Share

CHAPTER 2

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit nakipagkita sa akin si Blue. Bigla kasing may tumawag sa kaniya na isang staff ng resort kaya ayon hindi niya nasabi ang sasabihin niya.

"Ba't ba ako nagba-backread? Wala namang espesyal sa convo namin ni Blue ah." Kinakausap ko na naman ang sarili ko.

[Flashback]

"Benny! Nasa Coron na ako!" masayang bungad ko sa kaibigan ko. Through phone call lang kami nag-u-usap since may mga time na bumabagal ang internet connection dito sa resort kung saan ako nag-i-stay.

"Wow, nice iyan! Biruin mo iyon nakapunta ka na sa Coron. Dati pangarap at bukambibig mo lang iyan pero ngayon nandiyan ka na!"

"Sinuwerte lang na pinayagan, 'day!"

"Suwerte mo talaga, girl!

"Oy, ta-try ko pala magbasa sa sikat na reading platform na usong-uso pa rin hanggang ngayon!"

"Ano? Ano ka teenager? HAHAHA!"

"E, hindi ko kasi naranasang magbasa roon dati eh. Pinagbawal nila daddy at mommy."

"Basta piliin mo lang ang mga babasahin mo. Nagbasa rin ako roon noong high school ako pero tinigil ko noong college na ako."

"Kung ano nalang ang lumabas sa recommendation ay iyon nalang ang babasahin ko."

"Ganun nalang nga siguro. Always take care ah. By the way, I gotta go na. Magdi-dinner na kami here. Kain ka na rin at huwag magpapagutom ha."

"Tapos na ako kumain, 'day. Eat well. Take care too! Bye!" Matapos kong magpaalam ay naputol na ang tawag.

Nag-d******d muna ako ng app na ‘yon, gumawa ng account, at naghanap ng mababasa.

Nang lilipat na sa chapter two ang binabasa kong nobela ay biglang may nakaagaw ng atensiyon ko.

Pino-promote yata ang mga account ng iilang writers nila.

CORONPEN

- 24 Works

- 34k Followers

"Alam kong cute ako kaya basahin niyo ang mga nobela ko! Pero mas cute kayo kapag binasa niyo talaga uwu!"

BLUEGUY

- 30 Works

- 2M Followers

"Find me."

I tapped his name at bumungad nga sa akin ang mga nobela niya. Ang dami niya nang naisulat. May mga published na rin na under ng mga famous publishing house.

Sinubukan kong basahin ang latest novel niya. Siguro Pinoy siya kahit nakasulat ito sa full English.

Na-intriga ako sa nakasulat sa bio niya na “Find me” at hindi rin kasi naka-display ang mukha niya. Nasabi ko na sikat dahil hindi kaya biro ang 2 million followers. Tapos nakapag-publish na ng mga libro. Ang cool lang.

Hindi ko namalayang binabasa ko na pala ang nobela niya. Ang galing niya magsulat at ang ganda ng concept ng latest novel niya. Kaso lang ay hindi pa ito tapos.

Ang sipag niya sigurong magsulat!

Hindi ko yata kayang hindi sabihin sa kaniya kung gaano siya kagaling. May parte rin sa puso ko na gusto siyang makilala dahil nakaka-intriga nga naman ng bio niya.

Nag-compose ako ng isang simpleng message na ipapasa sa kaniya para mas ma-motivate pa siya na magsulat. Nakaka-motivate kasi iyon eh, ang imi-message ka ng readers mo at sasabihin nila na magaling ka at inaabangan nila ang mga update mo.

[Hey, you're so magaling pala magsulat! By the way, I'm reading your latest novel and it's so astig talaga!]

Todo ang ngiti ko bago ko pinindot ang send button para matanggap na ni Mr. Blueguy ang message ko.

Hindi ako mapakali matapos lumipad ng mensahe ko patungo sa kaniya. Nag-aalangan ako dahil baka hindi niya iyon pansinin dahil sikat siya e, samantalang ako ay display lang ang account ko sa app na ‘to.

Baguhan lang ako, walang followers at walang mga nabuong nobela. Sa madaling salita ay isa lang akong hamak na reader o mambabasa.

Kakagawa ko palang kasi ng account, napagdesisyunan ko kasi na gumawa ng account kanina lang para na rin ma-try ko ang magbasa rito. Hindi ko kasi naranasang magbasa noon sa ganitong app dahil ayaw ng mga magulang ko. Lagi ko silang sinusunod kaya naman hindi na ako nag-d******d ng app noon para walang issue. Marami naman talagang pinagbabawal sila daddy at mommy noon.

Pero ayos lang din kung hindi mapansin ni Mr. Blueguy ang mensahe ko dahil ang mahalaga ay napaabot ko ang paghanga ko sa kaniya dahil sa galing niya sa pagsusulat.

Matapos ang ilang minutong pagmumuni-muni ko ay napansin kong may isang notification na kumakaway sa akin kaya agad ko itong tinignan.

Someone replied! Hala nag-reply nga!

[Let's meet tomorrow morning at exactly 8:00 a.m. Front of the resort, near the shore.]

Halos maihagis ko ang cellphone ko dahil sa sobrang gulat. "Hala! Nag-reply si Mr. Blueguy! Himala is real! OMG talaga!"

Paulit-ulit at dahan-dahan kong binasa ang reply na natanggap ko pero hindi pa rin ako makapaniwala.

"Totoo ba talaga ito? Baka nananaginip lang ako ah." Tinapik-tapik ko pa ang pisngi ko para makasiguradong totoong nakatanggap ako ng reply mula sa kaniya. Parang t*nga lang eh haha.

Nang maramdaman ko ang pag-init ng aking kanang pisngi dahil napalakas pala ang pagtapik ko rito ay kumbinsido na ako na hindi nga ako nananaginip. Totoo ang lahat at hindi imahinasyon o panaginip lamang.

"Sino ba naman ang mag-aakalang mapapansin ng isang sikat na manunulat ang katulad kong isang dakilang mambabasa lamang?" mahina kong sambit habang tinititigan ang reply ni Mr. Blueguy.

Bakit kaya siya nag-reply sa akin? Ramdom lang siguro ang pag-reply niya at masuwerteng na-reply-an niya ako.

"Magkita raw kami? Hindi kaya mamamatay tao o kaya ay kriminal 'tong si Mr. Blueguy?" natatawang sambit ko habang tinitigan ang reply niya. Hindi ko inakalang gugustuhin niyang makipagkita sa akin kahit na hindi niya ako kilala.

Luminga-linga ako sa paligid dahil baka nakikita niya ako kaya gusto niyang makipagkita sa akin. Wala naman akong napansin na kakaiba sa paligid dahil ang pagkakaalam ko ay mag-isa lang ako rito sa rooftop ng resort na ito saka madilim na rin.

Ang resort kung nasaan ako ay nasa isla, tatawid ka pa ng dagat mula sa mismong bayan bago marating ito. Sigurado naman akong nagbibiro lang si Mr. Blueguy sa balak niyang pakikipagkita sa akin.

"Ano kaya ang ire-reply ko?" tensiyonadong tanong ko sarili na halos pabulong lang.

"Sige na nga! Push ko na 'to!" sambit ko bago i-reply ang misteryosong lalaki. "Makikipagkita ako sa kaniya and there's no turning back!"

Ni-reply ko nalang siya bago tuluyang bumalik sa kuwarto ko. Buti nalang malakas ang internet connection sa rooftop ng resort. Puro English ang replies niya, nakaka-nosebleed huhu. Just kidding about the latter.

"Alam kaya ng lalaking iyon kung nasaan ako?"

[End of Flashback]

Natapos na ang pag-flashback ng mga nangyari kagabi kaya nakaramdam na naman ako ng panghihinayang. "Ano ba iyan! Sayang talaga kanina eh. Malalaman ko na sana kung bakit siya nakipagkita sa akin! Nakita na niya siguro ako sa panaginip niya kaya alam niya na narito ako sa resort! O kaya naman ay stalker ko siya."

Parang tanga ako na nagsasalita rito sa kuwarto ko oh.

"Cat, huwag kang alien ha. Coincidence lang na nagkita kayo," pangiti-ngiti kong sambit habang nakatingin sa wall clock. Alas-onse na pala ng umaga.

May bago na rin pala akong nickname ngayon. Si Benny kasi talaga ang nagpasimula nun eh. Ayan, tuloy ako na talaga si Cat ngayon.

"My nickname is not weird," pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status