Share

CHAPTER 44

Wala kaming sinayang na oras ni Anghelita at ang bawat paghakbang namin ay talagang mabilis dahil hindi na ako makapaghintay na malaman kung nasa function hall ba siya. Mabilis lang naming narating ang lugar kaya agad akong pumasok habang nakasunod lang si Anghelita sa akin. Maraming tao at halos lahat ng upuan ay occupied na. Marami ang napasinghap nang makita nila ako pero hindi ko na iyon pinansin.

"Dude, she's a beautiful b*tch!"

"Bro, she really is! Why so hot, miss?"

"Sis, may nanalo na. Grand entrance ang loka oh," rinig kong sabi ng isang babae.

"Baka ganda lang ang mayroon iyan, 'te."

Mas hindi ko pinansin ang mga salitang narinig ko pero hindi ko maipagkakailang may iilang tumatak talaga sa isip ko. Hindi lang ganda ang mayroon ako pero wala akong dapat patunayan sa mga tumatahol na tao.

Nakakailang hakbang palang ako nang biglang mapako ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagkanta ng isang lalaking singer sa stage habang halos lahat ay nakatingin sa kaniya. Halos nakuha niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status