"Hmm, tahan na ah. Huwag ka na umiyak. Ligtas ka na sa akin Miss." Pinunasan ko ang mukha ng babae, kahit walang luha. Nagbabasakali lang ako na may tumulo. Pero sa nakikita ko para siyang galit sa akin. Siya na nga 'tong tinulungan ko dahil muntik na siyang mapatay. Tapos siya pa itong galit sa akin? Pero ayos lang, naiintindihan ko ang nararamdaman niya.Bago ko makalimutan, nandito kami sa kwarto ni boss. Dahil sinumbong ko ang lalaking pumatong sa babae kanina at nakahubad pa nga talaga."Mia, sabihin mo nga sa akin. Ano ba talaga ang nangyari? Sinasabi mong pinapatay ng kapatid ko ang girlfriend niya?" Nagtataka ang mukha niya. Pati ba si boss ayaw maniwala sa akin? Sige! Ipapaliwanag ko, hmmp!Humarap ako nang maayos sa kaniya. Masama ang tingin sa akin ng lalaki na tinatawag ni boss na kapatid niya. Nasa gilid siya ni kuya at nakatayo."Opo boss, nakita ng dalawa kong mata at narinig ko rin na sumisigaw sila pareho." Huminga ako nang malalim bago magpatuloy. --- "Boss, nakita
Terakhir Diperbarui : 2026-07-13 Baca selengkapnya