Inicio / Urban / Ang Dominasyon Ni Luther Rutherford / Chapter 6 - The Worst Nightmare They Will Ever Have

Compartir

Chapter 6 - The Worst Nightmare They Will Ever Have

Autor: Zaligma
last update Última actualización: 2026-01-15 23:53:21

"What?!"

"Ano raw? Boyfriend ni Catriona?"

"Hindi ba't engaged na siya kay Denver?"

"What's going on?"

Mula sa pagdating, hanggang sa makapasok sa loob ng mansyon ay nakasunod lang ang tingin ng mga bisita kay Catriona at sa lalaking kasama nito, kaya hindi nakaligtas sa kanilang pandinig ang ginawang pagpapakilala ni Catriona kay Luther sa mga magulang nito.

Karamihan sa mga ito ay hindi mapigilang mapaawang ang bibig sa gulat, sa puntong pwede nang pagkasyahin ang buong itlog sa bunganga ng mga ito.

"A-anong sabi mo? This guy... is your boyfriend?"

Sa kabila ng napakalinaw na pagkakabigkas ni Catriona ng sinabi nito ay tila hindi iyon naintindihan nang lubos ni Carmen. Malikot ang mga matang napatitig ito nang husto sa mukha ng anak, hinihiling na sana ay mali lang ang pagkakarinig nito.

"Mom, you heard me." pagkumpirma ni Catriona. "Plano ko nang ipakilala sainyo noon pa man si Luther, but he's a busy man. Business thing... you know." dagdag pa nito na sinundan ng awkward na pagtaw
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Ang Dominasyon Ni Luther Rutherford   Chapter 6 - The Worst Nightmare They Will Ever Have

    "What?!""Ano raw? Boyfriend ni Catriona?""Hindi ba't engaged na siya kay Denver?""What's going on?"Mula sa pagdating, hanggang sa makapasok sa loob ng mansyon ay nakasunod lang ang tingin ng mga bisita kay Catriona at sa lalaking kasama nito, kaya hindi nakaligtas sa kanilang pandinig ang ginawang pagpapakilala ni Catriona kay Luther sa mga magulang nito.Karamihan sa mga ito ay hindi mapigilang mapaawang ang bibig sa gulat, sa puntong pwede nang pagkasyahin ang buong itlog sa bunganga ng mga ito."A-anong sabi mo? This guy... is your boyfriend?"Sa kabila ng napakalinaw na pagkakabigkas ni Catriona ng sinabi nito ay tila hindi iyon naintindihan nang lubos ni Carmen. Malikot ang mga matang napatitig ito nang husto sa mukha ng anak, hinihiling na sana ay mali lang ang pagkakarinig nito."Mom, you heard me." pagkumpirma ni Catriona. "Plano ko nang ipakilala sainyo noon pa man si Luther, but he's a busy man. Business thing... you know." dagdag pa nito na sinundan ng awkward na pagtaw

  • Ang Dominasyon Ni Luther Rutherford   Chapter 5 - This Is Luther, My Boyfriend

    "Ehem," Tumikhim si Jake upang agawin ang atensyon ni Catriona. "Akala ko ba hindi siya ang tipo mo? Eh bakit titig na titig ka d'yan?"Mabilis na umiling-iling si Catriona nang magbalik ito sa sariling diwa. "O-of course not! Tinitingnan ko lang kung sakto sa kanya ang binigay mo." depensa nito pagkatapos ay marahang itinulak palayo si Jake. "Stop messing around with me, Jake."Tumawa si Jake. "Then tell me, Cat. Ano siya sa'yo? Once in a blue moon lang kitang makitang may kasamang lalaki. It doesn't seem like he's your bodyguard to me. Or is he? Malamang na ang assistant mo ang kasama niya ngayon kung tauhan mo—""It's none of your business," putol ni Catriona rito sabay abot ng card na kakadukot lang nito sa bag nito. "Hurry up. Kailangan na naming magmadali."Mababaw na bumuntong-hininga nalang si Jake bilang pagsuko sabay kuha ng card. "Alright."Pagkaalis nito ay nilapitan ni Catriona si Luther na nag-aayos ng necktie sa harap ng malaking salamin. Kumunot ang noo nito nang mapan

  • Ang Dominasyon Ni Luther Rutherford   Chapter 4 - Is He The Same Guy?

    Makikita ang paghinto ng puting kotse sa harap ng isang malaking boutique. Mula sa labas ay makikita ang mga manikin na nakadisplay at nakasuot ng magagarang suits. Sa taas ng entrance ay makikita ang gold sign na may nakasulat na 'Jake's Atelier.'Bumaba mula sa backseat si Catriona bago pa man ito mapagbuksan ng driver nito, tila pinagsukluban ng langit at lupa ang itsura nito. Diretso itong naglakad patungo sa entrance ng boutique, walang binabanggit na kung ano.Agad din itong tumigil nang mapansin nitong walang nakasunod sa likuran nito."This man is getting into my nerves..." inis na usal nito habang mahigpit na nakuyom ang mga kamao.Bumuga ito ng hangin upang pakalmahin ang sarili bago muling bumalik sa kotse. Tumambad dito ang natutulog na si Luther pagkabukas nito ng pinto ng passenger seat. Nakasuot pa ito ng airpods. Mas lalo pang sumama ang timpla ng ekspresyon ng mukha nito nang dahil doon."Wake! Up!" Malakas na kinalampag nito ang bubong ng sasakyan kaya bumalikwas ng

  • Ang Dominasyon Ni Luther Rutherford   Chapter 3 - Got A Job

    Pumailanlang sa malawak na visitors' area ang isang malakas na tawa. Halos lahat napalingon sa direksyon ng mesa nina Luther at Catriona."Ako? Magpapanggap bilang syota mo? Seryoso ka ba?" nakatawang tanong ni Luther na sinundan ulit ng malutong na tawa.Medyo malakas pa ang kanyang pagkakasabi niyon kaya napaawang nalang ang bibig ng ilang taong nakarinig niyon. Lalo na iyong mga kanina pang palihim na nakatingin kay Catriona.Maging ang pulis na kasama ni Luther kanina lang ay mayroong hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha nito."Timamaan ka nga naman ng lintik na swerte," natatawang bulong nito sabay nailing.Nagsalubong ang mga kilay ni Catriona. "Can you lower down your voice? It's not something you should be grateful for." inis nitong sambit.Kumalma si Luther ngunit nananatili siyang nakabungisngis. "Pasensya na. Nadala lang ako sa napakaganda mong biro. Pwede kang maging komedyante dahil d'yan." pang-uuyam niya pagkatapos ay muling naupo."I'm serious, Luther. I bailed you

  • Ang Dominasyon Ni Luther Rutherford   Chapter 2 - I Need Your Help

    Dinala ng pulis si Luther sa visitors' area, kung saan makikita ang pahabang bakal na mesa. Pinaghihiwalay niyon ang mga bilanggo sa kani-kanilang mga bisita. Mabagal ang kanyang mga paghakbang, habang mayroong seryosong ekspresyon lang sa mukha.Sa dulong bahagi ng mesa ay matatanaw ang isang babaeng nakaupo, tahimik na naghihintay. Napakaelegante nitong pagmasdan at tila hindi ito nababagay sa ganoong klaseng lugar. Ikinukubli ng anino ng mahaba at medyo kulot nitong buhok ang mukha nito. Sinasabi na ng magara nitong kasuotan na kabilang ito sa isang high class na pamilya."Siya ang tinutukoy ko," wika ng pulis sabay turo sa babae gamit ang hawak nitong baton. "Kilala mo ba siya?"Naningkit ang mga mata ni Luther. Makaraan ang ilang saglit ay umiling siya. "Marahil sa nakaraan naming buhay." pabiro niyang tugon.Mahinang natawa ang pulis. "Mukhang nasa puder mo ngayon ang swerte, Rutherford." makahulugan nitong sambit. Pumalatak pa ito bago lumapit at tumayo sa tabi ng isa pang puli

  • Ang Dominasyon Ni Luther Rutherford   Chapter 1 - Bailed Out

    Nakaupo si Luther sa harap ng chessboard habang nakapangalumbaba, nababagot na nakatitig sa pinaghalong itim at puting mga piyesa. Pinupuno ang seldang iyon ng amoy ng pawis ng mga bilanggong nagtitipon-tipon sa paligid nila at tahimik na nanonood sa kanila.Ang kalaban niya ay isang malaking lalaki na kapwa niya preso. Kilala ito sa tawag na Ramos. Kasabay ng pagdaloy ng pawis nito sa gilid ng noo nito ay ang antisipasyon sa maaaring sunod na ititira ni Luther at kung anong kanyang istratehiya."Kung ako sa'yo, mag-resign ka nalang. Hindi mo matatalo si Ramos!" natatawang wika ng isang preso na siyang bumasag ng katahimikan. Napatingin dito lahat ng tao roon maliban sa dalawang naglalaban. "Bakit?" kunot-noong tanong nito."Hindi mo ba nakikita, lamang na si Kano ng apat na puntos?" bulong na sambit ng katabi nito.Dahil sa mukhang amerikano si Luther, unang tapak niya palang sa bilangguang iyon ay nabansagan na siyang kano. Idagdag pang Rutherford ang kanyang apelyido."Eh ano naman

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status