LOGINNAG-CHECK-IN muna si Francesca sa isang mumurahing hotel para makatipid. Wala namang problema sa tuition niya dahil matagal na iyong binayaran ng ama. Ang problema na lang niya ay ang pangaraw-araw na gastusin at pambayad sa matitirahan para maka-survive. Alam niyang sa mga oras na ito ay ipinaputol na ng kaniyang ama lahat ng credit cards niya. At ngayong araw, naisipan niyang maghanap ng trabaho.
Kahit wala siyang alam sa kahit na anong gawain ay susubok pa rin siya. Handa siyang matuto, huwag lang siyang bumalik sa kanila. Aayusin niya na lang ang schedule niya sa school kung sakaling makahanap na siya ng mapapasukan.
Desidido na siya sa kaniyang pasya. Magtatrabaho siya sa umaga at mag-aaral sa gabi.
Una niyang naisip na mag-apply sa mga fast food chains. Pero nang matapos siyang interview-in, naisip niyang hindi rin siya makaiipon sa ganoong paraan. Dahil uupa pa rin siya ng matitirahan at maliit lang ang sahod ng isang crew.
Habang wala sa sariling naglalakad sa kahabaan ng Taft Avenue, napansin niyang may isang mahabang pila sa gilid nito. Nabasa niya ang karatula ng pinipilahan. Isa iyong recruitment agency.
Lumapit siya roon. “Ano ho’ng mayroon dito?” tanong niya sa babaeng nasa dulo ng pila. Tantya niya ay nasa trenta na ito.
Tiningnan muna siya ng babae mula ulo hanggang paa bago sumagot, “Apply-an ’yan ng mga kasambahay, katulong at yaya. Agency ba.”
Tumango-tango siya bago nagtanong ulit, “Ano ho ba’ng requirements?”
“Biodata at valid I.D. Iyon lang naman ang hinihingi nila kalimitan sa mga ganiyan. Bakit? Maga-apply ka rin ba?” nagtatakang tanong nito at tiningnan siyang muli.
Kahit nakasuot siya ng puting t-shirt at pantalong maong, kapansin-pansin pa rin ang makinis niyang kutis. Sa unang tingin, hindi maikaiila ang buhay na kinalakihan niya. Anak-mayaman pa rin ang itsura niya lalo na kung tititigang maigi.
Ngumiti siya rito. “Oho. Kailangan ho, eh,” sagot niya. Buti na lang tuwid na tuwid pa rin siyang magsalita ng Tagalog. Dahil kung hindi, baka talagang magtaka na ito.
Pumila siya sa likuran ng babaeng napagtanungan. Napag-isip-isip niyang mas makatitipid siya kung ganitong trabaho ang kukunin niya. Libre na ang tirahan pati na ang pagkain. Ang school allowance na lang at iba pang gastusin sa paaralan ang paglalaanan niya ng kaniyang magiging sahod. Hindi rin naman kasi biro ang kursong fine arts.
Matagal at kainip-inip ang bawat sandali para kay Francesca . Hindi niya alam na marami pala ang nag-a-apply para sa ganitong uri ng trabaho. Marami rin palang proseso ang pagpili nila sa mga kinukuhang aplikante. Kailangang may alam talaga sa gawaing bahay. Ang problema, wala rin siyang kaalam-alam sa ganoong bagay.
Bakit ba hindi ako nagpaturo noon kay Yaya Lomeng? Hay! Pero bahala na. Nandito na ako, eh, bulong niya sa sarili.
Nang siya na ang in-i-interview, nilakasan niya ang loob. Kahit walang kaalam-alam sa papasukan, confident naman ang mga naging sagot niya. Kahit pa nga ang iba roon ay kasinungalingan lang. Hindi naman na siguro iyon mahahalata kapag ipinadala na siya sa kaniyang amo. Matalino naman siya at madaling umintindi. Mabilis naman siguro niyang matututunan ang mga kailangang gawin sa papasukan niya.
Laking pasasalamat ni Francesca nang pumasa siya agad. Sinabi rin ng agency na ipadadala na rin siya ngayong araw sa pagtatrabahuhan niya. Urgent daw iyon at kinakailangang puntahan na niya kaagad.
Tuwang-tuwa naman siya.
Sa wakas, wala na siyang problema.
Ibinigay ng agency ang address ng papasukan niya. Laking gulat niya nang makitang doon mismo ito sa exclusive subdivision nila, ang Emerald City sa San Juan. Mga mayayamang tao ang mga nakatira sa lugar nila. Madalas, mga kilalang tao sa business industry at politics.
Nagdadalawang-isip tuloy siya kung pupunta siya o hindi. Baka kasi makita siya roon ng daddy niya at pauwiin bigla sa kanila. Ilang blocks lang ang layo ng bahay ng magiging amo niya sa kanila, kaya nangangamba siya.
Matagal na nag-isip si Francesca. Tinitimbang ang mga posibleng mangyari kung tatanggapin niya ang trabaho. Hindi na rin naman nga masama. Malapit lang din iyon sa eskwelahan niya, kaya’t mas makatitipid siyang lalo. Isa pa, kilala na rin siya ng mga gwardiya roon. Walang problema sa pag-d-drive ng kaniyang scooter. Alam din naman niya kung anong oras nagtatrabaho ang daddy niya, kaya’t madali niya itong maiiwasan kung saka-sakali.
Buo ang loob na nagligpit siya ng kaniyang mga gamit at nag-check-out sa tinutuluyan. Kaagad siyang nag-drive pabalik sa kanila. Hindi naman siguro masamang may dala siyang scooter sa kaniyang papasukan. Magdadahilan na lang siyang service niya iyon sa pagpasok.
Isa pa pala iyon sa ipakikiusap niya sa kaniyang amo. Kung papayagan siyang mag-aral sa gabi. Hindi naman siguro iyon makaaapekto sa trabaho niya. Kaya’t habang nasa daan ay nananalangin siyang sana ay mabait ang magiging amo.
Bago sapitin ang lugar, iniba niya ang address sa biodata. Iyong tipong hindi siya mapaghihinalaan.
ALAS-SINGKO nang makarating si Francesca sa Emerald City. Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-doorbell sa bahay na kaniyang pagtatrabahuhan. Hindi niya napigilang humanga sa itsura noon. Bukod sa malaki at napakaganda, moderno rin ang pagkakadisenyo, tila ba isa iyong napakalaking palasyo.
Maya-maya pa, bumukas ang automatic na gate pang-tao. Pumasok siya roon at iniwan muna ang scooter sa labas.
Kung maganda sa labas ang bahay, mas maganda iyon sa loob. Napakaganda at napakalawak ng garden. Punong-puno iyon ng iba’t ibang klase ng bulaklak. Mukhang maayos ang pagmimintina roon, dahil pantay-pantay ang kulay berdeng damong nakalatag sa lupa. May malaking swimming pool din sa gilid ng bahay at mini-playground. Siguro ay sa kaniyang aalagaan iyon.
Tuloy-tuloy siyang naglakad hanggang sa marating niya ang main door. Bumukas iyon at iniluwa ang isang may katandaang babae. Nakasuot ito ng uniporme ng kasambahay, kaya’t nahinuha niyang isa ito sa makakasama niya. Mukha naman itong mabait. Parang hindi nagkakalayo ang edad nito at ng kaniyang yaya.
Ngumiti siya rito. “Magandang hapon po,” magalang na bati.
Magiliw naman siya nitong ngitian. “Magandang hapon din naman, ineng. Ikaw ba ang ipinadala ng agency dito?” tanong nito.
“Opo. Ako nga po.” Tumango-tango siya. “Ako nga po pala si Francesca Quijano. Ikay na lang po ang itawag ninyo sa akin,” agad niyang sabi. Umembento na lang siya ng itatawag sa kaniya.
Lumapad ang ngiti ng matanda. “Tuloy ka, ineng.”
Dumeretso siya sa loob. Iginala niya ang mga mata sa paligid. Hindi maikakaila kung gaano kayaman ang magiging amo niya base sa mga muebles at kasangkapan doon. At dahil fine arts ang kinuha niyang kurso, ang karamihan sa mga paintings na naka-display doon ay kilala niya.
Maaliwalas at malinis tingnan ang buong kabahayan. Puti at malamlam na dilaw ang kulay noon.
“Ako nga pala si Nanay Mercy, ang katiwala rito,” pakilala ng matandang babae sa kaniya. “Puwede ko bang makita ang biodata mo?”
Agad niya iyong ibinigay rito.
Binasa iyon ng matanda. Mukhang ito na mismo ang mag-i-interview sa kaniya.
Nakita niyang tumango-tango si Nanay Mercy. Pero hindi niya mawari kung tanggap na ba siya.
“Ang bata mo pa pala, ineng. Biente anyos ka pa lang,” anito maya-maya.
“Opo,” magalang niyang sagot.
Tinitigan siya ni Nanay Mercy. Kinabahan naman siya sa uri ng tingin nito. Parang may nais itong sabihin pero hindi nito masabi-sabi.
“Ikaw ba ay may karanasan na sa pag-aalaga ng bata?” tanong nito. Hindi pa rin siya nito hinihiwalayan ng tingin.
Umiling siya. Ayaw naman niyang ipagsinungaling ang bagay na iyon. “Pero mabilis naman po akong matuto. At saka, maaasahan din po ako. Hindi rin po ako basta-basta sumusuko,” determinadong sagot niya.
Tiningnan siya nito nang may pag-aalinlangan. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Hindi basta-basta ang batang aalagaan mo,” makahulugan pang wika nito.
Kumunot ang noo niya. “Eh, ano ho? Hindi naman ho siguro nangangagat iyon?” pabirong tanong niya at ngumiti.
Sa kaibuturan ng kaniyang puso, nagsisimula na siyang kabahan. Kung bata rin lang naman ay walang problema sa kaniya. Kahit nag-iisang anak siya, sa eskwelahan naman ay palakaibigan siya. Wala man siyang kapatid, ngunit marunong siyang makisama at mabilis din siyang makapalagayan ng loob.
Napangiti si Nanay Mercy. “Hindi naman nangangagat ang aalagaan mo, pero may pagkapilyo iyon.”
Nakahinga siya nang maluwag. May pagkakatulad pa ’ata sila ng aalagaan niya. Kung pilyo iyon ay may pagkapilya rin siya.
Napangiti siya. “Naku! Hindi ho iyon mananalo sa kapilya—”
Hindi na natapos ni Francesca ang kaniyang sasabihin nang bigla na lang may bumato ng bola mula sa kung saan. Sapul na sapul ang dibdib niya.
“MAHAL, gising ka na. Baka magalit na si Enrico,” ani Leandro sa natutulog pa ring asawa. Sa araw na iyon nila ihahatid ang kanilang panganay sa condo nito. Nahikayat na rin kasi sa wakas si Francesca sa desisyon ni Enrico na bumukod na sa kanila. Iyon daw ay para mas matuto pa itong maging independent. College naman na nga kasi ito. “Can I sleep more?” “No. Gusto mo bang mag-ala Hulk Hogan ang anak natin? Alam mo naman na mainipin ang isang iyon.” Tumayo si Leandro at hinila ang asawa pero nananatili pa rin itong nakapikit. “Alright. Kung ayaw mong bumangon, ganito na lang.” Niyuko niya ito at hinalikan sa tungki ng ilong. Pagkatapos, sa talukap ng mga mata nito, noo, pisngi, hanggang sa sakupin niya ang mga labi nito. Hindi niya tinigilan ang asawa hangga’t hindi ito tumutugon sa kaniya. Madali nitong ipinulupot ang mga braso sa batok niya at hinatak siyang muli pahiga. Napangiti si Leandro at sinaluhang muli ang kaniyang asawa sa kama. Mabilis siyang pumaloob sa kumot nila at
“SAAN ba talaga tayo pupunta, mahal?” paanas na tanong ni Francesca sa asawa, habang dahan-dahan silang bumababa ng hagdanan. Alas-tres iyon ng madaling araw at pareho pa silang nakapantulog.Tumigil ito at sandaling sinilip ang kwarto ng kanilang mga anak, pagkuwa’y hinarap siya.“Shhh . . . Basta. You’ll see . . .” nakangiting tugon ni Leandro na hindi binibitawan ang isa niyang kamay.Natatawang naiiling na lang siya. Leandro never fails to surprise her. At ngayon nga ay tatlong taon na silang kasal.Parang mga magnanakaw na susukot-sukot silang lumabas sa may garden. Then, Leandro stopped and looked at her.“Close your eyes,” malambing na utos nito.Agad na ipikit ni Francesca ang kaniyang mga mata. Maingat siyang inalalayan ni Leandro papunta sa kung saan, hanggang sa tumigil ito at may kun
TINULUNGAN nina Leandro sa pag-f-file ng kaso si Stephanie. Dahil na rin sa mabilis na pagkalap ng ahensya ni Bernard ng mga impormasyon laban kay Dyawne at sa mga ebidensyang hawak ni Stephanie, madali itong nababaan ng warrant of arrest. Binigyan din kaagad ito ng restraining order para hindi na malapitan pa sina Stephanie at Sarina. Noon lang nalaman ni Leandro na nagkaanak pala ito sa Dubai. Iyon din siguro ang rason kaya hindi nito nagawang silipin noon ang mga anak nila. Ang buong akala niya, wala talaga itong puso.Pero nang malaman niya ang mga pinagdaanan ng dating asawa, doon siya nakaramdam ng awa para dito. Hindi naman kasi nga bato ang puso niya. Isa pa, tama si Francesca, kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, mananatiling konektado ang babae sa mga buhay nila dahil ina ito ng mga anak niya. Kaya nga naniniwala na rin siyang walang rason para hindi niya muling ipagkatiwala ang mga anak dito, dahil napatunayan niyang mabuti rin ito
“STEPHANIE . . .”“Hmm . . . ?” Nilingon siya nito habang nginunguya ang sushi na nasa bibig.Huminga si Francesca nang malalim bago binitiwan ang chopsticks na hawak at pinakatitigan ito sa mga mata.“How really are you?” tanong niya.“Ha?” Natawa ito, pagkuwa’y dere-deretsong nilunok ang nasa bibig. “Ano ba namang klaseng tanong iyan, Chesca? Of course, I’m fine! I’m totally fine.”“Really?”Sunod-sunod itong tumango. “Yes. Why do you ask?”Muli siyang humugot ng hangin sa dibdib. “Because you are not,” seryosong wika niya at hiwakan ang dalawang kamay nito. “You aren’t, Steph.” Hindi niya ito hinihiwalayan ng tingin.Malikot ang mga matang nag-iwas ito. “At paano
“HI! Sorry I’m late!” masayang bungad sa kaniya ni Stephanie. Gaya nang dati, balot na balot ang katawan nito sa suot na pulang long-sleeve shirt at itim na slacks— at alam na niya ngayon ang rason sa likod niyon.“It’s okay. Hindi naman ako nainip dahil nagtitingin-tingin din ako ng mga p’wedeng mabili.”Naroon sila sa isang mall, sa labas ng isang home depot. Niyaya niya itong lumabas para makausap niya ito. Sinadya niya ring mag-girl bonding muna sila— shopping and groceries, para makondisyon muna ang sari-sarili nila. Hindi rin naman kasi madali ang gagawin niya.“Ano-ano ba ang gusto mong bilhin?” tanong nito sa kaniya.Nilingon niya ito nang may ngiti sa mga labi. “Ikaw, ano ba’ng gusto mong bilhin?”“Well, I wanted to redecorate my condo. Pabago-bago kasi ng taste si
KINABUKASAN, dahil walang pasok ay kinausap nila ang kanilang mga anak. Kasama na rin si Enrico dahil ayaw naman nilang ma-left out ito. Karapatan din naman nitong malaman ang totoo, dahil ina pa rin ang turing nito kay Stephanie. Isa pa, pamilya sila, at ang pamilya dapat sama-sama sa pagharap sa mga problema.Ipinaubaya muna niya kina Yaya Lomeng at Helen ang kambal. Wala kasi roon ang byenan niya dahil may lakad daw ito. Mabuti na rin nga iyon kasi para hindi na ito mag-alala pa sa nangyayari.Kasalukuyan silang naroon sa opisina ni Leandro. Nakaupo silang apat ng kanilang mga anak sa harapan ng mesa ng kaniyang asawa, habang ito naman ay sa swivel chair nito. Katabi niya si Alejandro, na kapansin-pansin ang kakulangan sa pagtulog, habang si Jacob at Enrico naman ang magkatabi sa tapat nila na larawan sa mga mukha ang pagkalito.“Daddy, ano po’ng meron?” hindi na nakatiis na tanong n







