng waitress ang lahat ng







