Share

CHAPTER 6

Nakatunganga pa ako at patingin-tingin sa kalsada matapos naming makatawid nang biglang may humawak sa kanang kamay ko.

"Tara na sa loob," mahina niyang sambit. Akala ko nauna na siya. Naaliw kasi ako sa mga tricycle na may iba't-ibang kulay na nasa kalsada kaya hindi ko na napansin si Blue kani-kanina lang. Ang engot ko talaga.

"Bakit mo pa ako binalikan? Susunod naman ako sa'yo." Pero na-appreciate ko talaga na binalikan niya pa ako.

"Baka kasi mawala ka kapag hindi kita binalikan." Naku, hindi naman ako mawawala dahil hindi naman kalakihan itong lugar.

"Asus, malabong mangyari iyan. Pero tara na nga sa loob." Ako na ang naunang naglakad habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Para tuloy kaming couple na nagho-holding hands nito. Hays, ayos na ako sa ganito. Puwede niya ngang hawakan nalang forever ang kamay ko. Charot!

"Upo na tayo rito," sambit niya nang marating na namin ang pinaka-unang upuan sa harap ng altar.

"Sige." Umupo na ako at saktong binitawan niya na rin ang kamay ko. Tumabi rin siya sa akin at nagsimula ng manalangin.

Ipinikit ko na rin ang mga mata ko at nanalangin. Sobrang nagpapasalamat ako na nakilala ko si Blue kahit na kakakilala ko palang sa kaniya. Alam kong may mga taong pansamantala lang nating makakasama pero sana ay maging maayos ang pagkakaibigan namin ni Blue.

Ayaw kong dumating kami sa point na magiging perfect strangers kami pero open naman ako sa mga possibilities, kaya kung sakali man na magiging perfect strangSers kami ay tatanggapin ko nalang kahit masakit. Pero sana hindi mangyari iyon.

Matapos kong manalangin ay tinignan ko siya at doon ko lang napagtanto na hindi pa siya tapos manalangin.

Tinignan ko nalang siya habang nakapikit. "Sana ikaw na," sobrang mahinang bulong ko habang pinagmamasdan siya. Hindi niya naman narinig iyon dahil sobrang hina lang talaga.

Hinintay ko nalang siyang matapos at inikot ko muna ang paningin ko sa kabuuan ng simbahan.

Siguro romantic kapag dito ako ikakasal pero kahit saang simbahan naman ako ikasal ay ayos lang basta ang mahalaga ay ikasal ako sa taong mahal ko at mahal ako.

Ayon na nga, kung anu-ano na naman ang naiisip ko. Siguro dahil hindi ko pa naranasang magkaroon ng kasintahan kaya naiisip ko na agad ang mga bagay-bagay. Kung paano kapag ganito, ano kaya kapag ganuniyong mga ganun ba.

Ang totoo niyan ay si Blue palang ang lalaking hindi ko kaanu-ano na nakahawak sa kamay ko. Si Benny lang naman ang lagi kong ka-holding hands pero hindi naman siya lalaki, HAHA! Na-miss ko tuloy ang bakletang iyon.

Wala kasi akong masiyadong close friends na babae dahil simula bata palang ay si Benny na ang kasa-kasama kong lumaki. Nangako kami na friends forever kaya hindi na talaga kami naghiwalay. Ayos din kahit na kami lang dalawa, mas naging solid pa nga ang pagkakaibigan namin dahil kilala na talaga namin ang isa't isa.

Napansin ko nalang na tumayo na si Blue mula sa pagkaka-upo kaya tumayo na rin ako kaagad. Bawal na maging shunga HAHA!

"Tapos ka na magdasal?" tanong ko sa kaniya.

"Oo. Nagugutom ka na ba?" Hindi pa naman ako nagugutom talaga pero parang gusto ko na rin kumain.

"Medyo," nahihiya kong sagot.

"May alam akong puwedeng puntahan para makakain tayo. Okay lang ba kung mga kikiam o kaya ay siomai? Mga ganung pagkain ba? O baka hindi ka kumakain, hanap nalang tayo ng iba–"

"Okay sa akin ang mga iyon. Saan ba iyon banda? Tara na!" Nauna na ako sa kaniya maglakad at sumunod naman siya.

Akala niya siguro hindi ako kumakain ng siomai. Pero tama siya, hindi ako kumakain kasi hindi pa ako nakakain nun HAHAHA! Pinagbabawal kasi nila daddy at mommy pero ngayon ay titikim na ako ng siomai yayyy!

"Okay lang ba na lakarin nalang natin?" nahihiyang tanong niya.

"Oo naman. Hindi ba't naglilibot nga tayo sa bayan?" Nginitian ko nalang siya bago ko siya sinundan papalabas ng simbahan.

Huminto lang siya nang tatawid na kami. "Akin na ang kamay mo."

"Ayaw ko nga," pabiro kong sabi. Pero tila kinikilig yata ang puso ng sanging yayyy!

Give me your hand uwu!

"Akin na para makatawid na tayo. Huwag ka nang makulit, Cat." Parang tumalon ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan na sinabi kong itawag niya sa akin. Shems! Ako ito si Cat na humahanga sa iyo!

"Hala, tinawag mo akong Cat! Ang cute!" Para na naman akong bata na tuwang-tuwa. Ang babaw ng kasiyahan e.

"Kaya tara na, akin ka na 'yong kamay mo." Inilahad niya na ang palad niya kaya wala na akong nagawa. Baka sabihin niya pa na ang choosy ko kapag hindi ko inabot ang kamay niya.

"Heto na ang puso este ang kamay ko pala hehe." Natawa na lang siya sa sinabi ko at pagkatapos ay tumawid na kami sa kalsada.

Nadaanan namin ang plasa habang naglalakad kami. Siyempre hindi na kami magkahawak kamay habang naglalakad patungo sa pupuntahan namin, kapag tatawid lang puwede saka kapag delikado. Kunting lakad-lakad lang hanggang sa marating namin ang lugar na tinutukoy niya.

"Anong gusto mo? Gusto mo ng siomai?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa akin ng deretso.

"Sige, siomai. Kikiam, siopao, fish ball, at squid ball na rin. Hindi pa kasi ako nakakatikim ng mga iyan." Nahihiya ako sa kaniya.

Feeling ko ang alien ko kasi hindi pa ako nakakain ng mga iyon. Alam ko lang ang pangalan pero hindi ko pa talaga natitikman.

"Sige, ako na ang bibili. Maupo ka na roon sa dulo." Itinuro niya sa akin ang lamesa na nasa dulong bahagi na nitong kainan na ito. Iyong nasa dulo nalang kasi ang bakante, marami palang kumakain dito.

"Sige." Nagtungo na ako sa lamesa na itinuro niya at saglit na naghintay sa kaniya.

Hindi naman siya natagalan sa pag-order at nakasunod din sa akin kaagad. Medyo maghihintay lang kami nang kaunti dahil ire-ready pa ang pagkain. Natatakam na talaga ako!

"Talaga bang hindi ka pa nakakain ng mga iyon? Baka bawal ang mga iyon sa'yo." He sounded so worried na naman. Bawal noon pero puwede naman sigurong tumikim ako ngayon, ngayon lang naman.

"Naku, hindi bawal sa akin ang mga iyon. Huwag kang mag-alala sa akin." Nginitian ko siya at napangiti nalang din siya. Sana naman nakumbinsi ko siyang okay lang talaga. Hindi naman siguro ako magkakasakit dahil kakain ako ng mga iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status