Arianne
Pagdilat ng aking mga mata ay napakagaan ng aking pakiramdam. Paglapat ng likod ko sa kama matapos kong maligo kagabi ay wala na akong namalayan na kahit na ano. Nagtangka akong bumangon ngunit may mabigat na kung anong pumigil sa akin para magawa ko iyon. Nang tignan ko ay kamay pala. Inangat ko ang dalawang kamay ko pero bakit meron pa ring nakapatong sa dibdib ko? Sinundan ko iyon at ganun na lang ang tili ko ng makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng talipandas na kamay na ngayon ay pumipisil-pisil pa sa dede ko. “Ahh!!!!” balikwas ng bangon ang unggoy na si Victor dahil sa gulat. “Ano yon? Saan? Saan ang sunog?” mabilis niyang tanong ng sunod sunod ng makababa ito sa kama. “Walang hiya ka! Anong ginagawa mo rito? Bakit ka dito natulog?” galit kong sabi. Biglang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki at tsaka nasabunutan ang kanyang sarili. “Shit, nagtitili ka ng dahil dito ako natulog? Saan mo ako balak patulugin aber?” tanong din niya. “Eh di kung saan ka natutulog noong wala pa ako rito!” mabilis kong sagot kasabay ang pagpilig ng aking ulo dahil sa nakikita ko. Ang lapad ng kanyang dibdib at mga namumutok na pandesal sa tiyan ay tila nang-aakit at nanghahalina na niyaya ako para pisilin iyon. Bumaba pa ang aking tingin at hindi ko na mapigilan ang panlalaki ng aking mga mata. Naka-boxer shorts siya at bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki. Ipinilig ko ulit ang aking ulo tsaka ko siya binato ng unan para takpan niya ang kanyang sarili. “Dito ako natutulog bago ka pa man dumating sa bahay na 'to!” galit niyang sabi na muling inilapag ang unan sa kama. “Takpan mo yang sarili mo at naiiskandalo ako!” sigaw ko sabay bato ulit sa kanya ng unan pabalik. “Gustong gusto ng mga babae na nakikita ang katawan ko na ganito tapos ikaw naman ay gusto mong takpan ko?” tanong niyang nakangisi. “Wala akong pake kung gusto nila, basta kapag kaharap mo ako ay huwag na huwag mong gagawin ang mga nagugustuhan nila sayo, tapos.” Bumaba na ako ng kama at tsaka kinuha ang robe ko na nakahanger na nakasabit sa handle ng closet at isinuot iyon. Nagsimula na akong lumakad papunta sa pintuan ngunit hinarang niya ako. “Saan ka pupunta? Umiiwas ka sa usapan.” “Anong umiiwas ang pinagsasabi mo? Kailangan kong mag-asikaso ng sarili ko dahil may pupuntahan ako.” “Talaga lang ha?” sabi pa niya bago ako hinapit palapit pa sa kanya. Yung magkadikit na magkadikit kaya naramdaman ko ang katigasan ng kanyang pagkalalaki na tumutusok sa sikmura ko. “Bago ka umalis, good morning kiss muna.” Hindi na ako naka-react dahil nasakop na niya ang bibig ko at sinimulang galugarin ng kanyang dila ang loob ng maibuka ko ang aking bibig dahil sa pagsinghap. Natulala ako matapos niya akong bitawan. Nakatingin lang ako sa kanya na hindi makapaniwala dahil bad breath pa ako samantalang naaamoy ko pa rin ang toothpaste sa hininga niya. Kakarating lang ba niya? “As much as I want to give you a sweet honeymoon experience, pasensya ka na at sobrang pagod at puyat ako. Matutulog muna ako at kukuha ng lakas para naman mapaligaya kita ng husto pag balik mo mula sa kung saan ka man lupalop pupunta.” Pagkatapos no'n ay bumalik na siya sa kama at pabagsak na nahiga. Ang buhok niya ay nakalugay na kaya dapat ay mas lalo itong magmukhang unggoy sa paningin ko pero bakit ang gwapo niya bigla? Mabilis kong ipinilig ang aking ulo at tsaka lumabas. Kung ano-ano ang naiisip ko dahil na rin sa pinaggagagawa sa akin ng lalaking ‘yon. Pagdating ko sa kusina ay may nakita akong paperbag ng isang convenience store. Tinignan ko iyon at nakita kong kape, creamer at asukal ang laman non. Nagkakape ba sa umaga ang unggoy? Dahil gusto kong mainitan ang sikmura ko ay nag-init na ako ng tubig sa takure. Kung may isang bagay man akong pinagpapasalamat sa pamilya ng ama ko ay yung natuto ako ng gawaing bahay dahil sa pang-aalipusta at pang-aalipin nila sa akin kaya naman kahit na anong gawaing bahay ay kaya kong gawin. Hindi na ako nagbukas ng ref dahil alam ko naman na wala na ring laman iyon. Okay na ang kape at mamaya, bago ako umuwi ay maggo-grocery na lang ako. Naligo ako pagkatapos at nakatapis na ako ng tuwalya na pumasok sa kwarto. Tulog na tulog naman ang unggoy kong asawa kaya okay lang na dito na rin ako magbihis. Ang ilang damit na nadala ko ay nasa maleta pa at hindi ko pa inaayos. Sa CR na ako nag panty at bra para mabilis ang pagbihis ko at baka maalimpungatan pa ang unggoy. “Sana man lang ay nagtanggal ka ng tapis para naman mabistahan ko kung maganda ba ang hubog ng katawan mo.” Napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Victor sabay tingin. Nakahiga pa ito sa kama pero sa akin naman nakatuon din ang mga mata. “Ang akala ko natutulog ka?” Mabuti na lang at tapos na akong magbihis. Imbis na sumagot ay bumangon ito ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan ngunit sinikap kong hindi ipahalata sa kanya. “Paano naman akong hindi magigising kung naamoy ko ang halimuyak mo?” “Hoy! Kung ano man yang tumatakbo dyan sa kukute mo ay tigil-tigilan mo! Ang aga-aga eh kamanyakan na yang naiisip mo.” “Bakit, masama ba? Asawa naman kita. Don't tell me wala kang balak na punan ang pangangailangan ko bilang asawa mo?” Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi niya. Hindi rin kasi pumasok sa isip ko na paghahanapan niya ako or pagnanasaan. “Pareho nating hindi gusto ang kasal na ito kaya tama lang na maisip kong hindi natin kailangang—” hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko dahil mabilis na siyang nakalapit sa akin. Naging napakalakas ng kaba ko lalo at halos nakadikit na siya sa akin. Hindi naman ako maliit, sadya lang mas mataas siya sa akin pero bahagya lang siyang nakayuko sa akin at ako naman ay nakatingala. Kahit ayaw kong salubungin ang tingin niya ay hindi ko magawang umiwas. Dahan-dahang lumalapit ang kanyang mukha sa akin ngunit hindi ako makagalaw para sana lumayo. Nang halos konti na lang ang pagitan ng aming mga labi ay bigla siyang nagsalita. “We're married, Arianne. Sa ayaw at sa gusto mo ay ibibigay mo ang pangangailangan ko bilang lalaki.” Napalunok ako dahil sa kiliting gumapang sa katawan ko. Hindi ko malaman kung sasagot ba ako dahil natatakot akong baka kapag ibinuka ko ang aking bibig ay dumikit iyon sa kanyang mga labi. Nahigit ko ang aking paghinga ng bigla siyang umunat pero nanatiling nakatingin sa akin. “But not now, natutuwa pa akong tuksuhin ka.” Umangat ang kamay niya at naramdaman ko ang marahang paghagod ng kanyang daliri sa aking pisngi. “But I am going to please myself with this.” Yun lang at naramdaman ko na naman ang kanyang mga labi sa hindi ko alam ay nakaawang ko ng bibig. Paano ba naman ay mabilis niyang naipasok qng kanyang dila at nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman ko ang paggalugad ng dila niya roon. Bakit na lagi niyang ginagawa ang ganon? Walang ano-ano ay bigla ko na lang naipikit ang aking mga mata at may kusa ang aking bibig na tumugon sa kanya.ArianneHindi ko alam kung ano ang totoong status nila Kuya Donnie at Ate Juliette. Pero kung titignan ko ay mukha naman silang masaya kahit na biglaan ang kanilang pagtatagpo ganon din ang kanilang kasal.Kakatapos lang ng kanilang wedding reception at ngayon ay kakaalis lang nila para sa kanilang honeymoon. Pinaiwan na namin si baby Jessica para magkaroon sila ng time para sa isa’t-isa. Excited naman si Dad pati na si Mommy na pareho ding mahilig talaga sa bata.Kung wala lang klase ang kapatid ni Juliette na si Julienne ay maiiwan din sana ito upang tingnan din ang pamangkin. Ngunit dahil may yaya naman si Ariadna ay ayos lang din lalo at nandito lang din ako lagi sa bahay dahil sa ikalawang anak namin ni Victor na pinagbubuntis ko.Ayaw niyang magtrabaho ako kapag ganito ang kalagayan ko pero pumupunta pa rin ako sa office namin nila Candy. Stop na ulit muna kami sa paggawa ng products pero nagkasundo na kami na kumuha ng mga bagong chemical engineers para makatulong ko sa pagformu
Donnie“Kiss me, Juliette,” sabi ko. Hindi siya kumilos agad at nanatili lang na nakatingin sa akin. May ilang saglit na ganon lang siya hanggang sa napansin kong nagsimula na siyang ilapit ang kanyang mukha sa akin kasunod ang pagdampi ng kanyang mga labi sa akin.Gamit ang isang kamay ko ay hinawakan ko ang ulo niya para mas lalo pang madiin ang aming halikan na natigil lang ng mapansin kong gumalaw si Jessica.“I’ll take care of the crib,” sabi ko bago ako tumayo at pumasok na sa aming silid kung nasaan nga ang tulugan ng bata.Naisip ko ng kumuha ng mag-aalaga kay Jessica ngunit ayaw pa ni Juliette dahil nandito lang naman daw siya sa bahay at walang ginagawa kaya kayang kaya na niya iyon. Binanggit ko rin ang pagkuha ng regular ng kasambahay ay tinanggihan na rin niya.Hindi ko magets kung bakit kailangan niyang magpakahirap na gawin ang mga ‘yon gayong pwede namang may makatulong.Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin kasama ang bata kaya naman binilisan ko ang pag-aayos ng cri
Juliette“Hindi ba at assistant ka dati ni Donnie?” tanong ni Don Damian. Nakaluwas na kami at dalawang araw pagkatapos ay kaharap na namin ang pamilya niya.“Yes po, Sir,” nag-aalangan kong sagot.“At anak niyo ang napaka-cute na bata na ‘yan?” tanong pa niya na ngiting ngiti. Mukha ngang totoo ang sinasabi ni Donnie na gusto ng magkaroon ng apo sa kanya ang matanda.Ayaw ko namang magsinungaling sa kanila kaya tumingin muna ako kay Donnie para lihim na ipaalam sa kanya na kailangan kong sabihin ang totoo. Hindi naman niya ako pinigilan at tinanguan lang ako, ibig sabihin ay hinahayaan niya lang ako sa desisyon ko.“Anak po siya ng kapatid ko na namatay na. Hindi ko maiwan sa probinsya kaya hiniling ko kay Donnie kung pwede kong isama.”“How about her father?” curious na tanong ni Arianne. Nakilala ko naman na kasi sila dati pa at alam kong mababait sila.“Nang malamang nagdadalantao ang kapatid ko ay iniwan na sila. Kaya ng ipanganak itong si Jessica ay pangalan ko na ang ginamit niy
Juliette“Sasama ka na sa akin,” sabi ni Donnie ng makabalik na kami ng bahay. Si Julius ay tahimik lang na nakatingin sa amin.Mukhang hindi makapaniwala ang kapatid ko lalo at ang sasakyan ng lalaki ang ginamit namin kanina papunta ng barangay. Idagdag mo pa ang pagbabayad niya sa utang namin.“Ano pa ang hinihintay mo?” tanong ko.“Eh, sino siya? Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?” curious niyang tanong din. Pero wala pa akong balak na sabihin sa kanya ng kaharap ang lalaki.“Mamaya na lang tayo mag-usap.” Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya magpilit na malaman. Alam naman niya siguro na sasabihin at sasabihin ko pa rin sa kanya kung ano ang totoo.Naiwan kaming muli ni Donnie sa aming sala. Walang nagsalita sa amin. Siguro ay hinihintay niya na tugunin ko siya."Kailangan ko munang kausapin ang mga kapatid ko.”Hindi siya umimik at nanatiling nakatingin sa akin.“Alam mong kailangan ko ring ipaalam sa kanila ang tungkol sa atin. Ayaw ko na mag-alala sila sa akin na sigurad
JulietteHindi ko inaasahan na makita ang lalaking ito. Alam kong nandito ang planta ng kumpanya ngunit alam ko rin na hindi naman ito nabibisita ninuman sa mga matataas ang katungkulan sa main office.“Let’s hear it,” sabi niya ulit.Ano ba ang nakain niya para alukin ako ng kasal? Wala naman siyang dapat na panagutan sa akin.“Nakita mo ang baby?” tanong ko at tumango siya. “She needs a father, I mean, parents.”“We’ll adopt her.” Natigilan ako, ganon lang kabilis sa kanyang sumagot. “Bakit mukhang nagtataka ka?”“Hindi ba katakataka ‘yon? Parang hindi mo man lang pinag-isipan at basta ka na lang pumapayag.”“Hindi kailangang pag-isipan.”“Sir!”“Donnie. ‘Yan na ang itatawag mo sa akin at huling beses ko ng sasabihin sayo ‘yan.” Tinignan ko siya ng mabuti. Marami akong isipin sa buhay pero ang pinaka problema ko talaga ang lalaking inutangan ng namayapa kong ama ng magkasakit at namatay din naman ang aking ina.Nakasanla ang aming lupain at hindi ko pwedeng hayaang mangyari iyon dahi
DonnieSinundan ko si Juliette hanggang sa tumigil ang tricycle sa isang bungalow style na bahay na may bakuran. Walang gate although may nakaabang na dalawang maliit na poste para doon. Nakita ko ng pumasok doon ang babae dala ang take-out food niya from the fast food.Nanatili ako sa aking sasakyan at nag-isip kung kakatok ba ako sa pintuan niya at magpapakita. Kung sakali, ano naman ang idadahilan ko kung bakit ako nandito?Yes, pwede kong sabihin na nakita ko siya pero dapat pa ba na sundan ko hanggang dito sa kanila? I mean, ano ang iisipin niya kapag iyon ang idinahilan ko?Shit, hindi! Wala na akong pakialam. I want to know kung ano talaga ang dahilan ng pagre-resign niya. Hindi ako matatahimik dahil iniisip ko na baka ako yon.Inayos ko ng pagkakaparada ang aking sasakyan at in-off ‘yon bago bumaba. Naglakad ako papasok sa bakuran nila diretso sa pintuan ng bahay na nakita kong pinasukan niya.Nakabukas ang pintuan pero may screen door at kakatok na sana ako ng bigla iyong bumu