Share

Ang Crush Kong Writer
Ang Crush Kong Writer
Author: CoronLass

CHAPTER 1

Author: CoronLass
last update Last Updated: 2022-07-26 10:18:50

Casantha's Point of View

"Benny! Makikipag-meet ako ngayon sa isang manunulat!" Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na hindi ma-excite dahil makikipagkita na sa akin si Mr. Blueguy.

"Hoy, g*ga! Baka mamaya mapahamak ka sa ginagawa mo! Wala pa naman ako diyan para i-save ka in case!" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Benedicto. Oo, Benedicto ang real name ng kaibigan kong binabae.

"Grabe naman 'to. Safe naman dito sa resort saka pagkakataon ko na 'to para makakilala ng isang sikat na writer!"

"Sikat? Gaano kasikat, girl?"

"Mayroon lang naman siyang 2 million followers, 'day!"

"Well, famous nga. Pero hindi pa rin tayo nakakasigurado kong safe iyang tao na iyan."

"Ano ka ba! Safe ako rito sa resort saka may pepper spray ako rito sa bag dahil feeling ko mysterious ang lalaking iyon."

"Ano? Lalaki siya?" Nakalimutan ko palang sabihin sa kaniya na lalaki ang imi-meet ko.

"Oo, lalaki. Siya si Mr. Blueguy waaa!"

"Naku, ate girl! Mag-ingat ka talaga. Baka mamaya rapist iyan."

"Ikaw, kung anu-ano naiisip mo. Tamang hinala ka talaga kahit kailan. Ipapakilala ko sa'yo kapag nakilala ko na."

"Dapat lang na ipakilala mo siya sa akin. Baka siya na ang forever ko, hahaha!"

"Huwag kang mag-alala dahil sa'yo ko siya unang ipapakilala, 'day!"

"Sayang talaga hindi ako nakasama sa'yo, ede sana masasamahan kita sa mga gusto mong puntahan diyan. Kung may magbabantay lang sana sa business ko. Olats."

"Ayos lang iyan, 'day. Basta sa susunod dapat makasama ka na sa akin para naman hindi ako nag-iisa."

"Mahina ka kasi eh. Hindi ka kaagad nag-boyfriend e."

"Iyan ka na naman e. Lagi mo nalang ako tinutukso sa bagay na iyan. Feeling ko nga hindi ako magkaka-boyfriend e."

"Malay mo si Blueguy na iyon. Asus, first boyfriend kapag nagkataon HAHAHA!" Ang lutong tumawa ni Benny, parang sitsaron haha.

"Makatawa ka naman diyan wagas. Basta dapat mag-enjoy ako rito sa Coron. Ito kaya ang pinakahihintay kong big break mula sa lahat-lahat! Buong buhay ko puro lang ako aral tapos taong-bahay pa. Pero ngayon ito na iyon, 'day! Puwede ko na gawin ang mga bagay-bagay dahil pumayag na sila daddy!"

"Congrats, girl! Naging mabuti kang anak kaya deserve mo talaga na mag-enjoy ngayon. Sa wakas pinayagan ka na rin nila na mag-travel mag-isa!"

"Buti talaga, 'day! Sunod ka kapag hindi ka na busy diyan ah."

"I'll try, girl. Alam mo naman busy ang baklush mong friend."

"Naku! Baka pagbalik ko sa Manila e milyonarya ka na."

"Sana nga, pren!"

"Malay natin magkatotoo! Basta alam mo na kapag hindi na ako nakabalik sa Manila ah. Se-send ko sa'yo 'yong screenshot ng account ni Mr. Blueguy pati na rin iyong convo namin para may evidences kung sakali man."

"Ibang level talaga iyang pag-iisip mo haha! Pero ayos na rin iyan, it's better to be careful than to be a reckless cat."

"Cat talaga? Hindi puwedeng reckless rabbit para cute naman?"

"Cat gusto ko e HAHA. Basta mag-enjoy ka ah."

"Sana mag-enjoy nga ako rito. Mami-miss kita, 'day!"

"Saka mag-iingat ka ah. Huwag patanga-tanga baka masaktan ang puso ng saging!"

"Puso talaga ng sagi—"

"Mami-miss din kita, girl! I love you! Bye na muna ah. Medyo busy kasi sa shop ngayon eh."

"I love you too, 'day! Ba-bye na! Muwahhh!"

"Muwahhh!" Naputol na ang tawag matapos niyang magsalita. Talaga yatang maraming customer sa bakery shop nila.

Parang kailan lang estudyante palang ako tapos ngayon ito nakakapag-travel na ako. Time flies so fast nga talaga!

The blue sky would be the witness of this new journey of mine in Coron. Sana lang maging maayos ang lahat.

Visiting the famous tourist spots including the beaches plus the mountains here would be a dream come true for me. I left the city just to be with Coron, Palawan for a short period of time. Wala naman akong mga expectation masiyado dahil gusto ko lang masulit ang mga araw na mamamalagi ako rito.

"Ba't kaya wala pa siya?" mahinang bulong ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko.

Kanina pa ako nakatayo rito sa tabing dagat kahihintay sa lalaking iyon. Dito raw kasi kami magkikita sabi niya kagabi. Ang lawak-lawak ng tabing dagat na ito at may mga cottage pa, puting-puti rin ang mga buhangin. Asul na asul din ang dagat na parang inaaya ako na sumisid. Naniniwala ako na malinis pa ang tubig dito kaya ganito nalang ka-asul ang kulay ng dagat.

Buti nalang hindi nakakasawang tignan ang dagat.

"8:30 na ng umaga oh. Hindi kaya scam lang ang meet up na 'to?" Medyo napalakas ang pagkakasabi ko ah. Reckless mouth este reckless me!

"It's not a scam 'cause I'm already here." Shocks! Ang manly ng boses! He's behind me. Should I look back na ba? Gosh, kinakabahan ako!

"Why aren’t you looking at me, miss? Are you afraid to see me?" Why did he know that this is me? Omo! Wait, baka nagkakamali lang ako. Baka hindi siya si Mr. Blueguy!

"Mr. Blueguy? Is that you?" I asked but still not looking back. Huwag kang lilingon ang eksena.

"Yeah, this is me and this is real."

"Sounds familiar ah."

"Look at me. I'm handsome. There's nothing to be afraid of. I'm not the hunchback of Notre Dame."

"You mean you're not Quasimodo?" mapanuyang tanong ko. Dinamay-damay niya pa talaga si Quasi!

"Of course, I'm not. I'm handsome kaya." Hindi rin siya pa-feeling, ano?

"Saka mayabang." There, I finally faced him. Hindi naman ako sobrang nagulat dahil marami na akong nakitang guwapo. Wala man lang siyang reaksiyon nang nakita niya kung gaano ako kaganda.

Hindi man lang siya nagandahan sa akin.

"Guwapo ka nga. Okay. Hindi na ako kokontra." He's stating the fact lang naman pero nayayabangan ako sa kaniya. Ang hangin bigla.

Matangkad siya at maputi rin. Based on his looks, I could say that he’s a professional. Huwag na natin hulaan ang height, basta matangkad siya. Matipono rin at masasabi ko rin na nag-gi-gym siya dahil na rin malalaki ang muscles niya.

Umabante siya nang kunti para mapantayan ang puwesto ko at itinapon ang tingin sa dagat. Ayaw niya yatang mag-stay sa likuran ko.

"This resort is owned by the family of my friend's wife," pagkukuwento niya habang nakatitig sa iilang mga alon. Ang tipid magkuwento. May mai-topic lang, ganern?

"Oh, I see. I came here to visit some of the famous beaches and tourist spots like Mt. Tapyas, Mt. Dalara, etc." Sa dagat nalang din ako tumingin dahil nakakailang naman kung titignan ko siya.

"That would be great. By the way, I don't know your name yet."

"Cat. You can call me Cat habang hindi pa ako nagiging tigress haha." Ayaw kong malaman niya ang real name ko. Dapat strangers lang kami.

"Okay, Cat." He smiled! Bakit may nakaka-inlove siyang ngiti? Sino ang nagbigay sa kaniya nun?! Pero nag-smile siya nang hindi man lang ako tinitignan. "Just call me—"

"Blue. You are Blue." Alam ko ang pen name niya o pseudonym niya kaya ramdam ko na kung ano ang gusto niyang itawag ko sa kaniya.

Taguan na talaga ito ng pagkakakilanlan.

"Exactly! I was about to say the same thing."

"Ba't ba tayo English nang English ha?" Sa dagat pa rin kami nakatingin.

"Magaling kasi akong mag-English," pangi-ngiting sambit niya.

"Ang hangin ano?" Kunwaring luminga-linga pa ako para hanapin kung saan na banda ang hangin.

Kumunot bigla ang noo niya. Nice one. "What do you mean?"

"Hindi mo naintindihan ang sinabi ko?" tanong ko sa kaniya.

"I understand."

"Magaling ka nga mag-English pero ang slow mo naman haha. Ang hangin mo kasi, ang yabang mo. I did answer you using English language 'because you started it eh. Go with the flow lang ako."

"Oh. Actually, I'm not mahangin. I'm just comfortable speaking using the English language when having a talk to a stranger."

"Baby, we're perfect strangers." May naalala lang akong kanta kaya iyon ang nasabi ko bigla.

"Ano?" he immediately asked.

"Kita mo 'yan, nag-Filipino ka rin haha! Galing sa kanta iyong sinabi ko, 'no."

"I just love English."

"Okay. Let's leave that topic. Bakit ka pala nag-desisyon na makipagkita sa reader mo... I mean sa akin?"

Sa pagkakataong ito ay tinignan niya na ako sa mukha. Baka matunaw ang ice!

"Kasi—" 

***

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 48

    "Kagabi lang kami nakapag-usap ni Chasi magmula nang dumating ako sa resort. Sa pagkakaalam ko 11:40 na kagabi. Iniiwasan niya talaga ako kahit na wala naman kaming problemang dalawa. Madalas siyang wala kapag hinahanap ko siya sa bahay niya tapos mababalitaan ko nalang minsan na kung saan-saan na siya pumupunta. Nalaman ko rin na madalas niyang sundan si Blue kahit saan. May minsan nga na inakala kong may gusto siya kay Blue pero wala pala. May longtime boyfriend siya na sure akong mahal na mahal niya. Gusto niya lang talaga na magkabalikan kami ni Blue na dapat sana ay hindi niya pinu-problema. Sinundan niya kayo ni Flakes kahapon ng umaga sa Mt. Tapyas at sinundan ko rin siya dahil nagdududa na ako sa mga ikinikilos niya. Pero hindi niya ako pinansin kahit pa nilapitan ko siya. Nag-walk out siya ilang minuto matapos niyong makaalis. Hindi ko alam kung saan siya nagsusu-suot dahil hindi ko na siya sinundan pa. I respected her privacy that time. Hanggang sa itinadhana na rin siguro n

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 47

    Bigla nalang itinuon ni Chasi ang paningin niya sa mga buhangin at halatang hindi niya ako magawang tignan sa mga mata. "Because you were an eyesore when you were around Blue... before. I just wanted to bring them back together!" matapang niyang sabi bago itinuro si Blue at Sajie. Magkakakilala sila."Pero hindi ako mang-a-agaw, Chasi. Hindi ako mang-a-agaw," may diin at inis kong sabi. Hindi ko siya pinagdudahan pero siya pala ang may masamang balak sa akin. Totoo ba talaga na minsan ang inaakala mong kaibigan ay kaaway pala? Hindi pa rin siya makatingin sa akin dahil siguro sa sobrang hiya. "I know. But I was dying to see them together again and you could be a hindrance. I was a witness of their relationship since the beginning until their break up. Sajie is my bestfriend and I want her to be happy in Blue's arms again. Getting rid of you became the quick answer to erase a potential third wheel for their come back. You are undeniably gorgeous. Any man will easily fall for you. You

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 46

    Binigyan nila ako ng time na mag-ayos muna ng sarili kaya umalis muna sila. Hihintayin nalang daw nila ako sa isa sa mga cottage sa harap ng resort. Hindi na ako nagsayang ng oras kaya agad na akong naghilamos, nag-toothbrush, at nagpalit na rin ako ng damit. Para mabilis ko silang mapuntahan ay hindi na ako nag-order ng pagkain. Dumaan nalang ako sa mini store ng resort para bumili ng biscuits at bottled water. Oo, kumakain ako habang naglalakad papunta sa cottage. Alam kong hindi tamang kumain habang naglalakad pero gusto ko na talagang malaman kung ano ang sasabihin nila. Hindi na ako makapaghintay. Agad ko silang natanaw matapos kong makalabas sa resort. Sa dagat sila nakaharap kaya hindi nila ako nakita kaagad. Naka-akbay si Blue kay Sajie at parang nag-u-usap sila. Ang sweet nilang tignan. "Hi, guys. Nandito na ako," sabi ko sa kanila nang makarating na ako sa cottage. Umayos naman sila ng upo at tumigil na si Blue sa pag-akbay sa kaniya. "Hi, Cat. Maupo ka," saad ni Sajie b

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 45

    Saglit ko muna siyang tinitigan bago ako ngumiti. Nagtataka ako kung bakit siya lumapit sa akin. "You may sit, Sajie.""Thank you," sambit niya bago siya umupo sa silyang nasa kabila ng aking mesa. Magkaharap kami at kitang-kitang namin ang mukha ng isa't isa."Bakit nandito ka?" nakangiti kong tanong at tinignan siya nang deretso. "Gusto mo bang kumain? O-order ako," dagdag ko pa."Gusto kong mag-sorry sa iyo," nahihiya niyang sabi. Napaka-inosente niya pa ring tignan pero hindi ko maintindihan kung bakit siya nagso-sorry. Wala naman siyang ginawang masama sa akin, hindi ba?"What do you mean?" Gustong-gusto ko na talagang malaman ang dahilan kung bakit siya nagso-sorry pero sinisikap ko pa ring maging kalmado at huwag mag-isip ng kung anu-ano."Excuse me po. Puwede ko na po bang kunin ang mga plato? Para po mas maayos kayong makapag-usap," saad ni Anghelita na nakalapit na pala sa amin."Sure," nakangiting sagot ko naman sa kaniya. "Thank you."Wala munang nagsalita sa amin ni Saj

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 44

    Wala kaming sinayang na oras ni Anghelita at ang bawat paghakbang namin ay talagang mabilis dahil hindi na ako makapaghintay na malaman kung nasa function hall ba siya. Mabilis lang naming narating ang lugar kaya agad akong pumasok habang nakasunod lang si Anghelita sa akin. Maraming tao at halos lahat ng upuan ay occupied na. Marami ang napasinghap nang makita nila ako pero hindi ko na iyon pinansin. "Dude, she's a beautiful b*tch!""Bro, she really is! Why so hot, miss?""Sis, may nanalo na. Grand entrance ang loka oh," rinig kong sabi ng isang babae. "Baka ganda lang ang mayroon iyan, 'te."Mas hindi ko pinansin ang mga salitang narinig ko pero hindi ko maipagkakailang may iilang tumatak talaga sa isip ko. Hindi lang ganda ang mayroon ako pero wala akong dapat patunayan sa mga tumatahol na tao. Nakakailang hakbang palang ako nang biglang mapako ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagkanta ng isang lalaking singer sa stage habang halos lahat ay nakatingin sa kaniya. Halos nakuha niya

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 43

    Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang hindi ko makita ni anino ni Flakes sa loob ng restaurant. Nakaramdam ako ng panlulumo dahil saktong alas-dose na pero wala pa siya. May usapan kami. Saglit palang akong nahiwalay sa kaniya pero parang na-miss ko siya. Parang ang weird sa pakiramdam na gusto ko na siyang makita agad. Hindi ko maintindihan kung bakit tila nadismaya ako nang hindi ko siya nadatnan na naghihintay sa akin. Para akong teenager na first time makaka-date ang crush niya kaso hindi siya sinipot kahit may usapan pa sila. Saglit akong nag-compose ng greetings para kay mommy, daddy, at Benny. Nang ma-click ko na ang send button ay napabuntong-hininga nalang ako. "Merry Christmas, guys. I miss you," bulong ko. Bagsak ang balikat na umupo ako sa isang upuan para hintayin si Flakes. Baka may importanteng ginawa lang kaya hindi nakapunta kaagad. Masiyado pang maaga para sabihing in-Indian niya ako. Hindi niya girlfriend ang naghihintay sa kaniya sa pagbalik namin sa res

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status