Share

#105

last update publish date: 2026-08-10 19:53:35

"Maraming salamat po miss. Mabuti na lang bumalik sa akin ang pera," umiiyak na wika ng babaeng nanakawan kanina.

Samantalang deretsahan na ipinasok ng mga pulis ang magnanakaw sa selda.

"Sige, walang anuman. Huwag mo na lang ipagkalat na tinulungan kita," sabay mapait kong pagngiti.

"Opo, salamat ulit." Mahigpit na yumakap sa akin ang babae dahil sa labis niyang pasasalamat.

Ngumiti lang ako. Nang binitawan niya ako. Maayos na akong nagpaalam. Pagkaalis ko sa presento, malungkot ko ito
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Inosente Kong Minamahal (SSPG)   #117

    "Ano ang ibig mong sabihin Alexa?" Napuno ng lungkot niya itong tinanong. Tila nakikiramay siya ngayon sa kalungkutan ko. "Tama ang narinig mo. Kaya, walang sino man ang mag-aalala sa akin. Wala akong magulang, iniwan nila ako mula ng bata pa ako. Kaya para sa akin, hindi lahat ng ina ay hindi kayang tiisin ang mga anak nila. Dahil, ilang taon! Ilang taon akong naghirap samantalang hindi ko man lang alam kung na saan na sila! Kung ano ang mga ginagawa nila! Kung kumusta sila! Kung hinahanap pa ba nila ako?!" Sa malalamig na espadang tumarak sa dibdib ko. Tila isang iglap lang ay nawasak ako. "Ewan ko ba! May mga araw na umaasa akong babalik sila. Iniisip kong hinahanap nila ako. Pero wala eh... Umabot na lang ako sa 29 kong edad, wala pa rin sila." Naging emosyonal ako kaya tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ko. "Alexa...." Agad kong hinawi ang kamay ni Ma'am Lycka ng dadampi ito sa pisnge ko para muli niyang himasin. "Umalis ka na po. Ayaw ko na pong pag-usapan pa 'to," malung

  • Ang Inosente Kong Minamahal (SSPG)   #116

    ALEXA CHAN POINT OF VIEW "BOGS!" Isang malakas na tunog ang nagpagising sa akin. Kulang na lang pati kaluluwa ko bigla ng umalis sa katawan ko dahil sa gulat. Napabalikwas ako at deretsahan na bumangon kahit antok na antok ako. Infairness, nakatulog ako kahit mainit. Humarap ako sa pintuan. Doon ay nakita ko ang nakatayong si Lycka. Walang emosyon ang mukha niya. Baka naman nandito siya para awayin din ako? Kahit na anong gawin niya sa akin pipiliin ko pa rin ang tumayo ng tuwid. Humakbang siya papalapit nang papalapit sa akin. Hanggang sa kunting espasyo na lang ang pagitan naming dalawa. Pero, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang kakaiba ang titig niya. Napapikit ako ng makita kong itinaas niya ang palad niya. Nanginig ako sa takot dahil muli na naman akong makakatanggap nito ng sampal. Nakakapagod na rin masampal ng kung sino-sino lang. Tapos ako walang laban. "Pasensya ka na Alexa." Gulat na gulat kong binuksan ang mga mata ko. Hindi niya ako sinampal. Kundi, h

  • Ang Inosente Kong Minamahal (SSPG)   #115

    Natapos na lang ang lunch time. Pero, walang kahit kunti man lang ang bumawas na kinakain ni Mike. Hindi na rin nagtagal si Mike at Lance sa bahay ng mga Progella. Nagpaalam na sila nang maayos at sabay din silang lumabas. Magkasama sila sa iisang kotse lang at si Lance ang nagmaneho. "Kuya, pwede bang magpakita ka naman ng kunting pagmamahal kay Margie. Masyado mo na siyang sinasaktan. Nakita mo naman kanina kung gaano siya kasaya nang pumasok sa kwarto niya sa hospital 'di ba? Pagbigyan mo naman siya sa hiling niyang manatili ka rin sa tabi niya kahit paano." Seryoso at buong boses itong wika ni Lance. Subalit, sinandal lang ni Mike ang kaniyang ulo sa kaniyang upuan. Tahimik pa rin at nakatingin lang sa malayo. "Hindi ka naman ganyan kay Margie. Kaya, tama na ang pagpapanggap mo. Tyaka, kahit saglit lang kuya pasayahin mo siya. Ako na ang nakikiusap sa 'yo. Dahil, ilang araw na lang babalik na si Luna at hindi ka na masyadong malalapitan ni Margie tulad ng paglapit niya sa

  • Ang Inosente Kong Minamahal (SSPG)   #114

    Nakamasid lang ako sa lahat habang nakaupo lang ako dito sa sofa sa sala. Oo, lahat sila ay abala pa rin sa mga ginagawa nila. Samantalang ako ay walang magawa dito sa buhay ko. Walang pinagbago kasi kung sa bahay ni Mike wala rin akong masyadong magawa. Ang kaibahan lang, mas maayos ang trato nila sa akin kaysa dito. Kung nandito lang sana si Tita, ede sana siya ang kausap ko ngayon. Kaso nga lang, saan ko naman siya hahanapin? Mukhang kasama naman siya ni Señora sa paglabas ng bahay na 'to. Hindi magawang maging masaya ng mata ko ngayon. Tahimik nga lang ako at walang kibo. Ngunit, ilang saglit lamang ay nakarinig ako ng tunog ng mga sasakyan. Tila kakarating lang nila dito sa bahay. Siguro sina lola na iyon. Kaya naman, tumayo ako upang magtungo sa pintuan. Subalit, hindi pa man ako nakakapunta roon. Biglang lumapit sa akin ang dalawang lalaki kanina na nakatayo sa pintuan. Ikinagulat ko na bigla akong kinarga ng isang lalaki. Kinakabahan ako ng makita ko mula sa likuran niya ang

  • Ang Inosente Kong Minamahal (SSPG)   #113

    ALEXA CHAN POINT OF VIEW Bahala na nga ang buhay ko. Basta hindi ko kaya ang init dito. Sobrang init, parang nasa loob ako ng oven na niluluto eh. Kulang na lang maging lechon tao ako dito at gawing ulam nila ngayon. Walang gana akong tumayo mula sa pagkahiga ko. Pakiramdam ko pagod na pagod na ang katawan ko. Pero, alam ko rin naman na hindi ako makakatulog kapag mainit talaga dito sa loob ng kwarto. Kaya kailangan kong humanap ng paraan. Lumabas ako sa kwarto, mainit ang araw. Sobrang init dala yata ng pagiging hot ng katawan ko, ayieee! Patuloy lang akong naglakad, tahimik ang bahay. Pero, abala ang iba sa pagluluto o sa pag-aayos ng bahay. Samantalang ako, malaya lang naglakad-lakad dito sa loob. Kaso nga lang mula sa isang yaya na na nagpupunas sa isang vase. Malalim ang tingin nito sa akin. Halatang mataray ang babaeng 'yon. Pero ayos lang naman, dahil hindi naman siya maganda. Saglit akong napatawa sa isipan ko dahil sa kalokohan na pumasok sa utak ko. Ngunit, gayunpama

  • Ang Inosente Kong Minamahal (SSPG)   #112

    Pagod na pagod na napa-upo si Shasha sa sahig. Naghabol siya ng hininga dahil sa pagod. At dahil din sa init, ginawa niyang pamaypay ang suot niyang damit. Pawis na pawis ang dalaga, halos maligo siya sa sariling pawis niya. "Ang init naman dito, nakakapagod na nga maglinis eh. Pero, yehey! Mabuti na lang tapos na akong maglinis!" tuwang-tuwa na sigaw ni Shasha sabay masayang itinaas niya ang dalawang kamay niya. Inilibot niya ang kaniyang paningin at gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya. Dahil ang maduming kwarto kanina ay sobrang malinis na ngayon. Kahit paano ay nakahinga na ng maluwag si Shasha. Napahiga siya sa malinis na sahig at nakangiting tumingin sa bubong. Sa Mondragon family naman. Mahigpit na nakakuyom si Mike ng kamao niya. Dahil sa mensaheng iniwan ni Shasha sa kwarto nito. "Kaya ba nanatili ka sa tabi ko kagabi. Dahil aalis ka pala? Damn it Alexa, I told you hindi ka pwedeng mawala sa akin!" Halos mangitngit sa galit ang panga ni Mike. Halos manlisik ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status