Share

CHAPTER 7

Author: Gael Aragon
last update Last Updated: 2025-09-11 08:02:15

NANG hindi na masyadong masakit ang pasa ni Francesca ay nagmamadali siyang nagbihis at kinuha ang scooter sa labas. Ipinasok niya iyon sa garahe. Itinabi niya iyon sa isang sulok para hindi makaabala sa apat na sasakyang naroroon. Kinuha niya rin ang kaniyang bagpack at dinala sa kwarto nila ni Nanay Mercy. Isa-isa niyang isinalansan sa kabinet ang kakaunti niyang gamit.

Napansin niya ang kaniyang cell phone, na hindi na niya pinag-aksayahang buksan mula pa kahapon. Kinuha niya ito at binuhay. Sunod-sunod na text messages at call alerts ang dumating. Karamihan doon ay galing sa daddy niya.

Hindi na niya iyon pinag-aksayahang basahin pa. At para hindi siya maabala, inilagay niya iyon sa silent mode.

Nang matapos siya sa pag-aayos ng gamit ay nagbihis siya ng unipormeng ibinigay ni Nanay Mercy kanina. Medyo maluwag iyon, pero ayos na rin.

Mabilis siyang nagtungo sa dining area kung sa

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 7

    NANG hindi na masyadong masakit ang pasa ni Francesca ay nagmamadali siyang nagbihis at kinuha ang scooter sa labas. Ipinasok niya iyon sa garahe. Itinabi niya iyon sa isang sulok para hindi makaabala sa apat na sasakyang naroroon. Kinuha niya rin ang kaniyang bagpack at dinala sa kwarto nila ni Nanay Mercy. Isa-isa niyang isinalansan sa kabinet ang kakaunti niyang gamit.Napansin niya ang kaniyang cell phone, na hindi na niya pinag-aksayahang buksan mula pa kahapon. Kinuha niya ito at binuhay. Sunod-sunod na text messages at call alerts ang dumating. Karamihan doon ay galing sa daddy niya.Hindi na niya iyon pinag-aksayahang basahin pa. At para hindi siya maabala, inilagay niya iyon sa silent mode.Nang matapos siya sa pag-aayos ng gamit ay nagbihis siya ng unipormeng ibinigay ni Nanay Mercy kanina. Medyo maluwag iyon, pero ayos na rin.Mabilis siyang nagtungo sa dining area kung sa

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 6

    “Ikay, are you alright?” pukaw ni Leandro sa lumulutang niyang pag-iisip. Kaylalim ng mga gatla nito sa noo habang tinititigan siya.Agad namang natauhan si Francesca. Dali-dali siyang kumawala kay Leandro. At sa di sinasadyang pangyayari, nadanggil ng mga kamay nito ang dibdib niyang tinamaan ng bola kanina.“Shit!” ang napabiglang sabi niya habang hawak-hawak ang masakit na dibdib.Lalong nangunot ang noo ni Leandro sa kaniyang narinig. “What did you say?” tanong nito sa madilim na anyo. Mukhang hindi nito nagustuhan ang lumabas sa bibig niya, kaya kaagad niyang binawi iyon.“Wala, Sir. Guni-guni mo lang iyon,” palusot niya, pilit ngumiti. Pero ang totoo, gusto na niya talagang magmura nang sunod-sunod dahil sa sakit na nadarama.Kailangang masilip na niya iyon ‘pag naituro na ni Nanay Mercy ang kwarto niya. Wala sa loob na

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 5

    “MAIBA ho tayo ng usapan. Ano ho palang buong pangalan ni Sir Leandro?” naisip niyang itanong kay Nanay Mercy.“Ay, oo nga pala. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa ’yo iyan. Leandro Lagdameo ang buong pangalan ni Sir. May-ari iyon ng isang kompanya na nagdidisenyo at gumagawa ng bahay at mga malalaking building,” tugon nito.Hindi na halos narinig ni Francesca ang huling sinambit na iyon ng matanda. Nagtutumining sa isip niya ang pangalang iyon ng magiging boss niya.Leandro Lagdameo, ulit niya sa sarili.Parang narinig na niya iyon, ngunit hindi niya lang matandaan kung saan. May isang malabong alaala sa kaniyang isipan ang pilit na nag-uumalpas doon. Isang anyo ng lalaki na parang…Bigla siyang natigil sa pag-iisip nang makarinig ng malakas na pagbusina sa labas. Dali-daling tumayo si Nanay Mercy na agad namang niyang sinundan. Isang kotseng kulay itim ang nakita niyang pumasok sa driveway. Agad iyong sinalubong ng may-edad na babae. Siya naman ay naiwan sa may bukana ng pinto habang

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 4

    Hindi malaman ni Francesca kung magmumura siya o hihiyaw sa tindi ng sakit na hatid niyon. Nasisiguro niyang hindi na maipinta ang mukha niya. Hindi lang naman kasi iyon basta-basta bola, kundi bola ng tennis na napakatigas! Pakiramdam niya lumubog yata ang iyon sa balat niya sa dibdib.Luminga siya sa paligid. Hinahanap ng kaniyang mga mata kung sino ang maaaring nagbato niyon. Ngunit, wala siyang makita na ibang tao roon maliban sa kanila ng kaharap na babae.Si Nanay Mercy ay hindi na rin maintindihan ang gagawin. Kaagad siya nitong nilapitan. “Ayos ka lang ba, ineng?” ang nababahalang tanong nito. Kitang-kita sa mga mata nito ang matinding pag-aalala sa kaniya.Isang pilit na ngiti ang kumawala sa labi niya. Mukhang hindi pa man siya nakakapagsimula ay nasampulan na agad siya. “Ayos lang ho ako, Nay,” sagot niya rito, habang nakakuyom ang isang kamao sa may likuran. Oras na makita niya ang batang iyon, humanda ito sa kaniya!Hindi pa rin mapalagay si Nanay Mercy. “Sigurado ka ba,

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 3

    NAG-CHECK-IN muna si Francesca sa isang mumurahing hotel para makatipid. Wala namang problema sa tuition niya dahil matagal na iyong binayaran ng ama. Ang problema na lang niya ay ang pangaraw-araw na gastusin at pambayad sa matitirahan para maka-survive. Alam niyang sa mga oras na ito ay ipinaputol na ng kaniyang ama lahat ng credit cards niya. At ngayong araw, naisipan niyang maghanap ng trabaho.Kahit wala siyang alam sa kahit na anong gawain ay susubok pa rin siya. Handa siyang matuto, huwag lang siyang bumalik sa kanila. Aayusin niya na lang ang schedule niya sa school kung sakaling makahanap na siya ng mapapasukan.Desidido na siya sa kaniyang pasya. Magtatrabaho siya sa umaga at mag-aaral sa gabi.Una niyang naisip na mag-apply sa mga fast food chains. Pero nang matapos siyang interview-in, naisip niyang hindi rin siya makaiipon sa ganoong paraan. Dahil uupa pa rin siya ng matitirahan at maliit lang ang sahod ng isang crew.Habang wala sa sariling naglalakad sa kahabaan ng Taft

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 2

    MAGAANG gumising si Leandro nang araw na ’yon. May site visit siya sa Baguio at kailangang maaga siya roong makarating. Nag-collapse ang isang parte ng ipinagagawa nilang building doon. Buti na lang, walang casualties, pero nag-d-demand ang kliyente nila ng damaged refunds. Hindi naman niya iyon maibibigay nang hindi na-i-inspection ang lugar, kaya minabuti niyang siya na mismo ang magtungo roon.Isa siyang architect at pag-aari niya ang Lagdameo Architectural and Engineering Firm. Noong una, nag-d-design lang sila at nagpaplano ng mga building. Hindi nagtagal, pinasok niya na rin ang pagiging building contractor dahil sa demand nito.Kaya bukod sa modeling, hawak na rin ng kompanya niya ang inspection at construction ng mga building. Palaki nang palaki ang kompanya niya at ang mga ganitong pangyayari ay hindi talaga maiiwasan.Mabilis siyang naligo at nagbihis. Nag-aabang na ang kotse niya sa ibaba. Minabuti niya na rin na magpamaneho na lang kay Manong Fred para makatulog pa siya sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status