INICIAR SESIÓN"Ehem," Tumikhim si Jake upang agawin ang atensyon ni Catriona. "Akala ko ba hindi siya ang tipo mo? Eh bakit titig na titig ka d'yan?"
Mabilis na umiling-iling si Catriona nang magbalik ito sa sariling diwa. "O-of course not! Tinitingnan ko lang kung sakto sa kanya ang binigay mo." depensa nito pagkatapos ay marahang itinulak palayo si Jake. "Stop messing around with me, Jake." Tumawa si Jake. "Then tell me, Cat. Ano siya sa'yo? Once in a blue moon lang kitang makitang may kasamang lalaki. It doesn't seem like he's your bodyguard to me. Or is he? Malamang na ang assistant mo ang kasama niya ngayon kung tauhan mo—" "It's none of your business," putol ni Catriona rito sabay abot ng card na kakadukot lang nito sa bag nito. "Hurry up. Kailangan na naming magmadali." Mababaw na bumuntong-hininga nalang si Jake bilang pagsuko sabay kuha ng card. "Alright." Pagkaalis nito ay nilapitan ni Catriona si Luther na nag-aayos ng necktie sa harap ng malaking salamin. Kumunot ang noo nito nang mapansin nito kung gaano kakomportable si Luther sa ginagawa nito. "How often do you wear suits?" usisa nito. Bahagyang natigilan si Luther sa kanyang ginagawa. Sinulyapan niya si Catriona na nakatayo sa kanyang likuran sa pamamagitan ng repleksyon nito. "Sinabi ko naman sa'yong wala ako n'on." tugon niya sa kaswal na mukha. Pero ang totoo ay natatawa siya sa kanyang kaloob-looban. Hindi niya akalaing mapapansin ni Catriona kung gaano siya kasanay sa pagsusuot ng suit sa pamamagitan lang ng pag-aayos niya ng necktie. "Well, it suits you." wika nito pagkaraan ng saglit na pananahimik. "Ngayon bilisan mo na. Kanina pa nila ako hinahanap." "Pamilya mo?" "Everyone." -:-:-:-:- Sa Silva Residence... Pinupuno ng mga bisita ang malawak na patyo ng mansyon ng pamilya Silva. Mga sikat at kilalang mga negosyante, mga politiko, mga kamag-anak, at mga kaibigan ng magkabilang pamilya ang dumalo. Ngayong araw gaganapin ang selebrasyon ng kasunduang kasal ng dalawang pamilya: ang pamilya Silva at pamilya Acosta. Sa kabila ng kung saan ginaganap ang pagtitipon-tipon, higit na mas marami ang dumalong maimpluwensyang indibidwal sa panig ng pamilya Acosta kumpara sa panig ng pamilya Silva. Ang tanging marami lang sa mga dumalo sa panig ng pamilya Silva ay ang kanilang mga kamag-anak. Iyon ay dahil sa higit na mas mataas ang estado ng pamilya Acosta kumpara sa pamilya Silva. Kahit na kabilang ang pamilya Silva sa high class society, sila ang pinakamababa. Kaya kung may mas umangat sa kanilang kabilang sa middle class ay tiyak na madali lang silang matatabunan. Kung sasamain pa ang kanilang kapalaran ay baka bumagsak sila sa middle class. Kaya naman napakaimportante ng selebrasyong ito para sa buong angkan ng pamilya Silva. Sa tulong ng pamilya Acosta ay mas titibay pa ang kanilang pundasyon sa high class. "Bakit wala pa siya? Magsisimula na ang seremonya. Hindi ba niya talaga siniseryoso ang pamilya Acosta?" inis na saad ng isang ginang habang todo ang paypay sa sarili, halatadong inip na inip na. "Tingin niya siguro sa kanyang sarili ay prinsesa. Siya dapat ang nagsisilbi sa pamilya Acosta para mas mapalapit pa siya sa kanila. Hindi ba siya nahihiya sa kanila?" gatong naman ng isa pang babae. Kung pagmamasdan nang maigi ay mawawari kaagad na mag-ina ang mga ito dahil sa halos magkamukha ang mga ito sa kabila ng pagitan ng edad ng mga ito. Mula sa paraan ng pagsimangot, hanggang sa paraan ng pagtulis ng nguso ng mga ito ay magkamukhang-magkamukha ang mga ito. Parang magkatandem na kontrabida ang mga ito kung pagmamasdan. "Ninet, anong palagay mo sa anak ko katulong? If you want to serve the Acostas so badly, do it yourself!" pagalit na singhal ng isang ginang sa mas batang nagkomento patungkol sa pagiging late ni Catriona. Kung nandito lang si Luther, madali lang para sa kanyang matukoy na ang babaeng ito ay walang iba kung hindi ang ina ni Catriona. Katulad ng mag-inang nanunumbat sa pagiging late ni Catriona, kamukhang-kamukha rin ni Catriona ang ginang. Para itong matandang bersyon ni Catriona. "Sino ka para pagsalitaan ang anak ko nang ganyan? Wala kang boses sa pamilyang 'to! Ano naman kung pagsalitaan namin nang masama ang magaling mong anak? Nakikitira lang naman kayo sa pamamahay na ito!" agad na bulyaw ng ginang na naunang pagsalitaan si Catriona nang masama. Umismid ang ina ni Catriona pagkatapos ay nameywang. "Hah! Talk to me like that again kapag naging pinuno na ng pamilya ang asawa ko! Tingnan nalang natin kung hanggang saan aabot ang pagiging maldita n'yong mag-ina!" "You..." "Brigette, Carmen, Magsitigil nga kayo! Dinaig n'yo pa ang mga bata!" pagalit na singhal ng isang lalaking nakatayo sa likuran ng dalawang nag-aaway. "Hindi ba kayo nahihiya sa mga bisita?" Ang lalaking ito ay ang ama ni Catriona, si Leonardo Silva. Panganay na anak na lalaki ng pinuno ng pamilya Silva. Kung hindi dahil sa kasunduang kasal ng anak nito at anak ng mga Acosta, walang tsansa na maging pinuno ito ng pamilya kahit na ito pa ang panganay na anak na lalaki. Bukod sa walang talento sa negosyo ay may sa pagkatamad din ito. Kumbaga ay napilitan lang ang pinuno ng pamilya Silva na i-appoint itong susunod na pinuno ng pamilya dahil sa ama ito ni Catriona, na siyang bukod tanging rason. Matapos marinig ang pagiging maawtoridad ni Leonardo ay hindi mapigilan ni Brigette na bigyan ito ng masamang tingin. 'Hmph, you useless fool! Kung hindi dahil sa magaling mong anak ay habang buhay ka nang walang kwenta.' pangungutya nito sa isip nito. Sa kabila ng galit at inggit nito ay hindi nito gugustuhing pabigatin ang relasyong mayroon ito sa kapatid nito kaya wala itong ibang magawa kung hindi ang idaan nalang sa isip ang anumang masasamang salitang gusto nitong isaboses. Una sa lahat ay magiging pinuno na ng pamilya si Leonardo pagkatapos ng kasal. Kapag nangyari iyon ay ito na halos ang may kontrol ng lahat. Sa huli ay malalagay na sila nalang ang makikitira sa mansyon ng pamilya Silva. Nang makita ang pagtikom ng bibig ni Brigette ay hindi maiwasang masiyahan ni Carmen. Sa wakas ay makokontrol niya na ang babaeng ito kapag naging pinuno na ng pamilya ang kanyang asawa. 'Maghintay ka lang bruha ka.' nakangising saad nito sa isip nito pagkatapos ay malambing na tumabi kay Leonardo. "Hon, nagreply na ba si Catty?" bulong na tanong nito sa malambing ding boses. Marahang tumango si Leonardo. "Siguro ay malapit na siya. Kanina pa siya nagreply na papunta na raw siya." tugon nito na sinundan ng pagliwanag ng mga mata habang nakatingin sa entrance ng bulwagan. "Andito na pala siya eh." dugtong agad nito. Ngunit hindi rin nagtagal, mula sa pagiging kalmado ng mukha ay napasimangot ito nang makita nito ang lalaking katabi ni Catriona. Hindi lang iyon, magkakapit din ang siko ng mga ito. "Really?" galak na tumanaw din sa malaking entrance ng bulwagan si Carmen. Dahil sa dami ng tao ay tumingkayad pa ito para lang dumungaw. Katulad ng naging reaksyon ni Leonardo ay napasimangot din ito nang makita nitong may kasamang lalaki si Catriona. "Mom, Dad," bati ni Catriona nang makalapit ito sa kinaroroonan ng mag-asawa. Subalit na imbes na batiin pabalik ay nagkatinginan lang ang mag-asawa at nagtatanong ang mga matang sabay na pinagmasdan ang gwapong lalaking kakapit-bisig ni Catriona. "Uh..." Sa kabila ng hesitasyon ay buo ang loob at kalmadong ipinakilala ni Catriona ang lalaki sa mga magulang nito. "Mom, Dad, this is Luther, my boyfriend.""What?!""Ano raw? Boyfriend ni Catriona?""Hindi ba't engaged na siya kay Denver?""What's going on?"Mula sa pagdating, hanggang sa makapasok sa loob ng mansyon ay nakasunod lang ang tingin ng mga bisita kay Catriona at sa lalaking kasama nito, kaya hindi nakaligtas sa kanilang pandinig ang ginawang pagpapakilala ni Catriona kay Luther sa mga magulang nito.Karamihan sa mga ito ay hindi mapigilang mapaawang ang bibig sa gulat, sa puntong pwede nang pagkasyahin ang buong itlog sa bunganga ng mga ito."A-anong sabi mo? This guy... is your boyfriend?"Sa kabila ng napakalinaw na pagkakabigkas ni Catriona ng sinabi nito ay tila hindi iyon naintindihan nang lubos ni Carmen. Malikot ang mga matang napatitig ito nang husto sa mukha ng anak, hinihiling na sana ay mali lang ang pagkakarinig nito."Mom, you heard me." pagkumpirma ni Catriona. "Plano ko nang ipakilala sainyo noon pa man si Luther, but he's a busy man. Business thing... you know." dagdag pa nito na sinundan ng awkward na pagtaw
"Ehem," Tumikhim si Jake upang agawin ang atensyon ni Catriona. "Akala ko ba hindi siya ang tipo mo? Eh bakit titig na titig ka d'yan?"Mabilis na umiling-iling si Catriona nang magbalik ito sa sariling diwa. "O-of course not! Tinitingnan ko lang kung sakto sa kanya ang binigay mo." depensa nito pagkatapos ay marahang itinulak palayo si Jake. "Stop messing around with me, Jake."Tumawa si Jake. "Then tell me, Cat. Ano siya sa'yo? Once in a blue moon lang kitang makitang may kasamang lalaki. It doesn't seem like he's your bodyguard to me. Or is he? Malamang na ang assistant mo ang kasama niya ngayon kung tauhan mo—""It's none of your business," putol ni Catriona rito sabay abot ng card na kakadukot lang nito sa bag nito. "Hurry up. Kailangan na naming magmadali."Mababaw na bumuntong-hininga nalang si Jake bilang pagsuko sabay kuha ng card. "Alright."Pagkaalis nito ay nilapitan ni Catriona si Luther na nag-aayos ng necktie sa harap ng malaking salamin. Kumunot ang noo nito nang mapan
Makikita ang paghinto ng puting kotse sa harap ng isang malaking boutique. Mula sa labas ay makikita ang mga manikin na nakadisplay at nakasuot ng magagarang suits. Sa taas ng entrance ay makikita ang gold sign na may nakasulat na 'Jake's Atelier.'Bumaba mula sa backseat si Catriona bago pa man ito mapagbuksan ng driver nito, tila pinagsukluban ng langit at lupa ang itsura nito. Diretso itong naglakad patungo sa entrance ng boutique, walang binabanggit na kung ano.Agad din itong tumigil nang mapansin nitong walang nakasunod sa likuran nito."This man is getting into my nerves..." inis na usal nito habang mahigpit na nakuyom ang mga kamao.Bumuga ito ng hangin upang pakalmahin ang sarili bago muling bumalik sa kotse. Tumambad dito ang natutulog na si Luther pagkabukas nito ng pinto ng passenger seat. Nakasuot pa ito ng airpods. Mas lalo pang sumama ang timpla ng ekspresyon ng mukha nito nang dahil doon."Wake! Up!" Malakas na kinalampag nito ang bubong ng sasakyan kaya bumalikwas ng
Pumailanlang sa malawak na visitors' area ang isang malakas na tawa. Halos lahat napalingon sa direksyon ng mesa nina Luther at Catriona."Ako? Magpapanggap bilang syota mo? Seryoso ka ba?" nakatawang tanong ni Luther na sinundan ulit ng malutong na tawa.Medyo malakas pa ang kanyang pagkakasabi niyon kaya napaawang nalang ang bibig ng ilang taong nakarinig niyon. Lalo na iyong mga kanina pang palihim na nakatingin kay Catriona.Maging ang pulis na kasama ni Luther kanina lang ay mayroong hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha nito."Timamaan ka nga naman ng lintik na swerte," natatawang bulong nito sabay nailing.Nagsalubong ang mga kilay ni Catriona. "Can you lower down your voice? It's not something you should be grateful for." inis nitong sambit.Kumalma si Luther ngunit nananatili siyang nakabungisngis. "Pasensya na. Nadala lang ako sa napakaganda mong biro. Pwede kang maging komedyante dahil d'yan." pang-uuyam niya pagkatapos ay muling naupo."I'm serious, Luther. I bailed you
Dinala ng pulis si Luther sa visitors' area, kung saan makikita ang pahabang bakal na mesa. Pinaghihiwalay niyon ang mga bilanggo sa kani-kanilang mga bisita. Mabagal ang kanyang mga paghakbang, habang mayroong seryosong ekspresyon lang sa mukha.Sa dulong bahagi ng mesa ay matatanaw ang isang babaeng nakaupo, tahimik na naghihintay. Napakaelegante nitong pagmasdan at tila hindi ito nababagay sa ganoong klaseng lugar. Ikinukubli ng anino ng mahaba at medyo kulot nitong buhok ang mukha nito. Sinasabi na ng magara nitong kasuotan na kabilang ito sa isang high class na pamilya."Siya ang tinutukoy ko," wika ng pulis sabay turo sa babae gamit ang hawak nitong baton. "Kilala mo ba siya?"Naningkit ang mga mata ni Luther. Makaraan ang ilang saglit ay umiling siya. "Marahil sa nakaraan naming buhay." pabiro niyang tugon.Mahinang natawa ang pulis. "Mukhang nasa puder mo ngayon ang swerte, Rutherford." makahulugan nitong sambit. Pumalatak pa ito bago lumapit at tumayo sa tabi ng isa pang puli
Nakaupo si Luther sa harap ng chessboard habang nakapangalumbaba, nababagot na nakatitig sa pinaghalong itim at puting mga piyesa. Pinupuno ang seldang iyon ng amoy ng pawis ng mga bilanggong nagtitipon-tipon sa paligid nila at tahimik na nanonood sa kanila.Ang kalaban niya ay isang malaking lalaki na kapwa niya preso. Kilala ito sa tawag na Ramos. Kasabay ng pagdaloy ng pawis nito sa gilid ng noo nito ay ang antisipasyon sa maaaring sunod na ititira ni Luther at kung anong kanyang istratehiya."Kung ako sa'yo, mag-resign ka nalang. Hindi mo matatalo si Ramos!" natatawang wika ng isang preso na siyang bumasag ng katahimikan. Napatingin dito lahat ng tao roon maliban sa dalawang naglalaban. "Bakit?" kunot-noong tanong nito."Hindi mo ba nakikita, lamang na si Kano ng apat na puntos?" bulong na sambit ng katabi nito.Dahil sa mukhang amerikano si Luther, unang tapak niya palang sa bilangguang iyon ay nabansagan na siyang kano. Idagdag pang Rutherford ang kanyang apelyido."Eh ano naman






