Mag-log inMAGAANG gumising si Leandro nang araw na ’yon. May site visit siya sa Baguio at kailangang maaga siya roong makarating. Nag-collapse ang isang parte ng ipinagagawa nilang building doon. Buti na lang, walang casualties, pero nag-d-demand ang kliyente nila ng damaged refunds. Hindi naman niya iyon maibibigay nang hindi na-i-inspection ang lugar, kaya minabuti niyang siya na mismo ang magtungo roon.
Isa siyang architect at pag-aari niya ang Lagdameo Architectural and Engineering Firm. Noong una, nag-d-design lang sila at nagpaplano ng mga building. Hindi nagtagal, pinasok niya na rin ang pagiging building contractor dahil sa demand nito.
Kaya bukod sa modeling, hawak na rin ng kompanya niya ang inspection at construction ng mga building. Palaki nang palaki ang kompanya niya at ang mga ganitong pangyayari ay hindi talaga maiiwasan.
Mabilis siyang naligo at nagbihis. Nag-aabang na ang kotse niya sa ibaba. Minabuti niya na rin na magpamaneho na lang kay Manong Fred para makatulog pa siya sa byahe.
Pagkababa niya ay nakita niyang nakaabang sa kaniya si Nanay Mercy, ang katiwala niya sa bahay at siya ring nagpalaki sa kaniya. Tila may gusto itong sabihin ngunit nag-aalinlangan pa ito.
“Nanay Mercy. . .” aniya sa mababang tono. Ginagamit niya iyon dito kapag medyo nauubusan na siya ng pasensya.
“Eh, Leandro, kailan ka ba babalik?” tanong nito sa nag-aalangang tinig.
Hinagod muna niya ang batok bago sumagot, “Baka ho sa isang araw na. Bakit, Nanay? Ano ba’ng sasabihin ninyo?” Medyo naaantala na ang oras ng kaniyang pag-alis dahil dito.
“Eh ’yong yaya ni Jacob umalis na kahapon,” pag-iimporma nito sa kaniya.
Huminga siya nang malalim. Hindi na iyon bago sa kaniya. Walang tumatagal na yaya sa bunso niyang si Jacob. Pinakamatagal na ang isang linggo.
“What did he do this time, Nanay?” tanong niya.
“Sabi noong yaya, itinulak daw siya sa pool. Eh, hindi pala marunong lumangoy, kaya ora-mismo nag-alsa balutan.”
Iiling-iling na lang siya nang marinig ang sinabi nito. Sa kaniyang tatlong anak, si Jacob ang pinakapilyo. Palibhasa, ito lang ang hindi nakaranas na maalagaan nang matagal ng ina. Hindi rin naman niya ito maintindi dahil sa trabaho, kaya’t madalas ang mga kasama nila sa bahay ang napagdidiskitahan ng anak.
Nang mamatay si Cheska, naiwan sa kaniyang pangangalaga ang panganay niyang anak na si Enrico. Hindi naging madali ang lahat para sa kaniya. Mahirap kasing tumayong ina at ama nang sabay. May mga oras na naghahanap ang mga anak ng kalinga ng isang ina. At tanging si Nanay Mercy lang ang palagi nilang kasama. Samantala, para makalimot, inabala niya noon ang sarili sa trabaho at sa pagpapalago ng negosyo. Doon niya ibinuhos ang kaniyang pangungulila kay Cheska.
Ngunit hindi rin nagtagal ay nagmahal siyang muli. He was still at his prime that time. Kahit byudo na siya at may anak, marami pa rin ang nagkakagusto sa kaniya. Maganda siyang lalaki. Matangos ang ilong at may malalalim na mga mata. Malago ang tuwid niyang buhok na laging naka-clean cut. Bukod sa nakababata iyon, mas nagiging kapita-pitagan ang kaniyang anyo. Kaya’t di maikaiilang mahulog sa kaniya ang ina nina Alejandro at Jacob, si Stephanie.
Isa ito sa mga bagong engineers niya noon. Maganda ito at matalino. And she has a good sense of humor. Mabilis niyang nakagaanan ito ng loob. Minsan ay isinama niya sa opisina si Enrico at kahit ang bata ay nagustuhan din ito.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Niligawan niya ito agad. At hindi pa man nagtatagal ang kanilang relasyon ay inaya na niya itong magpakasal. Tatlong taon pa lamang noon si Enrico nang magpakasal siyang muli. Tuwang-tuwa noon si Enrico. Wala pa mang masyadong nalalaman ang bata, pero alam ni Leandro na gustong-gusto nitong magkaroon ng kompletong pamilya. ’Yong tipong may nanay na mag-aalaga rito kagaya ng ibang bata na kàedad nito.
Sa una, maligaya ang pagsasama nila. Hindi naging problema rito ang pagkakaroon niya ng anak sa una. Nakikita rin naman ni Leandro kung paano alagaan ni Stephanie si Enrico at nagpapasalamat siya roon. Itinuring na rin nitong parang tunay na anak ang bata.
Nang magbuntis ito kay Alejandro ay lalong naging masaya ang kanilang pamilya. Walang pagsidlan ang tuwa niya nang mga sandaling iyon. Maging si Enrico na magiging kuya na ay ganoon din. Kitang-kita ang excitement sa mukha nito sa kaalamang magkakaroon na ito ng kapatid.
Pero nagbago ang lahat pagkatapos nitong ipanganak ang bunso nilang si Jacob. Nagpaalam ito sa kaniya na babalik na ulit sa trabaho—na mariin niyang tinanggihan. Ang katwiran niya ay naibibigay naman niya ang lahat ng pangangailangan ng mga ito. Isa pa, walang mag-iintindi sa mga bata kung pareho silang magtatrabaho.
Ngunit, hindi nagpatinag si Stephanie. Bumalik itong muli sa trabaho, wala pang isang taong gulang si Jacob. Hindi na niya iyon tinutulan pa dahil wala rin namang mangyayari. Alam niyang hindi ito makikinig sa kaniya.
Pinilit ni Leandro na intindihin ito sa kaniyang kagustuhan sa pag-aakalang magsasawa rin ito kalaunan. Ngunit kabaligtaran ang nangyari. Naging abala ito sa trabaho at napabayaan na rin nito ang mga bata. Ikinabahala niya iyon. At nang komprontahin niya ito ay hindi man lang siya nito kinibo, kaya’t nagalit siya rito. Mula noon, napadalas na ang kanilang pag-aaway. At unti-unti’y nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon.
Nang magkaroon ito ng offer sa Dubai ay kaagad nito iyong tinanggap nang hindi sinasabi sa kaniya. Ang sabi lang nito ay tutululan niya lang daw iyon sa sandaling malaman niya. Hindi ito nagkakamali roon. Nagalit siya nang husto at pinamili si Stephanie, kung ang trabaho nito o silang mag-aama. Mas pinili ni Stephanie ang career nito.
Sobrang na-disappoint siya rito. Biglang naging ibang tao ito sa paningin niya. Parang hindi ito ang taong minahal niya. At ang mas lalo niyang ikinagalit ay nang mag-file ito ng annulment nang hindi ikinukonsulta sa kaniya.
Hindi na niya ito napigilan pa. Kaya’t bago tumuntong ng dalawang taong gulang si Jacob, annulled na ang kasal nila. Pero ang mas kasindak-sindak na ginawa nito ay nang hindi nito ipinaglaban pa ang custody ng mga anak nila. Hindi siya makapaniwala nang malaman iyon mula sa abogado nito. Ang akala niya hindi matitiis ni Stephanie ang kanilang mga anak. Na kahit papaano mas gugustuhin nitong magkaroon sila ng joint custody pagdating sa mga bata, ngunit hindi pala. Iniwan sa kaniya ni Stephanie ang lahat ng responsibilidad para sa dalawa nilang anak.
He was very angry that time. Maging ang sarili niya ay sinisisi niya sa kinahantungan ng pagsasama nila at ng kanilang pamilya. Sa isang iglap ay nasira ang lahat. Naaawa siya sa mga anak niya lalo na kay Jacob, na wala pang kamuwang-muwang sa nangyayari noon.
Pinilit pa rin naman niyang isalba kahit papaano ang relasyon nila ni Stephanie, ngunit ayaw na nitong magpapigil pa. Pagkatapos na pagkatapos ng annulment nila, lumipad agad ito papuntang Dubai at hindi na ito nagpakita pa sa kaniya o kahit sa mga bata mula noon.
“Leandro,” untag ni Nanay Mercy.
Natigil si Leandro sa pag-iisip nang marinig si Nanay Mercy. Nilingon niya ang nababahalang matanda. Hindi naman na makakayang balikatin lahat nito ang pag-aalaga sa tatlo niyang anak. Nasa ikalawang taon na sa high school si Enrico at Grade Four naman si Alejandro.
Wala namang problema sa dalawang ito, dahil pareho silang mababait at responsible. Naasahan na rin niya si Enrico pagdating sa mga kapatid. Bilang nakatatanda, ito ang malimit tinatakbuhan nina Alejandro at Jacob kapag wala siya sa bahay. Tanging si Jacob lang ang kaniyang nagiging problema sa araw-araw. Kakatuntong lang nito sa unang baitang sa elementarya, kaya mas kinakailangan nito nang mas maraming atensyon at pag-aaruga. May dalawa pa silang kasama sa bahay. Ngunit kahit ang mga ito ay hindi kaya ang kapilyuhan ng bunso niya.
Huminga siya nang malalim. Hindi na rin niya alam ang gagawin sa bunsong anak.
“Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa mga bata,” maya-maya’y sabi ni Nanay Mercy nang hindi siya sumagot. Ngumiti ito sa kaniya.
Alam nitong importante ang lakad niya ngayon at ayaw na rin nitong nag-aalala pa siya. Pero hindi naman puwedeng iasa na lang niya rito ang lahat.
Nag-isip siya. “Magpahanap na lang ulit kayo ng panibagong yaya ni Jacob sa agency. Baka hindi na kayanin ng katawan mo ang intindihin silang lahat, lalo na si Jacob,” aniya rito. “Kayo na ang bahalang mag-interview sa mga aplikante. Alam niyo naman ang panuntunan ko rito sa bahay. Sabihin ninyo sa agency na kung maaari ay makakuha ng mga aplikante, ASAP,” dagdag niya.
Tumango-tango ang matanda.
Nagpasalamat naman siya rito. Pagkatapos ay nagpaalam na rin at nagmamadaling sumakay sa kotseng kanina pa nakaabang sa labas. Isang lingon muna ang ginawa niya sa kanilang bahay bago ipinikit ang mga mata.
Hindi niya alam kung makakatulog pa ba siya sa byahe dahil sa isipin sa mga anak. Aminado siyang malaki ang pagkukulang niya sa mga ito. Mas maraming oras ang ginugugol niya sa kaniyang trabaho at dahil doon ay napapabayaan na niya ang mga ito. Ni hindi na nga niya maalala kung kailan ba sila huling lumabas mag-aama.
Napailing na lang siya sa sarili habang hinahagod ang bigla’y sumakit na batok.
Naiisip niyang bumawi kahit papaano sa mga ito, ngunit hindi niya alam kung papaano iyon gagawin. Enrico and Alejandro understand their situations. Pero ramdam pa rin ni Leandro ang pangungulila ng mga ito sa ina. Ang mas ikinatatakot niya ay ang kaalamang baka mas lumala pa ang sitwasyon ni Jacob. Kaya’t sa lalong madaling panahon kailangan niya iyong masolusyunan. Ngunit isang malaking katanungan ang nagtutumining sa kaniyang isip.
Paano? Paano niya gagawin iyon?
“MAHAL, gising ka na. Baka magalit na si Enrico,” ani Leandro sa natutulog pa ring asawa. Sa araw na iyon nila ihahatid ang kanilang panganay sa condo nito. Nahikayat na rin kasi sa wakas si Francesca sa desisyon ni Enrico na bumukod na sa kanila. Iyon daw ay para mas matuto pa itong maging independent. College naman na nga kasi ito. “Can I sleep more?” “No. Gusto mo bang mag-ala Hulk Hogan ang anak natin? Alam mo naman na mainipin ang isang iyon.” Tumayo si Leandro at hinila ang asawa pero nananatili pa rin itong nakapikit. “Alright. Kung ayaw mong bumangon, ganito na lang.” Niyuko niya ito at hinalikan sa tungki ng ilong. Pagkatapos, sa talukap ng mga mata nito, noo, pisngi, hanggang sa sakupin niya ang mga labi nito. Hindi niya tinigilan ang asawa hangga’t hindi ito tumutugon sa kaniya. Madali nitong ipinulupot ang mga braso sa batok niya at hinatak siyang muli pahiga. Napangiti si Leandro at sinaluhang muli ang kaniyang asawa sa kama. Mabilis siyang pumaloob sa kumot nila at
“SAAN ba talaga tayo pupunta, mahal?” paanas na tanong ni Francesca sa asawa, habang dahan-dahan silang bumababa ng hagdanan. Alas-tres iyon ng madaling araw at pareho pa silang nakapantulog.Tumigil ito at sandaling sinilip ang kwarto ng kanilang mga anak, pagkuwa’y hinarap siya.“Shhh . . . Basta. You’ll see . . .” nakangiting tugon ni Leandro na hindi binibitawan ang isa niyang kamay.Natatawang naiiling na lang siya. Leandro never fails to surprise her. At ngayon nga ay tatlong taon na silang kasal.Parang mga magnanakaw na susukot-sukot silang lumabas sa may garden. Then, Leandro stopped and looked at her.“Close your eyes,” malambing na utos nito.Agad na ipikit ni Francesca ang kaniyang mga mata. Maingat siyang inalalayan ni Leandro papunta sa kung saan, hanggang sa tumigil ito at may kun
TINULUNGAN nina Leandro sa pag-f-file ng kaso si Stephanie. Dahil na rin sa mabilis na pagkalap ng ahensya ni Bernard ng mga impormasyon laban kay Dyawne at sa mga ebidensyang hawak ni Stephanie, madali itong nababaan ng warrant of arrest. Binigyan din kaagad ito ng restraining order para hindi na malapitan pa sina Stephanie at Sarina. Noon lang nalaman ni Leandro na nagkaanak pala ito sa Dubai. Iyon din siguro ang rason kaya hindi nito nagawang silipin noon ang mga anak nila. Ang buong akala niya, wala talaga itong puso.Pero nang malaman niya ang mga pinagdaanan ng dating asawa, doon siya nakaramdam ng awa para dito. Hindi naman kasi nga bato ang puso niya. Isa pa, tama si Francesca, kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, mananatiling konektado ang babae sa mga buhay nila dahil ina ito ng mga anak niya. Kaya nga naniniwala na rin siyang walang rason para hindi niya muling ipagkatiwala ang mga anak dito, dahil napatunayan niyang mabuti rin ito
“STEPHANIE . . .”“Hmm . . . ?” Nilingon siya nito habang nginunguya ang sushi na nasa bibig.Huminga si Francesca nang malalim bago binitiwan ang chopsticks na hawak at pinakatitigan ito sa mga mata.“How really are you?” tanong niya.“Ha?” Natawa ito, pagkuwa’y dere-deretsong nilunok ang nasa bibig. “Ano ba namang klaseng tanong iyan, Chesca? Of course, I’m fine! I’m totally fine.”“Really?”Sunod-sunod itong tumango. “Yes. Why do you ask?”Muli siyang humugot ng hangin sa dibdib. “Because you are not,” seryosong wika niya at hiwakan ang dalawang kamay nito. “You aren’t, Steph.” Hindi niya ito hinihiwalayan ng tingin.Malikot ang mga matang nag-iwas ito. “At paano
“HI! Sorry I’m late!” masayang bungad sa kaniya ni Stephanie. Gaya nang dati, balot na balot ang katawan nito sa suot na pulang long-sleeve shirt at itim na slacks— at alam na niya ngayon ang rason sa likod niyon.“It’s okay. Hindi naman ako nainip dahil nagtitingin-tingin din ako ng mga p’wedeng mabili.”Naroon sila sa isang mall, sa labas ng isang home depot. Niyaya niya itong lumabas para makausap niya ito. Sinadya niya ring mag-girl bonding muna sila— shopping and groceries, para makondisyon muna ang sari-sarili nila. Hindi rin naman kasi madali ang gagawin niya.“Ano-ano ba ang gusto mong bilhin?” tanong nito sa kaniya.Nilingon niya ito nang may ngiti sa mga labi. “Ikaw, ano ba’ng gusto mong bilhin?”“Well, I wanted to redecorate my condo. Pabago-bago kasi ng taste si
KINABUKASAN, dahil walang pasok ay kinausap nila ang kanilang mga anak. Kasama na rin si Enrico dahil ayaw naman nilang ma-left out ito. Karapatan din naman nitong malaman ang totoo, dahil ina pa rin ang turing nito kay Stephanie. Isa pa, pamilya sila, at ang pamilya dapat sama-sama sa pagharap sa mga problema.Ipinaubaya muna niya kina Yaya Lomeng at Helen ang kambal. Wala kasi roon ang byenan niya dahil may lakad daw ito. Mabuti na rin nga iyon kasi para hindi na ito mag-alala pa sa nangyayari.Kasalukuyan silang naroon sa opisina ni Leandro. Nakaupo silang apat ng kanilang mga anak sa harapan ng mesa ng kaniyang asawa, habang ito naman ay sa swivel chair nito. Katabi niya si Alejandro, na kapansin-pansin ang kakulangan sa pagtulog, habang si Jacob at Enrico naman ang magkatabi sa tapat nila na larawan sa mga mukha ang pagkalito.“Daddy, ano po’ng meron?” hindi na nakatiis na tanong n







