“Ikay, are you alright?” pukaw ni Leandro sa lumulutang niyang pag-iisip. Kaylalim ng mga gatla nito sa noo habang tinititigan siya.
Agad namang natauhan si Francesca. Dali-dali siyang kumawala kay Leandro. At sa di sinasadyang pangyayari, nadanggil ng mga kamay nito ang dibdib niyang tinamaan ng bola kanina.
“Shit!” ang napabiglang sabi niya habang hawak-hawak ang masakit na dibdib.
Lalong nangunot ang noo ni Leandro sa kaniyang narinig. “What did you say?” tanong nito sa madilim na anyo. Mukhang hindi nito nagustuhan ang lumabas sa bibig niya, kaya kaagad niyang binawi iyon.
“Wala, Sir. Guni-guni mo lang iyon,” palusot niya, pilit ngumiti. Pero ang totoo, gusto na niya talagang magmura nang sunod-sunod dahil sa sakit na nadarama.
Kailangang masilip na niya iyon ‘pag naituro na ni Nanay Mercy ang kwarto niya. Wala sa loob na napahawak siya sa nasaktang dibdib.
Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Leandro. “Does it hurts?” tanong nito. Nawala ang madilim na itsura nito kanina. Napalitan iyon ng pag-aalala.
“Ang alin, Sir?” nagmaang-maangan siya.
“Your… chest,” nalilito pang sabi nito. Hindi nito masabi ang tamang termino sa bahaging iyon ng katawan niya.
Umiling siya. “Hindi, ho. Okay lang talaga ako, Sir,” mabilis niyang sagot.
Pero hindi niyon nakumbinsi si Leandro. “Nanay Mercy…” tawag niya sa matandang biglang nawala. Hindi siguro nito napansin na wala na sa likuran nito si Francesca at tuloy-tuloy ito sa paglalakad papuntang maid’s quarter.
Alanganin namang napangiti si Francesca. “Sir, ayos lang talaga ako. Huwag mo nang abalahin si `Nay Mercy,” pangungumbinsi niya rito.
Nilingon siya ni Leandro. “It’s my son’s fault kaya sumasakit iyan. Baka mamaya maging dahilan pa iyan para ’di ka makapagtrabaho nang maayos,” katwiran nito.
May punto din naman ito.
“Pero, Sir, huwag niyo na hong pagagalitan si Jacob. Baka magalit sa akin iyon at pagdiskitahan akong muli,” sabi niya.
Tumango ito at naintindihan ang kaniyang nais sabihin. Gusto na rin naman nitong may makatagal na yaya kay Jacob.
“S’ya nga pala, Sir,” sabi ni Francesca nang maalala ang pakay niya kanina.
“What is it?”
Kumamot muna siya sa ulo bago nagsalita, “Eh… kasi, Sir, may scooter ako. Puwede bang igarahe iyon ’don sa labas?”
“You drive a scooter?” kunot-noong tanong sa kaniya ni Leandro. Tila hindi ito makapaniwala sa sinasabi niya.
Tumango siya. “Service ko iyon, Sir, kapag papasok,” dagdag paliwanag niya.
Tumango-tango ito. “So, sa iyo pala ’yong scooter sa labas?” napansin na niya iyon kanina pagpasok nila sa driveway.
Tumango ulit si Francesca.
Napaisip naman si Leandro. Hindi kasi basta-basta scooter lang iyon. Isa iyong honda scooter at mamahaling model pa.
Sino ba talaga ang babaeng ito? tanong ni Leandro sa sarili habang pinagmamasdan itong maigi. Pero bago pa siya makapagtanong muli, biglang sumulpot sa kung saan si Nanay Mercy.
“Andito ka lang pala, Ikay. Akala ko’y kasunod na kita kanina, iyon pala’y naririto ka pa,” sabi ni Nanay Mercy.
“Pasensya na, ’Nay. May sinabi pa kasi ako kay Sir,” hinging-paumanhin ni Francesca.
Nilingon ito ni Leandro. “’Nay Mercy, pakitingnan mo naman ang dibdib ni Ikay. Mukhang masama talaga ang pagkakatama ng bola doon,” utos niya sa matanda.
Si Francesca naman ang nilingon ni ’Nay Mercy. “Naku, ikaw talagang bata ka. Ayaw mo pang aminin kanina na masakit talaga ang tamang iyon. Malakas bumato si Jacob at alam kong nasaktan ka kanina. Mukha ka pa namang kutis-porselana,” mahabang sermon nito sa kaniya.
Tabingi na lang siyang napangiti. Hindi rin pala nakaligtas dito ang pagkakaroon niya ng anakmayamang balat.
Nilingon niya si Leandro na matamang pa ring pinagmamasdan siya. Hindi niya mawari ang tinatakbo ng isip nito.
“Sige na, Leandro, mauna na kami at titingnan ko kung ano’ng itsura ng dibdib ng batang ito,” paalam ni Nanay Mercy dito.
Tumango naman si Leandro.
Hinila na siya sa kamay ni Nanay Mercy patungong servants’ quarter. Pero bago tuluyang mawala siya sa paningin nito ay tinawag siyang muli nito. Mabilis ang ginawa niyang paglingon dito.
“You can park your scooter at the garage,” sabi nito at pagkatapos ay umakyat na sa itaas.
Napangiti si Francesca sa sarili habang sinusundan ito ng tingin paakyat. Hindi talaga niya lubos akalain na the man she promised to marry thirteen years ago ay naririto lang pala sa tabi-tabi at kapitbahay pa nila.
What a coincidence!
“ITO ang magiging kwarto mo,” turo ni Nanay Mercy, pagkapasok nila sa isang may kalakihang kwarto sa gilid ng bahay.
Puti at malamlam na asul ang pintura noon. May dalawang single bed doon at cabinet. Lagayan ng mga gamit ng mga katulong. Mayroon ding sariling side table ang bawat kama. Higit sa lahat, may sarili rin iyong banyo.
Sa isip niya, ganoon din naman sa kanila. Kaya lang, mas feel niya ang pagiging bahay nito kaysa sa bahay nila. Malaki nga iyon, wala namang pakialamanan ang mga tao sa paligid.
“Ito ang magiging kama mo,” untag ni Nanay Mercy sa kaniyang pag-iisip. “Iyon naman ang sa akin. May dalawa pa tayong kasama, isang labandera at kusinera. May dalawa rin na driver dito. Isang driver ni Sir at isa para sa mga bata. Mamaya ipakikilala kita sa kanila,” anito.
“Dito naman ang iyong kabinet. Andiyan na din ang uniporme mo. Malinis na iyon kaya puwede mo na isuot. D’yan mo na rin ilagay ang mga gamit mo. Teka, ’asan nga pala ang mga iyon?” tanong nito sa kaniya na ang tinutukoy ay ang mga gamit niya.
“Nasa labas pa ho, ’Nay. Kunin ko na lang mamaya,” nakangiting sabi niya.
“Ganoon ba?” anito. “Aba! Bago ko nga pala makalimutan, halika nga dito at nang matingnan na iyang dibdib mo,” utos nito sa kaniya.
Dagli naman siyang sumunod at naupo sa kama nito. Dahan-dahan niyang hinubad ang damit at nang tuluyan na iyong maalis ay tumambad sa kanila ang nangingitim niyang balat.
“Mahabaging langit!” palatak ni Nanay Mercy nang makita iyon.
Maging siya ay nagulat din sa naging itsura ng balat niya. Malaki din pala iyon at sa may punong dibdib pa niya. Kitang-kita ang pangingitim niyon dahil maputi siya.
“Naku! Kailangang malagyan agad iyan ng yelo,” natatarantang sabi nito. “D’yan ka muna at kukuha ako sa kusina.” Nagmamadali itong lumabas ng kwarto.
Wala nang nagawa si Francesca kundi ang maghintay na lang kay Nanay Mercy. Hindi niya napigilan ang makaramdam ng lungkot. Naalala niya kasi ang Yaya Lomeng niya. Ang tanging nakaiintindi sa kaniya sa bahay nila. Kalimitan ay pinagtatakpan siya nito sa daddy niya, pati na rin sa mga kalokohan niya.
Napabuntonghininga siya. Kung maayos lang sana ang relasyon nila ng daddy niya, hindi niya sasapitin ang ganito. Hindi siya lalayas at lalong hindi siya mamasukan bilang isang yaya. Pero habang tumatagal, parang mas lalo pa yatang lumalayo ang loob niya sa ama. Kaya kahit na marami pa siyang makuhang pasa sa pag-aalaga kay Jacob, hindi niya nanaising bumalik pa sa kanila.
Bumukas ulit ang pinto at iniluwa noon si Nanay Mercy na may dalang icebag. Iniaabot nito iyon sa kaniya. Umiiling-iling ito habang pinagmamasdan ang pasa niya.
“Mukhang matatagalan bago mawala iyan sa balat mo,” komento nito.
“Huwag po kayong mag-alala. Hindi naman po siya ganoon kasakit,” nakangiting sabi niya rito. Pero napapapikit siya kapag idinadampi doon ang icebag.
“Ikaw ba talaga ay desidido na maging yaya?” tanong ni Nanay Mercy habang mataman siyang pinagmamasdan. “Sa pakiwari ko, ineng, wala kang alam sa ganoong gawain. Aba’y, kita mo ang balat mo… kay kinis-kinis, parang hindi ka naman talaga sanay na magtrabaho.”
Napangiti si Francesca. “Huwag ho kayong mag-alala, ’Nay, kaya ko po. At sisiguraduhin ko sa inyo, ako na ang magiging huling yaya ni Jacob,” determinadong turan niya rito.
Mukha namang napahinuhod niya ito. Nakita niyang tumatango-tango ito. “O, ay siya sige… Kung ganoon din lang naman, eh, maiwan na muna kita dito. Sumunod ka na lang sa kusina kapag medyo nawalawala na ang pangingitim niyan.” Isa pa uling sulyap ang ibinigay nito sa pasa niya at iiling-iling ng lumabas ng kwarto nila.
Tumango si Francesca bilang tugon dito.
“`NAY MERCY,” tawag ni Leandro nang makita niya si Nanay Mercy na pumapasok sa sala. Nasa sariling opisina siya at hinihintay na bumaba ang mga anak niya para sa hapunan.
Lumapit si Nanay Mercy na may nababahalang mukha.
“Bakit ho, ’Nay Mercy? May problema ho ba?” tanong niya.
“Naku, Leandro!” palatak nito habang iiling-iling. “Kaylaki ng pasa ni Ikay. Nangingitim pa,” pagsusumbong nito.
“Ganoon ho ba? Pabilhin niyo na lang si Manong Fred ng gamot, kung wala na tayong ointment at ibigay ninyo kay Ikay,” sabi niya.
Napahagod siya sa batok.
Kailan kaya magtitino si Jacob?
NANG hindi na masyadong masakit ang pasa ni Francesca ay nagmamadali siyang nagbihis at kinuha ang scooter sa labas. Ipinasok niya iyon sa garahe. Itinabi niya iyon sa isang sulok para hindi makaabala sa apat na sasakyang naroroon. Kinuha niya rin ang kaniyang bagpack at dinala sa kwarto nila ni Nanay Mercy. Isa-isa niyang isinalansan sa kabinet ang kakaunti niyang gamit.Napansin niya ang kaniyang cell phone, na hindi na niya pinag-aksayahang buksan mula pa kahapon. Kinuha niya ito at binuhay. Sunod-sunod na text messages at call alerts ang dumating. Karamihan doon ay galing sa daddy niya.Hindi na niya iyon pinag-aksayahang basahin pa. At para hindi siya maabala, inilagay niya iyon sa silent mode.Nang matapos siya sa pag-aayos ng gamit ay nagbihis siya ng unipormeng ibinigay ni Nanay Mercy kanina. Medyo maluwag iyon, pero ayos na rin.Mabilis siyang nagtungo sa dining area kung sa
“Ikay, are you alright?” pukaw ni Leandro sa lumulutang niyang pag-iisip. Kaylalim ng mga gatla nito sa noo habang tinititigan siya.Agad namang natauhan si Francesca. Dali-dali siyang kumawala kay Leandro. At sa di sinasadyang pangyayari, nadanggil ng mga kamay nito ang dibdib niyang tinamaan ng bola kanina.“Shit!” ang napabiglang sabi niya habang hawak-hawak ang masakit na dibdib.Lalong nangunot ang noo ni Leandro sa kaniyang narinig. “What did you say?” tanong nito sa madilim na anyo. Mukhang hindi nito nagustuhan ang lumabas sa bibig niya, kaya kaagad niyang binawi iyon.“Wala, Sir. Guni-guni mo lang iyon,” palusot niya, pilit ngumiti. Pero ang totoo, gusto na niya talagang magmura nang sunod-sunod dahil sa sakit na nadarama.Kailangang masilip na niya iyon ‘pag naituro na ni Nanay Mercy ang kwarto niya. Wala sa loob na
“MAIBA ho tayo ng usapan. Ano ho palang buong pangalan ni Sir Leandro?” naisip niyang itanong kay Nanay Mercy.“Ay, oo nga pala. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa ’yo iyan. Leandro Lagdameo ang buong pangalan ni Sir. May-ari iyon ng isang kompanya na nagdidisenyo at gumagawa ng bahay at mga malalaking building,” tugon nito.Hindi na halos narinig ni Francesca ang huling sinambit na iyon ng matanda. Nagtutumining sa isip niya ang pangalang iyon ng magiging boss niya.Leandro Lagdameo, ulit niya sa sarili.Parang narinig na niya iyon, ngunit hindi niya lang matandaan kung saan. May isang malabong alaala sa kaniyang isipan ang pilit na nag-uumalpas doon. Isang anyo ng lalaki na parang…Bigla siyang natigil sa pag-iisip nang makarinig ng malakas na pagbusina sa labas. Dali-daling tumayo si Nanay Mercy na agad namang niyang sinundan. Isang kotseng kulay itim ang nakita niyang pumasok sa driveway. Agad iyong sinalubong ng may-edad na babae. Siya naman ay naiwan sa may bukana ng pinto habang
Hindi malaman ni Francesca kung magmumura siya o hihiyaw sa tindi ng sakit na hatid niyon. Nasisiguro niyang hindi na maipinta ang mukha niya. Hindi lang naman kasi iyon basta-basta bola, kundi bola ng tennis na napakatigas! Pakiramdam niya lumubog yata ang iyon sa balat niya sa dibdib.Luminga siya sa paligid. Hinahanap ng kaniyang mga mata kung sino ang maaaring nagbato niyon. Ngunit, wala siyang makita na ibang tao roon maliban sa kanila ng kaharap na babae.Si Nanay Mercy ay hindi na rin maintindihan ang gagawin. Kaagad siya nitong nilapitan. “Ayos ka lang ba, ineng?” ang nababahalang tanong nito. Kitang-kita sa mga mata nito ang matinding pag-aalala sa kaniya.Isang pilit na ngiti ang kumawala sa labi niya. Mukhang hindi pa man siya nakakapagsimula ay nasampulan na agad siya. “Ayos lang ho ako, Nay,” sagot niya rito, habang nakakuyom ang isang kamao sa may likuran. Oras na makita niya ang batang iyon, humanda ito sa kaniya!Hindi pa rin mapalagay si Nanay Mercy. “Sigurado ka ba,
NAG-CHECK-IN muna si Francesca sa isang mumurahing hotel para makatipid. Wala namang problema sa tuition niya dahil matagal na iyong binayaran ng ama. Ang problema na lang niya ay ang pangaraw-araw na gastusin at pambayad sa matitirahan para maka-survive. Alam niyang sa mga oras na ito ay ipinaputol na ng kaniyang ama lahat ng credit cards niya. At ngayong araw, naisipan niyang maghanap ng trabaho.Kahit wala siyang alam sa kahit na anong gawain ay susubok pa rin siya. Handa siyang matuto, huwag lang siyang bumalik sa kanila. Aayusin niya na lang ang schedule niya sa school kung sakaling makahanap na siya ng mapapasukan.Desidido na siya sa kaniyang pasya. Magtatrabaho siya sa umaga at mag-aaral sa gabi.Una niyang naisip na mag-apply sa mga fast food chains. Pero nang matapos siyang interview-in, naisip niyang hindi rin siya makaiipon sa ganoong paraan. Dahil uupa pa rin siya ng matitirahan at maliit lang ang sahod ng isang crew.Habang wala sa sariling naglalakad sa kahabaan ng Taft
MAGAANG gumising si Leandro nang araw na ’yon. May site visit siya sa Baguio at kailangang maaga siya roong makarating. Nag-collapse ang isang parte ng ipinagagawa nilang building doon. Buti na lang, walang casualties, pero nag-d-demand ang kliyente nila ng damaged refunds. Hindi naman niya iyon maibibigay nang hindi na-i-inspection ang lugar, kaya minabuti niyang siya na mismo ang magtungo roon.Isa siyang architect at pag-aari niya ang Lagdameo Architectural and Engineering Firm. Noong una, nag-d-design lang sila at nagpaplano ng mga building. Hindi nagtagal, pinasok niya na rin ang pagiging building contractor dahil sa demand nito.Kaya bukod sa modeling, hawak na rin ng kompanya niya ang inspection at construction ng mga building. Palaki nang palaki ang kompanya niya at ang mga ganitong pangyayari ay hindi talaga maiiwasan.Mabilis siyang naligo at nagbihis. Nag-aabang na ang kotse niya sa ibaba. Minabuti niya na rin na magpamaneho na lang kay Manong Fred para makatulog pa siya sa