INICIAR SESIÓNMakikita ang paghinto ng puting kotse sa harap ng isang malaking boutique. Mula sa labas ay makikita ang mga manikin na nakadisplay at nakasuot ng magagarang suits. Sa taas ng entrance ay makikita ang gold sign na may nakasulat na 'Jake's Atelier.'
Bumaba mula sa backseat si Catriona bago pa man ito mapagbuksan ng driver nito, tila pinagsukluban ng langit at lupa ang itsura nito. Diretso itong naglakad patungo sa entrance ng boutique, walang binabanggit na kung ano. Agad din itong tumigil nang mapansin nitong walang nakasunod sa likuran nito. "This man is getting into my nerves..." inis na usal nito habang mahigpit na nakuyom ang mga kamao. Bumuga ito ng hangin upang pakalmahin ang sarili bago muling bumalik sa kotse. Tumambad dito ang natutulog na si Luther pagkabukas nito ng pinto ng passenger seat. Nakasuot pa ito ng airpods. Mas lalo pang sumama ang timpla ng ekspresyon ng mukha nito nang dahil doon. "Wake! Up!" Malakas na kinalampag nito ang bubong ng sasakyan kaya bumalikwas ng upo si Luther. Hinubad niya ang suot niyang airpods sabay luminga-linga. "Nandito na ba tayo?" tanong niya Napairap si Catriona sabay humalukipkip. "Paalala lang. I hired you as my fake boyfriend. Nalalagay na tauhan lang kita at boss mo ako. Dapat lang na sumunod ka sa anumang iuutos ko sa'yo. Don't act like you're on the same level as me. Nagkakaintindihan ba tayo?" Binigyan ito ni Luther ng nababagot na tingin pagkatapos ay humikab. "Paalala lang din. I'm the one who's doing you a favor here. You asked me for help and here I am." Tumayo siya at tumore sa tapat nito pagkatapos ay seryosong tinitigan ito sa mga mata. "You need a fake boyfriend, hindi asong utusan. We're on the same side kung tutuusin. Kaya nasa pareho lang tayong lebel." Bahagyang napaatras si Catriona dahil sa pagkailang. Kahit papaano ay nakaramdam ito ng pagkaintimida. "W-whatever you say. Baka nakakalimutan mong piniyansahan kita. You should be thanking me instead and do what I'm asking you to do. Nicely." Napaismid si Luther. Ibinulsa niya ang hawak niyang airpods. "Hindi ko ginustong piyansahan mo ako in the first place. Kung kailangan mo ng lalaking magpapanggap bilang peke mong kasintahan, why me, sa dinami-rami ng lalaki sa mundo?" wika niya, mababatid sa boses ang kaunting pagkauyam. "Because you knew I'm different. Because I'm the man you need. Ang pagpiyansa mo sa'kin ay pabor mo lang para gawin ko ang gusto mo." Hindi agad nakapagsalita si Catriona. Malikot lang ang mga mata nitong nakatingin sa mukha ni Luther. Makaraan ang ilang saglit ay nagsalubong ang mga kilay nito at itinulak si Luther paiwas sa daraanan nito. "You're flattering yourself. Kahit kailan ay hindi magiging magkalebel ang mga tao sa low class at high class." sambit nito bago nagtungo at pumasok ng boutique, may binubulong pa na kung ano. Sinundan lang ito ni Luther ng tingin pagkatapos ay nailing-iling sa pagkadismaya. "Beautiful outside, but devilish inside. What a woman." pabulong niyang wika bago sumunod rito. Pagkapasok niya ay tumambad sa kanya ang hile-hilerang magagara at nagmamahalang mga suit. Hinanap niya si Catriona at nakita itong nakatayo malapit sa may counter. "Anong gagawin natin dito?" tanong niya pagkalapit niya rito kahit alam niya naman kung anong gagawin nila roon. Hindi tumugon si Catriona sa halip ay binigyan lang siya nito ng 'ano-sa-palagay-mo' na tingin. "May problema ba sa suot ko? Ayos naman 'to hindi ba?" pangangasar niya. "Oh please stop talking," inis na sambit nito. "Dinaig mo pa ang delivery rider sa suot mong 'yan." Napasimangot nalang si Luther pagkatapos ay muling bumalik sa pagmamasid-masid ng mga suit. Kahit na iyon ang unang beses na nakapasok siya sa ganoong klaseng lugar ay walang kamangha-mangha ang makikita sa kanyang mga mata habang tinitingnan at sinisiyasat ang mga nagmamahalang suit na naroon. Sa totoo lang ay napakarami niya ring suit at higit na mas mahal ang mga iyon kumpara sa mga ito. Aabuting ng lima hanggang sa sampung kumbinasyon ng mga ito bago matumbasan ang presyo ng kanyang mga pag-aaring suit. Maya-maya lang ay isang lalaking may kulay kahel na buhok ang lumabas mula sa kwarto sa likod ng counter. Sumilay ang malawak nitong ngiti nang makita nito si Catriona. "Cat Silva," madrama nitong sambit. "Ang prinsesa ng mga bulaklak." Kumunot ang noo ni Luther matapos marinig iyon. 'Prinsesa ng mga bulaklak?' "Jake," bati ni Catriona sa pantay na labi. "I need your help." diretsahang sambit nito. "Hindi mo na kailangang sabihin. I already know." Tumawa si Jake. "What is it this time? A press ambush? Escaping someone? Or..." Lumagpas ang tingin nito kay Catriona, diretso kay Luther. Naningkit ang mga mata nito. "...a man?" Binigyan ito ni Luther ng tipid na pagtango bilang pagbati. "Afternoon." Tumalas ang tingin ni Jake, parang sinusukat ang katauhan ni Luther. Sinundan iyon ng mahina nitong pagtawa. "I already like him." wika nito. "Kailangan niya ng suit. Something formal. Black tie." walang paligoy-ligoy na sambit ni Catriona sa seryosong mukha. Hindi tumugon si Jake, sa halip ay lumapit ito kay Luther. Inikutan nito ito habang nasa likod ang mga kamay. "Anong okasyon? Libing? Kasal? Court appearance?" Pigil na natawa si Luther. "'Yong pangalawa," usal niya. Natigilan si Jake pagkatapos ay namimilog ang mga matang tiningnan si Catriona. "Totoo? Kanino?" Sinamaan ni Catriona ng tingin si Luther. "Don't mind him. Just dress him." utos nito. Natawa na lamang si Jake, ipinagpalagay na nagbibiro lang si Luther. Makaraan ng ilang saglit ay pinagpitik nito ang mga daliri nito. "Alam ko na ang kailangan mo. Wait here. I'll be back." Mabilis na umalis ito at bumalik sa silid na pinanggalingan nito. Minuto lang ang lumipas ay nagkukumahog na bumalik ito bitbit ang dalawang suits — isang navy, at isang kakulay ng uling. "Okay, mystery man. Tingnan natin kung alin ang babagay sa'yo rito." Kinuha ni Luther ang isa sa mga ito at tiningnan ang presyo niyon. "Kapag ba sinuot ko 'to, pag-aari ko na 'to?" pabiro niyang tanong. "Just try if it fits." Tugon ni Catriona. "Hindi nakakamatay ang pagsuot ng magarang damit. Usually." Hindi nagsalita si Luther. Bitbit ang itim na suit ay pumasok siya sa fitting room. Dinukot ni Catriona sa kanyang sling bag ang kanyang cellphone. Saka namang paglapit ni Jake rito. "He's got that edge," nakangiti nitong sambit. "Rough, seryoso pero hindi seryoso. I can't read him. It's hard to predict what he likes." Hindi umimik si Catriona. Patuloy lang ito sa pag-scroll sa cellphone nito. Tila walang pakialam sa komento ni Jake. "Tell me, saan mo siya napulot?" usisa nito. "Hindi mo na kailangan pang malaman." diretsang tugon ni Catriona, walang ganang makipag-usap. Natawa si Jake. "Don't tell me he's your type?" "I don’t have a type." Tumaas ang mga kilay ni Jake sa mapaglarong paraan. Mahina nitong siniko si Catriona. "Everyone has a type, darling. Kaya siya ang napili mo, hindi ba?" Huminto sa pag-scroll si Catriona. Tiningnan nito ang nakasaradong kurtina ng fitting room. Sumimangot ito. "Nonsense. He's not my type." Kung maisasalarawan lang sa salita ang salitang 'pagkairita' ay iyon na iyon ang tingin nito kay Luther. Natatawang nailing-iling nalang si Jake. "Sabi mo eh." Ilang saglit pa ang lumipas, bumukas ang kurtina ng fitting room. Lumabas mula roon si Luther habang inaayos ang sleeves ng suot niyang suit. Para siyang h********n niyon dahil sa saktong-sakto iyon sa kanya. Hindi niya lang basta suot iyon, tila pag-aari niya iyon. Sumipol si Jake. "Oh sweet saints of style, kulang lang sa suklay but he's perfect." natutuwang usal nito. Lumingon si Catriona sa direksyon ng fitting room, handa nang ibuka ang bibig para sana pagmadaliin si Luther, pero saglit itong nanigas sa kinatatayuan nito. Ang lalaking nakatayo ngayon doon ay hindi na ang lalaking bugnutin at galing sa bilangguan na kanyang piniyansahan noong huling linggo. Ang lalaking kanina lang na kinaiinisan niya at tinawag niya pang mukhang delivery rider. Ang lalaking kung may sapat lang na oras ay hinanapan niya na sana ng kapalit. 'Is he the same guy a while ago?' hindi makapaniwalang tanong nito sa isip habang bahagyang nakaawang ang bibig."What?!""Ano raw? Boyfriend ni Catriona?""Hindi ba't engaged na siya kay Denver?""What's going on?"Mula sa pagdating, hanggang sa makapasok sa loob ng mansyon ay nakasunod lang ang tingin ng mga bisita kay Catriona at sa lalaking kasama nito, kaya hindi nakaligtas sa kanilang pandinig ang ginawang pagpapakilala ni Catriona kay Luther sa mga magulang nito.Karamihan sa mga ito ay hindi mapigilang mapaawang ang bibig sa gulat, sa puntong pwede nang pagkasyahin ang buong itlog sa bunganga ng mga ito."A-anong sabi mo? This guy... is your boyfriend?"Sa kabila ng napakalinaw na pagkakabigkas ni Catriona ng sinabi nito ay tila hindi iyon naintindihan nang lubos ni Carmen. Malikot ang mga matang napatitig ito nang husto sa mukha ng anak, hinihiling na sana ay mali lang ang pagkakarinig nito."Mom, you heard me." pagkumpirma ni Catriona. "Plano ko nang ipakilala sainyo noon pa man si Luther, but he's a busy man. Business thing... you know." dagdag pa nito na sinundan ng awkward na pagtaw
"Ehem," Tumikhim si Jake upang agawin ang atensyon ni Catriona. "Akala ko ba hindi siya ang tipo mo? Eh bakit titig na titig ka d'yan?"Mabilis na umiling-iling si Catriona nang magbalik ito sa sariling diwa. "O-of course not! Tinitingnan ko lang kung sakto sa kanya ang binigay mo." depensa nito pagkatapos ay marahang itinulak palayo si Jake. "Stop messing around with me, Jake."Tumawa si Jake. "Then tell me, Cat. Ano siya sa'yo? Once in a blue moon lang kitang makitang may kasamang lalaki. It doesn't seem like he's your bodyguard to me. Or is he? Malamang na ang assistant mo ang kasama niya ngayon kung tauhan mo—""It's none of your business," putol ni Catriona rito sabay abot ng card na kakadukot lang nito sa bag nito. "Hurry up. Kailangan na naming magmadali."Mababaw na bumuntong-hininga nalang si Jake bilang pagsuko sabay kuha ng card. "Alright."Pagkaalis nito ay nilapitan ni Catriona si Luther na nag-aayos ng necktie sa harap ng malaking salamin. Kumunot ang noo nito nang mapan
Makikita ang paghinto ng puting kotse sa harap ng isang malaking boutique. Mula sa labas ay makikita ang mga manikin na nakadisplay at nakasuot ng magagarang suits. Sa taas ng entrance ay makikita ang gold sign na may nakasulat na 'Jake's Atelier.'Bumaba mula sa backseat si Catriona bago pa man ito mapagbuksan ng driver nito, tila pinagsukluban ng langit at lupa ang itsura nito. Diretso itong naglakad patungo sa entrance ng boutique, walang binabanggit na kung ano.Agad din itong tumigil nang mapansin nitong walang nakasunod sa likuran nito."This man is getting into my nerves..." inis na usal nito habang mahigpit na nakuyom ang mga kamao.Bumuga ito ng hangin upang pakalmahin ang sarili bago muling bumalik sa kotse. Tumambad dito ang natutulog na si Luther pagkabukas nito ng pinto ng passenger seat. Nakasuot pa ito ng airpods. Mas lalo pang sumama ang timpla ng ekspresyon ng mukha nito nang dahil doon."Wake! Up!" Malakas na kinalampag nito ang bubong ng sasakyan kaya bumalikwas ng
Pumailanlang sa malawak na visitors' area ang isang malakas na tawa. Halos lahat napalingon sa direksyon ng mesa nina Luther at Catriona."Ako? Magpapanggap bilang syota mo? Seryoso ka ba?" nakatawang tanong ni Luther na sinundan ulit ng malutong na tawa.Medyo malakas pa ang kanyang pagkakasabi niyon kaya napaawang nalang ang bibig ng ilang taong nakarinig niyon. Lalo na iyong mga kanina pang palihim na nakatingin kay Catriona.Maging ang pulis na kasama ni Luther kanina lang ay mayroong hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha nito."Timamaan ka nga naman ng lintik na swerte," natatawang bulong nito sabay nailing.Nagsalubong ang mga kilay ni Catriona. "Can you lower down your voice? It's not something you should be grateful for." inis nitong sambit.Kumalma si Luther ngunit nananatili siyang nakabungisngis. "Pasensya na. Nadala lang ako sa napakaganda mong biro. Pwede kang maging komedyante dahil d'yan." pang-uuyam niya pagkatapos ay muling naupo."I'm serious, Luther. I bailed you
Dinala ng pulis si Luther sa visitors' area, kung saan makikita ang pahabang bakal na mesa. Pinaghihiwalay niyon ang mga bilanggo sa kani-kanilang mga bisita. Mabagal ang kanyang mga paghakbang, habang mayroong seryosong ekspresyon lang sa mukha.Sa dulong bahagi ng mesa ay matatanaw ang isang babaeng nakaupo, tahimik na naghihintay. Napakaelegante nitong pagmasdan at tila hindi ito nababagay sa ganoong klaseng lugar. Ikinukubli ng anino ng mahaba at medyo kulot nitong buhok ang mukha nito. Sinasabi na ng magara nitong kasuotan na kabilang ito sa isang high class na pamilya."Siya ang tinutukoy ko," wika ng pulis sabay turo sa babae gamit ang hawak nitong baton. "Kilala mo ba siya?"Naningkit ang mga mata ni Luther. Makaraan ang ilang saglit ay umiling siya. "Marahil sa nakaraan naming buhay." pabiro niyang tugon.Mahinang natawa ang pulis. "Mukhang nasa puder mo ngayon ang swerte, Rutherford." makahulugan nitong sambit. Pumalatak pa ito bago lumapit at tumayo sa tabi ng isa pang puli
Nakaupo si Luther sa harap ng chessboard habang nakapangalumbaba, nababagot na nakatitig sa pinaghalong itim at puting mga piyesa. Pinupuno ang seldang iyon ng amoy ng pawis ng mga bilanggong nagtitipon-tipon sa paligid nila at tahimik na nanonood sa kanila.Ang kalaban niya ay isang malaking lalaki na kapwa niya preso. Kilala ito sa tawag na Ramos. Kasabay ng pagdaloy ng pawis nito sa gilid ng noo nito ay ang antisipasyon sa maaaring sunod na ititira ni Luther at kung anong kanyang istratehiya."Kung ako sa'yo, mag-resign ka nalang. Hindi mo matatalo si Ramos!" natatawang wika ng isang preso na siyang bumasag ng katahimikan. Napatingin dito lahat ng tao roon maliban sa dalawang naglalaban. "Bakit?" kunot-noong tanong nito."Hindi mo ba nakikita, lamang na si Kano ng apat na puntos?" bulong na sambit ng katabi nito.Dahil sa mukhang amerikano si Luther, unang tapak niya palang sa bilangguang iyon ay nabansagan na siyang kano. Idagdag pang Rutherford ang kanyang apelyido."Eh ano naman







