"Handa ka na ba, binibini?" Kararating niya lang dito sa cottage at oo, hindi siya late katulad kahapon ng umaga haha.
"Naku, naging makata ka naman yata bigla!" mapang-asar na sambit ko habang sinisigurado ko kung nadala ko ba ang camera ko."Kaya kong maging makata kapag kausap ka, binibini." Hindi ko alam kung pinagti-trip-an niya ba ako o kung ano. Kinikilabutan ako sa tuwing binabanggit niya ang salitang binibini, pero okay na rin kasi at least nagpi-Filipino siya. "Salamat sa pag-a-adjust para sa akin. Maganda lang talaga ako pero mahina ako sa English," seryosong sambit ko para mapaniwala ko siya kahit papaano."Ayos lang basta ang mahalaga ay magka-intindihan tayo.""Tama.""Tara na, ayon na si Mang Driel oh." Itinuro niya sa akin ang isang bangkerong lulan ng isang kulay asul na bangka na nag-aantay na sa amin."Tara na! Excited na ako waaa!" sambit ko bago tumakbo patungo sa bangka ni Mang Driel. Iniwan ko si Blue roon na tila nagulat sa ikinilos ko. E, excited ako eh.Maya-maya lang ay sumunod na rin sa akin si Blue. Nakakatuwa lang na nagkaroon ako kaagad ng kaibigan dito sa Coron tapos manunulat pa."Okay na po ba kayo, ma'am at sir?" tanong ni Mang Driel."Ayos na po ako," sagot ko matapos maka-upo nang maayos sa upuan ng bangka. Nagsuot din kami ng life vests para safe kami kung sakali man na lumubog ang bangka, huwag naman sanang mangyari."Ayos na rin po ako, Manong Driel. Tayo na po sa bayan." Magkaharap kami ni Blue ngayon at nakasuot siya ng sunglasses! Bakit parang may kasama akong artista?!"Sige po." Pinaandar na ni Mang Driel ang makina ng bangka at nagsimula na ang aming maikling paglalayag.Sa mga alon lang ako nakatitig habang patungo kami sa bayan. Aliw na aliw talaga ako sa bawat pagtalon ng mga malilikot na alon kasabay ng pag-ihip ng sariwang hangin.Simpleng blue t-shirt at black slacks lang ang suot ni Blue pero ang guwapo niya pa rin tignan. Kahit siguro anong isuot niya ay babagay sa kaniya. Black na sapatos ang suot niyang pangyapak at mukhang chill na chill siya.Alam niyo ba iyong pakiramdam na may kasama kang tao na ina-admire mo? Iyon iyong pakiramdam ko ngayon, nakaka-proud lang talaga na nakasama ko siya at isinama niya ako sa lakad niya. Mamaya talaga magpapa-picture ako sa kaniya kapag nasa bayan na kami!Naka-earphones siya kaya hindi ko na rin kinausap pa dahil ayaw ko namang magpasaway sa kaniya, para isama niya pa ako sa sunod na pupuntahan niya. Luh, assuming na naman ako!Siguro ito na iyong hinihiling ko na sana maging masaya ang pagbabakasiyon ko. Masaya na agad ako dahil nakilala ko siya. Hindi ko maikakailang gusto ko pa siyang makilala nang lubusan. Huwag lang sanang mahulog ang loob ko sa kaniya, marupok pa naman ako."Nasa bayan na po tayo." Agad namang inalis ni Blue ang earphones sa kaniyang mga tainga at agad na isinukbit ang bag niya."Tayo na." Inilahad niya ang kamay niya sa akin para siguro maalalayan ako kapag bababa na kami sa bangka."Hindi pa nga tayo," pabiro kong sambit bago inabot ang kamay niya. Holding hands na naman ang walang label haha. "Joke lang," dagdag ko."Mais," tipid niyang sambit. "Ingat sa paghakbang.""Ang sweet niyo naman po sa isa't isa, ma'am at sir." Pangiti-ngiti pa si Mang Driel habang tinutukso kami ni Blue, akala niya siguro magkasintahan kami."Naku, hindi po. Magka-ibigan lang po kami." Ako na ang kaagad na nagsalita dahil baka mang-asar pa ulit si Mang Driel."Naku, pasensiya po. Akala ko kasi kayo ni sir." Huminto muna kami ni Blue nang malapit na kaming tumawid mula sa bangka patungo sa sementadong tuntungan habang inuugoy ng alon ang bangka."Ayos lang po, ayos na po iyon." Hindi pa rin umiimik si Blue. Dapat talaga hindi na ako nag-joke eh."Ingat po kayo. Sir Blue, text niyo nalang po ako kapag babalik na kayo sa resort.""Sige po, Manong Driel. Salamat po!" Sa wakas nagsalita na rin siya. Hindi ko namalayang magka-holding hands pa rin pala kami.Binitawan muna ni Blue ang kamay ko at nagsalita, "Ako muna ang tatawid tapos aabutin ko nalang ang kamay mo para maalalayan ka. Magalaw ang bangka kaya huwag kang malikot ha?" Para siyang tour guide kung magpaalala patungkol sa mga dapat na gawin para safe ang tourist."Sige-sige. Hindi ako maglilikot." Matapos kong sumagot ay dahan-dahan siyang tumawid habang inaalog-alog ng mga alon ang bangka."Akin na ang kamay mo," sambit niya matapos makatawid."Heto ang kamay ko." Agad niyang inabot ang kanang kamay ko kasabay nang paghakbang ko para makatawid na."Huwag kang kabahan, hindi ka mahuhulog." Napansin ko lang na hindi niya na ako ulit tinawag na binibini, ramdam niya siguro na medyo nailang ako kanina nang tinawag niya akong binibini. Mas okay nga na itinigil niya na dahil pakiramdam ko ay hindi ako ang magiging binibini niya."Hindi naman ako mahuhulog," seryosong sambit ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako dahil baka madulas ako at mahulog sa dagat. Hindi pa naman ako sanay na tumawid-tawid mula sa bangka patungo sa lilipatan."Ayan, nakatawid ka na." Nakahinga ako nang maluwang dahil nakatawid na nga ako. Madali lang naman palang tumawid eh."Parang kinabahan ka kanina ah." Tila nang-aasar yata siya. Binitawan niya na rin ang kamay ko dahil nakatawid na nga naman kami."Ha? Ako, kinabahan? Hindi ah. Strong kaya ako." Nahihiya lang akong umamin sa kaniya na kinabahan ako kanina dahil baka mamaya ay iyon pa ang ipang-asar niya sa akin."Sus, huwag mo na itanggi. Medyo namutla ka pa nga kanina." Bahagya pa siyang tumawa matapos niyang magsalita. Ang cute niya kapag tumatawa siya kaso bihira lang siyang tumawa eh."Huwag mo akong aasarin ah. Oo, kinabahan ako kanina dahil baka madulas ako o kaya ay mahulog," nahihiyang pag-amin ko sa kaniya. Shooks, napaamin niya ako! Rupok version 2.0 haha."Hindi naman kita hahayaang mahulog." Parang napaisip ako bigla sa sinabi niyang iyon. Hindi niya raw ako hahayaang mahulog."Ang bait mo talaga!" masiglang sambit ko. Iyon nalang ang sinabi ko kahit na ang totoo ay bigla akong napaisip dahil sa sinabi niya o baka naman kung anu-ano lang ang pumapasok sa isip ko kaya ang gulo ng iniisip ko."Saan mo gustong pumunta?" pag-iiba niya ng topic. Kung puwede lang sanang pumunta sa puso niya. Gusto kong malaman kung may itinitibok na ba ang puso niya at kung may pangalan na ba itong isinisigaw. "Ikaw ang bahala. Hindi ko pa naman alam masiyado kung ano ang magandang puntahan dito sa bayan." Pasulyap-sulyap lang kami sa isa't-isa habang nag-uusap dahil nakakailang naman kung lagi nalang naming titigan o titignan ang mukha ng bawat isa."Alam ko na kung saan tayo pupunta!" sambit niya bago nagpakawala ng isang matamis na ngiti. Nakakatunaw ang kaniyang ngiti. Ito na yata ang sinasabi nilang killer smile!"Kagabi lang kami nakapag-usap ni Chasi magmula nang dumating ako sa resort. Sa pagkakaalam ko 11:40 na kagabi. Iniiwasan niya talaga ako kahit na wala naman kaming problemang dalawa. Madalas siyang wala kapag hinahanap ko siya sa bahay niya tapos mababalitaan ko nalang minsan na kung saan-saan na siya pumupunta. Nalaman ko rin na madalas niyang sundan si Blue kahit saan. May minsan nga na inakala kong may gusto siya kay Blue pero wala pala. May longtime boyfriend siya na sure akong mahal na mahal niya. Gusto niya lang talaga na magkabalikan kami ni Blue na dapat sana ay hindi niya pinu-problema. Sinundan niya kayo ni Flakes kahapon ng umaga sa Mt. Tapyas at sinundan ko rin siya dahil nagdududa na ako sa mga ikinikilos niya. Pero hindi niya ako pinansin kahit pa nilapitan ko siya. Nag-walk out siya ilang minuto matapos niyong makaalis. Hindi ko alam kung saan siya nagsusu-suot dahil hindi ko na siya sinundan pa. I respected her privacy that time. Hanggang sa itinadhana na rin siguro n
Bigla nalang itinuon ni Chasi ang paningin niya sa mga buhangin at halatang hindi niya ako magawang tignan sa mga mata. "Because you were an eyesore when you were around Blue... before. I just wanted to bring them back together!" matapang niyang sabi bago itinuro si Blue at Sajie. Magkakakilala sila."Pero hindi ako mang-a-agaw, Chasi. Hindi ako mang-a-agaw," may diin at inis kong sabi. Hindi ko siya pinagdudahan pero siya pala ang may masamang balak sa akin. Totoo ba talaga na minsan ang inaakala mong kaibigan ay kaaway pala? Hindi pa rin siya makatingin sa akin dahil siguro sa sobrang hiya. "I know. But I was dying to see them together again and you could be a hindrance. I was a witness of their relationship since the beginning until their break up. Sajie is my bestfriend and I want her to be happy in Blue's arms again. Getting rid of you became the quick answer to erase a potential third wheel for their come back. You are undeniably gorgeous. Any man will easily fall for you. You
Binigyan nila ako ng time na mag-ayos muna ng sarili kaya umalis muna sila. Hihintayin nalang daw nila ako sa isa sa mga cottage sa harap ng resort. Hindi na ako nagsayang ng oras kaya agad na akong naghilamos, nag-toothbrush, at nagpalit na rin ako ng damit. Para mabilis ko silang mapuntahan ay hindi na ako nag-order ng pagkain. Dumaan nalang ako sa mini store ng resort para bumili ng biscuits at bottled water. Oo, kumakain ako habang naglalakad papunta sa cottage. Alam kong hindi tamang kumain habang naglalakad pero gusto ko na talagang malaman kung ano ang sasabihin nila. Hindi na ako makapaghintay. Agad ko silang natanaw matapos kong makalabas sa resort. Sa dagat sila nakaharap kaya hindi nila ako nakita kaagad. Naka-akbay si Blue kay Sajie at parang nag-u-usap sila. Ang sweet nilang tignan. "Hi, guys. Nandito na ako," sabi ko sa kanila nang makarating na ako sa cottage. Umayos naman sila ng upo at tumigil na si Blue sa pag-akbay sa kaniya. "Hi, Cat. Maupo ka," saad ni Sajie b
Saglit ko muna siyang tinitigan bago ako ngumiti. Nagtataka ako kung bakit siya lumapit sa akin. "You may sit, Sajie.""Thank you," sambit niya bago siya umupo sa silyang nasa kabila ng aking mesa. Magkaharap kami at kitang-kitang namin ang mukha ng isa't isa."Bakit nandito ka?" nakangiti kong tanong at tinignan siya nang deretso. "Gusto mo bang kumain? O-order ako," dagdag ko pa."Gusto kong mag-sorry sa iyo," nahihiya niyang sabi. Napaka-inosente niya pa ring tignan pero hindi ko maintindihan kung bakit siya nagso-sorry. Wala naman siyang ginawang masama sa akin, hindi ba?"What do you mean?" Gustong-gusto ko na talagang malaman ang dahilan kung bakit siya nagso-sorry pero sinisikap ko pa ring maging kalmado at huwag mag-isip ng kung anu-ano."Excuse me po. Puwede ko na po bang kunin ang mga plato? Para po mas maayos kayong makapag-usap," saad ni Anghelita na nakalapit na pala sa amin."Sure," nakangiting sagot ko naman sa kaniya. "Thank you."Wala munang nagsalita sa amin ni Saj
Wala kaming sinayang na oras ni Anghelita at ang bawat paghakbang namin ay talagang mabilis dahil hindi na ako makapaghintay na malaman kung nasa function hall ba siya. Mabilis lang naming narating ang lugar kaya agad akong pumasok habang nakasunod lang si Anghelita sa akin. Maraming tao at halos lahat ng upuan ay occupied na. Marami ang napasinghap nang makita nila ako pero hindi ko na iyon pinansin. "Dude, she's a beautiful b*tch!""Bro, she really is! Why so hot, miss?""Sis, may nanalo na. Grand entrance ang loka oh," rinig kong sabi ng isang babae. "Baka ganda lang ang mayroon iyan, 'te."Mas hindi ko pinansin ang mga salitang narinig ko pero hindi ko maipagkakailang may iilang tumatak talaga sa isip ko. Hindi lang ganda ang mayroon ako pero wala akong dapat patunayan sa mga tumatahol na tao. Nakakailang hakbang palang ako nang biglang mapako ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagkanta ng isang lalaking singer sa stage habang halos lahat ay nakatingin sa kaniya. Halos nakuha niya
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang hindi ko makita ni anino ni Flakes sa loob ng restaurant. Nakaramdam ako ng panlulumo dahil saktong alas-dose na pero wala pa siya. May usapan kami. Saglit palang akong nahiwalay sa kaniya pero parang na-miss ko siya. Parang ang weird sa pakiramdam na gusto ko na siyang makita agad. Hindi ko maintindihan kung bakit tila nadismaya ako nang hindi ko siya nadatnan na naghihintay sa akin. Para akong teenager na first time makaka-date ang crush niya kaso hindi siya sinipot kahit may usapan pa sila. Saglit akong nag-compose ng greetings para kay mommy, daddy, at Benny. Nang ma-click ko na ang send button ay napabuntong-hininga nalang ako. "Merry Christmas, guys. I miss you," bulong ko. Bagsak ang balikat na umupo ako sa isang upuan para hintayin si Flakes. Baka may importanteng ginawa lang kaya hindi nakapunta kaagad. Masiyado pang maaga para sabihing in-Indian niya ako. Hindi niya girlfriend ang naghihintay sa kaniya sa pagbalik namin sa res
CASANTHA'S POVHindi ko namalayan ang mabilis na paglipas ng oras dahil kasama ko siya. Nagpaalam naman ako kay Kino na sasamahan ko muna si Blue habang wala pa si Flakes. Hindi ko nga alam kung saan nagsuot ang lalaking iyon. At ang tagal na niyang wala. Puro naman corny jokes ang pinagsasabi ni Blue kaya halos sumakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Medyo napapalakas na nga minsan ang pagtawa ko dahil ang hirap magpigil ng tawa. "... Pero seryoso na. May dinukot talaga kayong tao sa Lualhati Park?" Bahagya namang humina ang tawa niya hanggang sa tuluyan na siyang huminto sa pagtawa. "Oo. Bakit mo naman biglang natanong?""Nakaraan kasi may nagtangka sa buhay ko. Muntik na akong masaksak ng patalim. Muntik na malagay sa alanganin ang buhay ko," seryoso kong sabi. "Wala kaming masamang intensiyon sa taong dinukot namin kaya huwag mo na isipin iyon. Masaya na ang taong iyon ngayon," mahinahong paliwanag niya. "Masaya akong masaya na siya," nakanngiting sabi ko kahit medyo madilim sa
Flakes' Point of ViewShe met me days ago but I knew her for several years. I could not help it. How could I resist such a simpleng suplada like her? I found everything about her perfect. I promised to myself that I would not make her cry the first day I saw her. I also wanted her to be safe and breathing. But I lied when I told her that I already had a girlfriend. "Cutie? What's up? Are you still with me?" C.C. said sarcastically while rolling her eyes. After all, she only wanted one thing to happen and it seemed that she was out of her mind. "I heard you saved her. Well, na-impress ako. I believe na ginawa mo 'yon dahil ikaw ang tatapos sa kaniya, right?"And there, I was not able to utter a word. I could not afford to be the reason for Cat's misfortune. The primary plan was to make her fall in love with me. I agreed because I thought it was just an easy job. But when I found out that it was Cat, it frightened me. But it was too late to back off. I knew her real name. Casantha Ma
"Sinong sila? Wala ka ba talagang balak na sagutin ang mga tanong ko? I asked you twice, Cat." Bakas sa boses niya ang pagkainis pero halata ring nagtitimpi siya dahil baka magkaproblema na naman kami. "Sorry.""What's bothering you? Tell me.""Baba na tayo sa bundok na ito," suhestiyon ko. "Tsk. You didn't answer my question again.""Sasagutin ko habang naglalakad tayo pababa." "Okay."Bago namin tuluyang iwan ang lugar ay saglit ko munang pinasadahan ng tingin ang dalawang babaeng galing din sa Queen Coron Resort. Si Chasi hindi kami nililingon dahil pini-picture-an niya ang dagat samantalang nahuli ko namang sumusulyap sa amin si Sajie. Medyo magkalayo ang kinaroroonan nila pero pansin kong napansin nila ang isa't isa dahil may ilang segundong nagtama ang mga mata nila. Kapansin-pansin naman talaga silang dalawa dahil si Chasi nakasuot ng outfit na pure pink at matingkad talaga na pink iyon. Si Sajie naman may innocent face. Simple manamit pero litaw ang ganda. Higit sa lahat, a