Arianne
Pulang pula ang mukha ko habang nakaupo ako. Magkaharap kami sa dining table at nagkakape siya. Aalis na ako ngunit hindi siya pumayag na hindi ko siya samahan sa pagkakape. “Bilisan mo naman at may lakad pa ako.” Hindi ko na napigilan ang pagkainis dahil parang nananadya pa ito habang humihigop ng kanyang kape. “Bakit ka ba nagmamadali? Malay mo mahalikan kita ulit eh di lalong kumpleto na ang araw mo.” Nang dahil sa pagtugon ko sa halik niya kanina ay lalo pang lumakas ang pang-aasar sa akin ng h*******k na unggoy na ito. Bakit ba kasi nasarapan ako eh. “Look, may kailangan akong puntahan at ayaw kong matagalan dahil may importante rin akong gagawin. Kukuha pa ako ng gamit ko sa bahay dahil ilang piraso lang naman ng damit ang dinala ko.” “Huwag ka ng pumunta sa inyo at ako na ang bahala sa mga gamit mo,” sabi niya matapos humigop na ulit ng kape. “Hindi na dahil hindi ka nila papapasukin doon.” Na siya namang totoo dahil nuknukan ng pagka matapobre ang mga tao doon eh mga wala rin naman. “Kaya pakibilisan na ang pag-inom sa kape at ng makaalis na ako.” Wala na rin siyang sinabi at humigop na lang ulit sa tasa niya habang pinagpa-piano ang mga daliri sa ibabaw ng lamesa. “Finally!” I exclaimed kasabay ang pagtayo ko mula sa aking kinauupuan ng ilapag niya ang tasa ng kape sa lamesa. Paalis na ako ng bigla niya akong pigilan. “Ano na naman?” “Bakit ba napakasungit mo?” Tila inis niyang tugon. “Paano naman, sinabi ko ng nagmamadali ako eh parang lalo kapang nagtatagal. Hindi ko naman na obligation na hintayin ka pa sa pagkakape mo pero pinagbigyan na kita eh hindi ka pa rin kuntento!” Kung naiinis siya ay ganun din ang nararamdaman ko. Idagdag pa ang possibility na makita ko ang pamilya ng ama ko mamaya kaya lalong nakakainit ng ulo. “Saan ka ba pupunta?” “Sinabi ko na di ba? Sa bahay para kumuha ng gamit at may kailangan akong i-meet para kumita.” “At bakit kailangan mong kumita?” “Bakit, may trabaho ka ba?” tanong ko rin. “Kung hindi ako kikilos ay pareho tayong mamamatay ng dilat ang mga mata sa gutom.” “May pera ako.” Ang tibay din nito. Ni hindi man lang kumurap ng sabihin ang mga katagang iyon. “Buhay pa tatay mo ay kukunin mo na talaga ang mana mo? Okay na yung wala kang trabaho at kaya kitang buhayin. Pero hindi ko maaatim na makasama ka kung ganyan ka kagarapal.” “Garapal? Pera ko rin naman ang kinukuha ko ah!” Nangatwiran pa talaga. “At hindi ba at pera rin ang dahilan ng pagpapakasal mo sa akin?” galit niyang tanong. Hindi yata nagustuhan ang salitang garapal. “Wala ako ni isang kusing na nakuha o makukuha sa pagsasama nating ito. Ikaw may mamanahin, ako, wala. Kaya huwag mong masabi-sabi sa akin ang tungkol sa perang nakadikit sa kasal natin dahil kayo lang ng ama ko ang makikinabang dito.” Tinalikuran ko na siya dahil wala namang saysay makipag-usap sa isang katulad niyang kaugali pa yata ni Mike Aragon na aking ama. “Sira ka talagang babae ka, hindi mo man lang ako in-invite sa kasal mo!” bulalas ni Candy na aking bestfriend at business partner na rin. Nasa isang apartment kami na ginawa naming meeting place at office na rin para sa negosyong pinagsososyohan namin. Well wala pa naman talaga yung mismong negosyo. Nasa kalagitnaan kami ng pagprocess kasama ang iba pa naming kaibigan. Isa akong chemical engineer and we are formulating skin care and cosmetic products. Dahil nauuso ang mga pampaganda at pampaputing sabon ay iyon ang una naming product. “Manahimik ka Candy at alam mo naman na normal na araw lang sa akin iyon.” “So, kamusta naman si Victor Monteclaro?” tanong niya dahilan upang maalis ang tingin ko sa papel na hawak ko na naglalaman lang naman ng result ng research na ginawa din namin. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang ngiti sa kanyang mga labi habang taas baba pa ang kanyang mga kilay. “Ano ang inaasahan mong sagot ko?” tanong ko rin. Pero sinikap ko na maging casual lamang ang tinig ko dahil ayaw kong makahalata siya ng kahit na ano. “Grabe, walang honeymoon?” Bakas ang gulat sa mukha niya kaya naman natawa ako bago napailing tsaka ko sinabi sa kanya ang nangyari sa aming “honeymoon”. “Alam mo, bakit hindi mo na lang siya kausapin na magsosyo sa atin kapag nakuha na niya ang mana niya?” “Sira ka talaga. Sinabihan ko na nga ng garapal tapos magsa-suggest pa ako ng ganun. Eh di mas garapal na ako niyan.” Binato ko sa kanya ang nilamukos kong papel at tatawa-tawa na lang na binasa ang iba pang result. Walang kaalam alam ang ama ko sa mga plano kong ito. Hindi naman din kasi nagtanong sa akin ng tungkol sa nangyayari sa buhay ko kahit na minsan. May tatlo pa kaming kaibigan na kasosyo at wala sila ngayon dahil oras ng pahinga nila. Sila kasi ang gumawa ng research para sa mga ingredients ng aming product kaya kami naman ni Candy ang mag-i-evaluate ng result. Ng matapos kaming mag bestfriend ay naghiwalay na kami ng landas. Lagpas lunchtime na at dahil busog pa ako sa brunch namin ni Candy kanina ay dumiretso na ako sa bahay ng aking ama. “Anong ginagawa mo rito?” galit na tanong ni Sonora ng makita akong pumasok ng main door. Nasa living room silang tatlo at bisita si Donnie na panganay na anak ng aking biyenan na lalaki. “Huwag kang mag-alala, kukunin ko lang ang ibang gamit ko at aalis na rin ako.” Tapos ay lumakad na ako papunta sa hagdanan ngunit bigla akong napatigil ng magsalita ulit si Sonora. “Wala ka ng gamit na babalikan dahil pinatapon na lahat ng ASAWA ko.” Talagang pinagdiinan pa niya na akala mo ay may aagaw pa sa kanya. Pero hindi ko nagustuhan ang sinabi ng bruha kaya naman imbis na paakyat ay lumapit ako sa kanila. “Anong ipinatapon? Dad, is that true?” “I'm really sorry, Arianne. Ako ang may kasalanan nito. Wala na kasing paglagyan ang mga sapatos ko kaya naman kinailangan ko ng isa pang silid,” singit ni Mikaela na mukhang gustong magpanggap na mabait sa harapan ni Donnie. “At dahil walang paglagyan ang mga sapatos mo ay ipinatapon mo ang mga gamit ko? Ang mga gamit ng nanay ko na tunay ASAWA?” galit kong sabi dahilan upang masampal ako ni Sonora. “Ako ang asawa at wala ng iba!” “Kabit ka at hindi magbabago iyon lalo at nandyan at buhay na ebidensya ang anak mo!” ganting sabi ko kaya ang ama ko naman ang siyang sumampal sa akin. “Walang modo! Walang utang na loob!” galit na sabi Mike Aragon. Hindi ko na magawang tawagin siyang ama. “Dad! Please huwag naman ganyan!” sabi ni Mikaela na akala mo talaga ay concern. Nagpupuyos ang kalooban ko sa galit at hindi ako papayag na basta ko lang tanggapin ang pananakit nila ng ganun-ganun na lang. “Hindi ba at totoo naman?” tanong ko sa tatay ko. “Hindi ba at dahil sa kalibugan mo ay ginahasa mo ang nanay ko? Para hindi ka makulong ay ipinakasal kayo?” Tapos ay bumaling ako kay Sonora. “Gaano ka kasiguro na walang ibang nabuntis yang sinasabi mong asawa mo? Na wala na siyang ibang kinalantareng babae maliban sayo? Hindi ba at anak niyo na ang malanding ‘yan ng pagnasaan pa rin niya ang nanay ko?” “Manahimik ka Arianne!” Halos mapatid ang litid na sigaw ni Mike Aragon na ikinatawa ko. “See? Tignan mo ang reaksyon niya, kaya mag-isip-isip ka. Baka bigla na lang may kumatok dito sa bahay na mas gahaman pa sayo at bigla na lang kornerin ang sinasabi mong asawa mo. Tapos kagaya ng nangyari sa nanay ko ay siya ding pakasalan niya at magiging kabit ka na lang ulit.” Sinabayan ko ng nang-uuyam na ngisi para mas lalo pa siyang mainis. “Sabagay, once a kabit, always a kabit. And your daughter will remain a bastard.” dagdag ko pa. Hindi na ako papayag na tanggapin na lang ang lahat ng pang-aabuso at pangmamal-trato nila sa akin. Panahon na para lumaban ako lalo at wala na silang maipapanakot sa akin na medical needs ng namayapa ko ng ina. “Arianne!” Nanlilisik na ang mata ng tatay ko kaya naman tumawa ako ng malakas tsaka ko sila tinalikuran. Pero bago yon ay napatingin ako sa tahimik lang na si Donnie na nakaupo at curious na nakatingin sa akin. Katabi niya si Mikaela na nanlilisik na rin ang mga mata sa akin.ArianneHindi ko alam kung ano ang totoong status nila Kuya Donnie at Ate Juliette. Pero kung titignan ko ay mukha naman silang masaya kahit na biglaan ang kanilang pagtatagpo ganon din ang kanilang kasal.Kakatapos lang ng kanilang wedding reception at ngayon ay kakaalis lang nila para sa kanilang honeymoon. Pinaiwan na namin si baby Jessica para magkaroon sila ng time para sa isa’t-isa. Excited naman si Dad pati na si Mommy na pareho ding mahilig talaga sa bata.Kung wala lang klase ang kapatid ni Juliette na si Julienne ay maiiwan din sana ito upang tingnan din ang pamangkin. Ngunit dahil may yaya naman si Ariadna ay ayos lang din lalo at nandito lang din ako lagi sa bahay dahil sa ikalawang anak namin ni Victor na pinagbubuntis ko.Ayaw niyang magtrabaho ako kapag ganito ang kalagayan ko pero pumupunta pa rin ako sa office namin nila Candy. Stop na ulit muna kami sa paggawa ng products pero nagkasundo na kami na kumuha ng mga bagong chemical engineers para makatulong ko sa pagformu
Donnie“Kiss me, Juliette,” sabi ko. Hindi siya kumilos agad at nanatili lang na nakatingin sa akin. May ilang saglit na ganon lang siya hanggang sa napansin kong nagsimula na siyang ilapit ang kanyang mukha sa akin kasunod ang pagdampi ng kanyang mga labi sa akin.Gamit ang isang kamay ko ay hinawakan ko ang ulo niya para mas lalo pang madiin ang aming halikan na natigil lang ng mapansin kong gumalaw si Jessica.“I’ll take care of the crib,” sabi ko bago ako tumayo at pumasok na sa aming silid kung nasaan nga ang tulugan ng bata.Naisip ko ng kumuha ng mag-aalaga kay Jessica ngunit ayaw pa ni Juliette dahil nandito lang naman daw siya sa bahay at walang ginagawa kaya kayang kaya na niya iyon. Binanggit ko rin ang pagkuha ng regular ng kasambahay ay tinanggihan na rin niya.Hindi ko magets kung bakit kailangan niyang magpakahirap na gawin ang mga ‘yon gayong pwede namang may makatulong.Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin kasama ang bata kaya naman binilisan ko ang pag-aayos ng cri
Juliette“Hindi ba at assistant ka dati ni Donnie?” tanong ni Don Damian. Nakaluwas na kami at dalawang araw pagkatapos ay kaharap na namin ang pamilya niya.“Yes po, Sir,” nag-aalangan kong sagot.“At anak niyo ang napaka-cute na bata na ‘yan?” tanong pa niya na ngiting ngiti. Mukha ngang totoo ang sinasabi ni Donnie na gusto ng magkaroon ng apo sa kanya ang matanda.Ayaw ko namang magsinungaling sa kanila kaya tumingin muna ako kay Donnie para lihim na ipaalam sa kanya na kailangan kong sabihin ang totoo. Hindi naman niya ako pinigilan at tinanguan lang ako, ibig sabihin ay hinahayaan niya lang ako sa desisyon ko.“Anak po siya ng kapatid ko na namatay na. Hindi ko maiwan sa probinsya kaya hiniling ko kay Donnie kung pwede kong isama.”“How about her father?” curious na tanong ni Arianne. Nakilala ko naman na kasi sila dati pa at alam kong mababait sila.“Nang malamang nagdadalantao ang kapatid ko ay iniwan na sila. Kaya ng ipanganak itong si Jessica ay pangalan ko na ang ginamit niy
Juliette“Sasama ka na sa akin,” sabi ni Donnie ng makabalik na kami ng bahay. Si Julius ay tahimik lang na nakatingin sa amin.Mukhang hindi makapaniwala ang kapatid ko lalo at ang sasakyan ng lalaki ang ginamit namin kanina papunta ng barangay. Idagdag mo pa ang pagbabayad niya sa utang namin.“Ano pa ang hinihintay mo?” tanong ko.“Eh, sino siya? Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?” curious niyang tanong din. Pero wala pa akong balak na sabihin sa kanya ng kaharap ang lalaki.“Mamaya na lang tayo mag-usap.” Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya magpilit na malaman. Alam naman niya siguro na sasabihin at sasabihin ko pa rin sa kanya kung ano ang totoo.Naiwan kaming muli ni Donnie sa aming sala. Walang nagsalita sa amin. Siguro ay hinihintay niya na tugunin ko siya."Kailangan ko munang kausapin ang mga kapatid ko.”Hindi siya umimik at nanatiling nakatingin sa akin.“Alam mong kailangan ko ring ipaalam sa kanila ang tungkol sa atin. Ayaw ko na mag-alala sila sa akin na sigurad
JulietteHindi ko inaasahan na makita ang lalaking ito. Alam kong nandito ang planta ng kumpanya ngunit alam ko rin na hindi naman ito nabibisita ninuman sa mga matataas ang katungkulan sa main office.“Let’s hear it,” sabi niya ulit.Ano ba ang nakain niya para alukin ako ng kasal? Wala naman siyang dapat na panagutan sa akin.“Nakita mo ang baby?” tanong ko at tumango siya. “She needs a father, I mean, parents.”“We’ll adopt her.” Natigilan ako, ganon lang kabilis sa kanyang sumagot. “Bakit mukhang nagtataka ka?”“Hindi ba katakataka ‘yon? Parang hindi mo man lang pinag-isipan at basta ka na lang pumapayag.”“Hindi kailangang pag-isipan.”“Sir!”“Donnie. ‘Yan na ang itatawag mo sa akin at huling beses ko ng sasabihin sayo ‘yan.” Tinignan ko siya ng mabuti. Marami akong isipin sa buhay pero ang pinaka problema ko talaga ang lalaking inutangan ng namayapa kong ama ng magkasakit at namatay din naman ang aking ina.Nakasanla ang aming lupain at hindi ko pwedeng hayaang mangyari iyon dahi
DonnieSinundan ko si Juliette hanggang sa tumigil ang tricycle sa isang bungalow style na bahay na may bakuran. Walang gate although may nakaabang na dalawang maliit na poste para doon. Nakita ko ng pumasok doon ang babae dala ang take-out food niya from the fast food.Nanatili ako sa aking sasakyan at nag-isip kung kakatok ba ako sa pintuan niya at magpapakita. Kung sakali, ano naman ang idadahilan ko kung bakit ako nandito?Yes, pwede kong sabihin na nakita ko siya pero dapat pa ba na sundan ko hanggang dito sa kanila? I mean, ano ang iisipin niya kapag iyon ang idinahilan ko?Shit, hindi! Wala na akong pakialam. I want to know kung ano talaga ang dahilan ng pagre-resign niya. Hindi ako matatahimik dahil iniisip ko na baka ako yon.Inayos ko ng pagkakaparada ang aking sasakyan at in-off ‘yon bago bumaba. Naglakad ako papasok sa bakuran nila diretso sa pintuan ng bahay na nakita kong pinasukan niya.Nakabukas ang pintuan pero may screen door at kakatok na sana ako ng bigla iyong bumu