INICIAR SESIÓNPumailanlang sa malawak na visitors' area ang isang malakas na tawa. Halos lahat napalingon sa direksyon ng mesa nina Luther at Catriona.
"Ako? Magpapanggap bilang syota mo? Seryoso ka ba?" nakatawang tanong ni Luther na sinundan ulit ng malutong na tawa. Medyo malakas pa ang kanyang pagkakasabi niyon kaya napaawang nalang ang bibig ng ilang taong nakarinig niyon. Lalo na iyong mga kanina pang palihim na nakatingin kay Catriona. Maging ang pulis na kasama ni Luther kanina lang ay mayroong hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha nito. "Timamaan ka nga naman ng lintik na swerte," natatawang bulong nito sabay nailing. Nagsalubong ang mga kilay ni Catriona. "Can you lower down your voice? It's not something you should be grateful for." inis nitong sambit. Kumalma si Luther ngunit nananatili siyang nakabungisngis. "Pasensya na. Nadala lang ako sa napakaganda mong biro. Pwede kang maging komedyante dahil d'yan." pang-uuyam niya pagkatapos ay muling naupo. "I'm serious, Luther. I bailed you out para tulungan mo ako." Binigyan ni Catriona ng seryosong tingin si Luther. "It's a win-win right? Tinulungan kitang makalaya at tutulungan mo rin akong makalaya." "At ano namang nagbigay sa'yo ng ideyang papayag ako at tutulungan kita matapos mo akong piyansahan? Hindi ka ba nababahalang hindi ako tumupad sa anumang kundisyon mo pagkalabas ko rito? Who said I need you to bail me out just to return the favor?" sunod-sunod na tanong niya sa mapaglarong tono. Nagpakawala ng mababaw na buntong hininga si Catriona. May dinukot itong puting envelope sa loob ng sling bag nito at inilapag iyon sa mesa. "'Yan ang magiging paunang bayad ko sa'yo. That's a hundred thousand. The rest, pagkatapos ng ating kontrata." Kumunot ang noo ni Luther nang makita ang envelope. Gusto niyang tumawa ulit ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Malaking halaga iyon, pero para sa kanya ay barya lang iyon. "Marahil ay hindi ka lang nag-iisip o sadyang talagang desperada ka lang." naiiling niyang sambit. Itinukod niya ang pinagsalikop niyang mga kamay sa kanyang baba. "Hindi porket kabilang ako sa low class ay kaya mo nang tapatan ng pera ang pagkatao ko. Sa palagay mo ba ay mapapapayag mo ako gamit ang perang 'yan?" Hindi agad nakaimik si Catriona. Kahit papaano ay may punto si Luther. Ang nasa isip lang nito nang puntong iyon ay ang mapapapayag ito sa kanyang inaalok. Hindi niya isinaalang-alang ang maaaring maramdaman nito. 'But why? Hindi ba't pare-pareho lang naman ang hangad ng mga tao sa low class? Magkaroon ng pera sa madaling paraan? Bakit siya nagpapanggap na parang hindi niya kailangan ng pera?' 'Or maybe he's just afraid of what I'm asking him to do?' Tumikhim ito. "Don't worry, wala ni sinumang makakapanakit sa'yo. I swear I will protect you no matter what, at alam ko namang kaya mo ring protektahan ang sarili mo just in case na malingat ako. That's why I chose you, a man with good fighting skills." Nablangko ang mukha ni Luther dahil sa pagkadismaya. 'Is this woman for real? Hindi ba nauunawaan ng babaeng ito na hindi lahat ng tao ay nasusuhulan ng pera?' "Anyways, that's it for now," Kinuha ni Catriona ang envelope at ibinalik iyon sa loob ng bag. "I'll give it to you next week. I'm only here to tell you that you've got yourself a job. And I'm your employer." wika nito sabay tayo at nagsuot ng shades. Napaawang nalang ang bibig ni Luther. 'Seryoso ba ang babaeng 'to? Pumayag ba ako?' "T-teka nga—" "I'll pick you up sa araw mismo ng laya mo. Don't try to ditch me or else ay ibabalik kita rito." putol nito sa kanya pagkatapos ay tumalikod at umalis. Naiwang tulala si Luther, hindi makapaniwala sa inasta ni Catriona. Ni hindi nga nito ipinaliwanag ang rason kung bakit gusto nitong magpanggap siya bilang peke nitong kasintahan. "Ang bilis n'on ah. Sinagot mo ba agad?" Sinamaan ni Luther ng tingin ang pulis na nakatayo na ngayon sa kanyang likuran. Sinundan niya lang ng tingin si Catriona na papalabas na ng pintuan. -:-:-:-:- Sumunod na linggo, makikita ang pagbukas ng malaking gate ng bilangguan. Iniluwa niyon si Luther, may nababagot na mukha, ganap nang laya. Para sa karamihan ay isa iyon sa pinakamasayang araw nila. Pero para sa kanya ay normal na araw lang iyon. Idagdag pang may naghihintay sa kanyang sa palagay niya ay responsibilidad na kailangan niyang gampanan. "That woman, sino siya sa palagay niya para utusan ako?" banas na bulong niya sa sarili. Diretso siyang umuwi sa kanyang apartment. Agad siyang naligo at nagbihis ng damit na kadalasan niyang suot tuwing may pupuntahan — kupas na pantalon at kaswal na puting t-shirt na nakapaloob sa itim na jacket. Matapos ng kaunting oras na paghihintay, isang puting kotse ang huminto sa tapat ng building kung nasaan ang kanyang apartment. Bumaba mula sa passenger seat si Catriona. Katulad ng una niyang kita rito ay napakaelegante nitong tingnan na siyang umagaw agad ng atensyon ng mga taong nasa paligid. Nakasuot ito ng puting sheath dress at hinuhulma niyon ang maganda nitong hubog ng katawan. Ang buhok nito ay nakalugay sa kaliwang bahagi kaya kitang-kita kung gaano kaputi at kakinis ang leeg nitong pinapalamutian ng mamahaling kwintas. Hindi gaano makapal ang make-up nito at mayroon lang itong banayad na bahid ng pulang lipstick sa labi. Sa kanang tainga nito ay makikita ang isang dyamanteng hikaw. Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa gusali pero inignora lang ang mga iyon ni Luther maging na ang mga tingin na ipinupukol ng mga ito sa kanya. "Dapat ko bang ikatuwa na mismong ang napakaganda ko pang syota ang sumundo sa'kin?" malakas na wika niya sa nang-aasar na tono. Halatang gusto lang inisin si Catriona. Dahil doon ay mas lalo pang lumakas ang bulungan ng mga tao. Ngunit binalewala lang iyon ni Catriona. Sa halip ay dismayadong pinagmasdan nito ang kasuotan ni Luther na siyang una nitong napansin. "Why aren’t you in formal attire?" tanong nito. Tinaasan ito ni Luther ng kilay pagkatapos ay nameywang. "Dahil sa wala naman ako n'on." tugon niya, ginaya pa ang paraan ng pananalita ni Catriona. Bahagyang umawang ang bibig ni Catriona dahil sa hindi pagkapaniwala. "Ugh, you've got to be kidding me..." bagsak ang balikat na sambit nito. "Pupunta tayo sa isang pagdiriwang. Lahat ay nakasuot ng formal attire. But you…" Muli nitong pinasadahan ng tingin si Luther mula paa hanggang ulo. "…don’t exactly look the part. Ni hindi ka nga ata nagsuklay man lang." Nagkibit-balikat lang si Luther, tila walang pakialam. "Not my problem. Wala ka namang nabanggit sa'kin patungkol sa formal attire. Didn't even tell what exactly I'm going to do. So be it." nanghahamon niyang wika. Napasampal sa noo si Catriona at pinagdiin nito ang mga labi dahil sa pagkainis, pero agad din namang bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili. Kung tutuusin ay tama si Luther. Wala siyang nabanggit dito patungkol sa kung anong dapat nitong suotin. "Fine. Get in the..." utos nito ngunit nauna nang kumilos si Luther patungong passenger seat bago pa man nito matapos ang gusto nitong sabihin. "What?" takang tanong niya nang bigyan siya ng nagtatanong na tingin nito. "You should be in the back seat. Pwesto ko 'yan." ani nito. "Siya ang dapat na nasa backseat." tugon niya habang nakaturo sa babaeng driver sabay sarado ng pinto. Napaawang nalang ang bibig ni Catriona nang mapagtanto ang gustong mangyari ni Luther. 'Gusto ba ng lalaking 'to na ako ang magmaneho?' Ilang saglit lang ay dahan-dahang bumukas ang bintana ng passenger seat, ibinalandra ang blangkong mukha ni Luther. "Magkasintahan na tayo ngayon, hindi ba? Dapat lang na ipinagmamaneho natin ang isa't-isa. But since hindi ako marunong magmaneho, at wala akong lisensya, alam mo na kung ano ang dapat mong gawin." wika niya sa mapaglarong tono sabay kindat. Muling sumarado ang bintana, naiwang gulantang si Catriona. "Unbelievable..." bagsak ang balikat na sambit nito."What?!""Ano raw? Boyfriend ni Catriona?""Hindi ba't engaged na siya kay Denver?""What's going on?"Mula sa pagdating, hanggang sa makapasok sa loob ng mansyon ay nakasunod lang ang tingin ng mga bisita kay Catriona at sa lalaking kasama nito, kaya hindi nakaligtas sa kanilang pandinig ang ginawang pagpapakilala ni Catriona kay Luther sa mga magulang nito.Karamihan sa mga ito ay hindi mapigilang mapaawang ang bibig sa gulat, sa puntong pwede nang pagkasyahin ang buong itlog sa bunganga ng mga ito."A-anong sabi mo? This guy... is your boyfriend?"Sa kabila ng napakalinaw na pagkakabigkas ni Catriona ng sinabi nito ay tila hindi iyon naintindihan nang lubos ni Carmen. Malikot ang mga matang napatitig ito nang husto sa mukha ng anak, hinihiling na sana ay mali lang ang pagkakarinig nito."Mom, you heard me." pagkumpirma ni Catriona. "Plano ko nang ipakilala sainyo noon pa man si Luther, but he's a busy man. Business thing... you know." dagdag pa nito na sinundan ng awkward na pagtaw
"Ehem," Tumikhim si Jake upang agawin ang atensyon ni Catriona. "Akala ko ba hindi siya ang tipo mo? Eh bakit titig na titig ka d'yan?"Mabilis na umiling-iling si Catriona nang magbalik ito sa sariling diwa. "O-of course not! Tinitingnan ko lang kung sakto sa kanya ang binigay mo." depensa nito pagkatapos ay marahang itinulak palayo si Jake. "Stop messing around with me, Jake."Tumawa si Jake. "Then tell me, Cat. Ano siya sa'yo? Once in a blue moon lang kitang makitang may kasamang lalaki. It doesn't seem like he's your bodyguard to me. Or is he? Malamang na ang assistant mo ang kasama niya ngayon kung tauhan mo—""It's none of your business," putol ni Catriona rito sabay abot ng card na kakadukot lang nito sa bag nito. "Hurry up. Kailangan na naming magmadali."Mababaw na bumuntong-hininga nalang si Jake bilang pagsuko sabay kuha ng card. "Alright."Pagkaalis nito ay nilapitan ni Catriona si Luther na nag-aayos ng necktie sa harap ng malaking salamin. Kumunot ang noo nito nang mapan
Makikita ang paghinto ng puting kotse sa harap ng isang malaking boutique. Mula sa labas ay makikita ang mga manikin na nakadisplay at nakasuot ng magagarang suits. Sa taas ng entrance ay makikita ang gold sign na may nakasulat na 'Jake's Atelier.'Bumaba mula sa backseat si Catriona bago pa man ito mapagbuksan ng driver nito, tila pinagsukluban ng langit at lupa ang itsura nito. Diretso itong naglakad patungo sa entrance ng boutique, walang binabanggit na kung ano.Agad din itong tumigil nang mapansin nitong walang nakasunod sa likuran nito."This man is getting into my nerves..." inis na usal nito habang mahigpit na nakuyom ang mga kamao.Bumuga ito ng hangin upang pakalmahin ang sarili bago muling bumalik sa kotse. Tumambad dito ang natutulog na si Luther pagkabukas nito ng pinto ng passenger seat. Nakasuot pa ito ng airpods. Mas lalo pang sumama ang timpla ng ekspresyon ng mukha nito nang dahil doon."Wake! Up!" Malakas na kinalampag nito ang bubong ng sasakyan kaya bumalikwas ng
Pumailanlang sa malawak na visitors' area ang isang malakas na tawa. Halos lahat napalingon sa direksyon ng mesa nina Luther at Catriona."Ako? Magpapanggap bilang syota mo? Seryoso ka ba?" nakatawang tanong ni Luther na sinundan ulit ng malutong na tawa.Medyo malakas pa ang kanyang pagkakasabi niyon kaya napaawang nalang ang bibig ng ilang taong nakarinig niyon. Lalo na iyong mga kanina pang palihim na nakatingin kay Catriona.Maging ang pulis na kasama ni Luther kanina lang ay mayroong hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha nito."Timamaan ka nga naman ng lintik na swerte," natatawang bulong nito sabay nailing.Nagsalubong ang mga kilay ni Catriona. "Can you lower down your voice? It's not something you should be grateful for." inis nitong sambit.Kumalma si Luther ngunit nananatili siyang nakabungisngis. "Pasensya na. Nadala lang ako sa napakaganda mong biro. Pwede kang maging komedyante dahil d'yan." pang-uuyam niya pagkatapos ay muling naupo."I'm serious, Luther. I bailed you
Dinala ng pulis si Luther sa visitors' area, kung saan makikita ang pahabang bakal na mesa. Pinaghihiwalay niyon ang mga bilanggo sa kani-kanilang mga bisita. Mabagal ang kanyang mga paghakbang, habang mayroong seryosong ekspresyon lang sa mukha.Sa dulong bahagi ng mesa ay matatanaw ang isang babaeng nakaupo, tahimik na naghihintay. Napakaelegante nitong pagmasdan at tila hindi ito nababagay sa ganoong klaseng lugar. Ikinukubli ng anino ng mahaba at medyo kulot nitong buhok ang mukha nito. Sinasabi na ng magara nitong kasuotan na kabilang ito sa isang high class na pamilya."Siya ang tinutukoy ko," wika ng pulis sabay turo sa babae gamit ang hawak nitong baton. "Kilala mo ba siya?"Naningkit ang mga mata ni Luther. Makaraan ang ilang saglit ay umiling siya. "Marahil sa nakaraan naming buhay." pabiro niyang tugon.Mahinang natawa ang pulis. "Mukhang nasa puder mo ngayon ang swerte, Rutherford." makahulugan nitong sambit. Pumalatak pa ito bago lumapit at tumayo sa tabi ng isa pang puli
Nakaupo si Luther sa harap ng chessboard habang nakapangalumbaba, nababagot na nakatitig sa pinaghalong itim at puting mga piyesa. Pinupuno ang seldang iyon ng amoy ng pawis ng mga bilanggong nagtitipon-tipon sa paligid nila at tahimik na nanonood sa kanila.Ang kalaban niya ay isang malaking lalaki na kapwa niya preso. Kilala ito sa tawag na Ramos. Kasabay ng pagdaloy ng pawis nito sa gilid ng noo nito ay ang antisipasyon sa maaaring sunod na ititira ni Luther at kung anong kanyang istratehiya."Kung ako sa'yo, mag-resign ka nalang. Hindi mo matatalo si Ramos!" natatawang wika ng isang preso na siyang bumasag ng katahimikan. Napatingin dito lahat ng tao roon maliban sa dalawang naglalaban. "Bakit?" kunot-noong tanong nito."Hindi mo ba nakikita, lamang na si Kano ng apat na puntos?" bulong na sambit ng katabi nito.Dahil sa mukhang amerikano si Luther, unang tapak niya palang sa bilangguang iyon ay nabansagan na siyang kano. Idagdag pang Rutherford ang kanyang apelyido."Eh ano naman







